"We have to go back to Manila, Akie." Ang sabi ni Enton matapos ang matagal na pagtitigan nila ni Akie. Si Akie ay napakurap sa kaniyang narinig. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam kay Enton. Ipinilig niya ang ulo. Kinikilabutan siya sa kaniyang mga iniisip. Hindi iyon normal para sa kaniya na magkaroon ng kakaibang damdamin sa lalaking ngayon lamang niya nakasama."N-Ngayon na ba?" aniya."Yes. Bukas na ang libing ni Kuya Andrew kaya kailangan nating bumalik ngayon din." Samu't saring emosyon ang kaagad na naramdaman ni Akie sa kaniyang narinig. Hindi pa siya handa. Bakit ang bilis naman yata ng lahat? Hindi ba puwedeng iburol muna ng isang buwan si Andrew para makasama pa nila ng matagal? Agad nangilid ang luha niya at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Enton. Napabuntonghininga naman ang lalaki."Hihintayin na lang kita sa sala." Wika nito saka siya agad na tinalikuran. Tumango si Akie kahit na hindi na iyon nakita ni E
Sa loob ng isang library ng mansion ay doon nagkasundong mag-usap sina Elizabeth at Enton. Enton is now sitting on a chair while Elizabeth is pouring wine into a glass. Ang mga mata ni Enton ay matiim na nakatingin sa ginang habang may ngiti naman sa kaniyang labi. Natutuwa lang siya sa ginang, sa pagiging mabuting tao nito. Kitang-kita rin sa itsura nito ang pagod at kakulangan sa tulog. Ramdam niya rin ang lungkot na nararamdaman nito dahil sa pagkamatay ni Andrew. Napabuntonghininga si Enton, napawi rin ang ngiti sa labi nito.Hindi bale, dadaan lang naman ang lungkot at hindi naman ito magtatagal. Ito ang nasabi ng isipan niya.Matapos naman masalinan ng wine ang isang glass ay agad itong iniabot sa kaniya ni Elizabeth."Thank you," aniya.Tumango naman ito kapagkuwa'y ininom ang wine bago ito muling nagsalita. "So, anong mayroon sa inyo ni Akie?" Si Enton na akmang iinumin ang wine ay natigilan at napabaling kay Elizabeth na nakakunot ang noo. "What do you mean?" saad niya.Bumu
Huling araw na ng labi ni Andrew sa mansion. Si Akie ay hindi umaalis sa kinauupuan nitong nakaharap sa kabaong ng binata. Mugto na ang kaniyang mga mata, at halos wala na rin siyang luha na mailalabas pa sa isiping lahat ay binuhos na niya. Pagod ang kaniyang nararamdaman pero wala siyang balak na umalis sa kinauupuan. Gusto niyang doon lang siya, hanggang sa kuhanin na nga ang kabaong ni Andrew para isakay sa isang kotseng magdadala rito sa Simbahan.Dahil halos ayaw niyang payagang kunin ang kabaong ni Andrew sa harapan niya'y nagwala siya, at doon naman umalalay sa kaniya si Enton. Pilit siya nitong niyakap at pinatahan."Shhh. Everything will be alright," ani Enton na niyakap na siya ng buong higpit. Kumawala naman si Akie sa pagkayakap sa kaniya ni Enton at agad na binalingan ang binata na may kasamang masamang tingin."Everything will be alright? Paano? Paano magiging maayos ang lahat gayong wala na si Andrew at ako ang dahilan niyon?" sumbat ni Akie kay Enton habang lumuluha
Ngayo'y nakatitig siya sa maamo at magandang mukha ng dalagang mahimbing na natutulog ay napagtanto niyang hindi lamang niya ito mahal, kundi mahal na mahal niya ang dalaga to the point na handa siyang isugal ang buhay para dito at pati na rin sa buhay ng magiging anak nila. He will surely do everything to save his beloved's life kahit pa buhay niya ang magiging kapalit. Wala siyang hindi kayang gawin, kahit butas ng karayom ay papasukin niya kung iyon lamang ang tanging paraan para iligtas ang mga mahal. Ganoon ni Andrew ka mahal ang dalaga at ang magiging anak nila.On the other hand, Akie slowly opened her eyes and there she saw, Enton. Wala siyang ideya na ang lalaking nasa harapan niya ay si Andrew. Titig na titig ito sa kaniya habang may nakapaskil na ngiti sa labi nito. Tumikhim siya na siya namang dahilan nang paglayo ng mukha ni Enton sa kaniya. Tila ba natauhan ang binata, pero ang hindi alam ng dalaga ay umiiwas lang ito na huwag siyang mahalikan. May kung ano pang damdamin
Madaling araw nang magdesisyon silang lisanin ang mansion. Lahat ay gising at nakaabang sa kanilang pag-alis. Nasa sala ang lahat ng kasapi ng pamilya at hindi nag-iimikan habang nagkakape sa ganoong oras. Pagpasok ni Akie sa sala para magpaalam ay hindi kaagad siya nakapagsalita nang makita ang itsura ng mga ito. Nag-aalangan siyang bulabugin ang pagmumuni-muni nila at nang mapansin naman nila ang presensya niya ay biglang nagbago ang reaksyon ng mga ito."Oh, hija, nandiyan ka na pala." Ang gulat na sabi ni Elizabeth sa kaniya.Tipid siyang ngumiti sa ginang at agad itong binati. "Magandang umaga po, tita. Magpapaalam lang po ako sa inyong lahat."Nakitaan niya ng pilit na pag-ngiti ang ginang. Sa isip niya ay marahil nangungulila pa rin ito sa pagkawala ni Andrew. Ganoon din naman ang pakiramdam niya, pero wala siyang ibang magagawa kundi ang ituloy ang buhay kahit wala na ito."Mag-iingat kayo, hija. Huwag mong kalilimutan ang bilin namin sa iyo. Huwag kang magpapabaya sa pagbubu
Matapos ang ilang minutong pagyayakapan, sa wakas ay kumalas na rin si Akie kay Enton. She smiled at him. Kahit paano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Nakangiti rin ang binata sa kaniya, tumaas pa ang isang palad nito at hinaplos ang pisngi niya. Hindi niya iyon inaasahan. Nakaramdam pa nga siya ng pagkailang sa ginawa nito."You okay now?" tanong ng binata na nakangiti.Tumango naman siya. "Gumaan naman kahit konti," "Good. Anyway, magluluto ako. Ano bang gusto mo?" malambing nitong tanong. Ang mga titig nito sa kaniya ay kakaiba. Hindi niya mapangalan. Para bang may pinapahiwatig iyon at hindi niya malaman kung ano. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Enton. Para bang espesyal iyon. Ay, ewan ba niya! Naloloka lang siguro siya!Napakislot pa siya nang hawakan nito ang braso niya. Tila ba napaso siya nang lumapat ang mainit na balat nito sa balat niya. Poteks! Bakit ba siya nagkakaganoon? Dahil lang ba ito sa pagka-miss niya kay An
Nakatayo si Andrew sa terasa ng kuwartong katabi lamang ng kuwarto na inuukupa ni Akie habang hawak niya ang cellphone at kausap ang isang tauhan. Ipinaalam niya rito ang tungkol sa plano nila ni Akie—ang pag-uwi sa Pangasinan. Masinsinan silang nag-uusap ng tauhan niyang si Roger na isang pulis. Sinasabi niya rito ang mga bagay na gusto niyang mangyari, tulad na lang ng pagbantay sa mga daan na dadaanan nila papuntang Pangasinan katulad ng ginawa ng mga tauhan niya noong pumunta sila sa Maynila at bumalik ng Baguio. Gusto niya lang masigurado na hindi sila masusundan ng mga tauhan ni Cortez. Maging sa Airport ay bantay sarado rin ng mga tauhan niya ng sa ganoon ay malalaman kaagad kung may ipinadalang tao si Cortez para hanapin si Akie. Anong malay nila kung nasa tabi-tabi lang ang mga alipores nito na kasing laki ng kuto at kay sarap tirisin."Make sure na makakauwi kami ng Pangasinan na ligtas," maawtoridad niyang utos sa kausap sa telepono."Ligtas at mabilis kayong makakauwi, bos
Natupad ang hiling ni Akie na makauwi sa Pangasinan nang sa wakas ay lumapag na ang chopper na sinasakyan nila ni Enton sa nasabing lugar. Hindi tumagal ang kanilang biyahe dahil wala namang traffic sa ere kaya hindi pa man sumisikat ang araw at medyo madilim pa ay nakarating na sila sa Pangasinan."We're here."Napabaling siya sa binata na nagsalita sa tabi niya. Nagtagpo ang kanilang mga mata at siya itong naunang umiwas ng tingin. Paano, biglang nag-init ang pisngi niya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na hindi niya nagawang tumutol. Siguro baliw na nga siya dahil habang nagtatalik sila ay si Andrew ang nakikita niya at hindi si Enton. Maging ang paraan ng paghalik nito, at paghaplos ay si Andrew ang naiisip niya. Saka malala na talaga siguro ang tama niya dahil maging ang pagkalalaki nito na nakita niya ay iniisip niyang kay Andrew din. Puwede pala iyon, na pareho ang sukat at haba ng pagkalalaki ng isang tao? Kabisado n