Napuno na sana ng ninth-ranked grandmasters ang mundo sa nagdaang libo-libong taon kung ganun ito kadali. Nang marinig ito, nakahinga nang maluwag si Sky. Nakaakyat na siya sa Ninth Stair ng Skyward Stairway at naisip niyang makakaapak na siya sa ninth rank kung makakakuha siya ng isang Novenary Golden Pill. Gayunpaman, minaliit niya ang sitwasyon. Pagkatapos gamitin ang Novenary Golden Pill, nakarating lang siya sa peak ng Ninth Stair. Hindi pa rin siya makaapak sa ninth rank. Kahit na ito na ang huling hakbang, hindi niya ito magawa kahit ano pang gawin niya. Kahit na nakahinga siya nang maluwag, nagdududa pa rin siyang nagtanong, "Nasa iisang rank lang tayo. Bakit pakiramdam ko ay mas malakas ka kaysa sa'kin?" Nakangiting nagsabi si James, "Dahil sarili kong True Energy ang cinultivate ko. Ikaw naman sa kabilang banda, hinigop mo mula sa iba ang karamihan sa True Energy mo kaya naging hindi puro ang True Energy mo. Dahil dito, mas mahina ang True Energy mo kumpara sa'kin
Nadismaya si Thea. Paano nawala ang alaala niya? Anong nangyari sa nakaraan? Wala ring kaalam-alam si Quincy sa kung anong nangyari kay Thea at kung paano siya nawalan ng alaala. "Hindi mo muna to dapat problemahin sa ngayon. Maglakad-lakad na lang tayo sa labas," sabi ni Quincy. "Mhm, pwede rin yun." Dahil palaging nasa loob lang ng bahay si Thea, medyo nayayamot siya. "Hintayin mo ko sandali. Kailangan kong magpalit." Tumayo si Thea at pumasok sa villa. Pagkatapos magpalit ng damit, naghanda si Thea para umalis, ngunit dumating si James bago pa niya marating ang gate ng villa. May hawak na bouquet ng bulaklak si James. Iniabot niya ito kay Thea nang may malaking ngiti. "Thea, para sa'yo to." Sumimangot si Thea at nagsabing, "Ayaw ko niyan." Kahit na gusto niya itong tanggapin, hindi niya ito kinuha dahil naiinis siya na hindi siya binisita ni James sa nagdaang buwan. "Tara na, Quincy." Hinila ni Thea si Quincy at umalis. Nahihiyang tumingin si James kay
"Thea, umuwi ka na kaagad?" Pumasok si James sa villa ng mga Callahan at binati si Thea nang may ngiti nang nakita niya siya. "Nandito ka pala, James." "James, maupo ka.""Dali, gumawa kayo ng tsaa para kay James." Nataranta ang mga Callahan para pagsilbihan si James sa sandaling dumating siya. Gayunpaman, hindi sila pinansin ni James at nakatitig lang siya kay Thea. Nang nakita niyang nakasimangot si Thea, hinawakan niya ang baba niya. Napaisip siya, 'Ano namang problema niya ngayon? Wala naman akong ginawa para magalit siya, tama?' “Thea.”“James.”Sabay nilang tinawag ang isa't-isa. "Ikaw muna." Sabay na naman silang nagsalita. Namula si Thea at nanatiling tahimik, hinihintay niyang magsalita si James. Ngumiti si James at nagsabing, "Mauuna na pala ako. Balak kong manatili sa villa ng mga Callahan mula ngayon." "Sige," mahinang sagot ni Thea. Kumilos siya na para bang wala siyang pakialam sa pagtira niya sa bahay nila. "Gusto kong itanong sa'yo kung
Naglakad si James papunta sa pinto ng kwarto at narinig niya si Thea na pinapagalitan siya. Hinawakan niya ang ilong niya at bumulong, "Ganun pala. Galit si Thea na hindi ko siya binisita sa nagdaang buwan." Kumatok siya sa pinto. "Sino yan?" Narinig ang boses ni Thea mula sa loob ng kwarto. Tumayo si James sa tapat ng pinto at nagsabing, "Ako to, si James." Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Binuksan ni Thea ang pinto ngunit nag-iwan lang siya ng maliit na siwang. Tinignan niya si James at nagtanong, "Anong problema? May kailangan ka ba?" Sabi ni James, "Oo, may gusto akong sabihin sa'yo." "Sige lang. Nakikinig ako." Hindi nagpakita ng intensyon si Thea na hayaang makapasok si James sa kwarto. Sabi ni James, "Ang totoo, baka kailangan kong umalis nang ilang araw." Nang marinig ito, biglang nabuhayan si Thea at nagtanong, "Aalis ka? Saan ka pupunta?" Sumagot si James, "Pupunta ako sa ibang bansa." "Kailan ka babalik?" Umiling si James at nagsabing, "Hindi
"Maliligo ako, magpapalit ng damit, at lalabas para kumain. May problema ka ba dun? Dalian mo at lumabas ka na…" Tumayo si Thea at tinulak si James palabas ng kwarto. Bang!Sumara ulit ang pinto. Nabigla si James. Maligo, magpalit, at kumain? Ibig sabihin ba nun…" May saya sa mukha niya. Tinitigan siya ng lahat ng mga Callahan nang bumaba siya. "Kumusta, James?" "Pinapasok ka ba ni Thea sa kwarto niya?" "Mhm. Pumasok ako sa kwarto niya. Sabi ni Thea gusto niyang maligo, magpalit, at lumabas para kumain. Sa tingin ko gusto niyang kumain kasama ko." Ngumiti si James. "Maganda yan." "Sabi na. Mahal na mahal ka ni Thea. Kahit pagkatapos niyang mawalan ng alaala, hindi ka niya magawang tratuhin nang masama." Nakahinga nang maluwag ang mga Callahan. Naghintay si James sa sala nang mga tatlompung minuto hanggang sa wakas ay bumaba na si Thea. Nakasuot siya ng puting dress na bumagay sa hubog ng katawan niya. Napansin ni James na ang dress na iyon ay isa sa mga
Nang marinig ang kahulugan sa labas, tumayo si James at nagsabing, "Lalabas ako at titignan ko kung anong nangyayari." "Sasama ako sa'yo." Tumayo rin si Thea. Magkasamang lumabas ng private room ang dalawa. Ilang lalaking nakasuot ng magarang damit ang nakaupo sa mesa sa gitna ng main hall ng restaurant. Umasta ang mga server na para bang nakakita sila ng demonyo at hindi nila nilapitan ang mga lalaking iyon. Sa sandaling iyon, lumabas ng kusina si Zion nang natataranta. Sa sandaling lumabas siya, napansin niyang lumabas din si James ng private room at kaagad na nagmamakaawang tumingin sa kanya. Sumenyas si James gamit ng mga mata niya at kaagad itong naintindihan ni Zion. Lumapit si Zion, yumuko, at marespetong nagsabi, "Mr. Edgar, hindi masyadong kumikita ang restaurant ko kamakailan. Pwede mo ba akong bigyan palugit na ilan pang araw? Mag-iipon ako ng sapat na pera at magbabayad din ako." Sobrang mapagpakumbaba ng pag-uugali ni Zion. Bang!Isang matabang lalaking
Isang bakal na pamalo ang dumulas mula sa maluwang niyang manggas at inihampas niya ito sa ulo ni Edgar. Dumugo kaagad ang ulo ni Edgar pagkatapos niyang mahampas. Nahilo si Edgar at hindi siya nakakibo nang ilang sandali. Hinigpitan ng tauhan ang hawak niya sa panalo at nagpatuloy na paghahampasin siya. Bumagsak sa lapag si Edgar at umangil sa sakit. "H-H*yop ka! Brodie Wachob, ang kapal ng mukha mo…"Nagmura si Edgar mula sa lapag. Isa pang sipa ang sumunod pagkatapos niyang magmura. Pagkatapos bugbugin ni Brodie si Edgar, nilapitan niya sina James at Thea. Bahagya siyang yumuko at humingi ng tawad, "Ms. Thea, Dragon King, pasensya na sa t*ngang yun, isang tanga si Edgar na hindi kayo nakilala. Tinuruan ko na siya ng leksyon." Habang nagsasalita, lumuhod siya sa lapag at nagsimulang magmakaawa. "Kunin niyo ako, Dragon King." Tinignan ni James si Brodie. Sa kasalukuyan niyang katayuan at lakas, masyado siyang tamad para tapusin ang mga gangster na ito. Pagtatawa
Nagsasabi ng totoo si James. Kahit na naglaho siya nang isang taon, siya pa rin ang Dragon King. Asawa niya si Thea. Kahit na sumailalim na sila sa proseso ng divorce, alam ng marami na magkasama pa rin sila. Siguro ay hindi makikilala ng ibang tao si Thea, pero kilala siya ng karamihan sa Cansington, lalo na ng mga prominenteng tao. Kahit saan pa siya pumunta, tatratuhin siya nang may pagrespeto. Hinawakan ni Thea ang ilong niya. Pakiramdam niya nga ay totoo ito. Sa mga panahong ito, tinrato siya ng mga tao nang may matinding pagrespeto kahit saan siya magpunta. Ito ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit gusto niyang makilala si James. Gusto niyang malaman ang nangyari sa nagdaang labing-isang taon na nawala sa kanya. Nag-usap ang dalawa habang kumakain. Naubos ang pagkain nang wala sa oras. Samantala, dumaan din sandali ang Blithe King kasama ng mga tauhan niya para arestuhin si Edgar. Sinimulan din ni Brodie ang gawain niya. Tinawag niya ang lahat ng kai
Isang partikular na araw, makalipas ang isang libong taon, si James ay nasa likod ng bundok ng Mount Thea.Umupo siya sa isang bato sa bangin, hinayaan ang simoy ng hangin na guluhin ang kanyang mahabang buhok.Swoosh!Isang anino ang biglang sumulpot sa tabi niya.Ang lalaking lumitaw ay nakasuot ng itim na damit at may mga sungay sa kanyang ulo.Magalang na tinawag ni Quiomars, "Master."Matamlay na tanong ni James, "Anong problema, Quiomars?"Sumagot si Quiomars, “Master, palihim kong sinusubaybayan ang Omnipotent Lord sa nakalipas na isang libong taon. Hindi siya kailanman umalis sa Ancestral Holy Site, ngunit madalas siyang pumunta sa isang restricted area ng Ancestral Holy Site. Tahimik akong sumunod sa kanya ngunit nakakita ako ng makapangyarihang pormasyon sa paligid ng restricted area. Hindi ito isang formation na binuo ng isang tao kundi mula sa isang nilalang sa Greater Realms."Agad na nabawi ni James ang kanyang espiritu, tumalon mula sa bato at nagtanong, “Ano pa?
Ang Omnipotent Lord ay hindi alam ang tungkol sa Acme Rank at alam lamang na mayroong isang rank na mas mataas sa Macrocosm Ancestral God Rank. Ng banggitin ni James ang Acme Rank, naisip niya na si James lang ang nakaisip ng pangalan. Nagustuhan niya ang pangalan, kaya inampon din niya ito. Hindi niya inaasahan na ang Acme Rank ay isang aktwal na rank.Matapos bahagyang mabigla, pina kalma ng Omnipotent Lord ang sarili. "Pagkatapos malaman ang higit pa tungkol sa Dark World mula sayo, ako mismo ang bumisita sa Dark World. Humingi ako sa ilang Lord ng mga sinaunang talaan at natagpuan ko ang isa na nagbanggit nito.”Ang Omnipotent Lord ay hindi tanga, kaya hindi niya inilantad si James. Gayunpaman, alam niya na si James ay isang misteryosong tao na may agenda.Ang malabong pigura ay marahas na nagtanong, "Ano pa ang alam mo?"Sinabi ng Omnipotent Lord, “Bukod sa pagkakaroon ng Acme Rank, wala na akong ibang alam. Nagawa ko na ang sinabi mo sa akin, Master. Nasaan ang supreme cultiv
Tanong ni James, “Ano ang kailangan kong gawin ngayon?”Dahil si James ay natalaga sa Ancestral Holy Site, nagplano siyang sumunod sa mga kagustuhan ng Omnipotent Lords sa ngayon.Kung tinutulungan ng Watchers ang Omnipotent Lord, tiyak na malalaman nila na si James ay naging isa sa kanyang mga tauhan. Alam ni James na tiyak na babalaan nila ang Omnipotent Lord tungkol sa relasyon nila ni Yukia.Sinabi ng Omnipotent Lord, “Wala kang kailangang gawin sa ngayon. Mag cultivate ka lang gaya ng karaniwan mong ginagawa. Ngayong mayroon na tayong Super Heavenly Path, malalampasan mo ang Macrocosm Ancestral God Rank at maabot mo ang mas mataas na rank."Tanong ni James, "Ang ibig mong sabihin ay ang Acme Rank?"“Haha! Ano ang Acme Rank?" Tumawa ang Omnipotent Lord at sinabing, “Acme Rank… huh? Anong angkop na pangalan.”Ngumiti si James at nagmungkahi, “Hindi ka ba natatakot na maabot ko ang rank na iyon bago ka? Baka patayin at pabagsakin kita.""Haha," Tumawa ang Omnipotent Lord bilan
Ang Omnipotent Lord ay may dakilang ambisyon. Hindi siya nasisiyahan sa pagiging Lord lamang ng bagong universe. Ang sukdulang layunin niya ay ang sakupin din ang Dark World.Nagulat si James na nagtanong, “Universe Seeds? Ano ang mga iyon?”Ng makita ang naguguluhang ekspresyon ni James, bahagyang tumawa ang Omnipotent Lord. “Pumunta tayo sa Ancestral Holy Site. Gagabayan kita sa lahat ng bagay."Ngumiti ang Omnipotent Lord at iniwan ang Chaos. Ngumiti naman si James at sumunod sa kanya.“Iyon na talaga?”"Umamin sa pagkatalo si James?""Sumuko ba siya sa Omnipotent Lord?"Ang Macrocosm Ancestral Gods na dumating upang manood ng laban ay namangha. Walang nag isip na si James ay kusang yuyuko sa Omnipotent Lord. Gayunpaman, walang pakialam si James sa kanilang mga opinyon at sinunod ang Omnipotent Lord hanggang sa Ancestral Holy Site.Sa main hall ng Ancestral Holy Site, ang Omnipotent Lord ay nakaupo sa pinakamataas na upuan at si James ay nakatayo sa ibaba niya."Kunan ang a
Sinalakay ni Briscoe ang bilis ng kidlat. Bago pa man makapag-react si James ay humarap na siya sa harapan ni James.Itinaas ni James ang Demon-Slayer Sword para harangan ang kanyang pag atake.Boom!Dalawang Chaotic Treasure ang nagsagupaan at isang nakakabinging tunog ang sumabog.Si James ay nagkunwaring itinulak palayo ng pwersa at pekeng dumura ng isang subo ng dugo. Sa isang maayos na laban, hindi kakayanin ni Briscoe na magdulot sa kanya ng panloob na pinsala sa isang pag atake lamang.Mabilis na sinamantala ni Briscoe ang pagkakataong ipressure si James ng mas maraming atake. Nagtanggol si James laban sa mabangis na pagsalakay at patuloy na itinulak palayo.Walang awa na lumaban si Briscoe at parang gusto niyang patayin si James.Alam ni James na naihayag na niya ang kanyang Chaos Power sa Dark World noon at kailangan niyang gawin itong muli sa labanang ito. Nagkunwari siyang nanghina bago ang lakas ni Briscoe at biglang pinakawalan ang Chaos Power niya. Sa sandaling iyo
Si James ay bihasa sa iba't ibang Path ng langit at lupa. Kaya, maaari niyang ipahiwatig ang Macrocosm Power ng bawat Path at nagawang isama ang lahat ng kanyang kaalaman sa cultivation sa Chaos Path. Gayunpaman, gusto niyang iwasang gamitin ang kanyang Chaos Path.Siguradong mananalo siya sa laban kung gagamitin niya ang Chaos Power niya. Kahit na may siyam na Macrocosm Powers si Briscoe, madali pa rin siyang mapatay ni James.“Eto na tayo! Magsisimula na sila ng laban!""Isang labanan sa pagitan ng dalawang Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods! Ito ang una mula noong simula ng panahon!""Sa wakas ay masasaksihan ko na ang tunay na lakas ng Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods."Matapos ilabas nina Briscoe at James ang kanilang matinding aura, tuwang tuwa agad ang mga nanonood na nanonood sa malayo.Tumingin si Briscoe kay James at sumigaw, “Nasaan ang iyong sandata? Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon laban sa akin ng walang armas."“Ha!” Humalakhak si James.Agad na tinawag ni
Maraming tao mula sa Twelfth District ang dumating upang manood ng laban. Maging ang mga anak ni James na sina Jacopo, Xainte at Winnie, ay dumating para panoorin siyang lumaban. Naroon din ang mabuting kaibigan ni James na si Henrik.Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa larangan ng digmaan.Nag aalalang tanong ni Xainte, "Talagang mananalo si Dad, di ba?"Hinawakan ni Winnie ang kamay niya at sinabing, “Huwag kang mag alala. Sigurado akong magiging maayos ang lahat. Kailangan mong magtiwala kay Dad."Sa larangan ng digmaan, ni James o Briscoe ay hindi gumalaw ng isang kalamnan. Maghapong nagtitigan lang ang dalawa."Dahil ayaw mong kumilos, ako na ang magkukusa."Hindi na nakapagpigil pa si Briscoe at dumilim ang mukha niya. Bigla niyang tinawag ang kanyang enerhiya at isang malakas na aura ang lumabas sa kanyang katawan.Pinakawalan niya ang kanyang siyam na Macrocosm Powers, na lahat ay nasa pinakamataas na lakas.Si Briscoe ay lumabas nang todo, inilabas ang lahat ng kanyan
Dahil alam na ng Omnipotent Lord ang tungkol sa Universe Seeds, malamang na nakipag ugnayan na siya sa Watchers. Ang isa pang posibilidad ay muling nagpakita si Thea at nagpaalam sa Omnipotent Lord tungkol sa lahat. Hindi pa rin matukoy ni James kung alin ang pinaka malamang ang kaso.“Manatili ka rito, Quiomars. Lalabanan ko si Briscoe sa Chaos."Pagkatapos mag iwan ng ilang salita, nawala si James.Ipinakalat na ng Omnipotent Lord ang balita ng napipintong labanan sa malayo at malawak na isang libong taon na ang nakalilipas. Ngayon na ito na ang pinakahihintay na sandali, maraming Macrocosm Ancestral God at Caelum Ancestral God ang nagtipon sa Chaos kung saan magaganap ang labanan.Ang presyon sa Chaos ay mapang api. Imposibleng makayanan ang pressure maliban kung naabot ng isa ang Caelum Ancestral God Rank.Puno na ng mga manonood ang battlefield nang magpakita si James.“Nandito siya! Dumating na si James!""Si James talaga."“Ilang Epochs ang nakalipas, nagbigay siya ng le
Sabi ni Mirabelle, "Master?!". Gayunpaman, matagal ng wala si James. Pagkatapos niyang lisanin ang Mount Nine-Saints, nagtungo siya sa Omnipotent City na nasa labas ng Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent City ay isang pangunahing lungsod ng Unang Distrito at ang capital ng bagong universe. Maraming Macrocosm Ancestral Gods ang nanirahan doon.Dati, nagsagawa ng lecture si James sa Mount Bane, kung saan itinuro niya kung paano icultivate ang Macrocosm Powers. Maraming Ancestral Gods ang nabigyang inspirasyon ng kanyang mga turo at napunta sa pag iisa.Ngayong nagsanib na ang labindalawang universe, ang bagong universe ay nagkaroon ng Super Heavenly Path at ang mga limitasyon ng langit at lupa ay inalis din.Sa kasalukuyang bagong universe, wala nang limitasyon sa bilang ng mga Macrocosm Ancestral God na maaaring mag exist sa isang partikular na lugar. Hangga't ang isa ay may potensyal, ang pagiging isang Macrocosm Ancestral God ay posible na ngayon.Isang milyong taon na lamang ang