Share

Kabanata 1986

Author: Crazy Carriage
"Halika dito, h*yop ka. Puputulin ko ang mga binti mo at hahayaan kitang mabuhay. Kapag hindi ka lumapit, walang sinuman na nandito ang makakapagligtas sa'kin sa pagpatay sa'yo. Pinapangako ko 'yan sa'yo."

Mayabang ang disipulo ng Sacerdotal Sect.

Huminga ng malalim si James, pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili, at malamig na sinabi, "Ang sabi ko gusto kong makita si Xain, kaya dalian mo at sabihin mo sa kanya na nandito si James."

"Hmph! Nagpupumilit ka pa ring makita ang Sect Leader namin?"

Dumilim ang ekspresyon ng disipulo, at agad siyang umatake.

Noong una, ayaw sana ni James na saktan sila dahil nagpunta siya dito para sa divine object.

Subalit, alam niya na imposibleng makaakyat siya sa Mount Bane kapag hindi siya lumaban ngayon.

Noong malapit nang tumama sa kanya ang espada ng disipulo, biglang inangat ni James ang kanyang kamay at sinalo niya ang espada gamit ang dalawang daliri niya.

"Ano?"

Naging seryoso ang ekspresyon ng disipulo ng Sacerdotal Sect.
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1987

    Malubha siyang nasugatan ni James tatlong taon na ang nakakaraan. Noon, napakahina pa ni James. Hindi pa siya isang Supernatural noon. Ngunit, kahit na napakababa ng rank niya, nagawa niyang magdulot ng matinding pinsala sa kanya. Kapag mas lumakas pa si James, siguradong magiging isa siyang balakid sa kanila. Inakala niya na patay na si James. Hindi niya inasahan na muling magpapakita si James pagkalipas ng tatlong taon at hahanapin siya nito. Ang sabi ni Xain ng may malagim na ekspresyon, "Personal ko siyang sasalubungin."Habang nakaupo siya sa isang tabi, tumingin si Samarth kay Xain at nagtanong, "Sino si James? Kailangan mo ba talaga siyang makita ng personal?" Ang sabi ni Xain ng may malungkot na ekspresyon, "Huwag mong maliitin ang martial artist na nagngangalang James na mula sa Earth. Tatlong taon na ang nakakaraan, hindi pa siya isang Supernatural at isa pa lamang siyang ninth-ranked martial artist na nakawala mula sa tatlong kadena ng kanyang katawan. "Subali

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1988

    Kung hindi, hindi siya makakaramdam ng kakaibang kaba noong nakita niya si James. Marahil ay napakalakas ni James upang makaramdam siya ng matinding panganib. Pagkatapos siyang pigilan ni Xain, may naramdaman ding kakaiba si Matias. Ang enerhiya ni James ay malamig, napakasama, at gaya ng sa isang demonyo. Gayunpaman, malakas pa rin ang loob niya dahil nasa Earth sila. Mahihina ang mga martial artist ng Earth, kaya hindi siya natatakot. Alam ni Xain ang ugali ni Matias at nag-aalala siya na magpapadalos-dalos ng kilos si Matias. Kaya naman, nagmadali siyang humarang sa harap ni Matias. Tumingin siya kay James at nagtanong, "Bakit mo ako gustong makausap?" Ang malamig na sinabi ni James, "Makakapaghintay 'yun. Pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na ito pagkatapos kong patayin si Matias.""Haha! Sa tingin mo ba kaya mo akong patayin, bata?" Humalakhak ng malakas si Matias. "Tama 'yun! Papatayin kita."Nagngitngit ang mga ngipin ni James at sinabi niya na, "Pumunta ka s

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1989

    Nagulat ang lahat noong sumulpot ang itim na lotus. Nagtataglay ng napakalakas na Demonic Energy ang itim na lotus. Imposible na magkaroon ng ganito kalakas na Demonic Energy ang isang tao na mula sa Earth. Hindi tao si James. Isa siyang demonyo! Maaaring hindi alam ng mga tao sa Earth ang tungkol sa mga demonyo, ngunit si Xain at ang iba pa ay mula sa Overworld at alam nila ang tungkol sa mga demonyo. Ang mga skill sa Earth sa kasalukuyan ay may kinalaman sa mga demonyo. Maging si Matias ay nagulat at agad na naglaho ang kayabangan niya kanina. Puno ng takot ang kanyang mukha habang patuloy siyang umaatras. "Mamatay ka na!" Tinuro ni James si Matias. Sumugod ang itim na lotus papunta may Matias taglay ang nakakatakot na Demonic Energy. Bago pa makakilos si Matias, binalot na ng Demonic Energy ni James ang kanyang katawan. Pumulupot sa katawan niya ang Demonic Energy ng gaya ng isang ahas. Namilipit sa sakit ang kanyang mukha, at napakapangit at nakakatakot ang eksp

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1990

    Gayunpaman, pinilit niya itong tiisin at nilunok niya ang dugo sa kanyang bibig. 'Nakakatakot ang enerhiya niya. Gaya ng inaasahan sa isang tao na nakaabot na sa Supernatural Consummation.' Nagulat si James. Pagdating sa True Energy, higit na mas mahina siya kay Xain. Umaasa siya sa pisikal na lakas ng kanyang katawan at sa itim na lotus. Malinaw na wala siyang laban kay Xain kapag umasa lang siya sa pisikal niyang lakas. Sa mga sandaling iyon, sumulpot si Xain sa harap niya. Kinuyom ni Xain ang kanyang kamao at sinuntok niya si James. May taglay na pambihirang lakas ang kanyang suntok, na para bang nais niya durugin ang lahat ng nasa daan niya. Malalim ang iniisip ni James at hindi siya naging maingat. Tumama sa katawan niya ang napakalakas na suntok. Napinsala ang katawan niya, at tumilapon siya sa malayo.Pagkatapos siyang tumilapon ng halos ilang libong metro, sa wakas ay nawala na ang pwersa nito.Noong sandaling iyon, naramdaman ni James na nagkaroon ng mga bita

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1991

    Ang espada ni Xain, na nagmula sa Overworld, na ginawa gamit ng pinakabagong mga technique sa pagpapanday. Dahil dito, may taglay itong napakalakas na kapangyarihan. Maging ang mga Herculean ay hindi kayang baliin ang espadang ito. Subalit, ngayon, nilamon ito ng nakakatakot na Demonic Energy. Kinilabutan si Xain. Kahit na hindi siya nasaktan, lubhang napakasama ng Demonic Energy ng itim na lotus. Kapag nakontamina siya nito, hindi siya makakaalis sa lugar na ito ng walang anumang galos. “Anong klaseng salamangka ito, James? Bilang isang tao, paano mo nagawang magcultivate ng cultivation method ng isang demonyo? Isa kang kahihiyan sa buong sangkatauhan.”Ang malamig na sinabi ni Xain. Tumingin sa kanya si James.Kahit na wala na ang kanyang espada, hindi siya nasugatan. Ibig sabihin nito ay mas malakas siya kaysa sa unang inakala ni James. Kaya naman, walang kasiguraduhan kung kaya siyang patayin ni James. Isa pa, marami pang ibang mula sa Overworld na kapantay ng lakas ni X

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1992

    Muling nagtanong si Xain, "Narinig mo na ba ang tungkol sa labanang naganap noong sinaunang panahon?" “Oh?” Naging interesado si James dito. Kahit na hindi pa niya narinig ang tungkol sa labanan na ito, may ideya siya na may kinalaman ito sa mga demonyo. "Sabihin mo sa'kin."Tumingin siya kay Xain. Nagpaliwanag si Xain, "Noong sinaunang panahon, isang Demon Race ang sumakop sa Earth, at nagkaroon ng matinding kaguluhan at pagkawasak sa mundo. Ginawa ng mga pinakamalalakas sa mga tao ang lahat ng makakaya nila upang paalisin at puksain sila kapalit ng kapayapaan." Kumunot ang mga kilay ni James at nagtanong siya, "Anong kinalaman nito sa seal sa Earth?" Pinag-isipan ni Xain ang tungkol dito at sinabing, "Hindi ko alam ang mga detalye tungkol dito. Isang maikling paliwanag lang ang maibibigay ko sa'yo." "Magsalita ka." Tumingin sa kanya si James. Napaisip ng malalim si Xain. Paglipas ng ilang oras, sinabi niya na, "Noong sinaunang panahon, ang Earth ay parang isang pa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1993

    Sa mga mata ni Yandel, ang mga taga-Earth ay mga makasalanan. Bilang mga alipin, wala silang karapatan na umupo sa main hall ng Sacerdotal Sect. Ngumiti ng mapait si Xain. Syempre, alam niya ang mga magiging epekto nito. Subalit, maikukumpara sa kanya ang lakas ni James. Kahit na ibuhos niya ang lahat ng lakas niya at mapatay niya si James, malubha siyang masusugatan.“Xain, anong pinaggagawa mo sa mga nagdaang taon? Nakakahiya ka.”Galit na tumingin si Yandel kay Xain. Dahil ang Scholastic Sect ay karibal ng Sacerdotal Sect, hindi siya nag-aksaya ng oras sa panenermon kay Xain ngayong nagkaroon siya ng pagkakataon.Sa karaniwang pagkakataon, siguradong magagalit si Xain. Gayunpaman, nagawa niyang pigilan ang kanyang galit.Nginitian niya si Yandel at sinabing, “Yandel, wala akong karapatan na sabihin kung may karapatan ba siyang umupo sa main hall. Bakit hindi mo na lang siya paalisin para sa’kin?”Nang marinig niya ito, tumingin si Yandel kay James, na mayroong kampanteng eksp

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1994

    Base sa impormasyon sa Martial Arts Forum, naabot na ng Son of Heaven ang Herculean rank. Noong sandaling iyon, isang matabang lalaki na nakasuot ng kulay berdeng damit at may hawak na espada ang dumating. Habang nakatingin siya sa kanila, sinabi niya na, "Abala ang Young Master sa ibang mga bagay. Kaya naman, pinapunta niya ako bilang kinatawan niya." Tumayo si Xain at pinakilala niya siya kay James, "James, ito si Leandro Xamir, ang butler ng Son of Heaven. "Leandro, ito si James Caden, isang napakalakas na martial artist mula sa Earth." Tumingin sandali si Leandro kay James at umupo. Nang mapansin niya na nandito na ang lahat, tumingin si Xain kay James at sinabing, "Tutal nandito na ang lahat, sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Tumayo si James at tumingin siya sa paligid, mula kay Samarth hanggang kay Yandel, Wynter, at kay Leandro. "Pumunta ako dito sa Mount Bane upang sitahin ang mga karumaldumal na bagay na ginawa niyo sa Earth. Nauubos na ang pasensya ko."

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4004

    Ang liwanag ay nakasisilaw, na nagpapaliwanag sa nakakubling Chaos Space. Kasabay nito, nagtataglay ito ng nakakatakot na kapangyarihan na kahit isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay mapapatay sa isang kisapmata.Maraming makapangyarihang indibidwal ang nakatago sa formation. Nagmamadali nilang pinagana ang formation at itinago ang kanilang kapangyarihan dito. Sa isang iglap, hindi mabilang na mga inskripsiyon ang lumitaw sa harap ni James, na nagtitipon upang bumuo ng isang hadlang.Ang nakakatakot na liwanag ay tumama sa harang.Gayunpaman, ang kapangyarihan ng liwanag ay masyadong nakakatakot at ang hadlang ay hiniwa na parang mantikilya. Gayunpaman, ang kapangyarihan ng liwanag ay lubhang nabawasan.Pagkatapos makipagpalitan ng suntok sa Ursa, alam na ngayon ni James kung gaano siya katakot. Ang Ursa ay nasugatan mula noong edad ng Primordial Realm at hindi na gumaling mula noon. Sa kabila ng pag atake sa kanya at ng formation, ang aura ng Ursa ay napakalakas pa rin.‘P*

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4003

    Ng makita ito, napataas ang kilay ni James. Ito ay isang Formasyon na personal niyang itinayo. Ang isang alon ng Sword Energy ay sapat na upang patayin ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Sa pagharap sa napakaraming kalaban, hindi nangahas si James na magpabaya sa kanyang bantay. Habang gumagalaw ang kanyang isip, lumitaw ang Malevolent Sword sa kanyang kamay. Habang hawak niya ang Malevolent Sword sa kanyang kamay, naramdaman niya ang kapangyarihan ng espada, na nagbigay sa kanya ng katiyakan.“Ikaw…!”Ng maramdaman ang kapangyarihan ng Malevolent Sword, nagdilim ang mukha ng Ursa. Masyadong nakakatakot ang kapangyarihan ng espada at kahit siya ay nakaramdam ng lamig sa kanyang spine. Kung nasa peak form siya, hindi siya matatakot. Gayunpaman, siya ay nasugatan at si James ay sadyang hindi mahuhulaan. Ito ay isang tao na nag cultivate ng Chaos Power at nasa Sixth Stage ng Omniscience Path. Ngayon na mayroon siyang Superweapon sa kanyang pag aari, ang Ursa ay nagsimulang ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4002

    Inambush ni James ang Ursa. Dahil na catalyze niya ang Omniscience Path, ang lakas ng kanyang pisikal na lakas ay lubhang nakakatakot. Kahit na ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay daranas ng matinding dagok. Bukod, habang pinagsama ni James ang kanyang pisikal na lakas sa Chaos Power, ang kapangyarihan ay mas hindi kapani paniwala. Ang pag atake ay nagdusa sa Ursa ng isang mapangwasak na dagok.Ang pag atake ay tumagos sa pisikal na katawan ng Ursa. Bukod pa rito, habang isinaaktibo ni James ang kapangyarihan ng iba't ibang Landas, bumuhos ang lahat sa katawan ng Ursa. Ang Ursa ay nasugatan bago ito.Sa sandaling iyon, kumilos ang mga makapangyarihang indibidwal na nakatago sa loob ng Formation. Dahil malakas sila, ang kapangyarihang ipinalabas nila ay mas nakakatakot ng hiramin nila ang kapangyarihan ng Formation. Sa isang iglap, ang Ursa ay dumanas ng libo libong mapangwasak na suntok. Ang kanyang katawan ay natatakpan ng mga sugat at may butas sa kanyang dibdib. Hindi lang i

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4001

    Nagsalita si James.Habang nagsasalita siya, ang mga makapangyarihang tao sa paligid niya ay pumasok sa formation at pumunta sa kani kanilang pwesto.Pumasok na rin si James sa formation.Sa pagbuo sa loob ng Chaos Space, tumingin si James sa bundok sa kanyang harapan habang may ngiti sa kanyang mukha.Sa sandaling iyon, hindi pa napagtatanto ng powerhouse ng Ursa Race na nalipat na ang Mount Ancestre.Kaswal na ikinaway ni James ang kanyang kamay at nagkaroon ng ilang tuntunin sa inskripsiyon. Ang mga panuntunang ito sa inskripsiyon ay patuloy na nagbabago bago tumawag ng isang imahe. Ito ang imahe ng Ancestral Holy Site.Dahil hindi pa napagtatanto ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race na nalipat na ang Mount Ancestre, binalak ni James na lituhin siya. Papasok siya sa formation, lalapit sa kalaban at haharapin siya ng nakamamatay na suntok. Ito ang isa sa pinakamahalagang stage ng labanan. Dahil nasugatan na ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race, ang ambush ni Jame

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4000

    Pagkaalis ng Omnipotent Lord, tinitigan ni James ang Mount Ancestre. Dahil ang Mount Ancestre ay walang anumang Formation Restrictions, malinaw na nakikita ni James ang lahat.Sa pagbabalik sa Mount Ancestre, agad na inilikas ng Omnipotent Lord ang lahat ng mga disipulo at ipinatawag ang lahat ng nasasakupan sa isang nakatagong basement. Dahil may Formation Restriction doon, hindi pa nakakapasok si James' Divine Sense sa basement. Sa oras na tumagos siya sa lugar, nakaalis na ang Omnipotent Lord at ang kanyang mga alagad.Nagsalubong ang kilay ni James. Alam niya na ang Omnipotent Lord ay hindi madaling makikipagkompromiso. Gayunpaman, wala siyang ideya kung ano ang kanilang pinag uusapan.Matapos ilikas ng Omnipotent Lord ang lahat mula sa Mount Ancestre, tanging ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race ang nanatili sa Formation sa likod ng bundok.Ang Omnipotent Lord ay nagpakita kay James sa Bundok Thea.“Inilikas ko na lahat, James. Maaari ka ng magsimula,” Sabi ng Omnipot

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3999

    Isang kakila kilabot na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at sumugod patungo sa Omnipotent Lord na parang tsunami. Hindi makayanan ang ganoong kalaki at biglaang alon ng kapangyarihan, ang Omnipotent Lord ay walang kamalay malay na napaatras.Swoosh!Ang Malevolent Sword ay lumitaw sa kamay ni James at itinaas niya ang espada."Aaminin ko malakas ka. Gayunpaman, ang pagpatay sayo ay madali lamang para sa akin. Pumunta ako dito hindi para makipagkumpetensya para sa posisyon ng Lord ng Universe. Wala akong interes sa kapangyarihan at awtoridad. Gusto ko lang masiguro ang kapayapaan at katatagan ng mundong ito.”Itinutok niya ang kanyang espada sa Omnipotent Lord at ang napakalaking kapangyarihan ay lumitaw mula sa loob ng espada. Masyadong nakakatakot ang kapangyarihan ng espada kasama ni James. Maging ang Omnipotent Lord, na malapit ng maabot ang Acme Rank, ay nakaramdam ng lamig sa kanyang spine. Sa isang laban hanggang kamatayan, hindi siya magkakaroon ng p

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3998

    Alam ng Omnipotent Lord na si James ay gumawa ng Superweapon sa Chaos. Nangangahulugan ito na si James ay nagtataglay ng isang nakakatakot na lakas na nagbabanta sa kanyang posisyon. Gabi gabi, umiikot siya sa kanyang kama, hindi makatulog. Gayunpaman, wala pa rin siyang ideya kung ano ang ginagawa ni James. Ng maramdaman ang presensya ni James, agad siyang nagpakita.Sa pagharap sa pagtatanong ng Omnipotent Lord, mahinang ngumiti si James at sinabing, "May kailangan ako ng tulong mo."Itinuon ng Omnipotent Lord ang kanyang tingin kay James. Nawala ang ngiti sa mukha ni James habang bumulong, “Hindi ito ang lugar. Sumunod ka sa akin.”Pagkasabi niyan, tumalikod siya at dumiretso sa Mount Thea, habang ang Omnipotent Lord ay sumunod malapit sa likuran.Sa likod ng Mount Thea, nakaupo si James sa isang bato at pinagmamasdan ang magagandang tanawin ng Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent Lord ay tumayo sa tabi at nagsabi, "Tama na paligoy ligoy."Sinabi ni James, "Sa totoo lang, sumali

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3997

    Para maiwasan ang anumang disgrasya, ipinaliwanag ni James ng detalyado ang kanyang plano. Lahat ng naroroon ay nakinig sa kanya nang mabuti dahil ang labanan ay napakahalaga. Ang kanilang kalaban ay isang makapangyarihang indibidwal na nagexist mula pa noong panahon ng Primordial Realm at nagtataglay ng maraming Supernatural Powers. Kahit na siya ay nasugatan at ang kanyang lakas ay hindi bumalik sa pinakamataas na anyo, siya ay dating isang Acmean. Ang pagiging isang Acmean ay tanda ng lakas at kawalang tatag."Naiintindihan ba iyon?" Napatingin si James sa kanila.“Oo, Sir!” Sabay nilang sabi.Maging si Morangorin ay mas seryoso sa pagkakataong ito. Sa pagkislap ng liwanag sa kanyang katawan, nagtransform siya sa kanyang anyo ng tao.Sinamaan siya ng tingin ni James. Ito ang unang pagkakataon na nakita si Morangorin sa anyo ng tao. Siya ay isang medyo gwapong lalaki. Nakasuot siya ng puting roba na para siyang isang banal na nilalang."Mabuti," Sabi ni James. "Nais kong itago m

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3996

    Sampu sampung milyong taon na ang lumipas mula noong umalis si James. Sa nakalipas na milyon milyong taon, sina Quiomars Boswell, Morangorin Yombeen, Jabari, Xulia Xaadsan, Yehosheva Bernadette, Yahveh Zvonimir, Jehudi Driscoll at marami pang iba ay naghihintay sa Mount Thea. Inihanda nila ang lahat ng uri ng Banal na Gayuma para sa mga emerhensiya upang maging ang isang sugatang manlalaban na nasa bingit ng kamatayan ay mailigtas sa pinakamaikling panahon na posible. Inayos nila ang kanilang mga kondisyon sa Mount Thea sa maximum bilang paghahanda sa labanan. Kasabay nito, pinagmamasdan nila ang bawat galaw ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race.Swoosh!Biglang may lumitaw na liwanag.Nandito si James. Isang tao lang ang nasa main hall—si Xulia. Nakaupo siya sa pangunahing bulwagan, pinagmamasdan ang stone chamber ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race sa pamamagitan ng ilusyon na imahe.Sa sandaling lumitaw si James, kaagad siyang tumayo. "Bumalik ka, James."“Mhm.” B

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status