Share

Kabanata 2725

Author: Crazy Carriage
Sa ngayon, kailangan niya muna alisin ang mga sumpa sa mga tao sa Celestial Abode.

Habang ginagamit ang Imperial Jade Seal, lumutan ito sa kalangitan at naglabas ng matinding puwersa na binalot ang buong village. Sa oras na ito, isang itim na usok ang lumabas sa mga katawan ng mga tao sa village at pumasok sa Imperial Jade Seal bago pumasok sa katawan ni James. Agad, nabalot ng itim na usok si James, at mabilis na naagnas ang balat niya.

“Ama!”

“James!”

Matapos makita na naagnas ang katawan ni James, marami ang sumigaw. Ngunit, sapagkat nakakatakot ang aura na lumalabas sa katawan ni James, walang naglakas loob na lapitan siya.

Naupo ng lotus position si James sa sahig. Matapos higupin ang sumpa ng maraming tao, nahihilo na siya at pakiramdam niya natutunaw ang balat niya. Hindi lang iyon, pero nararamdaman din niyang unti-unting humihina ang lakas niya. Kung magpapatuloy ito, magiging lumpo siya na walang cultivation base. Maaaring bago maubos ang lakas niya, matunaw muna ang katawan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abraham Malaga
IGNORANTE si James! Palagi nka depends sa ibang tao....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2726

    Naniniwala si James na para matanggal ang sumpa, kailangan niyang magcultivate ng Curse Magic. Gayunpaman, wala siyang kaalam-alam tungkol sa Curse Magic. Kahit na nasa kanya ang kabuuan ng Curse Magic, halos imposible ito. Habang nakatingin sa lahat, nagsabi siya, "Nakabalik na tayo sa Earth. Sa kasalukuyan, nasa buwan tayo. Babalik na tayo sa Earth ngayon din."Nasabik ang lahat nang narinig nila ito. Para kay James, hindi naman mahaba ang panahong wala siya sa tahanan niya. Gayunpaman, para sa iba, tatlompung libong taon ang lumipas. Ang Earth and tirahan nila. Pagkatapos manatili nang tatlompung libong taon sa Celestial Abode, hindi sila makapaghintay na makauwi. Hindi nagtagal si James sa Celestial Abode. Habang umikot ang isipan niya, naglaho siya at lumitaw sa buwan. Sa sandaling lumitaw siya, sumama ang pakiramdam niya. Nahilo siya sa kapangyarihan ng sumpa at sumuka siya ng dugo. Namutla ang mukha niya. Nang ginamit niya ang Demonic Energy para pigilan ang mga sugat

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2727

    Naglakad si James sa kalsadang walang katao-tao. Dumating siya sa isang kalye kung saan dating nakatayo ang Common Clinic. Dati itong isang masiglang daan, pero naging mapanglaw na ito ngayon. May ilang tao sa daan, pero lahat sila ay may sakit at para bang malapit nang mamatay. Huminga nang malalim si James. "Mukhang umikot na sa mundo ang Curse Magic at lahat na ng tao sa Earth ay naapektuhan na. Kailangan kong mag-isip ng paraan para matanggal ang sumpa. Kung hindi, hindi magtatagal ay katapusan na ng sangkatauhan."Pagkatapos bumuntong-hininga, binuksan ni James ang Celestial Abode at pinalabas ang lahat sa loob. Dahil nailipat kay James ang sumpa sa mga katawan nila, kasalukuyan silang malulusog. Nang nakita nila ang eksena sa daan, nanahimik sila. Sabi ni James, "Nakabalik na tayo sa Earth at tinanggal ko ang mga sumpa sa loob ng katawan niyo para ilipat sa'kin. Gawin niyo ang kahit na anong gusto niyo mula ngayon."Naglakad si Thomas papunta sa kanya at nagtanong, "Anong

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2728

    Pagkatapos palabasin ang lahat mula sa Celestial Abode, umalis si James sa Cansington kasama nina Winnie at nagpunta sa Wyrmstead. Hindi masyadong malayo ang Wyrmstead mula sa Sol. Sa bilis ni James, makarating sila sa loob nang maikling oras. Gayunpaman, maraming hindi alam na rehiyon ang lumitaw sa Earth nang nawala sila. Mas napalayo nito ang distansya sa pagitan ng Sol at Wyrmstead. Kahit sa bilis niya, kailangan niya ng kalahating araw para maglakbay mula Cansington papuntang Wyrmstead. Maraming dekada ang lumipas at mas naging matao ang Dragonville na may mga skyscraper na tumotore sa langit. Nakarating sina James at Winnie sa Dragonville. Nang tinignan ni James ang nakapalibot na skyscraper at ang walang katao-taong kalsada, hindi niya napigilang mapabuntong-hininga, "Dahil kumalat na sa buong mundo ang Third Calamity, nananatili na ang lahat sa loob ng mga bahay nila. Takot silang maglakad sa labas.""Dad, pumunta muna tayo sa palasyo.""Mhm." Tumango si James. Nagtun

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2729

    Nanigas si Quincy habang tinitigan niya si Winnie. Pagkatapos, bumuntong-hininga siya, "Naalala ko bata ka pa nang umalis ka. Sa isang kurap, matanda ka na. Kamukhang-kamukha mo ang nanay mo, napagkamalan ko pang ikaw siya."“Blergh!”Pagkatapos higupin ang sumpa ni Quincy, biglang sumuka ng dugo si James at bumagsak sa lapag bago hinimatay. “Dad!”“James!”Nataranta ang dalawa. Nagmadaling tumayo si Quincy at binuhat ang walang malay na si James papunta sa kama bago tinignan ang mga sugat niya. "W-Winnie, anong nangyari kay James?" Nag-aakalang nagtanong si Quincy. Nang may nag-aalalang ekspresyon, nagsabi si Winnie, "Kumalat na ang Third Calamity sa buong mundo at naapektuhan nito ang lahat ng tao sa Earth. Hinigop ni Dad ang sumpa para sa'tin at itinabi niya ito sa katawan niya. Ngayon lang, tinulungan ka rin niyang higupin ang sumpa mula sa'yo. Siguro ay di na'to nakayanan ng katawan niya kaya siya nawalan nang malay.""Ano?" sigaw ni Quincy. Pagkatapos, sinubukan ni

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2730

    Alam ni James kung paano ayusin ang Third Calamity. Gayunpaman, nilarawan ang paraan sa kanya ng Ancestral Talisman Master, na nagbibigay siguro ng paliwanag mula sa sarili niyang pananaw. Para lutasin ang Third Calamity, kailangang narating ni James ang Ancestral God Rank, isang ranggong masyadong malayo para sa kanya. Sa ngayon, matatanggal niya lang ang sumpa ng ilang tao. Ngayong wala na siyang ibang maisip, nagpasya siyang hanapin ang custodian ng Chamber of Scriptures para makipag-usap sa kanya. "Winnie, manatili ka sa Wyrmstead. Aalis ako sandali.""Sige."Pagkatapos ibigay ni James ang utos niya, umalis siya ng Wyrmstead at pumunta ng Sol. Pagkatapos, nagtungo siya sa Mount Tai at pumasok sa kweba. Dahil maraming beses na siyang nagpunta sa Chamber of Scriptures, alam na niya ang daan rito. Nang dumating siya sa unang palapag ng Chamber of Scriptures, sumigaw siya habang kaharap ang isang bakanteng espasyo, "Ms. Custodian!"Umalingawngaw ang boses niya. Swoosh!Sa san

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2731

    Hindi umamin o tumanggi ang custodian. Sinabi niya lang na, "Hindi mo kailangang malamang ang tungkol dito sa ngayon.""Paano pala natin matawawakasan ang Third Calamity ng sangkatauhan?" tanong ni James. Nalaman niya ang solusyon mula sa Ancestral Talisman Master. Gayunpaman, masyado pa siyang mahina. Hindi gagana ang paraang ito. Kakaunting tao lang ang maililigtas nito. Tinanong niya ngayon ang custodian dahil gusto niyang malaman kung anong sasabihin niya. Napaisip ang custodian. Pagkatapos ng isang sandali, sa wakas ay nagsalita rin siya, "Wala tayong paraan. Hindi matatanggal ang sumpa. Sa ngayon, ilang Grand Emperors ng sangkatauhan na nakatago ang gumagawa ng solusyon simula nang tinamaan sila ng sumpa.""Gumagawa ng solusyon? Anong klase ng solusyon?" Tanong ni James. Nagsabi ang custodian, "Sinasaliksik ng mga Grand Emperor na'to ang attributes ng kapangyarihan ng sumpa. Gusto nilang gumawa ng elixir na pipigil sa kapangyarihan ng sumpa."Pagkatapos marinig iyon,

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2732

    Sa wakas ay gumaan na ang nag-aalalang puso ni James. "Siya nga pala, nasaan ang nanay ko?" tanong ni James.Maraming taon ang nakaraan, dinala niya rito ang nanay niya para hayaang linisin ng custodian ang Demonic Energy sa katawan niya. Sabi ng custodian, "Matagal nang naalis ang Demonic Energy sa katawan ni Xandra. Sa kasalukuyan, kulang ang sangkatauhan sa magagaling sa pakikipaglaban at si Xandra ay isang pambihirang henyo. Pagkatapos ng pag-uusap ng ilang seniors, pinadala siya sa isang misteryosong lokasyon. Nagcucultivate siya roon at hindi pa siya babalik." Nagtanong ulit si James, "Ligtas ba ang nanay ko?"Tumango ang custodian. "Mhm. Ligtas na ligtas siya."Nakahinga nang maluwag si James sa mga salita niya. "Iyon lang. Aalis na ako." Kumaway si James sa custodian. "Oh, siya nga pala." Nagtanong ang custodian, "Nang nagpunta ka sa Demon Realm at nakita mo si Xandros, anong sinabi niya sa'yo? Nagbigay ba siya ng panuto?"Ang pangunahing dahilan kung bakit pinada

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2733

    "Sinong nandiyan?"Sa sandaling lumitaw si James, hinarang siya ng mga bantay. Ilang matatalim na longsword ang nakatutok sa kanya. Hindi naman malalakas ang mga bantay na ito. Ang mahihina ay nasa Herculean Rank habang ang malalakas ay nasa Mage Rank. Ang ganitong lebel ng lakas ay nakakatakot noon, pero masyado na silang mahina para sa mga mata ni James ngayon. "Gusto kong makita ang Young Master niyo."Nang tinutok ng demon guards ang mga espada nila kay James, hindi siya nanlaban. Sa halip, kalmado siyang nagsalita. "Anong pangalan mo? Iuulat ko ang pagbisita mo," sabi ng bantay. "James Caden," simpleng sabi ni James. Nang sinabi ni James ang dalawang salitang iyon, napaatras ang ilang mga bantay. Ang pangalang 'James Caden' ay kilala na sa buong kalawakan. Kahit na may hindi nakakakilala kay James, marinig niya rin ang dalawang salitang iyon. Ang dahilan dito ay ah James ang pinakamagaling na henyo sa Earth. Sa Four Calamities ng Earth, natanggap niya ang provide

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4052

    Si Bruce ay hindi kapani paniwalang malakas. Sa Twelfth Universe, siya ay maituturing na halos hindi magagapi. Kahit na ang nasugatan na si Ursa ay walang laban sa kanya. Gayunpaman, ang kanyang lakas ay hindi kapansin pansin sa Greater Realms. Ni hindi niya kayang talunin ang isang city sa ilalim ng hurisdiksyon ng Soul Race.Sabay sabay siyang inatake ng mga powerhouse mula sa Soul Race at isang matinding labanan ang sumiklab sa labas ng city, na nagdulot ng matinding pagkawasak sa paligid.Habang nagpapatuloy ang labanan, nakalusot si James sa Hopeless City. Sa kasamaang palad, ang city ay binabantayan pa rin ng husto sa loob. Kaya, maingat siyang gumalaw at nakahanap ng isang lugar na makahiga pansamantala.Nakahanap si James ng isang manor na matagal ng inabandona. Ang bakuran ng manor ay medyo maliit at sumasaklaw lamang ng kaunti sa 1,000 metro kwadrado. Ang dating may ari ng lugar ay isang rogue cultivator na walang sect o pamilya. Siya ay nanirahan sa Hopeless City ngunit n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4051

    Naramdaman din ni Hutchin na pilit na pinataas ni Bruce ang kanyang cultivation rank at lakas. Tumawa siya ng mapanukso at sinabing, "Sa tingin mo ba maililigtas mo sila mula sa Hopeless City gamit ang iyong hindi mapagkakatiwalaang Quasi Acme Rank?"Itinaas ni Bruce ang kanyang malaking kutsilyo at ang talim ay kumikinang ng maliwanag.“Gagawin ko ang lahat. Kukulayan ko ng dugo ang mga kalye kung hindi mo sila pakakawalan. Kahit pabagsakin mo ako, kakaladkarin ko ang lahat ng makakaya ko. Alam kong maraming powerhouse ang Hopeless City, ngunit hindi ko hahayaang patayin mo ako ng ganoon kadali. Magkakaroon ako ng sapat na oras para patayin ang kahit ilan sa iyong mga tao."Dahan dahang lumapit si Bruce sa kanila, hakbang hakbang, habang ang kanyang katawan ay naglalabas ng matinding presyon. Sa pagdaan niya, ang lupa sa ilalim niya ay bumitak at ang espasyo na nakapalibot sa kanya ay nagkakagulo.Tumango siya, "Ahh!!!"Ikinaway ni Bruce ang kanyang malaking kutsilyo, inihagis an

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4050

    Si James ay muling nagpakita sa labas ng Hopeless City. Hindi siya nagmamadaling pumasok sa city at pinakawalan ang kanyang Divine Sense para suriin ang paligid.Ang Hopeless City ay isa sa mga pangunahing lungsod ng Soul Race, kaya protektado ito ng isang malakas na formation. Karaniwan, ang pagbuo ay magiging hindi aktibo, ngunit ito ay isinaaktibo ngayon. Kapag naisaaktibo ang formation, isasara ang bawat pasukan, na ginagawang ang pangunahing gate ng city ang tanging daan papasok sa lungsod.Sa labas ng gate ng lungsod ay nakalatag ang isang kayamanan na maaaring makilala ang aura ng isang target. Kung lalapit si James ng sobra, makikita nito ang aura ng kanyang kaluluwa at makikilala siya bilang isang tao.Ito ay nilikha ng Ten Great Races upang matanggal at pumatay ng mga tao.Pinagmasdan ni James ang sitwasyon sa labas ng gate ng city mula sa malayo. Ng makita kung gaano kalakas ang city, nagsimula siyang mabalisa. Nagtago siya sa labas ng city, naghihintay ng pagkakataon.

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4049

    Dati, itinuro ng mga Ursa ang kanilang Signature Power sa mga subordinates ng Omnipotent Lord. Hindi inaasahan ni James na mapunta ang sarili sa isang sitwasyon kung saan kailangan niya ang kanilang kapangyarihan."Talaga nga naman."Napasimangot na pinunasan ni James ang kanyang mga templo, pagkatapos ay bumaling kay Dahlia. "Sa tingin ko kailangan nating kumonsulta sa pinuno ng sect tungkol sa bagay na ito."“Hindi ka niya tutulungan. Noong itinatag ang sect, gumawa siya ng panuntunan na nagbabawal sa ating mga miyembro na iligtas ang mga miyembrong binihag ng kaaway. Ito ay para maiwasan ang hindi kailangan na sakripisyo na magreresulta mula sa pagliligtas,” Sabi ni Dahlia habang umiiling.Dahil iginiit ni Dahlia na hindi niya siya madadala upang makipagkita sa pinuno ng Heaven-Eradicating Sect, walang magawa si James kundi ang mag isa. Gayunpaman, ang pagliligtas kay Karglain at ang iba ay hindi magiging isang madaling trabaho.Kahit na ang pagpasok sa Hopeless City ay isang p

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4048

    Bumalik sina James at Dahlia sa Soul Realm at nakarating sa labas ng Hopeless City.Mahigpit na binantayan ang Hopeless City noong araw na iyon. Maraming mga guwardiya mula sa Soul Race ang nakatalaga sa labas ng gate ng lungsod. Sa harap ng gate ay nakatayo ang isang tatlong metrong taas na berdeng malaking bato na may mga mahiwagang inskripsiyon na nakaukit dito."Maghintay." Agad namang pinigilan ni Dahlia si James.Lumingon si James sa likod at nagtanong, "Ano'ng problema?"Itinuro ni Dahlia ang berdeng malaking bato sa labas ng tarangkahan ng lungsod at sinabing, "Nakikita mo ba ang berdeng batong iyon?"Tumingin si James sa direksyon na itinuro niya, tumango, at sinabing, “Oo. Ano bang problema nito?"Sinabi ni Dahlia, "Iyan ay isang mahiwagang kayamanan na nilikha ng Ten Great Races. Ito ay partikular na ginagamit upang matukoy ang aura ng mga tao. Kapag na detect nito ang isang tao, kakaiba ang magiging reaksyon nito. Nagpapalabas din ito ng sinag na nakakadama ng tao."

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4047

    “Tara na.” Mabilis na humakbang pasulong si James.Sa sandaling inalis ni James ang tingin sa kanya, tumalikod si Dahlia at tumakas. Iniwan niya ang maliit na mundo at bumalik sa Chaos.Ng maisip ni Dahlia na nakatakas na siya sa kaligtasan, isang anino ang lumitaw sa kanyang harapan at humarang sa kanyang dinadaanan.Tumingin si James sa kanya at nag click sa kanyang dila. "Imposibleng makatakas sa akin. Matatagpuan agad kita, kahit saan ka man tumakbo. Kung gusto mong iligtas ang lolo mo, sumama ka sa akin. Gayundin, ipasa sa akin ang lahat ng intelligence network na konektado sa Soul Race."Ng banggitin niya ang pagliligtas kay Karglain, tuwang tuwa si Dahlia. Tinanong niya, "Mayroon ka bang paraan para iligtas siya?"“Wala pa. Bumalik muna tayo sa Soul Realm." Tumalikod si James at umalis papuntang Soul Realm. Pagkaraan ng ilang sandali ng pag dadalawang isip, sumunod si Dahlia sa likuran ni James.Hindi nagtagal, dumating ang dalawa sa labas ng Soul Realm.Sa Chaos sa labas

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4046

    Nabigla si Dahlia. Siya ay nabuhay ng mahabang panahon at marami na ring nakita. Gayunpaman, hindi niya matukoy kung may kinalaman si James sa pagsalakay sa kanilang village.Ng makita ang kanyang magkasalungat na ekspresyon, sinabi ni James, "Maaaring hindi ka maniwala sa akin ngayon, ngunit sigurado akong mapatunayan ng panahon ang aking pagiging inosente."Pagkatapos, huminga siya ng malalim at sinabing, "Sa lakas ng Soul Race, naging simple lang para sa kanila na patayin si Karglain at ang iba pa. Gayunpaman, nais nilang hulihin ang lahat ng buhay. Ang kanilang layunin ay medyo halata. Gusto nilang gamitin si Karglain at ang iba pa para palabasin ang mas marami pang miyembro ng sect mo para patayin ng isahan. Napakahalaga na dalhin mo ako sa mga nakatataas sa iyong sect sa lalong madaling panahon."“Hindi pwede.” Agad namang tumanggi si Dahlia.“Nagkamali na ako na magtiwala sayo minsan. Hindi ko na uulitin ang parehong pagkakamali. Maniniwala ako sayo sa ngayon, ngunit hindi k

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4045

    Sa sandaling iyon, hinarang siya ng libu-libong Sword Energies. Tinamaan siya ng Sword Energies, dahilan para magtamo ng mabibigat na sugat ang kanyang katawan.Gayunpaman, nakasara na siya sa hadlang ng formation.“Break!!!” Sigaw ni James, saka tinawag ang buong lakas niya. Wala siyang oras para isipin ang mga kahihinatnan at ginamit ang Chaos Power niya. Ginamit din niya ang kapangyarihan mula sa kanyang Omniscience Path at ang Malevolent Sword. Pinagsama sama ang iba't ibang kapangyarihan na mayroon siya, pilit niyang sinira ang formation. Hinila ni James si Dahlia palabas ng formation at agad na naglaho habang nakatakas.“Kunin mo sila! Gusto ko silang mabuhay muli!"Matapos makitang nakatakas si James, galit na galit na sinigaw ni Hutchin ang kanyang utos. Mabilis na hinabol ng hindi mabilang na mga powerhouse ng Soul Race si James.Si James ay nagtamo ng matinding pinsala. Matagal na panahon na rin mula noong huli siyang nasugatan. Kung saan siya nagmula, halos hindi siya m

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4044

    Ang Hopeless City ang pangunahing lungsod ng Soul Race. Ang kanilang City Lord ay si Hutchin Halpin at siya ay may mataas na ranggo sa mga residente ng Soul Race. Hindi lang siya ang Hopeless City's Lord, kundi isa rin siyang Elder ng Soul Race. Ang kanyang cultivation ay nalampasan ang Macrocosm Ancestral God Rank at nasa Quasi Acme Rank.Ang Quasi Acme Rank ay pambihira. Ang pag abot sa rank na ito ay itinuturing na unang hakbang sa Acme Rank.Nagulat si Hutchin sa nangyaring labanan sa ibaba niya. Si James ay sinasalakay ng mga nayon. Lahat ng umaatake sa kanya ay napakalakas na magsasaka. Si Karglain ay isang pinakamataas na Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Samantala, ang iba ay Seven-Power Macrocosm Ancestral Gods.Hindi dapat naging problema para kay James ang pagkatalo sa kanila, ngunit ayaw niyang masaktan sila. Kaya, napilitan siyang pumunta sa defensive.“Hulihin sila ng buhay!” Utos ni Hutchin. Wala siyang pakialam sa maliit na alitan na nangyayari sa ilalim niya.Sa

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status