Share

Kabanata 1144

Auteur: Crazy Carriage
Isang malakas na boses ang sumalubong kay James habang palapit siya sa tuktok ng bundok. Ang niyebe sa kalangitan ay biglang bumuo ng isang malaking bola ng niyebe at tumilapon ito papunta kay James.

Mabilis na binunot ni James ang kanyang espada.

Tinaas niya ang Blade of Justice, at nagmula sa espada ang isang nakasisilaw na liwanag. Nabuo ito at naging Sword Energy na humiwa papunta sa bola ng niyebe. Sumabog ang bola at kumalat sa ere ang niyebe.

Tumayo si James sa isang malaking puno at tumingin siya sa malayo.

Nakita niya ang isang matandang lalaki na nakatayo sa isang bato.

Bilugan ang mukha ng matandang lalaki at mayroon siyang kulay puting balbas. Nakasuot din siya ng puting balabal, at para bang hindi siya basta makikinig sa simpleng salita lang.

Nilagay ng matandang lalaki ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran habang nakatingin siyang maigi kay James.

"Kailan pa nagkaroon ng isang binata na mula sa Sol na may ganito kalakas na True Energy? Iho, may natitira pan
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Related chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1145

    Medyo patag ang tuktok ng bundok. Nababalot ng puting niyebe ang buong tanawin. Nagmistulang umaga pa rin dahil dito. Dinala ng matandang lalaki si James sa tuktok ng bundok, kinumpas niya ang kanyang kamay, at bumugso ang malakas na pwersa mula sa kanyang palad. Bumugso ang malakas na pwersa, at unti-unting nalusaw ang bloke ng yelo sa harap niya at lumitaw ang isang mesang gawa sa bato kasama ang ilang mga upuan. Lumapit ang matandang lalaki, umupo, at pinalapit niya si James. Tinuro niya ang upuan sa tabi niya at sinabing, "Iho, hindi mo na kailangang maging pormal. Maupo ka."Lumapit si James, umupo, at tumingin siya sa matandang lalaki ng puno ng pagtataka. Hindi niya malaman kung sino ba ang misteryosong matanda na 'to. Alam niya na walang kaduda-duda na miyembro ng Mount Thunder Sect ang matandang lalaki na ito, ngunit mahirap hulaan kung sino ba talaga siya. "Sir… sino ka ba talaga?" "Haha…" Tumawa ang matandang lalaki at kumislap sa tuwa ang kanyang mga mata.

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1146

    "Anong klaseng wine 'to?" Nagulumihanan si James habang tinitingnan niyang maigi ang basong gawa sa jade. Nginitian siya ng matandang lalaki at sinabing, "Ito ay Mount Thunder Snow Lotus Wine. Kilala din ito sa tawag na Sacred Snow Lotus Wine."Hindi napigilan ni James na damputin ang baso sa pagkamangha. Pinaikot niya ang ilang patak ng wine at inamoy niya ito. Isang matamis, at nakakahalinang amoy ang nanuot sa kanyang ilong, at naramdaman niya ang naging reaksyon dito ng True Energy sa kanyang katawan. "Pambihira 'to," ang sabi ni James. Pagkatapos niyang magsalita, sinimulan niyang ilapit ang baso sa kanyang mga labi. Bago niya matikman ang wine, agad na hinablot ng matanda ang baso ng wine mula sa kanyang mga kamay. "Una sa lahat, kailangan ko munang makita kung karapatdapat ka bang uminom ng wine na 'to."Inangat ni James ang kanyang ulo at nakita niya ang matandang lalaki na nakatingin sa kanya habang hawak ang kanyang baso. Nahumaling si James sa wine. Walang

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1147

    Ininom ni James ang milagrosong patak ng wine. Noong pumasok sa sikmura ni James ang patak ng wine, nakaramdam siya ng apoy na sumindi sa kaloob-looban ng kanyang katawan. Ang kanyang True Energy ang nagsilbing mitya nito, patuloy nitong pinag-alab ang apoy at hindi tumigil ang pagbugso ng enerhiya sa buong katawan niya. Habang nakatuon ang atensyon ni James sa paghigop sa enerhiya, tumayo ang matandang lalaki sa gilid ng bangin sa di kalayuan habang nasa likuran niya ang kanyang mga kamay. Tahimik na tumingin ang kanyang mga mata sa malayo. Mabilis na lumipas ang gabi. Magdamag na sinubukan ni James na higupin ang enerhiya mula sa isang patak ng Mount Thunder Snow Lotus Wine. Napansin niya na ang kanyang True Energy ay naging mas malakas sa paglipas ng gabi. Tinapos niya ang kanyang meditation at bumuntong hininga siya. Pagkatapos, tumayo siya at sinabing, "Salamat, Sir."Lumingon ang matandang lalaki. Humakbang siya paharap at agad siyang sumulpot sa harap ni James. Um

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1148

    Ngumiti ang matandang lalaki. Inangat niya ang kanyang kamay at isang nakakatakot na aura ang agad na lumabas mula dito. Sa isang iglap, huminto ang pagguho ng bundok na nasa malayo na para bang huminto ang oras nito.“Ano ‘to…?” Nagulat si James.“Ang aura niya…”May naramdaman na siyang ganitong aura noon.Noong nasa Mount Littleroot siya, nagawa niyang saktan si Donovan hanggang sa puntong sumusuka na siya ng dugo. Pagkatapos humingi ni Donovan ng tulong, naramdaman niya ang isang aura na gaya nito. Ang kapangyarihan na ito na kinaiinggitan ng mga martial artist saan mang sulok ng mundo ay may kakayahang pagalawin ang hangin at ang mga ulap. May hinala si James na ang matandang lalaki sa harap niya ay isang eighth-rank na martial artist, na kilala rin bilang isang Celestial Raiser. Noong maramdaman niya ang posibilidad, nagsalita si James. "Sir, posible bang isa kang… Grandmaster na nasa eighth-rank?" "Haha…" Hinaplos ng matandang lalaki ang kanyang puting balbas at tuma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1149

    Ang eighth-rank, ang Celestial Raiser, ay may kakayahang pagalawin ang hangin at mga ulap gamit ng kanilang enerhiya. Imposibleng hindi naramdaman ni Jackson Cabral ang napakalakas na kapangyarihan na kailangan upang magawa ito. Dahil ang pinakamahalagang martial art event, ang Mount Thunder Conference ay malapit nang ganapin, normal lang na sumulpot ang mga eighth-rank na grandmaster sa panahon na ito. "Dad, nagdulot ng napakalaking komosyon ang taong ito sa mga miyembro nh Mount Thunder Sect. Halatang isa itong pagbabanta laban sa'tin. Pinadala ng sect natin ang lahat ng mga martial artist natin sa digmaan isang daang taon na ang nakakaraan at maraming namatay sa kanila. Sa wakas nakabawi na tayo paglipas ng napakahabang panahon. Kapag may sumugod sa'tin ngayon, kinakatakot ko na baka…"Lalong napasimangot si Delainey. "Tsaka, nanakaw ang Mount Thunder Snow Lotus Wine.""Ano?!" Dumilim ang ekspresyon ni Jackson, at nagtanong siya at maririnig sa kanyang boses ang galit ni

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1150

    Samantala, binuksan ni Maxine ang pinto ng isang liblib na villa na matatagpuan sa Military Region ng Cansington. Napaliligiran ng napakaraming mga armadong sundalo ang villa.Noong sandaling sinubukan niyang lumabas, maraming sundalo ang humarang sa daan niya. Bigla silang lumuhod sa lupa at nagmakaawa, “Ms. Maxine, pakiusap huwag mo na kaming pahirapan. Napag-utusan lang kami ng mga nakakataas sa’min at papatawan kami ng parusa ng kamatayan kapag nabigo kami. Kapag hinayaan ka naming umalis, mapaparusahan kami ng batas militar. Kung papalarin kami, aalisin lang ang ranggo namin at papaalisin kami sa militar. Kung mamalasin kami, papatawan kami ng parusa ng kamatayan.Noong narinig niya ito, nag-alala si Maxine.Kagabi pa bumalik ang mga acupoint niya, at gusto sana niyang umalis ngunit nakaharap niya ang mga sundalo na nagmamakaawa na sumunod na lang siya sa takot na mamatay sila.Noong sandaling iyon, naglakad din palabas ng villa si Thea at nakita din niya ang mga nakaluhod na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1151

    Nag-aalalang bumulong ang Blithe King.Agad niyang nilisan ang kanyang opisina at tumungo sa villa kung nasaan sina Maxine at Thea. Hindi nagtagal, dumating siya at kumatok sa pinto.Nag-iisip pa ng plano sina Thea at Maxine ng bigla sila nakarinig ng hindi inaasahang pagkatok mula sa pinto.Tumayo si Maxine at sinabi habang palapit sa pinto, “Titignan ko kung sino.”Binuksan niya ang pinto at nakita ang Blithe King na nakatayo sa labas.“Ms. Maxine,” pagbati ng Blithe King habang nakangiti.“Tuloy ka.”Tumalikod si Maxine at pumasok sa villa.Pumasok ang Blithe King.Matapos makita ang Blithe King, tumayo si Thea at galit na sumigaw, “Anong ibig mo sabihin dito, Blithe King? Gaano katagal mo kami balak na ikulong dito?”Hindi alam ng Blithe King kung paano sasagot, “Ms. Thea, hindi mo ako masisisi dito. Si James ang nag-utos na pinagbabawalan kayong dalawa na umalis dito. Kung hindi magagawa ng mga sundalo ang utos na ito, bibitayin sila. Sana naiintindihan na ninyo kung bakit hindi k

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1152

    “Haha. Hindi na masma bata. Natutuwa ako sa iyo. Ito, ilang mga patak na lang ng wine ang nandito. Maaari mo na itong inumin lahat. Hindi ka nito matutulungan sa paglampas sa Summit, pero makakatulong ito sa True Energy mo.”Natuwa si James matapos payagan na uminom pa ng mala alamat na wine.Pero hindi na ito katulad noong umpisa, hindi na ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya.Nagsimula siya sa pag-absorb ng enerhiya mula sa wine. Sa loob lamang ng isang oras, naging bahagi na niya ang Mount Thunder Snow Lotus Wine energy at nagawa niya na itong gawin na kanyang enerhiya.“Oo nga pala…”Matapos ma-absorb ang enerhiya, may naalala si James at sinabi, “Sir, may nakaengkwentro akong problema. Maaari ko po ba hingin ang payo ninyo?”“Walang problema. Sabihin mo.”“Ang ilan sa mga kaibigan ko ay nahuli ng kalaban ko. Naghihinala ako na miyembro ang mga ito ng Gu Sect. Inutusan nila ako na tumungo agad ng Mt. Thunder Sect para patayin ang pinuno nito. Ang kapalit nito, sisiguraduhin nila

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4137

    Dahil si Leilani ay nasa panig ni Wotan, siya ay malaking tulong.Paglingon ni Wotan ay napatingin si Wotan kay James na naka ekis ang binti at nakakunot ang noo. "Bakit kailangan niyang simulan ang kanyang closed-door meditation ngayon?"Hindi handang protektahan ni Wotan si James. Gayunpaman, si James lamang ang maaaring masira ang formation at si James lamang ang maaaring magdala kay Wotan sa formation. Para makuha ang mana ng Compassionate Path Master, si James lang ang mapoprotektahan ni Wotan.Sa malayo, maraming buhay na nilalang ang nagtipon. Nagpalitan sila ng tingin.Kahit na nagkasundo sila, kasama si Wotan, walang gustong umatake muna.Kaya, walang gumalaw.Sa pagbuo ng oras, nakaupo si James na naka-cross legs.Ilang kakaibang inskripsiyon ang lumitaw sa kanyang harapan. Ito ang mga inskripsiyon sa pagbuo.Natutunan niya ang ilang simpleng inskripsiyon sa labas ng Planet Desolation. Matapos makapasok sa Planet Desolation, sinira niya ang maraming formation. Ang mas

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4136

    Hindi mabilang na mga tingin ang dumapo kay James. Sila ay kung saan naroroon ang formation ng Palace of Compassion.Bagama't hindi masira ng mga formation masters na nagtipon dito ang formation, naiintindihan nila ang ilang sitwasyon sa loob ng formation.Matagal na ang nakalipas, nalaman ng isang formation master ang sirkumstansya ng formation at alam niya na kung saan naroon ang Palace of Compassion.Nagmamadaling nilapitan ni Wotan si James na nakangiti at nagtanong, "Wala rin namang problema sa pagkakataong ito, di ba?"Ngumiti si James at sumagot, “Anong mga problema ang maaaring magkaroon?”Ng sabihin niya iyon, maraming mga powerhouse ang nag iba iba ang emosyon. Sa sandaling ito, lahat sila ay gustong makipag alyansa kay James.Si Leilani, din, ay mas sabik kaysa dati na makipag alyansa kay James. Hindi niya napigilang lumapit kay James. Sa isang nakakaakit na ngiti at isang matamis na boses, siya ay tumawag, "Forty nine."Sinulyapan ni James si Leilani at walang pakial

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4135

    Bulong ni Leilani sa sarili.Kung masisira ni James ang formation, ang pagsunod kay James ay magbibigay sa kanya ng mas mataas na pagkakataon na makuha ang mana ng Compassionate Path Master.Nakakatakot ang mana ng isang Acmean. Kahit na ito ay nahahati sa maraming bahagi, ito ay maihahambing sa lahat ng mga pundasyon ng isang super lahi sa Greater Realms.Ilang sandali, seryoso ang ekspresyon ni Leilana. Nag iisip siya ng mga paraan para makipag alyansa kay James. Tumingin siya sa paligid, tumingin siya sa mga tao sa paligid niya at pagkatapos ay kay Wotan. Matapos timbangin ang mga kalamangan at kahinaan, lumakad siya papunta kay Wotan at humarap sa kanya.Sinulyapan siya ni Wotan na may kalmadong ekspresyon habang walang pakialam na nagtanong, "May kailangan ka ba?"Napangiti si Leilana. Napakaganda niya sa magandang katawan at sikat na babae sa Greater Realms.Gayunpaman, hindi interesado si Wotan sa kanya."Wotan," Tinawag ni Leilana si Wotan at nagtanong, "Paano ka nakipag

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4134

    Binanggit ni Wotan si Soren.Makapangyarihan ang Omniscience Path ni James. Kung makukuha niya ang Blithe Omniscience mula sa mga kamay ni Soren, magiging mas malakas siya.Gusto niyang makuha ang signature skill ng Human Race, Blithe Omniscience. Pagkatapos icultivate ang Blithe Omniscience, bilang karagdagan sa kanyang Omniscience Path, ang kanyang kakayahan ay mapapabuti.Sa kasamaang palad, naging maingat si Soren. Mahirap makuha ang Blithe Omniscience mula sa kanya.Lumitaw sa bulubunduking ito, pinagmasdan nina James at Wotan ang mga buhay na nilalang sa lalim ng bulubundukin."Tara na. Walang dapat ipag alala." Sabi ni Wotan, "Kung may mangyari, kaya nating harapin ito ng magkasama. Ngayon, nagsimula na ang free-for-all battle royale. Ang mga nabubuhay na nilalang ng Planet Desolation ay hindi magkakaisa."Hindi natakot si James. Nag-aalala lamang siya na pagkatapos makipagtambal kay Wotan sa interes ng mga benepisyo, sa kalaunan ay ipagkanulo siya ni Wotan.Kung kasama ni

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4133

    Bukod dito, tinuruan din ni Soren si James ng ilang mahirap na inskripsiyon sa pagbuo.Si James at Wotan ay patuloy na naglakbay sa Planet Desolation. Sunud sunod silang lumitaw sa mga sinaunang guho. Sa bawat oras na lumitaw sila sa isang sinaunang guho, gugugol si James ng ilang oras upang sirain ang formation.Sa isang kisapmata, nahanap na nila ang sampu-sampung sinaunang guho at nabasag ang sampu sampung formation. Gayunpaman, walang anuman sa mga formation. Walang kahit isang disenteng elixir, pabayaan ang Palace of Compassion."Maraming nabubuhay na nilalang sa unahan."Sa tuktok ng isang bundok, tumingin si Wotan sa ibaba, at sa ilalim ng kanyang mga pandama, naramdaman niya ang isang malakas na pormasyon sa lalim ng bundok kung saan maraming nabubuhay na nilalang ang nagtitipon.Ang mga buhay na nilalang na ito ay mga powerhouse, kabilang si Prinsesa Leilani ng Angel race, si Wynnstan ng Doom Race at si Sigmund ng Devil Race.Nakilala silang lahat noon ni James, ngunit ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4132

    Walang pakialam si James na makipag-alyansa kay Wotan dahil gusto rin niyang makipag alyansa sa huli.Gayunpaman, bago sila mag alyansa, kailangan nilang pag usapan kung paano hatiin ang mga kayamanan."Pag usapan natin kung paano hahatiin muna ang mga kayamanan." Sa pagtingin kay Wotan, sinabi ni James, "Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa iyo, ngunit mas mabuti para sa ating dalawa sa ganitong paraan.""Paano kung hatiin ng pantay pantay?" Saglit na nag isip, sinabi ni Wotan, "Pagkatapos lumitaw ang mga kayamanan, kunin natin nang patas ang kailangan natin."Bahagyang umiling si James at sinabing, "Hindi.""Ano ang gusto mo kung gayon?"Sumagot si James, "Nasira ko ang formation at tiwala akong masisira ko ang anumang formation sa Planet Desolation. Kaya, hindi patas sa akin ang paghahati ng pantay. Dapat kong kunin ang higit pa nito at piliin muna ang mga bagay."Tunay na malakas si Wotan, ngunit sa mga mata ni James ngayon ay isa lamang siyang manlalaban.Ng marinig iyon,

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4131

    Tumingin si James sa ibaba. Sa huli, dumapo ang kanyang tingin sa isang sirang pormasyon.Paghakbang sa kawalan, naglakad siya pababa at lumitaw sa labas ng formation. Nakatutok siya rito.Malalim ang pagkakabuo. Kahit na ito ay isang sirang formation, mayroon itong kapangyarihang wasakin ang mundo. Kahit na ang isang Quasi Acmean ay nakulong dito, siya ay papatayin kaagad sa pamamagitan ng kapangyarihan nito.Gayunpaman, natutunan ni James ang Planet Desolation Formation Inscription. Naunawaan niya ang pinaka primitive na anyo nito.Gaano man kalalim ang isang pormasyon, ito ay hinango mula sa pinaka primitive na inskripsiyon. Ngayon, kailangan lang niya ng ilang oras para masira ang formation."Paano na? Masira mo ba ang formation?"Habang nakatitig si James sa formation, may boses na nagmula sa likod. Hindi na niya kailangan pang lumingon para malaman na si Wotan iyon.Nagmamadaling lumapit si Wotan at humarap kay James. Magkatabi siyang napatingin sa formation na nasa harapan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4130

    'Ang Compassionate Path Master? Sino ang taong ito?’ Walang ideya si James.Nakilala lamang niya ang makapangyarihang mga pigura sa Greater Realm sa kasalukuyang sandali, hindi ang mga lumitaw sa nakaraan. Gayunpaman, alam niya kung gaano kalakas ang isang Caelum Acmean. Ito ang kilalang tuktok ng cultivation. Walang sinuman sa Greater Realm ang nakarating dito.Ngayong lumitaw na ang pamana ni Caelum Acmean, maraming makapangyarihang tao ang nabighani. Maging ang mga galing sa sobrang lahi ay naakit sa pamana."Ang Compassionate Palace, huh? Saan 'yan?" Bulong ni James sa sarili.Ang nabubuhay na nilalang na nagsalita ay nagsabi lamang sa kanila na ang Palasyo ay nasa Desolate Galaxy, ngunit inalis ang mga detalye na nauukol sa lokasyon nito.Gayunpaman, dahil ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa Kalawakan ay pinakamakapangyarihang mga pigura, ang paghahanap ng isang palasyo sa Stone Realm ay magiging isang madaling gawain, lalo na ang isang palasyo sa Desolate Galaxy.Binuksan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4129

    Isang pagsabog ang naganap sa abot-tanaw. Ang kamao na nilikha ni James ay hindi nakapinsala sa pagbuo. Sa halip, ang hindi magagapi na enerhiya ay nagkatawang tao mula sa abot tanaw at tumungo sa direksyon ni James.Mabilis itong naiwasan ni James. Pumalakpak! Isang napakalaking bangin ang lumitaw sa ibaba niya."Napakalakas ng pormasyon. Kung tumama sa akin ang napakalaking bola ng enerhiyang ito, napunit na sana ang balat ko. Kung nakaligtas ako, kumbaga." Huminga ng malalim si James.Hindi na siya nagtagal. Itinago niya ang sarili niyang aura at pumasok sa isang invisible mode, malapit sa core area.Sa Desolate Galaxy, ang bawat buhay na nilalang ay mayroon lamang tatlong libong taon upang mabuhay. Maaari lamang pumatay ng iba upang madagdagan ang kanilang buhay. Kung hindi, mabubura sila ng formation kapag tapos na ang kanilang limitasyon sa oras.Si James ay wala ring mahirap na damdamin. Siya ay tulad ng God of Death, umaani ng kamatayan mula sa mga buhay na nilalang habang

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status