Share

Kabanata 1003

Author: Crazy Carriage
“Hindi sapat ang pagpapakita lamang. Kailangan din nila ang kumakatawan na technique ng mga Caden—ang Thirteen Heavenly Swords.

Kahit na hindi pa nababasa ni Maxine ang Thirteen Heavenly Swords cultivation technique o sword technique, nakabisado niya ang mga galaw nito matapos makita na nag eensayo si Tobias.

Ngayon, kailangan nila makaisip ng contingency plan para mapigilan nila ang mga Blithe sa pagkilos sa mahahalagang mga oras.

Bukod pa dito, nauubusan na sila ng oras. Mayroon sila na halos dalawang araw na lamang.

Sa loob ng dalawang araw, kailangan pagmukhain ni Thea na tila ito ang tunay.

Matagal ito na pinagisipan ni Thea. Ito lang ang paraan para mailigtas si James. Kung kaya ni Maxine na isakripisyo ang buhay niya para kay James, paano siya susuko ng ganoon na lang?

Tumango siya at sumagot ng madiin. “Gagawin ko ito sa abot ng makakaya ko.”

“Mhm, ipatawag mo na ang mga tao mo mula sa God-King Palace. Natatakot ako na baka hindi ka umabot sa takdang panahon.”

“Naiintindihan k
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rona Sib-at
ayaw ko na thea ang makatuloyan ni james. si tiara dapat ang makatuluyan nya.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1004

    Sapagkat tinamaan ang accupuncture point niya, hindi siya makagalaw.Kahit na pilitin niya na paputukin ng sapilitan ang accupuncture point niya, hindi niya ito magawa kahit na ano ang gawin niya.“P*ta!”Bumukol ang ugat niya sa leeg habang nagmumura siya.“Pumutok ka na!”Pinilit niya na ipunin ang True Energy niya para paputukin ang selyado niyang accupuncture point.Bang!Isang malakas na pagsabog ang maririnig sa loob ng katawan niya.Tumaliksik ng ilang metro paitaas si James. Pagkatapos, bumagsak siya sa sahig at sumuka ng dugo. Ngunit, hindi siya makagalaw.Matapos indahin ang matinding sakit ng katawan, bumangon siya para suriin ang paligid.Madilim sa loob ng piitan. Nakakulong siya sa isang selda na may bakal na pinto. Sa labas, may kaunting liwanag na nagpakita ng kung ano ang nasa paligid niya. Maraming mga nakakulong rin sa piitan.Lumapit siya sa bakal na pinto, pero nakakandado ito.Hinatak ni James ng sapilitan ang kandado.Crack!Umalingawngaw ang tunog sa tahimik na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1005

    “Sino ka? Bakit ka nakakulong dito” tanong ni James habang palapit siya sa lalake na nakakadena.Sinuri niya ang taong ito mula ulo hanggang paa. Puti na ang buhok ng balbas saradong lalake, at mukhang taon na ng huli siyang naligo. Sa oras na lumapit si James, naamoy niya agad ang matinding baho.Habang nakatingin sa mga kadena sa matandang lalake, sinubukan ni James na hatakin ito. Gusto niya na sirain ito, pero matibay ang mga kadena. Kahit anong gawin niya, hindi niya masira ang mga ito.“Base sa kung gaano ka kahina, mas mabuti na sumuko ka na.” Umupo ang matandang lalake sa sahig. Sa oras na gumalaw siya, maririnig ang tunog ng mga kadena. Tamad niyang sinabi, “Gawa sa quartz steel ang mga ito. Hindi mo ito masisira.”Umupo si James at tinignan ang matandang lalake sa harapan niya. “Sino ka? Bakit ka nakakulong sa piitan ng Blithe family?”“Sagutin mo muna ang tanong ko.” Sinulyapan ng matanda si James.Matapos ang panandaliang pag-aalinlangan, sumagot si James, “Ako ang commande

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1006

    Bumuntong hininga ang matanda habang pagod ang mukha niya, “Hindi na rin naman magtatagal ang buhay ko. Wala ng saysay ang tumakas mula rito kung ilang dekada na rin naman akong nakakulong.”Natulala si James. Ilang dekada ng nakakulong ang matandang lalake na ito…Umupo din siya.Tinignan siya ng matanda. Habang kalmado ang itsura niya, nagtanong siya, “Sino ka? Saan ka nagmula?”Tinignan ni James ang matanda at sinabi ang totoo, “Isa akong Caden, isa sa Ancient Four.”“Oh, isang Caden?” Nabigla ang matandang lalake at tinitigan si James. Matapos ang ilang segundo, nagtanong siya muli, “Sino si Bennett Caden sa iyo?”Tumigil ng panandalian si James bago siya umiling-iling, “Hindi ko pa naririnig ang pangalan na iyon.”“Hindi mo kilala si Bennett Caden kahit na Caden ka?”“Sa totoo lang, mayroong labanan sa loob ng pamilya namin tatlumpung taon na nag nakararaan, at ang lolo ko, na si Thomas Caden, ay ipinatapon mula sa pamilya. Sapagkat lolo ko si Thomas, hindi ko alam ang tungkol sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1007

    Naiinitan si James.Nararamdaman niya ang tindi ng enerhiya na dumadaloy sa buong katawan niya na tila sasabog na ito. Ngunit, nanatili siyang nakatitig kay Spencer, sinusubukan na tandaan ang bawat kilos niya at bawat salita.Sa loob ng piitan…Ipinakita ni Spencer ang sampung suntok ng Blithe Fist of Abomination. Samantala, si James, hindi na niya kinaya at nawalan na siya ng malay.Matapos ang mahabang sandali, nagkamalay na siya muli. Pagkatapos, agad siyang bumangon na tila may naalala siya bigla.Mabilis siyang lumapit kay Spencer. Nakayuko si Spencer habang nakaupo siya ng pa-lotus postion.“Master…” tinawag siya ni James.Ngunit, nanatiling tahimik si Spencer.Itinulak siya ng kaunti ni James at muling tinanong, “Anong problema, master?”Sa oras na itinulak siya ng kaunti ni James, bumagsak ang katawan niya sa sahig.Nanigas si James. Agad niyang tinignan ang pulso niya.“Ano?” natulala si James.Hindi na tumitibok ang puso niya. Ilang oras na siyang patay.Lumuhod si James sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1008

    “Haha… sa tingin ko, hindi. Hindi ba’t ginulpi na ng Grand Patriarch si Tobias dalawampung taon na ang nakalilipas?”Nagkukwentuhan ang mga sundalong naghahanap kay James.Samantala, may isang lalake na nagtatago sa itaas ng bato. Ito si James.Pagkatapos silang marinig, napasimangot siya.Mukhang ang plano ni Madelyn na gumawa ng gulo sa pagitan ng mga Caden at mga Blithe ay gumana. Ngayon, magkalaban na ang dalawang pamilya.“Kailangan ko na umalis na agad dito.”Inipon ni James ang True Energy at lumipad sa ere na parang paniki. Sa pagkakataon na ito, sinigurado niya na maayos ang daloy ng True Energy para hindi siya gumawa ng ingay.Kahit na marami ang naghahanap kay James, walang nakakita sa kanya. Ligtas siyang nakarating sa lagusan palabas. Ngunit, bantay sarado ito ng mga disipulo ng mga Blithe.Sumimangot si James. Itinaas niya ang kamay niya at isang matinding puwersa ang lumabas sa mga daliri niya.Whoosh!Tinamaan ng enerhiya ang accupuncture points nila at nawalan ng mala

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1009

    Natulala si James sa lakas ng Blithe Fist of Abomination.Huminga siya ng malalim at bumulong, “Sinabi sa akin ni Spencer na mas malakas ang suntok sa bawat ranggo. Ngunit, mas mahirap sila matutunan habang tumataas ang lebel. Kahit gugulin ng isang tao na may potensyal ang buong buhay niya, maaari pa din na hindi niya matutunan ang sampung suntok nito. Gayunpaman, sinabi niya sa akin na kaya ko talunin ang kahit na sino basta magawa ko matutunan ang tatlo sa sampung suntok.”“The First Fist: Mountain Shaper. Madali lang ito. Basta may True Energy ako na sapat ang lakas, magagamit ko ito para matutunan ang cultivation method.”“The Second Fist: Mirage,” bulong ni James.Ipinikit niya ang mga mata niya.Ang imahe ni Spencer na ginagawa ang Second Fist ay nagpakita sa isip niya. Naalala niya ang imahe na ginagawa ng master niya na tila gumawa siya ng isang daang mga kamao.Umupo ng lotus position si James at nagmeditate ng buo ang konsentrasyon. Muli niyang inisip ang imahe ng Second Fis

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1010

    Isa pang boses ang maririnig.Pagkatapos, isang grupo ng mga tao ang pumasok.Sa unahan nito ay isang apatnapung taong gulang na lalake na halos tatlong daang kilo ang timbang. Dumagdag lang sa nakakatakot na itsura niya ang makapal niyang mga kilay.“Patriarch Sullivan…”Binati siya ni Flynn habang nakangiti.Isang nakatatandang lalake ang nakaupo sa isang bato, hindi kalayuan mula sa paanan ng Mount Littleroot. Nakasuot siya ng berdeng suit at medyo malaking mga bitones. Mukhang hindi tugma ang laki nito. Magulo ang buhok ng lalake.“Hindi ko inaasahan na pupunta ang mga Johnston at mga Sullivan… Mukhang ang lahat ng miyembro ng Ancient Four maliban sa mga Caden ay naparito,” bulong ng matandang lalake habang malagim ang itsura.Ito si James.Matapos bumalik sa Western Littleroot City, bumili siya ng lumang suit. Gumawa rin siya ng maskara at nagbalatkayo bilang matandang lalake.“Lahat sila may invitation cards. Hindi magiging madali para sa akin ang pumasok sa kabundukan.”Hinawaka

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1011

    Ito ang Western Border.Ambisyoso at gutom sa kapangyarihan, pinangarap ng mga Blithe na pag-isahin ang sinaunang martial world at mamuno sa mundo. Kaya, ang sinumang baliw ang maligaw sa teritoryo ng mga Blithes ay hindi mapapatawad. Kung walang gagawin si Flynn, ang mga Blithe ang magiging katatawanan ng mundo kung kumalat ang balita tungkol sa insidente. Alam niya na ang matandang lalaki na nauna sa kanya ay isang highly skilled martial artist, ngunit hindi siya natatakot. Nagdilim ang kanyang mukha, at naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Pagkatapos, humakbang siya pasulong. Sa isang kisap-mata, humarap na siya kay James. Tinutok niya ang kanyang dibdib at hinampas. Ang bilis ay walang kapantay, at ang kapangyarihan ay napakalaki. Walang ordinaryong tao ang magre-react sa oras. Maging si James ay medyo nabigla sa bilis ng pag-atake ni Flynn. Ngunit, hindi siya natakot. Pagkatapos ng lahat, ang mga pag-atake ni Flynn ay walang epekto sa kanya. Si Flynn ay isang pang-apa

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3943

    Alam na alam nina Sienna at Xerxes ang mga patakaran ng Dark World at alam nila na kailangan nilang mag alok ng mga pagpupugay sa Nine Heavens upang matiyak ang kanilang paghahari sa Malevolent Land. Kaya, nagpadala sila ng maraming kayamanan at mapagkukunan sa Nine Heavens upang mapanatili ang katatagan ng Malevolent Land. Sa kasamaang palad, ilang pwersa sa Nine Heavens ang tumanggi na ibigay sa kanila ang kapayapaan na gusto nila.Umupo si Sienna sa pinakamataas na upuan sa main hall ng Mount Malevolent Moon, nakasuot ng itim na damit. Solemne ang mukha niya. Samantala, tumabi sa kanya si Xerxes na parang bodyguard."Mas mainam na sumuko, Lord Sienna."“Sumasang ayon ako. Masyadong makapangyarihan si Thaine Machula. Isa siyang Ninth Stage Lord, na maraming tagasunod sa parehong stage. Bukod dito, mayroon din siyang malaking bilang ng mga Panginoon sa kanyang utos. Paano natin siya lalabanan?"“Payo ko na sumuko sa kanilang gusto. Walang kahihiyan sa pagsuko sa Dark World. Kung s

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3942

    Ang Divine Cow ay napagod.Noong nakaraan, siya ang tagapag alaga ng bundok ng Ecclesiastical Restricted Zone, na may napakataas na cultivation attainment at malapit nang maabot ang Acme Rank. Siya ay sapat na mapalad na nakaligtas sa labanan noong Primordial Realm Era.Gayunpaman, naabutan siya ng kakaibang kapangyarihan, at nasira ang kanyang isip. Ngayong naalis na ang kapangyarihan sa kanyang katawan, muli siyang bumalik sa kanyang katinuan. Siya ay parehong pisikal at mental na pagod. Nang tumila na ang alikabok, bumagsak siya sa lupa para magpahinga, kahit na ayaw gumalaw ng kalamnan.Ipinakalat ni James ang Sigil Formation at naglakad patungo sa baka. Ang kanyang kalaban ay nagpakita ng matinding lakas sa simula ng laban, ngunit ang kanyang aura at sigla ay mahina na ngayon. Lumapit si James at isang banayad na liwanag ang sumilay mula sa kanyang palad. Ang liwanag ay naglalaman ng Life Power.Ang Life Power ay lumubog sa katawan ng baka at mabilis na pinasigla ito, na mulin

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3941

    Gayunpaman, ang Sigil Formation James cast ay malalim at mahusay na pinatibay. Kahit na ang Divine Cow ay nagtataglay ng makapangyarihang lakas ng Ninth Stage Lord, hindi siya makalaya.Ang Divine Cow ay galit na galit at nagpupumiglas ng ligaw sa pagsisikap na makatakas. Isang malakas na pagsabog ng enerhiya ang lumabas sa kanyang katawan. Nagsimulang masira ang formation na itinayo ni James.“Ganyan ang kapangyarihan! Ang taong ito ay hindi tutumba ng hindi lumalaban,” Ungol ni James. Napaatras siya at nagpatuloy sa pagpapalakas ng pormasyon. Ang isang layer ay dumami sa 10,000 mga layer sa isang sandali.Agad na nag set up si James ng Sigil Formation na may 10,000 layers. Bagama't makapangyarihan ang Divine Cow, hindi siya nakatakas sa sampung libong-layer na Sigil Formation.Si James ay nag hover sa labas ng formation, binibigyang pansin ang Divine Cow. Inilabas niya ang ilan sa kanyang Zen sa pormasyon at ginamit ito para masusing suriin ang Divine Cow. Hindi nagtagal, lumitaw

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3940

    Sa larangan ng digmaan ng Ecclesiastical Restricted Zone, mayroong isang halimaw.Ang halimaw ay isang baka. Kung anong klaseng baka iyon, walang ideya si James.Ang kakayahan ng halimaw ay lubhang nakakatakot. Naabot na nito ang sukdulan ng Ninth Stage Lord Rank. Kahit si Morangorin ay natakot dito. Makatakas lang si Morangorin dito.Nakakita si James ng maraming lihim mula sa Ecclesiastical Restricted Zone. Marami siyang susunod na gagawin. Kailangan niya ng malakas na katulong. Kung kaya niyang patahimikin ang baka, malaking tulong ito sa kanya.Nag isip siya sandali.Nag iisip siya ng paraan para makabangon ang baka.Ng magkaroon siya ng ideya, muli siyang pumasok sa Ecclesiastical Restricted Zone.Dahil siya ang naging master ng Ecclesiastical Restricted Zone, ang buong Ecclesiastical Restricted Zone ay nasa ilalim ng kanyang kontrol. Ang anumang panganib sa Ecclesiastical Restricted Zone ay hindi isang panganib sa kanya.Madali siyang nakarating sa sinaunang larangan ng d

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3939

    Sa labas ng Ecclesiastical Restricted Zone, tinitigan ni James ang zone sa unahan at nalungkot.Tinanong ni Jabari, "Ano ang susunod mong gagawin?"Sumagot si James, “Natupad na ang layunin ko sa pagpunta sa Dark World sa pagkakataong ito. Gusto kong umalis sa Dark World sa lalong madaling panahon at pumunta sa oras ng mundo sa labas. Gusto kong pumasok sa Chaos at hanapin ang natitirang mga Universe Seeds upang himukin ang pagsilang ng universe. Panghuli, pagsasamahin ko ang lahat ng universe at ipanganak ang isang kaharian na kasinglakas ng Primordial Realm.""Sasama ako sayo," Sabi ni Jabari.Pagkatapos sumulyap kay Jabari, tumingin si James kay Xulia, na nasa tabi ni Jabari at sinabing, “Dapat mo siyang ibalik sa mga Xaadsan. Pag-usapan natin ito pagkatapos matugunan ang mga gawain ng mga Xaadsan."“Nakuha ko.” Nagdilim ang mukha ni Jabari nang malamig niyang sinabi, "Panahon na para harapin ang mga sama ng loob na ito."Ng marinig iyon, hindi napigilan ni Xulia na hatakin an

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3938

    Si James ay may magaspang na pag-unawa sa mga detalye ng labanan sa Primordial Realm.Natutunan din niya dahil sa mga kapangyarihan ng Human Race sa panahon ng sakripisyo ng Primordial Realm Era, ang labindalawang uniberso ng labas ng mundo ay ipinanganak."Ngayong may kahalili na ang Human Race, maaari na akong magpahinga sa kapayapaan."Tumingin si Master Mateo kay James at ipinaalala, “Ang Primordial Realm ay nahawahan ng masamang kapangyarihan. Hindi na ito angkop para sa pag cucultivate. Kahit na nagawa mong mag cultivate, hindi ka makapasok sa Acme Rank. Kailangan mong lumikha ng isang bagong kaharian. Upang gawin ito, kailangan mong magtrabaho ng husto. Sa Primordial Realm, may mga espiya mula sa ibang lahi. Kaya, kailangan mong mag ingat. Bago tumaas ang kaharian, hindi ka maaaring malantad. Kapag ang mga espiya ay nagkalat ng impormasyon, ang mga powerhouse ng ibang lahi ay darating muli. Ito ay magiging isang sakuna para sayo."“Naiintindihan ko.” Tumango si James.Gayun

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3937

    Ang labanan sa pagitan ng mga lahi ay malupit.Ayaw maalala ni Master Mateo ang mga detalye nito.Gayunpaman, ito ay isang kahihiyan sa Human Race at ang Human Race ay hindi dapat kalimutan ang tungkol dito. Kailangan nilang tandaan ito."Ang Primordial Realm ay isa sa Greater Realm. Kasabay nito, ito ang pinaka nakakasilaw na kaharian sa mga Greater Realm. Ang pagpaparami ng Human Race ay masyadong malakas. Lumawak din ang laki ng Human Race sa Greater Realms. Nilusob pa ng Human Race ang ibang lahi at nagpakasal sa ibang lahi. Naging sanhi ito ng pagiging marumi ng bloodline ng ibang lahi.”"Kung magpapatuloy ito, ang Human Race ay magiging tunay na master ng Greater Realms balang araw.”"Gayunpaman, ito ay isang bagay na hindi gustong makita ng ilang karera.”“Kaya, ang Ten Great Race ay bumuo ng isang alyansa at nagsagawa ng isang lihim na pagpupulong. Sa pagpupulong, ang Ten Great Race ay umabot sa isang pinagkasunduan, na kung saan ay kumilos laban sa Human Race.”“Ang Ten

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3936

    Pagkapasok ni James sa main hall, sinara ang pinto sa main hall.Ang main hall ay malawak at walang laman.Nauna kay James ang isang upuan.Sa pag suri sa kanyang paligid, walang nakitang espesyal si James sa main hall.Sa sandaling ito, isang malabong anino ang lumitaw sa upuan sa main hall. Ang anino ay unti unting nagkatotoo. Sa huli, naging matipuno itong tao.Ang lalaki ay mas matangkad kaysa sa karaniwang tao. Halos tatlong metro ang taas niya. Nakasuot siya ng gray na roba, at malakas ang kanyang aura. Kahit si James ay nakakaramdam ng hindi nakikitang pressure mula sa kanya.Napatitig si James sa lalaking kanina lang nagpakita ng sarili.Alam ni James na ang anino ay nabuo ni Zen at ang tao ay namatay noong Primordial Realm Era."Sa wakas ay dumating ka na," Ang matipunong lalaki ay nagsalita sa malakas na boses.Sa pagtingin sa kanya, alam ni James na siya si Master Mateo, ang tunay na master ng Ecclesiastical Restricted Zone noong Primordial Realm Era. Maaaring isa s

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3935

    Ng lumabas ang mga anino sa palasyo, nagpalit sila ng mga mandirigma na nakasuot ng itim na baluti. Ang sampung mandirigma ay lumuhod sa lupa nang sabay-sabay at nagsabi, "Pagbati, Master."Nataranta si James sa eksena.Sa pagtingin sa mga mandirigmang nakaluhod sa lupa, nagtanong si James, “Ano ang nangyayari?”Ang isa sa mga mandirigma sa unahan ay tumugon, “Natapos mo na ang pagsusulit at naabot mo ang Ikalabing Walong Antas. Ayon sa mga panuntunang itinakda ng dating master, ikaw ang bagong master ng Ecclesiastical Restricted Zone."“Huh?” Bahagyang natigilan si James. Pagkatapos ay sinabi niya, "Mangyaring tumayo muna.""Oo, Master."Tumayo ang mga mandirigma.Bago sila makapagtanong ni James, lumipad ang maliit na ibon sa harapan at tumayo sa balikat ni James. Tumingin ito sa mga mandirigma sa harap ni James na may seryosong ekspresyon at nagtanong, “Ano itong Ecclesiastical Restricted Zone? Kailan ito naiwan?"Sumagot ang isang mandirigma sa harapan, “Ang Ecclesiastical

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status