Hinaplos ni Maxine ang ulo ni Tiara at nakangiting sumagot, "Mahabang kwento. Ikekwento ko sa'yo lahat mamaya.""Sige." Tumango si Tiara. Sa sandaling iyon, ilang henyo mula sa kalawakan ang lumapit. Si Lucifer ang naunang lumapit kay James. Tumayo siya sa tabi at tumingin kay James na nanghihinang nakahiga sa lapag habang pinapagaling ang mga sugat niya. Ngumiti si Lucifer at nagsabing, "Ilang taon na nang huli tayong nagkita, James. Lumakas ka na kumpara noon. Pagkatapos kong mapanood ang laban ni kay Yorick, mahihirapan akong talunin ka kahit na sa kasalukuyan kong lakas."Inisip ni Lucifer ay may lakas na siya para talunin si James pagkatapos magsikap nitong mga nagdaang taon. Gayunpaman, napansin niyang naging nakakatakot ang lakas ni James pagkatapos mapanood ang laban. Kahit na na-master na niya ang Fifth Combat Form, baka hindi pa rin niya matalo si James. Kung lalabanan niya ulit si James, matatalo pa rin siya. Bahagyang ngumiti si James bilang sagot. Sa sandalin
Hindi madali para kay James na manalo sa laban. Gayunpaman, katanggap-tanggap ang mga resulta nito. Pagkatapos makipagtuos sa mga Foreigners, nagpunta si James sa Bane City at nakita niya sina Henry, Tyrus, at ang iba pa. Ayos lang silang lahat. Pagkatapos ayusin ang ilang bagay, dinala silang lahat ni James pabalik sa Wyrmstead. Para naman sa mga tao ng Three Thousand Worlds, hindi sila masyadong pinansin ni James. Binigyan na niya sila ng pagkakataong pumasok sa Mount Bane. Basta't pwede silang pumasok sa Mount Bane, pwede nilang gamitin ang Spiritual Energy doon para pigilan ang sumpa sa mga katawan nila. Mas nag-aalala ngayon si James sa mga pangkaraniwang tao at cultivators na may mababang cultivation ranks. Umupo si James sa pinakamataas na upuan sa council sa main hall ng Wyrmstead. May hawak na report si Quincy at nagsabing, "Hawak ko ang bagong balita, James. Nalagyan na ng sumpa ang buong sangkatauhan. Nasa tatlong milyong tao ang namamatay sa sumpa araw-araw
Hindi inasahan ni James na biglang lilitaw si Brielle. Tumingin si Thea kay James at malokong ngumiti. Pagkatapos, nagsabi siya, "M-May iba pa akong gagawin. Mauuna na ako."Pagkatapos magsalita, tumayo siya at umalis. “Thea…”Tumayo si James at gusto niya siyang habulin, pero pinigilan siya ni Brielle. Hinila ni Brielle ang braso ni James at malamig na nagtanong, "Nasaan ang bodhi tree?""Hayaan mo kong magpaliwanag, Brielle." Namomroblemang tumingin si James kay Brielle. Binitawan ni Brielle si James, pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya, at tinitigan nang masama si James. Seryosong nagsabi si James, "Alam mo na ang sitwasyon sa Earth at ang pagsubok na pinagdaraanan ng mga tao ngayon. Hindi ko ninakaw ang bodhi tree para sa sarili ko, kundi para sa kapakanan ng sangkatauhan. Gusto kong tulungang lumakas nang mabilis ang mga tao.""M-Mahalaga ang bodhi tree para sa pagtagal ng clan ko sa Demon Realm." Tinitigan nang masama ni Brielle si James at nagsabing, "K
Alam ni James na may kasalanan siya kay Brielle. Gayunpaman, hindi niya gusto ng iba pang hindi pagkakaunawaan. Kung kaya't pinili niyang umalis at bumalik sa sarili niyang tinitirahan. Nakabalik na si Thea at nakaupo sa isang bangko sa labas ng bakuran. Hindi siya nagulat na makita si James na bumalik nang ganito kabilis dahil alam na alam niya ang pagkatao ni James. Tumayo siya at palabirong nagtanong, "Bakit ang bilis mo namang bumalik? Dapat sinamahan mo muna siya. Sa nagdaang ilang taon, naglakbay siya kasama ko para hanapin ka." Lumapit si James, umupo, at namomroblemang ngumiti. "Noon, pinakasalan ko lang siya para nakawin ang bodhi tree. Gayunpaman, kailangan ko ngang humingi ng tawad sa kanya. Kailangan kong maghanap ng pagkakataon para makabawi sa kanya."Umupo rin ulit si Thea. "Siya nga pala, anong susunod mong gagawin?"Nag-isip sandali si James at nagsabing, "Hindi pa nagagawa ang elixir para pahinain ng sumpa, at hindi tiyak kung gaano katagal itong magagaw
Pagkatapos umalis ng lahat sa bundok, nalaglag ang singsing sa kamay ni James. Pagkatapos, patuloy itong lumaki hanggang sa maging isang malaking espasyo. Nang nakita niyang lumitaw ang Celestial Abode sa tuktok ng bundok, nakuntento si James. Bumulong siya, "Mananatili ako rito sa ngayon at hihintaying dumating ang third providence pati na rin ang curse-suppressing elixir."Simpleng kumumpas si James. Bumukas ang gate ng Celestial Abode. Pumasok siya sa loob at lumitaw sa isang bundok sa labas ng lungsod ng Celestial Abode. Puno ng Spiritual Energy ang bundok at napakaraming prutas ang nakatanim sa lugar. Ang lahat ng mga prutas na ito ay naglalaman ng matinding kapangyarihan. Ang lahat ng nasa loob ng Celestial Abode ay pagmamay-ari ni James. Nang nakita niya ang mga bagay sa paligid niya, nakaramdam ng kaunting tagumpay si James. Humakbang siya at bumaba sa bundok. Hindi nagtagal, nakarating siya sa city gate at naglakad papunta sa City Lord's Mansion. Pagkatapos la
Ang misteryosong pinto ay puno ng makapangyarihang enerhiya. "Iyan ang South Heaven Gate."Habang pinag-uusapan ng mga henyo ang Divine Door, isang boses ang bilang narinig. Nang narinig nila ang boses, maraming nilalang ang lumingon para hanapin ang pinagmulan nito. Isang lalaking nakaputing balabal na may dalang espada ang lumapit. Hindi siya kagwapuhan pero disente and itsura niya. "Walganus?" Nagsalubong ang kilay ni James. Lumapit siya kay Walganus at nagtanong, "Alam mo ba ang pinagmulan ng pintong ito?"Maraming henyo ang tumitig kay Walganus. Hinihintay nila ang sagot niya. Tinitigan ni Walganus walganus ang Divine Door at binalikan ang mga alaala niya. Pamilyar siya sa Divine Door. Noon, dati niyang pinaglalaruan ang pintong ito. Pagkatapos ng isang sandali, tumango siya at nagsabing, "Oo. Alam ko kung saan ito nanggaling.""Sir, anong pinagmulan ng Divine Door na ito?""Oo nga. Diretsuhin mo na at sabihin mo sa'min.""Ito ba ang third providence?"Tina
Pinunasan ni Walganus ang dugo sa mga labi niya at nagsabing, "Alam ko. Mukhang maaga akong nagising at nalampasan ko ang pagkakataon kong makuha ang providence."Nagtanong si James, "May maitutulong ba ako sa'yo?"Huminga nang malalim si Walganus para pakalmahin ang sarili niya. "Noong Ancient Heavenly Court Age, napakaraming Supernatural Powers at Secret Arts ang naroroon. Gayunpaman, ang pinakamalakas sa kanila ay tinatawag na Three-Thousand Cultivation Arts. Isa itong natatanging Supernatural Power na nakuha ng ama ko pagkatapos hulaan ang Heavenly Path.""Ang Three-Thousand Cultivation Arts?"Nagulat si James. Noong nasa Demon Realm siya, tinalo ni Sophie ang tatlong makakapangyarihan gamit ng Three-Thousand Cultivation Arts. Sabi ni Walganus, "Oo. Base sa nalalaman ko, tinala ng ama ko ang Three-Thousand Cultivation Arts sa Heavenly Book. Ang Heavenly Book ay ang kayamanan ng Ancient Heavenly Court. Gayunpaman, hindi ito nahanap sa buong kasaysayan."Kung kaya't hula k
Hindi talaga alam ni James kung anong sasabihin kay Brielle. Pinaglaruan niya ang nararamdaman niya at ninakaw niya ang bodhi tree ng pamilya niya pagkatapos ng kasal nila.Kahit na anong mangyari, gustong mabawi ni Brielle ang bodhi tree, na mahalaga para sa pagtatagal ng Labhrann Clan.Para naman sa kasal niya kay James, hindi pa napag-isipan ni Brielle kung paano ito haharapin. Gayunpaman, kinilala na niya si James bilang asawa niya sa loob-loob niya. Sa kabila nito, hindi siya gustong tanggapin ni James at wala siyang magagawa. Nakangiting nagsabi si Qusai, "James, hayaan mo nang sumama si Brielle sa'tin. At saka hindi ba nabanggit ni Henrik na pambihira si Brielle at siya ang unang makakarating sa Emperor Rank sa Apocalypse Age? Higit pa roon, napakaswerte niya kaya sigurado akong mababahaginan ka ng biyaya niya pag nasa paligid siya."Nang marinig ito, tumingin si James kay Brielle. Sinabi nga ni Henrik na si Brielle ang unang magiging Grand Emperor sa hinaharap. M
Bagama't makapangyarihan ang Seveth Stage ng Omniscience Path, partikular itong kahanga hanga sa Greater Realms.Isang respetadong Space Race elder ang nagkomento, "Bagaman siya ay nasa Seventh Stage pa lang, nagawa niya iyon habang ang Omniscience Path ay pinipigilan. Ito ay tiyak na mahirap isipin."Marami sa mga Elder ng Space Race ang nagtipon at nagbahagi ng kanilang mga opinyon tungkol kay James.Samantala, umalis na sina James at Dahlia sa Space Realm. Ang dalawa ay bumalik sa Soul Realm at kaagad na nakarating sa Chaos sa labas ng Soul Realm.Sa isang lugar sa Chaos, pinakawalan ni Dahlia si Balchae. Ang cultivation base ni Balchae ay selyado pa rin at hindi pa siya nagkamalay.Tumingin si Dahlia kay James at nagtanong, "Paano natin siya haharapin? Dapat ba natin siyang patayin o panatilihin siyang buhay?"Sabi ni James, "Hindi pa natin siya kailangang patayin. Baka may soul lamp siya sa Hopeless City. Kapag namatay siya, mamamatay ang soul lamp. Kapag nangyari iyon, masi
"Naabot ko na sa wakas ang Seventh Stage ng Omniscience Path at mas malakas na ako ngayon kaysa sa Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank. Naabot ko na rin ang Quasi Acme Rank."Huminga ng malalim si James. Ang pagsasanay sa Omniscience Path ay napakahirap. Naabot lamang niya ang Seventh Stage pagkatapos ng labis na pagsisikap at paglaan ng maraming oras. Ayon sa alam ni James, ang pinakamataas na yugto sa Omniscience Path ay ang Ninth Stage.Ang isang taong nakarating sa Sixth Stage ng Omniscience Path ay si Haestra. Walang sinuman sa Greater Realms ang may kakayahang pumatay sa kanya. Ang pinaka magagawa nila ay iseal siya sa isang lugar.Pinakalat ni James ang kanyang aura at tinanggal ang formation. Itinulak niya ang gate at lumabas ng mansyon. Habang naglalakad siya palabas, nakita niya ang isang makapal na babae na nakatayo sa kanyang harapan at galit na galit na nakatingin sa kanya.Napakamot ng ulo si James at nagtanong, "Anong problema? May maitutulong ba ako sayo?"“Ika
Ang Ten Great Races ay nagsama sama upang limitahan ang potensyal na cultivation ng Human Race. Bilang resulta, maaabot lamang ng mga tao ang Third Stage ng Omniscience Path.Matagumpay na nakapasok si James sa Ikaapat na Yugto ng Omniscience Path sa tulong ni Thea. Pagkatapos, nakuha niya ang Light of Acme sa Ecclesiastical Restricted Zone at naabot ang Fifth at Sixth Stage.Simula noon, ang kanyang pisikal na lakas ay lumago sa isang glacial rate at nadama ni James na walang gaanong pag unlad. Ngayong mayroon na siyang Fruit of Life, umaasa siyang maaabot niya ang mga bagong taas.Ang kanyang Blood Energy ay umuuga at ang kanyang istraktura ng buto ay nagsimulang magbago. Kasabay nito, ang kanyang mga selula ng kalamnan ay nasira at paulit ulit na binago ang kanilang mga sarili. Sa buong proseso, unti unting tumaas ang kanyang pisikal na lakas.Dumadaan sa pagbabago si James.Lumipas ang oras bawat minuto.Ang lakas ni James ay lumago nang husto. Dahan dahan niyang nirefine a
"Sasabihin ko sana sa Heaven-Eradicating Sect's Lord ang tungkol sa prutas, ngunit dahil nakapulot ka na nito, kung gayon bahala na.""Dahlia, hintayin mo ako dito. Kailangan ko maghanap ng lugar dito para mag cultivate," Sabi ni James bago mabilis na iniwan siya."Itong lalaking ito..." Napasimangot si Dahlia.‘Hindi ba siya dapat bumalik sa Soul Realm para iligtas ang aking mga villager? Bakit siya biglang aalis para mag cultivate?’ Isip ni Dahlia.Gayunpaman, wala siyang pagpipilian kundi hintayin siya dahil nakaalis na si James.Hawak ni James ang Fruit of Life at nagpakita sa isang espirituwal na bundok sa isang lugar sa domain ng Space Race. Ang Empyrean Spiritual Energy doon ay sagana.Isang manor ang nakatayo sa tuktok ng espirituwal na bundok. Diretsong lumapit si James sa gate ng manor. Isang babaeng nakasuot ng puting damit ang biglang lumabas ng mansyon.Sa sandaling siya ay lumabas, siya ay pinalipad ng isang malakas na pwersa at siya ay bumagsak sa lupa sa malayo.
Sa pamamagitan ng kanilang simpleng pag uusap, nalaman ni James ang tungkol sa pangkalahatang kasaysayan ng Space Race. Nalaman din niya ang tungkol sa Empyrean herb na iniwan ng isang powerhouse ng Human Race matagal na ang nakalipas sa plantasyon ng Space Race. Walang nakakaalam ng pangalan ng taong ito, ngunit may mga talaan tungkol sa kanya sa mga sinaunang aklat ng Space Race na tinatawag na Holy Emperor.Sa kasamaang palad, ang Empyrean herb sa kanilang plantasyon ay hindi maubos ng Space Race.Napabuntong hininga si Haestra at sinabing, “Maganda raw ang isang mahiwagang Empyrean herb na tumutubo sa aming taniman. Gusto naming hintayin itong ganap na mag mature bago makipag ugnayan sa mga powerhouse ng Human Race. Binalak naming ibalik ito sa kanila. Sa hindi inaasahan, ang Soul Race ay nakatutok dito at nagpadala ng isang hukbo upang salakayin kami. Kanina pa kami nagtatanggol sa kanila. Marami na tayong nasawi at marami sa ating mga natitirang sundalo ang nasugatan.”“Anong
"Isang karangalan na makilala ka, Sir."Kaswal na inihagis ni James si Balchae sa lupa at itinanim pa siya ng ilang sigil. Agad na nawalan ng malay si Balchae. Pagkaraan, bumalik si James sa kanyang orihinal na anyo.Marami sa mga powerhouse ng Space Race ang nakatitig kay James sa gulat.“S-Sino ka?” Naguguluhang tumingin si Haestra kay James.Si Youri, ang Dakilang Elder ng Doom Race, ay biglang nagbago bilang isang hindi kilalang tao. Ang pagkakasunod sunod ng mga kaganapan ay nabigla sa Lord ng Space Race.Bago makapagsalita si James, humakbang si Dahlia, hinawakan ang kanyang mga kamay at sinabing, "Ako si Dahlia Laoise mula sa Human Race."“Mga tao?”Tinitigan ng mga powerhouse ng Space Race sina James at Dahlia.Tumango si Dahlia at sinabing, "Nabalitaan ko na may problema ang Space Race at dumating para tumulong.""Kung gayon, sino ang lalaking ito?" Maingat na tinignan ni Haestra si James.Naramdaman niya ang Chaos Power ni James at sigurado siyang galing siya sa Doo
Humakbang si Balchae at dire diretsong nagpakilala.Si James ay nagsuot ng isang mahigpit na ekspresyon at sinabi ng palihim, "Ang Soul Race ay tiyak na lumalampas sa kanilang mga hangganan. Sinusubukan ba ninyong kontrolin ang Space Realm?"Naguguluhan, mabilis na sumagot si Balchae, “Sir, pakiusap hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ito ang iniisip mo. Natuklasan namin na ang Space Race ay lihim na nakikipagsabwatan sa Human Race, kaya nagtipon kami ng isang hukbo upang gumanti.""Ako mismo ang mag iimbestiga sa bagay na ito. Iseal kaagad ang iyong cultivation base. Ibabalik kita sa Soul Race at hihingi ng paliwanag sa Lord nila,” Sabi ni James.“O-Opo, Sir.”Hindi nangahas na tanggihan ni Balchae ang utos ni Youri. Si Youri ang Dakilang Elder ng Doom Race, maging ang kanyang amo ay manginig sa harap niya. Bagama't inutusan siya ni Waspen na kunin ang isang kayamanan, wala siyang pakialam dito ngayon.Agad na tinatakan ni Balchae ang kanyang cultivation base. Pagkasunod niya, n
Di nagtagal, dumating si James sa labas ng espirituwal na bundok kung saan sumiklab ang isang matinding labanan. Dalawang malalaking hukbo ang nakikipaglaban sa isa't isa at daan daang sundalo ang nakibahagi sa labanan. Ang paligid na lugar ay wasak sa bituka.Agad na nakilala ni Dahlia ang lugar at sinabing, “Malamang ito ang base ng Space Race. Nagdala si Balchae ng isang hukbo mula sa Soul Realm upang kunin ang damo ngunit hindi siya makalusot sa pagbuo ng bundok ng Space Race.""Ginagawa nitong mas simple ang mga bagay."Pinagsama ni James ang kanyang mga palad at naghanda na tumalon sa labanan. Bago siya makakilos, hinila siya ni Dahlia pabalik at pinaalalahanan siya, "Hindi ka dapat kumilos ng walang ingat."Malungkot na sinagot siya ni James, “Anong problema? Nagdududa ka pa ba sa akin? Isa lang siyang pinakamataas na Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Maaari ko siyang sirain sa loob ng ilang minuto."Bagama't walang tsansa si James na manalo laban sa isang Quasi Acmean, t
Ang headquarters ng Space Race ay nakabase sa Yeimiz. Mabilis na naglakbay sina James at Dahlia patungo sa Space Realm. Ang istraktura ng Greater Realms ay katulad ng universe kung saan nagmula si James. Mayroon din silang mga universe, bituin at kalawakan.Sa kalaunan, nakatagpo sila ng spatial rift. Mula sa malayo, tila ang espasyo sa paligid nito ay hiniwa ng espada ng powerhouse.Tinuro ni Dahlia ang lamat at sinabing, “Iyan ang Yeimiz. Matatagpuan ito sa pinakagitnang rehiyon ng Space Realm. Ang tamang pangalan nito ay Starry Yeimiz."“Nakikita ko.” Kinuha ni James ang paliwanag niya.Mabilis na umabante ang dalawa. Habang papalapit sila, nagsimulang lumaki ang spatial rift. Sa pamamagitan ng lamat, nakita ni James ang hindi mabilang na mga bituin. Ang bawat bituin ay napakalaking laki at nag imbak ng saganang enerhiya mula sa langit at lupa. Ito ay isang angkop na lugar upang manirahan.Dumating ang dalawa sa labas ni Starry Yeimiz.Habang nakatayo siya sa hangganan nito, n