Ang sekretarya ng heneral, si York, ay halos mahimatay sa takot pagkatapos niyang marinig ang utos mula sa Blithe King. Subalit, hindi makakatulong ang mawalan ng malay upang makatakas siya sa kapalaran niya. Upang mabilis na tumaas ang ranggo niya, siguradong may mga ginawa siyang ilegal. Siguradong mabibisto ang mga bagay na ginawa niya kapag inimbestigahan nila siya. Daan-daang tao ang nagtipon sa malawak na sala ng House of Royals, ngunit walang kahit isa sa kanila ang nangahas na magsalita. Napakabigat sa pakiramdam ng buong paligid. Stomp! Stomp! Stomp!Dalawang malaking sapatos ang nagdulot ng malakas na kalabog sa sahig. Dalawang armadong sundalo ang lumapit at dumakip sa walang malay na York. Samantala, si Chase, na may isang bituin sa kanyang balikat, ay namutla, at pinagpawisan ang kanyang noo. 'Anong… Anong nangyayari?' Naguluhan si Chase sa buong sitwasyon. Ang unang taong binisita niya sa Cansington ay ang Blithe King. Ayos lang naman ang lahat noon,
Akala niya ito na ang pinakamagandang araw ng buhay niya. Hindi niya inasahan na ito pala ang magiging pinakanakakahiya. Higit sa lahat, ang may-ari ng Transgenerational Group, si Scarlett, ay hinihingan siya ng 30 bilyong dolyar na kabayaran. 30 bilyong dolyar? Isa itong napakalaking halaga na hindi kayang bayaran ng mga Callahan. "Ano ba talagang nangyari?" Nagalit si Lex at winasak niya ang mga gamit at ilang mga antigo sa bahay. Maraming tao ang nagtipon sa malaking villa, ngunit walang sinuman sa kanila ang nagsalita. Alam ng lahat na kapag nagsalita sila habang galit na galit si Lex, mapapahamak lang sila. Pagkatapos niyang ilabas ang galit niya, huminahon si Lex at umupo siya sa sofa. Tumingin siya sa pamilya ni Gladys at nakiusap, "Gladys, ikaw lang ang makakapagligtas sa mga Callahan ngayon. Hindi ba sinabi mo na nagtatrabaho sa Transgenerational Group ang pamangkin mo? Hindi ba kasama siya ni Ms. Brooks? Ikaw lang ang tanging makakatulong sa'min ngayon.""Ako
Sumakay si James sa electric motorcycle niya papunta sa villa ng mga Callahan.Pagpasok niya sa bahay, nakita niya ang mga antigo at mga painting na nakakalat sa sahig.Nakaupo sa sofa si Lex at hinihithit ang kanyang tobacco. Maliban sa ilang mga pangunahing miyembro ng pamilya na nakaupo, nakatayo ang lahat ng ibang miyembro ng pamilya.Naglakad papasok si James at nagkunwari siya na nagulat. "Oh? Akala ko nagdiriwang kayo ng eightieth birthday mo sa House of Royals? Bakit nasa bahay kayong lahat? Anong nangyayari?" Nakita niya si Wendy na nakaupo sa sofa habang umiiyak. "Anong problema, Wendy? Nasaan ang asawa mong deputy captain, si Brody? Bakit hindi ko siya nakikita dito?" Nagsalita si James at sinadya niyang tumingin sa paligid. Napakasama ng mga ekspresyon ng mga Callahan. Nainis sila ng husto kay James. Gayunpaman, kailangan nila ang tulong ni James at hindi nila siya masita. Nagsalita si Tommy, "James, hindi ba may relasyon kayo ni Xara? Tutal nagtatrabaho siya
Nagulat ang lahat sa mga sinabi ni James. Paano nagkaroon ng ganitong kapangyarihan ang isang live-in son-in-law? Paano niya napapunta ang Blithe King? Pagkatapos silang matulala sandali, agad nilang napagtanto ang sitwasyon. Ginagamit ni James ang pagkakataong ito upang pagmukhain ang sarili niya na makapangyarihan. Sinong nilalang sa Cansington ang may kakayahan na personal na papuntahin ang Blithe King? Huminga ng malalim si Lex at sinabing, "James, anuman ang nangyari, isa ka na sa mga Callahan ngayon. Hindi mo naman kami hahayaan na masira ng tuluyan, hindi ba?" Nilakasan ni James ang kanyang boses. "Hindi ba gusto mo akong paalisin sa mga Callahan? Hindi ba gusto mong hiwalayan ako ni Thea?" "H-hindi na ngayon. "Hindi na kayo maghihiwalay. Parte ka pa rin ng pamilya namin."Sinubukang kumbinsihin ng mga Callahan si James. "Thea, anong masasabi mo?" Tumingin si Lex kay Thea at nagtanong. Nag-isip sandali si Thea at sinabing, "Basta't magagawa mong ayusin ang p
”Oo.”Hindi ito tinanggi ni James at nagmalaki siya, “Pagmamay-ari ko ang House of Royals ni Scarlett, at pwede akong pumunta doon kung kailan ko gusto. Ako rin ang nagpasok kay Xara sa Transgenerational Group. Makikinig si Scarlett sa lahat ng sasabihin ko.”Umirap si Thea.“Pinuri ka lang namin ng konti, kung anu-anong kasinungalingan nanaman ang sinasabi mo?”Galit na tumingin sa kanya ang mga Callahan.Hindi kapani-paniwala ang mga kasinungalingan niya.“Base sa mga sinabi mo, ibig sabihin nito asawa mo si Scarlett, at inimbitahan mo ang Blithe King sa House of Royals kanina?” Ang malamig na sinabi ni Tommy.Tumingin si James kay Tommy. “Oo.”“Sinungaling.” Suminghal si Tommy.Tumingin ng masama sa kanya ang iba pang miyembro ng pamilya ng mga Callahan.Ngayon, hindi na nila kailangang sumipsip kay James dahil hindi naman siya ang nakapag-ayos ng problema ng pamilya.Si Xara ay mula sa pamilya ni Gladys, ang mga Hill. Anong kinalaman nito kay James?Sinabi ni James ang
”Hindi pwede. Impluwensyal na ba si Thea ngayon?”“Kahit na kung ang mga Caden ay makapangyarihang pamilya, sila ngayon ay matagal ng wala. Bakit sila magsisikap na gumawa ng pabor kay Thea?”“Sa aking opinyon, si Grayson mula sa Gourmand ay siguro nagkaroon ng interes sa kanya.”Ng marinig ito, ang mukha ni Thea ay namula. Tinanggihan niya ang ideyang ito, “H-Huwag ka magsabi ng kalokohan.”“Thea, si Bryan Grayson ay parte ng pamilya Grayson mula sa Capital. Mabuti kung magustuhan ka niya. Sa aking opinyon, dapat mong idivorce si James. Ang basurang iyon ay sumisipsip lang sa mga Callahan. Kahit na wala siyang kakayahan o kung ano pa man, magyayabang siya ng walang tigil.”Ang mga Callahan, ay muli, sinubukan na kumbinsihin si Thea na idivorce si James.Galit na galit ang tingin ni James.Ngayon na nawala ang peklat, nakalimutan na nila ang mga sakit.Atsaka, ang peklat ay nandoon pa din.Tumingin si Thea kay James at sinabi, “Kasal ako sa kanya, kaya asawa niya ako. Meron ka
Nagayos si Lex ng pagdiriwang ng kaarawan sa House of Royals.Ito ay para sa pinaka malakas at impluwensyal na mga tao at kaya naman, ay dapat kapansin pansin sa Cansington.Ang ilang ay gustong makita si Thea, pro karamihan ay nandoon para sa House of Royals.Ang House of Royals ay hindi ordinaryong lugar. Tutal ang mga Callahan ay nagawang magayos ng pagdiriwang ng kaarawan doon, ibig sabihin lang nito sila ay kilala ang ilang kilalang mga tao.Walang umaasa sa kanila na hindi ito totoo.Ngayon, alam ng lahat ang nangyari dahil sa son-in-law ng mga Callahan, na ang dating vice-captain ng police force ng North Cansington.Merong tao mula sa mga Caden ang nagtatrabaho bilang sekretarya ng heneral ng Military Rgion ng North Cansington at ito ay tanging dahil lang sa kanyang koneksyon na ang mga Callahan ay nagawang ayusin ang pagdiriwang sa House of Royals.Subalit, ang sekrtarya ay nagkamali, ay nagdala sa false alarm sa pagdiriwang ng mga Callahan. Dahil dito, sila ay ngayon
Binalita ni Henry ang sitwasyon kay James.Nandilim ang mukha ni James. “Kamusta ang paghahanda para kay Blithe King?”Tumugon si Henry, “Tinanong ko na ito. Sinabi niya na nagtipon siya ng mga pwersa. Isang daang combat aircraft, tatlong daang mga tank, limang daan mga armored vehicle at libong mga convoy ang naka ayos sa military region. Sila ay simpleng naghihintay sa iyong utos. Subalit, sinabi ni Blithe King na ito ang huling beses na tutulungan ka niya. Sinabi niya din na ayaw niya na gumawa ng gulo.”Nanlalamig na sinabi ni James, “Hindi ko papatayin ang walang ugnayan sa kaso. Subalit, walang awa para sa mga taong kasali.”Nararamdaman ni Henry ang kagustuhang pumtay sa boses ni James.Lumabas si James mula sa Common Clinic.Nagpalit siya ng damit at ngayon ay nakasuot ng malaking trench coat. Hawak niya ang mask na meron siya dati sa kanyang kamay.Ngayon, aayusin niya ang alitan sampung taon ang nakalipas.Ang mga tao mula sa The Great Four ay nagtipon sa mga suburb n