"Maganda 'yun."Puno ng tuwa at pasasalamat ang mukha ni James. Nais niyang manumbalik ang kanyang lakas. Malawak ang saklaw ng Nine Scriptures of Ordeals at lubhabng napaka komplikado ito. Mahihirapan siyang unawain ito ng bup sa loob ng maikling panahon.Nilalaman ng Nine Scriptures of Ordeals ang pinakamalakas na mga martial art technique sa buong mundo.Pumuslit si Thomas papasok sa Polaris Sect sampung taon na ang nakakaraan.Sa nakalipas na mga taon, marami siyang natutunan na mga martial art technique na nagmula sa iba’t ibang sulok ng mundo.Ginawa niya ito upang pag-aralan ang tungkol sa iba't ibang uri ng mga martial arts na makikita sa iba't ibang lupalop ng mundo at para magamit niya ang kaalaman na ito upang makagawa ng isang napakalakas na martial art technique. Kahit na hindi niya magamit ang Nine Scriptures of Ordeals, naunawaan na ni Thomas ang mga teorya sa likod nito. Detalyado niyang binahagi kay James ang mga kaalaman niya tungkol sa Nine Scriptures of
Nakatayo si Thomas sa tabi ng kama, habang nakatingin siya kay James, na namimilipit sa sakit. Noong sandaling iyon, naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Binantayan niyang maigi si James upang agad niya siyang mailigtas sa kapahamakan kung sakaling may mangyaring hindi maganda. Gamit ang kahusayan niya sa medisina, magagawa pa niyang iligtas si James kapag kumilos siya agad. Subalit, malulumpo si James dahil dito kahit na mailigtas pa siya ni Thomas. Hindi dapat ganito ang tadhana ni James. Napaisip ng malalim si Thomas. "Oo nga pala, kailangan pa niya ng kaunting tulong para maitulak siya sa sukdulan."Biglang may naalala si Thomas. Ginawa ng founder ng Polaris Sect ang Nine Scriptures of Ordeals ng dahil sa desperasyon. Bukod sa desperasyon, mayroon siyang pangarap. Nais niyang maging pinakamahusay na martial artist sa mundo. Pangarap niya na talunin ang Prince of Orchid Mountain, na tumalo sa kanya at sumira sa kanyang cultivation base.May isa pang kailangan
Nais niyang maging pinakamalakas sa buong mundo.“Argh!!! Bakit?!”Sumigaw sa galit si James.Malubha na ang mga sugat niya.Dahil sa kasuklam-suklam na rebelasyong ito, mabilis na naglaho ang buhay sa kanyang katawan.Naramdaman ni Thomas na may mali at agad niyang inudyukan si James, “James, hindi ka maaaring sumuko. Hindi ka dapat mamatay dito.“Marami ka pang kailangang gawin.“Maraming bagay ka pang kailangang ayusin!“Kung patay ka na, wala nang lalaban kay Thea.“Alam mo ba kung ano pa ang sinanay ni Thea maliban sa Demonic Sword Art?“Nagsanay din siya ng Demonic Breath at nagcultivate siya ng True Demonic Energy. Higit pa dito, nagsanay din siya ng Murderous Energy na kayang sirain ang Invincible Body Siddhi.”Pagkatapos niyang malaman ang pagkatao ni Thea, nagtaka si Thomas kung bakit pabago-bago ang lakas ng Demonic Sword Art ni Thea.Kaya naman, inimbestigahan niya kung saan nagpunta si Thea.Nadiskubre niya na bumisita si Thea sa Medical Valley bago siya pumun
Lumakas ng husto ang enerhiya ni James.Kapag hinigop palabas sa katawan ng isang tao ang True Energy na pinaghirapan niyang icultivate, hindi lahat ito ay mahihigop at may kaunting bakas ito na maiiwan.Hinigop ni Tobias ang True Energy ni James.Subalit, mayroon pa ring kaunting bakas ng True Energy na natira sa kanyang laman at mga buto.Ang natitirang mga bakas ng True Energy na ito ay pwersahang pinalabas sa katawan ni James.Agad na nagtipon ang siyam na magkakaibang True Energy at bumuo ito ng isang pambihirang pwersa.Mabilis na nagpatuloy sa paglakas ang kanyang enerhiya.“Gamitin mo ang sarili mo bilang medium, gamitin mo ang mundo bilang haligi, tibay at lakas ang susi…”Lalong lumalim ang pag-unawa ni James sa Nine Scriptures of Ordeals.Noong sandaling iyon, nabuksan ang lahat ng mga pore sa kanyang buong katawan at dumaloy papasok sa kanyang katawan ang enerhiya mula sa kalangitan at sa lupa, at naging True Energy niya ito.Palakas ng palakas ang siyam na True E
”Lolo, ano bang binabalak mong gawin?”Hindi ito maintindihan ni James.Hindi niya mahulaan kung ano bang gustong mangyari ni Thomas.Noon pa man ay malihim na si Thomas.Maraming bagay siyang hindi pinaalam kay James.Nasaan ba talaga ang kanyang pamilya?Bakit hindi sila nagpakita sa paglipas ng mahabang panahon?“Mag-usap tayo habang nakaupo.”Kinumpas ni Thomas ang kanyang kamay, at agad na nahawi ang alikabok na bumabalot sa isang malaking bato sa lupa.Umupo siya, naglabas ng isang sigarilyo, at sinindihan niya ito. Pagkatapos, hinagis niya ito papunta kay James.Sinalo ito ni James at umupo siya sa harap ni Thomas.Nagsindi ng isa pang sigarilyo si Thomas at sinabing, “Ginagawa ko ang lahat ng ito upang maging masagana ang pamilya natin habambuhay.”Tumingin si James kay Thomas habang naghihintay siya ng paliwanag.Nagpatuloy si Thomas. “Apo, narinig mo na ba ang tungkol sa mga dragon?”Bahagyang tumango si James at sinabing, “Oo. Hindi ba ang dragon ang tagapagban
Umalis si Thomas.Nakatulala si James sa direksyon kung saan umalis si Thomas.Lalong nagging mahirap para sa kanya na alamin ang intensyon ng kanyang lolo.Kakaiba ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraan.“Haah.”Paglipas ng ilang oras, bumuntong-hininga si James.Wala siyang lakas upang asikasuhin ang mga bagay na may kinalaman kay Thomas.Marami pa siyang bagay na kailangang tapusin sa kanyang listahan.Ang una niyang kailangang gawin ay ang hanapin si Thea sa lalong madaling panahon.Dinukot siya ni Thomas at nag-iwan si Thomas ng kasuklam-suklam na eksena upang pilitin si Thea na pakawalan ang kapangyarihan ng dugo ng Spirit Turtle sa kanyang katawan.Alam niya na sa oras na nakita ni Thea ang nangyari, siguradong magagalit si Thea at magwawala.Kalahating buwan na ang lumipas, kaya hindi siya sigurado kung ano ang nangyari kay Thea.Kailangan niya siyang mahanap agad.“Gaano kalakas na ba ako?”Hindi pa umalis si James.Sa nakalipas na kalahating buwan, patuloy
Narating ni James ang unang baitang ng Skyward Stairway ng walang kahirap-hirap.Subalit, nagsimula siyang mahirapan nung nakarating siya sa ikaapat na baitang.Pakiramdam niya ay isang bundok ang nakatali sa kanyang mga binti.“Kilos!!!” Sigaw ni James bilang pagsalungat.Bigla niyang tinaas ang kanyang binti at nipagpasan ang ikaapat na baitang.Matapos makarating sa Fourth Stair, pinagpapawisan na siya ng husto.Basang basa ng pawis ag buong katawan niya pati ang suot niyang damit. Matapos makarating sa ikaapat na baitang, nag-ingat na siya. Inayos niya ang kanyang sarili at hinayaan ang kanyang True Energy na dumaloy sa buong katawan niya para labanan ng pwersa na dala ng ikaapat na baitang. Habang inaakyat ni James ang Skyward Stairway, ang sinumang mapadaan sa kanya ay iipin lang na nakaupo lang siya ng pa-lotus posisyon sa lapag na parang isang estatwa. Ang Skyward Stairway ay isang imahinasyon at hindi talaga totoo. Ang pag-akyat sa Skyward Stairway ay nangyayar
Makalipas ang isang araw…Isang lalaki ang dahan-dahan na naglakad palabas ng Capital Airport. Nakasuot siya ng ordinaryo at simpleng damit, at mukha lang siyang isang tipikal na magsasaka. Ang itsura ng lalaki ay talagang iba mula sa mga tao sa kanyang paligid. Ng lalaking ito ay si James. Kaagad nagtungo si James sa Capital matapos ma-master ang True Nine Ordeals Energy.Kalahating buwan na ang nakalipas simula nung laban sa Malgudi.Kahit na nagkita sila ng kanyang lolo, si Thomas ay hindi nabanggit ang kahit na ano tungkol sa kinalabasan sa Malgudi. Matapos niyang mawalan ng malay, wala siyang alam kung ano ang nangyari sa lugar na iyon habang wala siya. Wala siyang alam tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa Capital. Dahil sa aligaaga siya, nagmadali siyang bumalik nbg Capital ng hindi nag-aksaya ng oras matapos maibalik ang kanyang lakas. Nagtawag siya ng taksi sa labas ng paliparan.“Sa may Sun Dragon District.”Tiningnan ng driver si James ng isang beses at nap
Maraming tao mula sa Twelfth District ang dumating upang manood ng laban. Maging ang mga anak ni James na sina Jacopo, Xainte at Winnie, ay dumating para panoorin siyang lumaban. Naroon din ang mabuting kaibigan ni James na si Henrik.Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa larangan ng digmaan.Nag aalalang tanong ni Xainte, "Talagang mananalo si Dad, di ba?"Hinawakan ni Winnie ang kamay niya at sinabing, “Huwag kang mag alala. Sigurado akong magiging maayos ang lahat. Kailangan mong magtiwala kay Dad."Sa larangan ng digmaan, ni James o Briscoe ay hindi gumalaw ng isang kalamnan. Maghapong nagtitigan lang ang dalawa."Dahil ayaw mong kumilos, ako na ang magkukusa."Hindi na nakapagpigil pa si Briscoe at dumilim ang mukha niya. Bigla niyang tinawag ang kanyang enerhiya at isang malakas na aura ang lumabas sa kanyang katawan.Pinakawalan niya ang kanyang siyam na Macrocosm Powers, na lahat ay nasa pinakamataas na lakas.Si Briscoe ay lumabas nang todo, inilabas ang lahat ng kanyan
Dahil alam na ng Omnipotent Lord ang tungkol sa Universe Seeds, malamang na nakipag ugnayan na siya sa Watchers. Ang isa pang posibilidad ay muling nagpakita si Thea at nagpaalam sa Omnipotent Lord tungkol sa lahat. Hindi pa rin matukoy ni James kung alin ang pinaka malamang ang kaso.“Manatili ka rito, Quiomars. Lalabanan ko si Briscoe sa Chaos."Pagkatapos mag iwan ng ilang salita, nawala si James.Ipinakalat na ng Omnipotent Lord ang balita ng napipintong labanan sa malayo at malawak na isang libong taon na ang nakalilipas. Ngayon na ito na ang pinakahihintay na sandali, maraming Macrocosm Ancestral God at Caelum Ancestral God ang nagtipon sa Chaos kung saan magaganap ang labanan.Ang presyon sa Chaos ay mapang api. Imposibleng makayanan ang pressure maliban kung naabot ng isa ang Caelum Ancestral God Rank.Puno na ng mga manonood ang battlefield nang magpakita si James.“Nandito siya! Dumating na si James!""Si James talaga."“Ilang Epochs ang nakalipas, nagbigay siya ng le
Sabi ni Mirabelle, "Master?!". Gayunpaman, matagal ng wala si James. Pagkatapos niyang lisanin ang Mount Nine-Saints, nagtungo siya sa Omnipotent City na nasa labas ng Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent City ay isang pangunahing lungsod ng Unang Distrito at ang capital ng bagong universe. Maraming Macrocosm Ancestral Gods ang nanirahan doon.Dati, nagsagawa ng lecture si James sa Mount Bane, kung saan itinuro niya kung paano icultivate ang Macrocosm Powers. Maraming Ancestral Gods ang nabigyang inspirasyon ng kanyang mga turo at napunta sa pag iisa.Ngayong nagsanib na ang labindalawang universe, ang bagong universe ay nagkaroon ng Super Heavenly Path at ang mga limitasyon ng langit at lupa ay inalis din.Sa kasalukuyang bagong universe, wala nang limitasyon sa bilang ng mga Macrocosm Ancestral God na maaaring mag exist sa isang partikular na lugar. Hangga't ang isa ay may potensyal, ang pagiging isang Macrocosm Ancestral God ay posible na ngayon.Isang milyong taon na lamang ang
Dinala ni Quimoars si James sa Mount Nine-Saints. Pagdating niya, inilabas niya ang kanyang Divine Sense. Kahit na mayroong isang formation sa labas ng Mount Nine-Saints, ang kanyang Divine Sense ay maaaring lampasan ito at sinuri ang paligid. Nahanap niya si Mirabelle na nagtatanim sa bundok."Hintayin mo ako sa labas ng bundok, Quimoars."Matapos utusan ni James si Quimoars na hintayin siya, nawala siya sa susunod na sandali. Tahimik siyang dumaan sa proteksyon na formation ng Mount Nine-Saints at nagpakita kung saan nag cucultivate si Mirabelle.Sa likod ng pangunahing bundok ng Mount Nine-Saint ay isa pang bundok na may magandang kapaligiran at masaganang Espirituwal na Enerhiya. Sa lugar ay may talon na tumalsik sa ilog sa ilalim.Isang kaakit akit na babae ang nakaupo sa isang bato sa gilid ng ilog sa ilalim ng talon, na naglalabas ng nangingibabaw na aura mula sa kanyang katawan.Swoosh!Bumaba ang liwanag mula sa langit at nag anyong tao. Naramdaman agad ni Mirabelle ang
Ang isang libong taon ay isang mahabang panahon para sa mga mortal, ngunit para sa isang powerhouse tulad ni James, ito ay lilipas sa isang kisapmata.“Sige. Sumasang ayon ako sa iyong mga kondisyon."Ang Omnipotent Lord ay pumalakpak ng kanyang mga kamay at tumawa ng malakas. “Haha. Huwag mo akong biguin, James. Sana ay matalo mo ang Briscoe at maging Deputy Universe Lord. Pagkatapos, maaari tayong magsanib pwersa at sama samang talunin ang Dark World."Kumunot ang noo ni James sa mga salita ng Omnipotent Lord. Naghinala siya na ang kasalukuyang lakas ng Omnipotent Lord at legion ng mga powerhouse ay nakuha lahat sa pamamagitan ng Watchers. Gayunpaman, hindi niya napapansin ang mga kalagayan ng Dark World at sinusubukan pa rin niyang sakupin ito.Tinulungan ba siya ng Watchers habang pinapanatili siya sa dilim?Hindi nagtagal si James sa tanong at nagtanong, “Saan gaganapin ang labanan?”Ibinigay ito ng Omnipotent ng ilang konsiderasyon at sinabi, "Pagkatapos kong pagsamahin ang
Ngumisi ang Omnipotent Lord, tumayo, at tumingin kay James. Tinuro niya si James at sinabing, “Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian, James. Maaari kang sumuko sa akin o mamatay."Hindi sineseryoso ni James ang mga banta ng Omnipotent Lord. Siya ay mahinahon na tumingin sa Omnipotent Lord at tumugon, “Sumuko sayo? Maaari kong isaalang alang ito, kung maaari mong gawin itong sulit sa akin."“...”Nagulat ang Omnipotent Lord. Hindi niya inaasahan na ganoon kadaling sumunod si James at handa siyang hamunin siya ni James sa isang labanan hanggang kamatayan sa posisyon ng Lord ng bagong universe.”Ilang sandali, nanatiling tahimik ang Omnipotent Lord.Pagkaraan ng ilang segundo, inayos niya ang kanyang mga iniisip at ngumisi. “Syempre, gagawin ko itong sulit sayo. Sa bagong universe, ang mga may lakas ay bibigyan ng awtoridad. Kung matatalo mo ang aking nasasakupan, ibibigay ko sa iyo ang posisyon ng Deputy Universe Lord."Ang Omnipotent Lord ay tumawag, “Briscoe.”“Opo, Lord ko.”A
Tamad na umupo ang Omnipotent Lord sa pinakamataas na upuan at mahinang tumugon, “Hanapin sila sa lalong madaling panahon. Dapat nating makuha ang lahat ng natitirang Universe Seeds sa isang Epoch at himukin ang kanilang pagbuo."“Naiintindihan.” Tumango ang Macrocosm Ancestral Gods sa hall.Biglang pumasok sa bulwagan ang isang guwardiya, lumuhod sa isang tuhod at nagsabi, “Nag uulat, Sir! Lord ko, may nagpakitang tao sa labas. Sinasabi niya na siya si James Caden at gustong makita ka."“James?”Agad na nagbago ang walang pakialam na ekspresyon ng Omnipotent Lord. Inayos niya ang sarili at umayos bago ngumiti. "Pagkatapos manatili sa Dark World ng ilang Epoch, sa wakas ay nakabalik na siya."Pagkatapos niyang magsalita, tumayo ang Omnipotent Lord at iniunat ang kanyang mga kalamnan.“Natalo ako sa iyo noong nakaraan at simula noon ay pinagmumultuhan ako nito. Tingnan natin kung gaano kalaki ang pag unlad ng iyong pag cucultivate pagkatapos ng ilang Epoch na ito."Ang Omnipotent
Noong nakaraan, ang bawat universe ay sumasakop sa isang malawak na espasyo. Ngayon na sila ay pinagsama, ang nagresultang universe ay sumasaklaw sa isang mas malaking lugar.Imposible para sa isang ordinaryong magsasaka na maglakbay sa kahit isang district lamang. Gayunpaman, hindi ito naging problema para kay James. Maaari niyang balewalain ang pagkakaroon ng oras at tumawid sa mga district ng walang kahirap hirap. Ang bilis ni James sa paglalakbay ay nalampasan na ang mga limitasyon ng oras. Mabilis niyang marating ang First District. Bagama't tila isang iglap sa kanya, matagal na talaga ang lumipas.Isang lalaking nakasakay sa baka ang mabilis na naglakbay sa First District at hindi nagtagal ay nakarating malapit sa Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent Lord ay naging Lord na ng bagong universe at ang kanyang tirahan, ang Ancestral Holy Site, ay umapaw sa swerte ng bagong universe.Ang Ancestral Holy Site ay binabantayan ng husto ng maraming powerhouses. Sa sandaling malapit na si
Sabi ni James, “Si Yukia si Thea.”“...”Natahimik ang masikip na hall.Sabay sabay na sabi nina Jacopo, Xainte at Winnie, "Si Yukia ay mom natin?"Nasapo ni James ang kanyang noo at sinabing, “Paano ko ito ipapaliwanag? Karaniwan, ang Dark World ay kilala noon bilang Primordial Realm. Gayunpaman, isa lamang itong bahagi ng Greater Realms. Noong Primordial Realm Era, ang Human Race ay nagkaroon ng hindi mabilang na powerhouses. Si Yukia, na kilala mo ngayon bilang Thea, ay ang matrona ng Human Race noong panahong iyon...”Nagsimulang isalaysay ni James ang mga bagay na natutunan niya tungkol sa Primordial Realm Era.“Sa panahon ng malaking digmaan sa pagitan ng iba't ibang lahi, lahat ng makapangyarihang tao ay namatay. Si Thea lamang ang nakatakas sa pamamagitan ng paggamit ng isang makapangyarihang Supernatural Power, Golden Shell at nakaligtas. Ng maglaon, itinago niya ang sarili bilang Yukia at itinago ang sarili sa Dark World.”“Alam ng ibang lahi na nakaligtas si Thea, kay