Share

Kabanata 2735

Author: Crazy Carriage
Pagkatapos magulat, pinaalalahanan ni Marcello si James nang may seryosong ekspresyon, "James, wag mong sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. Kapag kumalat ang impormasyong ito, baka mapatay ka."

Tumango si Jace at nagsabing, "Tama si Marcello. Sa'ting tatlo lang to. Kapag nalaman to ng makapangyarihang nilalang mula sa labas, katapusan mo na."

Alam ito ni James. Kahit na ganun, hindi siya masyadong nag-aalala.

Tumawa siya at nagsabing, "Marami akong hawak na kayamanan, kabilang na rito ang Infinity Stele at ang Five Elements of Genesis. Ang bawat isa sa mga iyon ay may potensyal na makatawag ng malalakas na nilalang para pag-awayan ito. Mayroon lang talagang seal sa Earth at hindi nakakapasok ang malalakas na nilalang na iyon mula sa labas.

"Para makapasok sa Earth ang makapangyarihang nilalang na iyon mula sa labas, kailangang munang bumukas ang seal sa Earth.

"At pagkatapos lang ng Four Calamities, doon lang tuluyang bubukas ang seal ng Earth. Sa ngayon, kakasimula pa lang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2736

    Pagkatapos marinig ang tungkol sa providence ng Third Calamity ng Earth, naging interesado si James. Tunay siyang naging interesado rito. Kinailangan niyang magtanong, "Totoo ba talaga ang sinabi mo?"Tumango si Jace at sumagot, "Pinakalat ito ng isang napakaprominenteng nilalang sa Demon Realm. Ang nilalang na ito ay ang dating Lord ng Demon Realm. Sa Primordial Age, isa na silang Grand Emperor."Pagkatapos marinig ni James ang mga sinabi niya, nahulaan niya ang pagkatao ng makapangyarihang iyon. Siya ang dating Lord of the Demon Realm, ang guro ni Henrik. Inisip ito sandali ni James, pagkatapos ay nagtanong, "Kailan lilitaw ang providence ng Third Calamity?"Mahinang umiling si Jace at nagsabing, "Iyon ang hindi ko alam. Gayunpaman, dahil lumitaw na ang Third Calamity ng sangkatauhan, malamang ay susunod na rin ang providence ng Third Calamity. Magtiyaga ka lang sa paghihintay.""Sige." Tumango si James. Determinado siyang nakuha ang providence ng Third Calamity. Leap out

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2737

    "Tama ka. Ang providence na ito ay para sa buong kalawakan. Hindi lang ito para sa sangkatauhan.""Buksan mo ang lagusan, Emperor Tigranes."…Pinapakiusapan ng mga cultivator mula sa Demon Realm at iba pang mundo si Tigranes na buksan ang lagusan. Sa harap ng pakiusap nang napakaraming cultivators, napaisip si Tigranes. Pagkatapos itong pag-isipan, nagsabi siya, "Dahil gusto nitong pumunta sa Earth, hindi ko pwedeng hindi pansinin yan. Sige. Bubuksan ko ang lagusan papuntang Earth mula ngayon. Ang bawat isang nilalang na pwedeng makipaglaban para sa providence ay maaaring maglakbay sa Earth. "Pero, pwede lang silang pumunta roon para makipaglaban para sa providence. Kapag may cultivators na bumisita sa Earth nang may ibang intensyon, wag niyo kong sisihin sa pagiging malupit ko."Naging seryoso ang ekspresyon ni Tigranes. Binabalaan niya ang ilang nilalang na naroon na para bang tiyak na may ilang nag-iisip na gamitin ang pagkakataong ito na pumuslit sa Earth. Sa Earth, ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2738

    Binuksan ng Hadean Clan ang lagusan papuntang Earth at sunod-sunod na naglakbay ang mga henyo mula sa iba't-ibang clan sa Demon Realm papuntang Earth. Kahit ang ilang mga henyo mula sa Mortal Dimension at Sage Dimension ng Demon Realm ay nag-iisip ng paraan para makapasok sa Divine Dimension nang may balak na maglakbay sa Earth mula sa lagusan. Samantala, lumitaw sa Divine Dimension ng Demon Realm ang malalakas na nilalang mula sa buong kalawakan at dumating sila sa Hadean Clan kasama ng mga henyo sa ilalim ng pagtuturo nila. Hindi nagtagal, napakaraming henyo ang papunta sa Earth. Sa Sage Dimension ng Demon Realm, isang kabundukan ang biglang nabiyak. Boom!Makapal ang hangin na may mga ulap ng alikabok. Isang babae ang nakatayo sa langit. Ang babae ay nakasuot ng itim na bestida at may hawak na itim na espada. Medyo kurbado ang dulo ng talim nito. Sumasayaw sa ere ang mahaba niyang buhok. May malamig na ekspresyon sa mukha niya. Iyon ay si Thea. Mabangis na nakikipag

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2739

    "Mhm."Mahinang tumango si Thea at pinagana ang Sage Energy niya para pigilan ang pwersa ng sumpa. Pagkatapos ng maikling sandali, sa wakas ay gumanda na ang pakiramdam niya. Pagkatapos bumalik sa normal ang kutis niya, nagsalita siya, "Tara na."Umalis ang dalawa sa lugar at nagpunta na sila sa Hadean Clan ng Sage Dimension. Mula sa Hadean Clan ng Sage Dimension, naglakbay sila papuntang Divine Dimension. …Hindi alam ni James na binuksan ng Hadean Clan sa Demon Realm ang lagusan. Wala siyang kaalam-alam na pumunta sa Earth ang mga henyo ng buong kalawakan mula sa lagusan sa Demon Realm nang may intensyong makuha ang providence ng Third Calamity. Sa sandaling ito, nakaupo siya nang pa-lotus position sa tuktok ng Mt. Thunder Pass sa Wyrmstead. Lumulutang ang Sword Energy sa paligid niya. Lumitaw at lumutang ang Sword Energy ayon sa mga kilos niya. Isang napakalakas na aura ang nagmumula sa kanya. Matiyagang nagcucultivate si James. Sinasanay niya ang swordsmanship na nak

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2740

    Ang kalawakan ay malawak at walang hangganan. Matagal nang pinag-aaralan ng mga tao ng Earth ang kalawakan noon, pero hindi pa nila nauunawaan nang kumpleto ang solar system lalo na ang kalawakan. Gamit ng agham at makabagong teknolohiya, kahit na ilang libong taon ang lumipas, hindi pa rin mauunawaan ng mga tao ang kalawakan. Sa malawak na kalawakan, may pitong Greater Realms. Isa sa pitong Greater Realms ay sinira ng mga tao noong Primeval Age. Ngayon, anim na realms na lang ang natitira. Ang anim na realms na ito ay tinawag na Greater Realms dahil lahat ng anim na realms na ito ay nakahiwalay sa tatlong planes of existence. And tatlong planes of existence ay ang Mortal, Sage, at Divine. Ang ibang planeta ay walang magkakaibang planes of existence. Gayunpaman, kahit na maraming planeta ang hindi nahahati sa magkakaibang planes of existence, malalakas pa rin sila Sa malawak na kalawakan, may napakaraming planetang nabubuhayan ng mga nilalang. Paparating na ang providence

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2741

    Si Quintina ay anak ng pinuno ng Ancient Clan sa Ancient Realm.Nakausap siya ni James habang nasa Ancient Realm siya, ngunit napakatagal na panahon na ang lumipas mula noong huli silang nagkita.Si Quintina ay isang Grand Supernatural na ipinanganak ng may mahiwagang mga inskripsyon sa loob ng kanyang katawan. Ang isang prodigy na gaya niya ay nakatakdang magtagumpay maging sa Apocalypse Age.Nang makarinig siya ng isang boses, tumigil si Quintina sa pagku-cultivate at itinaas ang kanyang ulo upang makita ang taong papalapit sa kanya. Bahagya siyang nagulat nang makita niya si James.Pagkaraan ng ilang segundo, masaya siyang tumayo.“J-James?”Naglakad papunta sa kanya si James. Noong nakita niya ang maputlang mukha ni Quintina, agad niyang napagtanto na naapektuhan ng sumpa si Quintina.“Ikaw nga, James!”Tinitigang maigi ni Quintina si James. Pagkatapos kumpirmahin ang kanyang pagkatao, napuno ng tuwa ang maganda niyang mukha habang nagtatanong siya, “Saan ka nagpunta? Ang t

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2742

    Nasuri na ni James ang lakas ng mga salot na mga dayuhang ito bago siya pumunta sa Mount Bane.Nasa Fifteenth Stage na ng Sage Rank si Henry at ang iba pa, ngunit nagkaroon sila ng mga breakthrough sa Galileo kung saan walang mga seal sa kanilang katawan. Bilang resulta, ang kanilang mga cultivation base ay hindi maayos.Nasa bandang Tenth Stage lang sila ng Sage Rank kung iko-condense nila ang kanilang cultivation base.Nangangahulugan iyon na ang kanilang lakas ay nasa Tenth Stage lamang ng Sage Rank kung talagang naabot nila ang peak ng bawat stage bago nila maabot ang kasunod nito.Kamakailan lang naging isang Sage si James, at ang kanyang lakas ay hindi maihahambing sa isang Tenth Rank Sage.Kahit na gamitin niya ang Sacrilegious Ascension at i-activate ang kapangyarihan ng dragon bone, kulang pa rin ang kanyang lakas.Gayunpaman, ang kanyang swordsmanship skills ay higit na mas malakas kaysa sa kanyang cultivation rank.Bago siya naging isang Sage, napatay niya ang isang h

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2743

    Kumulo ang dugo ni James sa galit.Hindi niya inasahan na ganito kalakas ang loob ng mga dayuhan upang sakupin ang Mount Bane.Kapag hindi niya sila pinigilan, sasakupin nila ang buong Earth.Sa kasalukuyan, ang Mount Bane ang lugar na pinaka-sagana sa Spiritual Energy sa Earth. Isinumpa ang mga tao, kaya kailangan nilang humigop ng Spiritual Energy upang pigilan ito.Determinado si James na bawiin ang Mount Bane mula sa mga dayuhang ito.Tumingin siya nang masama sa mga sundalong nakaharang sa daan niya.Ang mga sundalo ay malalakas na Sage. Sa Earth, mayroon silang taglay na napakalakas na kapangyarihan. Kahit na ikumpara sila sa mga Outsider mula sa Three Thousand Worlds, ang mga sundalong ito ay higit na mas malakas kaysa sa kanila.“Sisiguraduhin mong magsisisi kami, hah?”Tiningnang maigi ng isa sa mga sundalo si James.Bagama't hindi niya matukoy ang lakas ni James, alam niya na si James ay isang hamak na tao lamang mula sa Earth. Hangga't ang kalaban ay isang tao mula

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4133

    Bukod dito, tinuruan din ni Soren si James ng ilang mahirap na inskripsiyon sa pagbuo.Si James at Wotan ay patuloy na naglakbay sa Planet Desolation. Sunud sunod silang lumitaw sa mga sinaunang guho. Sa bawat oras na lumitaw sila sa isang sinaunang guho, gugugol si James ng ilang oras upang sirain ang formation.Sa isang kisapmata, nahanap na nila ang sampu-sampung sinaunang guho at nabasag ang sampu sampung formation. Gayunpaman, walang anuman sa mga formation. Walang kahit isang disenteng elixir, pabayaan ang Palace of Compassion."Maraming nabubuhay na nilalang sa unahan."Sa tuktok ng isang bundok, tumingin si Wotan sa ibaba, at sa ilalim ng kanyang mga pandama, naramdaman niya ang isang malakas na pormasyon sa lalim ng bundok kung saan maraming nabubuhay na nilalang ang nagtitipon.Ang mga buhay na nilalang na ito ay mga powerhouse, kabilang si Prinsesa Leilani ng Angel race, si Wynnstan ng Doom Race at si Sigmund ng Devil Race.Nakilala silang lahat noon ni James, ngunit ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4132

    Walang pakialam si James na makipag-alyansa kay Wotan dahil gusto rin niyang makipag alyansa sa huli.Gayunpaman, bago sila mag alyansa, kailangan nilang pag usapan kung paano hatiin ang mga kayamanan."Pag usapan natin kung paano hahatiin muna ang mga kayamanan." Sa pagtingin kay Wotan, sinabi ni James, "Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa iyo, ngunit mas mabuti para sa ating dalawa sa ganitong paraan.""Paano kung hatiin ng pantay pantay?" Saglit na nag isip, sinabi ni Wotan, "Pagkatapos lumitaw ang mga kayamanan, kunin natin nang patas ang kailangan natin."Bahagyang umiling si James at sinabing, "Hindi.""Ano ang gusto mo kung gayon?"Sumagot si James, "Nasira ko ang formation at tiwala akong masisira ko ang anumang formation sa Planet Desolation. Kaya, hindi patas sa akin ang paghahati ng pantay. Dapat kong kunin ang higit pa nito at piliin muna ang mga bagay."Tunay na malakas si Wotan, ngunit sa mga mata ni James ngayon ay isa lamang siyang manlalaban.Ng marinig iyon,

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4131

    Tumingin si James sa ibaba. Sa huli, dumapo ang kanyang tingin sa isang sirang pormasyon.Paghakbang sa kawalan, naglakad siya pababa at lumitaw sa labas ng formation. Nakatutok siya rito.Malalim ang pagkakabuo. Kahit na ito ay isang sirang formation, mayroon itong kapangyarihang wasakin ang mundo. Kahit na ang isang Quasi Acmean ay nakulong dito, siya ay papatayin kaagad sa pamamagitan ng kapangyarihan nito.Gayunpaman, natutunan ni James ang Planet Desolation Formation Inscription. Naunawaan niya ang pinaka primitive na anyo nito.Gaano man kalalim ang isang pormasyon, ito ay hinango mula sa pinaka primitive na inskripsiyon. Ngayon, kailangan lang niya ng ilang oras para masira ang formation."Paano na? Masira mo ba ang formation?"Habang nakatitig si James sa formation, may boses na nagmula sa likod. Hindi na niya kailangan pang lumingon para malaman na si Wotan iyon.Nagmamadaling lumapit si Wotan at humarap kay James. Magkatabi siyang napatingin sa formation na nasa harapan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4130

    'Ang Compassionate Path Master? Sino ang taong ito?’ Walang ideya si James.Nakilala lamang niya ang makapangyarihang mga pigura sa Greater Realm sa kasalukuyang sandali, hindi ang mga lumitaw sa nakaraan. Gayunpaman, alam niya kung gaano kalakas ang isang Caelum Acmean. Ito ang kilalang tuktok ng cultivation. Walang sinuman sa Greater Realm ang nakarating dito.Ngayong lumitaw na ang pamana ni Caelum Acmean, maraming makapangyarihang tao ang nabighani. Maging ang mga galing sa sobrang lahi ay naakit sa pamana."Ang Compassionate Palace, huh? Saan 'yan?" Bulong ni James sa sarili.Ang nabubuhay na nilalang na nagsalita ay nagsabi lamang sa kanila na ang Palasyo ay nasa Desolate Galaxy, ngunit inalis ang mga detalye na nauukol sa lokasyon nito.Gayunpaman, dahil ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa Kalawakan ay pinakamakapangyarihang mga pigura, ang paghahanap ng isang palasyo sa Stone Realm ay magiging isang madaling gawain, lalo na ang isang palasyo sa Desolate Galaxy.Binuksan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4129

    Isang pagsabog ang naganap sa abot-tanaw. Ang kamao na nilikha ni James ay hindi nakapinsala sa pagbuo. Sa halip, ang hindi magagapi na enerhiya ay nagkatawang tao mula sa abot tanaw at tumungo sa direksyon ni James.Mabilis itong naiwasan ni James. Pumalakpak! Isang napakalaking bangin ang lumitaw sa ibaba niya."Napakalakas ng pormasyon. Kung tumama sa akin ang napakalaking bola ng enerhiyang ito, napunit na sana ang balat ko. Kung nakaligtas ako, kumbaga." Huminga ng malalim si James.Hindi na siya nagtagal. Itinago niya ang sarili niyang aura at pumasok sa isang invisible mode, malapit sa core area.Sa Desolate Galaxy, ang bawat buhay na nilalang ay mayroon lamang tatlong libong taon upang mabuhay. Maaari lamang pumatay ng iba upang madagdagan ang kanilang buhay. Kung hindi, mabubura sila ng formation kapag tapos na ang kanilang limitasyon sa oras.Si James ay wala ring mahirap na damdamin. Siya ay tulad ng God of Death, umaani ng kamatayan mula sa mga buhay na nilalang habang

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4128

    Nakatakas si James. Nakuha niya ang Providence na nagtaas ng kanyang Omniscience Path at pisikal na kapangyarihan sa susunod na antas. Ngunit napakaraming buhay na nilalang at makapangyarihang pigura na kahit si Wotan, isa sa nangungunang sampung numero sa Chaos Ranking, ay maaari lamang silang pigilan sa loob ng sampung minuto.Nagtitiwala si James sa kanyang mga kakayahan, ngunit hindi sapat na mayabang upang labanan ang napakaraming makapangyarihang nilalang ng sabay sabay.Umalis siya sa bilis ng kidlat. Ginamit niya ang Space Path para umalis at binura pa ang mga bakas ng Path para hindi nila maramdaman ang kanyang lokasyon.Napakalaki ng Desolate Galaxy. Pagkaalis ni James, nagpakita ulit siya sa malayong lugar. Muli, pumasok siya sa isang masukal na kagubatan. Umupo siya sa isang malaking sanga ng puno na nakalagay sa lotus para maramdaman ang kanyang pisikal na kapangyarihan.Tunay na lumakas ang kanyang pisikal na kapangyarihan matapos isawsaw ang sarili sa limang kulay na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4127

    Sa sandaling ito, naramdaman ni James na nasira ang Time Formation na kanyang itinayo. Ang pagkabasag na ito ng pormasyon ay sinundan ng isang malakas na haligi ng liwanag.Agad siyang pumasok sa Ikapitong Yugto ng Omniscience Path at naglabas ng puting liwanag mula ulo hanggang paa, na naging isang maliwanag na haligi. Umakyat ang liwanag na haligi, sinalubong ang nahuhulog na haligi.Clap! Nagsalpukan ang dalawang pwersa, na nagbuga sa mga tipak. Ang nagresultang produkto ng banggaan ay napakalakas na winasak nito ang buong lugar, na naging isang walang laman na lugar. Sa susunod na sandali, gayunpaman, lahat ay nakuhang muli.Lumitaw si James sa abot-tanaw. Ang malagim na sugat ay tumama sa kanyang buong katawan. Nabali ang isang paa niya. Nakatayo siya ng ganoon sa hangin, humihingal at nagha hyperventilate.“Kahanga hanga.” Hindi maiwasan ni Wotan na humanga sa lakas ni James. Ito ay pwersang pinagsama samang ginawa ng hindi bababa sa dalawampung Quasi-Acmeans, ngunit nagtagump

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4126

    Si Wotan ay medyo tiwala sa kanyang mga kakayahan. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay isang bilang ng mga Quasi Acmean figure. Kahit gaano pa siya kalakas, halos sampung minuto lang niya kayang labanan ang mga ito.Buti na lang, sapat na ang sampung minuto para kay James, salamat sa Time Path na pinagkadalubhasaan niya. Maaari siyang manatili sa Time Formation ng napakatagal na panahon sa kabila ng pagkakaroon lamang ng sampung minuto sa outer realm.Ng makapasok na siya sa limang-kulay na lawa, naramdaman niya ang nakakatakot na ingay ng labanan sa labas. Hindi niya pinansin ang lahat ng ito at sa halip ay nagpatawag siya ng Time Formation.Ang tubig sa lawa ay napuno ng makulay na mga kulay. Ito ay mystical, dahil naglalaman ito ng napakalaking enerhiya. Sa sandaling makapasok siya sa lawa, bumukas ang lahat ng mga butas sa kanyang katawan, masiglang hinihigop ang enerhiya mula sa lawa. Ang enerhiya ay nagpalusog sa kanyang pisikal na katawan, na nagbukas ng pagbubukas ng kanyang mga pu

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4125

    Swoosh! Inihagis ni James ang kanyang kamao kay Wotan. Isang walang katapusang anino ang bumalot sa buong lugar, kabilang ang katawan ni Wotan.Patuloy na winawagayway ni Wotan ang kanyang espada, na naging sanhi ng walang humpay na pagkamit ng Sword Energy, na winasak ang mga anino sa paligid.“Sige.” Matapos durugin ang hindi mabilang na mga anino at makawala sa maraming pag atake ni James, tumigil si Wotan at tiningnan si James, na natatakpan ng mga pinsala at ang buhok ay gulo. Ngumiti siya, sinasabi, "Hindi na kailangang makipag away, alam ko na kung hanggang saan ang kakayahan mo. Kung magpapatuloy tayo, siguradong matatalo ka."Sinubukan ni James na ngumiti. Kung hindi dahil sa mga paghihigpit na ipinataw niya sa kanyang sarili at sa katotohanang hindi niya maipatupad ang Chaos Power, hindi siya magiging ganito kahina kapag kaharap si Wotan.Sa pagtingin kay Wotan, na hindi nasaktan at malinis pagkatapos ng labanan, binigyan ni James ng thumbs up si Wotan, na nagsasabing, "Na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status