Blaise
Ngayon ang ikalawang araw ng burol ni Sia, hindi parin ako makapaniwala na wala na siya. Nahulog ito mula sa veranda ng kaniyang condo unit na nasa ikapitong palapag ng gusali. At ayon sa mga pulis ay nagpakatay daw ito.
She committed suicide.
Sia took her own life.
Nabalik lang ako sa reyalidad noong huminto na sa tapat ko ang sasakyan na ini-book ko. Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa kalsada habang tinatahak namin ang daan patungo sa funeral homes.
"Mam nandito na po tayo." ani ng driver
Pagkatapos kong magbayad ay agad na akong bumaba ng sasakyan. Nandoon na rin ang ilan sa mga kaklase at professors namin.
"Blaise!" tawag sa akin ni Lucas na kasama na sina Shantel
Tinungo ko na ang kinaroroonan nila at mababakas sa mga mukha nito na napilitan lang silang magtungo roon.
"Pasok na tayo." ani Maam Baltazar
Nagsimula na kaming magmartsa papasok hanggang sa marating ang kinaroroonan ng labi ni Sia. Napaawang pa ang bibig ko noong makitang bukod tanging isang matandang lalaki lang ang nandoon. Sa tindig at pananamit pa lang nito ay masasabi mo ng isa itong elitista.
"Oh, so he is Sia's sugardad?" natatawang bulong ni Shantel
Sinamaan ko ito ng tingin pero nagkibit lang siya ng balikat saka ngumisi.
"Nakikiramay po kami, maging kami ay di makapaniwala na wala na si Sia." ani Tori sa malungkot na tono
"Sa maikling panahon, naging kaibigan na rin namin siya. Nakakapanghinayang." dagdag pa ni Shantel
Kung makaasta sila, akala mong hindi nila pinagbuhatan ng kamay kahapon si Sia.
Napabaling naman ako sa kabaong at doon ko lang napagtanto na naka-sarado maging ang sa ulohang bahagi nito. Bakit-
"B-Bakit po nakasarado?" tanong ni Lucas na halos mabasag pa ang boses nito
Hindi sumagot ang matanda, sa halip ay napaiyak ito.
"Pasensiya na po, nakikiramay po ulit kami." sabi ni Grey at inaya na kaming maupo
Noong maupo kami ay napansin kong wala sa sarili si Lucas at nakatitig lang ito sa kabaong ni, Sia.
"Gusto mo bang umiyak, Lucas?" tanong ni Grey na may bahid ng pang aasar
Tila natauhan naman ito at saka kami hinarap. "M-Mag ccr lang ako." Hindi man lang nito hinintay ang tugon namin at mabilis na umalis.
"What's wrong with him?" Nagtatakang tanong ni Shantel.
Wala naman sa amin ang naka-sagot sa tanong niya kaya ipinag-kibit balikat niya na lang ito.
"Ugh! What a selfish freak? Ni hindi ko man lang makikita ang mukha niya sa huling pagkakataon." inis na sabi pa ni Shantel saka binalingan ang kabaong ni Sia
"Patay na ba talaga 'yan? Di ako makapaniwala." dagdag ni Grey at sumilay pa ang smirk
"Should we open her coffin, I just wanna make sure she's fucking dead." segunda pa ni Shantel
"She's dead. I am sure of it." Napabaling kaming lahat kay Tori.
"Why? Did you kill her with your own hands?" tanong ni Shantel na sinamahan pa ng mapanuksong ngisi
"Blaise?!" sabay sabay na sabi nila noong ibagsak ko sa mesa ang mga kamay ko
"Pwede ba, kahit ngayon lang irespeto niyo man lang siya. Kahit ngayon lang."
Tila natigilan naman sila dahil sa naging reaksiyon ko.
"Sige na umiyak kana, di ka namin pipigilan." nakabungisngis na sabi ni Shantel
Sa inis ay tumayo na lang ako at naglakad palabas. Hindi ko na kayang pakinggan ang mga sasabihin nila. Hanggang sa huli ay hindi parin nila magawang magpakatao man lang.
"You must be, Blaise?"
Napalingon ako sa nagsalita, iyong matandang lalaki pala. Tumango tango ako rito.
"Naikwento ka sakin ni Sia, ang sabi niya ikaw raw ang biggest rival niya sa academics." pagkukwento nito
Bahagya akong napangiti. "Malabo po 'yon, masiyadong matalino si Sia para mapantayan ko siya. Hindi ako papasang rival niya."
Humugot ito ng isang buntong hininga. "Sia is a genius. Nakakapanghinayang." Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot at panghihinayang.
"Kailan po pala ang libing niya?" pag iiba ko
"Bukas ng alas dos."
Napaawang ang bibig ko, kung ganoon ay dalawang araw lang ang burol niya.
"Wala namang pamilya o kaibigang darating. Kayo na nga lang ang hinihintay niya, bago tuluyang umalis." paliwanag nito na tila nabasa ang iniisip ko
Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot at awa kay Sia. Ulilang lubos na kasi ito at sa ilang buwan na nakasama namin siya ay walang kamag anak o kaibigan siyang nabanggit. Hanggang sa huli ay mag isa siya.
"Salamat ulit sa pagpunta hija." bahagya pa itong ngumiti bago tuluyang bumalik sa loob
Muli ko pang nilingon ang kinaroroonan ni Sia bago nagpasyang umuwi. Ayoko nang makita ang pagpapakitang tao ng mga kaklase ko sa harap ng labi ni Sia.
Maaga akong pumasok kinabukasan. Ngayon na ang libing ni Sia pero hindi man lang ako makakapunta.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na abala sa pagtatawanan at pagku-kwentuhan. Napailing na lang ako, ano pa bang aasahan ko sa kanila. Napabaling naman ang tingin ko sa upuan ni Sia. Naaalala ko ang mga panahon na nakaupo siya roon at nakikipag kulitan sa mga kaklase ko. She is an easygoing person na madaling makasundo.
Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa noon ang tatlo at mayroon pang bitbit na bulaklak sina Shantel at Tori.
Bakit kaya wala si, Lucas?
"Why are ya'll laughing and gossiping like we doesn't have a classmate who's officially living us today?" seryosong bungad ni Tori
Napatahimik naman ang mga kaklase namin. Naglakad ang dalawa patungo sa upuan ni Sia at inilapag doon ang bulaklak.
"Rest in peace, Sia." ani Shantel
"Let us pray for her soul." dagdag ni Greyson
Napabaling ako rito, hindi ko mapigilang mapaismid sa mga ginagawa nila.
Nagsilapitan naman ang mga kaklase ko at pumalibot sa upuan ni Sia. Unbelievable.
"Blaise?" baling sa akin ni Shantel, ako na lang pala ang hindi lumalapit doon
Wala na akong nagawa kundi ang lumapit at sabayan sila sa palabas nila. What can I do? Wala akong choice kundi ang sumunod.
"Okay, let us pray for her silently." ani Tori at iniyuko ang ulo
Pinasadahan ko sila ng tingin, ipinagdadasal nga ba nila si Sia? O naghuhumiyaw ang utak nila kung gaano sila kasaya sa pagkawala niya.
"Oh- I'm sorry." ani Ma'am De Leon pagpasok nito
"Okay lang po ma'am. Tapos na rin po kaming ipagdasal si Sia." tugon ni Tori
Lumakad naman si Ma'am patungo sa upuan ni Sia at naglagay doon ng bulaklak.
"It must be hard for all of you, but I know you can get through this. You guys aren't called a perfect section for nothing. Masakit mawalan ng kaibigan pero alam kong matatag kayo, diba LawFam?"
"Yes ma'am, kakayanin namin." tugon nila
"Okay, let's do lawfam hug!" sigaw pa ni Greyson
Pinagmasdan ko lang sila na mag group hug. Hindi ko na kayang sabayan ang kalokohan nila.
That's it.
That is how we play a perfect section role everyday.
Kami ang section ng mga mababait at matatalinong estudyante. Kami ang depenisyon ng perpeksiyon sa Unibersidad na ito.
Lumipas ang maghapon na iyon sa pagpapanggap ng section namin na nagluluksa sa pagkawala ni Sia. Sa totoo lang nasusuka na akong pagmasdan sila. Sobra na sa expectation ko ang kayang gawin ng section na ito.
"Blaise, ang tahimik mo maghapon ah. Di ka parin ba tapos sa pagluluksa mo kay Sia?" natatawang tanong ni Shantel
Hindi ko na lang ito pinansin, ayoko ng patulan ang mga kahibangan niya.
"You're coming later, right?"
Napabaling naman ako kay Tori, nagtataka ako sa kung anong tinutukoy niya. Ah, iyong party. . .
"Don't you think it's too much? Ngayon lang ako nakakita ng mga taong kayang ipagdiwang ang pagkamatay ng iba." Hindi ko na napigilan ang pagka-dismayang nararamdaman ko sa kanila.
"Tsk. I am so tired of your drama. Adios!" ani Shantel at nakangiti pang kumaway sa akin
Sunod na ring umalis si Tori na nag iwan pa ng ngisi. At agad namang sumunod dito si Greyson, na nanatitiling nasa likuran ni Tori. Marahil ay hindi pa sila nagkaka-ayos
Napabuntong hininga na lang ako habang naghihintay ng masasakyan.
Maya maya lang ay dumating na rin ito at nagpamaniobra na ako patungo sa sementeryo. Papunta kay Sia.
Pagkarating doon ay agad na akong nagmartsa papasok, saan ko kaya hahanapin dito ang himlayan ni Sia? Habang patuloy sa paglakad ay natanaw ko ang isang matandang lalaki, si Mr. Nam na guardian ni Sia. Patakbo kong tinungo ang kinaroroonan niya.
"H-Hello po. ." naghahabol sa hiningang bati ko
"Hija, you came." sumilay ang munti niyang ngiti
Tumango tango naman ako, hindi ko parin mabawi ang hininga ko.
"Halika, samahan kita patungo kay Sia." sabi nito na sinang ayunan ko naman
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa huling hantungan ni Sia, hindi ko mapigilang makaramdam ng awa at konsensiya sa lalaking nasa gilid ko. Wala man lang siyang kasamang magluksa sa pagkawala ni Sia.
Tumighim ako para makuha ang atensiyon nito. "Puwede ko po bang itanong kung anong koneksiyon niyo kay Sia?" nag aalangang tanong ko
"Anak na ang turing ko kay Sia, but I doubt na tinuring niya akong tatay." bahagya pa itong ngumiti, "Alam mo si Sia, napakahirap pasukin ng puso nun." dagdag nito na may bahid ng lungkot
That's what exactly Sia is. Madali siyang mapaki-samahan pero mahirap siyang maging kaibigan. Para bang may mataas na pader na nakaharang sa pagkatao niya.
"Masaya ako na may kaibigan siyang nagpunta ngayon." baling nito sa akin
"Hindi po ako sigurado kung kaibigan niya ako?" tugon ko na ikinangiti nito
"I totally understand. " aniya
Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa marating ang bagong lapida na nasa lupa. Pinasadahan ko ito ng tingin.
Anastasia R. Dawson
Born: February 15 2002
Died: November 27 2020
Napahigpit ang kapit ko sa bulaklak na hawak ko. Sia, why are you lying there?
"I don't believe that Sia took her own life."
Napabaling ako sa biglang pagsasalita ni Mr. Nam. Nakatitig ito sa lapida ni Sia.
"Napakarami niya nang pinagdaanan, napakadami na ng pagkakataon na pwede siyang sumuko pero hindi niya ginawa. Hindi siya iyong tipo na nagkikimkim ng sama ng loob. Pag galit iyon, kaya niyang magwala. Pag malungkot, umiiyak. Ganoon si Sia, hindi siya mapagkimkim kaya imposibleng nagpakamatay siya. I won't buy it." Luhaan ang mata nitong bumaling sa akin saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Tell me, may alam ka bang dahilan para gawin 'to ni Sia? O may kilala ka bang puwedeng gumawa nito sa kaniya?"
Nakatitig lang ako sa pag iyak nito, hindi ko mahagilap ang salitang dapat kong sabihin. Naramdaman ko pa ang pagyugyog nito sa balikat ko.
"H-Hindi ko po alam." Ngayon ko lang napagtantong umiiyak na rin pala ako.
Napabitaw ito sa pagkakahawak sa akin saka mabilis na nagpunas ng luha.
"Pasensiya na, hindi ko lang talaga matanggap." mapait pa itong ngumiti, "Maiwan ko na kayong dalawa. "
Napatango na lang ako at sinundan ng tingin ang pag alis nito. Noong hindi na ito abot ng tanaw ko ay hinarap ko naman si Sia. Naupo ako at inilagay sa tabi ng lapida ang bulaklak na dala ko.
Saka dahan dahang naglakbay ang mga kamay ko patungo sa pangalan ni Sia, kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga.
"Wag kang mag alala hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pagkawala mo. Aalamin ko ang totoong nangyari noong gabing iyon. Pangako."
Tumayo na ako at nagsimulang magmartsa palayo, at bago pa man ako tulayang makaalis ay muli akong lumingon sa lapida.
Why did you have to die, Sia?
Months Before Sia's DeathIt was normal morning in our room. Kaniya kaniyang kwentuhan, harutan, at ang iba naman ay abala sa sarili nilang mundo. At isa ako sa mga may sariling mundo, mas gusto ko pang magbasa ng libro kaysa makipag kwentuhan sa kanila.Nanahimik lang ang paligid noong bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang ang aming homeroom adviser na si Ma'am Baltazar. Ngunit may kasama ito sa pagpasok, isang babae."Okay Lawfam, you'll be having a new classmate today." pasimula ni Ma'amMuli akong napabaling sa bago naming magiging kaklase. Sa tansiya ko ay nasa 5'6 ang tangkad nito, balingkinitan ang katawan at may kaputian, at masasabi kong isang anak mayaman tulad ng mga kaklase ko."Please introduce yourself.""Hi, my name is Anastasia Dawson, I just turned 18 last week. And you can just call me Sia, no
BlaiseIt was 8pm when I recieved a text messaged from Tori.Message:"Blaise, we need you here. That damn Lucas is so fucking wasted."Napabuntong hininga na lang ako matapos ko itong mabasa. Kahit anong pag iwas ko sa kabaliwang party na iyon ay mukhang wala akong choice kundi ang pumunta.Mabilis akong nagbihis at nagbook ng sasakyan patungo sa Villa ng pamilya ni Tori kung saan ginaganap ang party. Papasok pa lang ako ay rinig ko na ang maingay na musika, tilian at mga tawanan ng mga kaklase namin.Dumiretso na ako sa pool kung saan nagsasayawan at nag iinuman ang mga bisita."Ohh you came." salubong sa akin ng nanduduling ng si Lucas, may bitbit pa itong baso ng alak, "Let's dance." aya pa nito at kinuha ang kamay ko"Lucas, halika kana lasing na lasing kana." tugon ko at akmang hihilain
Hindi ko parin makalimutan ang mga narinig ko kagabi kay Tori. Posible nga kayang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Sia? "You heard us last night, right?" Napatalon pa ako sa gulat dahil sa may biglang nagsalita sa gilid ko. It was Greyson. Nag aalangan akong tumango, wala naman akong mapapala kung magsisinungaling pa ako. "I-I think Tori was involved in Sia's death." Napabaling ako rito na hindi kayang salubungin ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? "Sinasabi mong may kinalaman si Tori sa nangyari kay Sia? At bakit niya naman gagawin iyon?" Alam kong nuknokan ng kamalditahan si Tori, pero ang pumatay? Hindi ko maimagine. "You know how territorial Tori is. Pag sa kaniya, dapat ay sa kaniya lang. Ayaw niya ng may nakiki-agaw o nakikihati sa pag aari niya." paliwananag ni Grey, hindi parin ito makatingin sa m
Greyson"Sir, nakikiusap po ako, umalis na po kayo. Kami naman po ang mapapagalitan sa ginagawa niyo. Pakiusap po." pakiusap ng gwudardiya sa akinNandito ako sa tapat ng mansion nina Tori, at kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi nila ako pinapapasok sa loob."Tori! Tori! Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap!""Sir pakiusap naman po. . ."Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagtawag sa pangalan ni Tori. I can't leave like this, hindi ako papayag mawala sa akin si Tori.Maya maya pa ay natanaw ko ang papalapit na yaya ni Tori."Greyson, kapag hindi ka pa umalis ngayon. Hindi mo na makikita bukas o kahit kailan pa si Tori. Kilala mo ang alaga ko, pag sinabi niya, gagawin niya." sabi nito saka ako mabilis na tinalik
Blaise"Blaise, I really think Tori was involved in Sia's death. I found an evidence. Let's talk tomorrow morning at the rooftop."Halos madapa na ako sa pagtakbo makapasok lang ng mabilis sa University. Magkahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko sa ebidensiyang tinutukoy ni Greyson na hawak niya.Naghahabol pa ako ng hininga noong sawakas ay narating ko na ang rooftop na pagtatagpuan namin ni Grey. Mukhang masiyado nga yata akong excited dahil wala pa ito doon noong dumating ko.Minabuti ko na munang maupo at ikalma ang mabilis kong paghinga habang naghihintay dito."Grey!" mabilis akong napatayo sa pagdating niyaMukhang nagulat pa ito sa presensiya ko. "Ang aga mo." aniya na tinanguan ko namanSa halip na maupo
LucasI was left dumbfounded sa naging tugon sa akin ni Blaise. Pero sa kabilang banda ay naiintindihan ko rin siya. Sino nga namang hindi matatakot pag nakaharap mo na ang kamatayan? And knowing her, napaka-rami niya pang pangarap na nais tuparin. Kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang takot niya.Kung hindi ako tutulungan ni Blaise sa pagtuklas sa katotohanan, kailangan ko itong gawin ng ako lang. I need to do it for, Sia. Hindi ko siya na-trato ng tama noong buhay pa siya, kaya pipilitin kong maibigay ang hustisya sa pagkawala niya.Hindi ko parin matanggap. Napakabilis ng mga pangyayari, na para bang kahapon lang ang lahat.~"Hoy! Ana, nanunuod ka na naman ng chingchong?" panunukso ko ritoAgad na nagdugtong ang kilay nito sabay hampas sa braso ko. Napaka-b
Blaise Pagkapasok ko pa lang sa room ay nakita ko na ang pagkukumpolan ng mga kaklase ko. Bigla tuloy akong kinabahan sa kung ano na namang dahilan nun. "Anong meron?" tanong ko "Ano pa ba? Edi blessing." tugon ni Erica at iwinagayway pa ang papel na hawak niya "Hindi niyo parin ba tinitigilan yan? At sinong nagbigay sa inyo niyan?" Sinubukan ko pang agawin iyon pero mabilis niya itong itinago. "It's me. Ako ang nagbigay. Why? Do you have a problem with that? Kala mo kayo lang nina Tori at Greyson ang may kayang makakuha niyan?" Umirap pa ito saka nagpamewang sa harap ko. This girl. For the past two years, hindi dumating ang araw na nagustuhan ko ang babaeng 'to. "Shantel, how can you still do this after that incident?"&nb
LucasNapabaling ako sa mukha ni Blaise na malayo parin ang tanaw. Unti unting bumalik sa gunita ko ang kwento namin noong first year.~ Isang linggo pa lang akong pumapasok dito noong maging parte ako ng squad nina Greyson. They are the most powerful group not just in polsci department, but also in our school.Paano nga namang hindi?Si Greyson, ang panganay na anak ng Governor ng lalawigan namin.Si Tori, anak ng sikat at magaling na abugado, her late dad is commanding general of National Police, habang ang lolo niya ay isang kagalang-galang na judge sa lugar namin.Si Shantel, anak ng isang business tycoon na kilalang supporter sa tuwing darating ang campaign period ng tatay ni Greyson.
Tori"Hurry up! Baka mamaya nandiyan lang sa paligid si Grey." sigaw ko kay Blaise. Napakabagal kasi nitong maglakad."Teka, hindi ka ba nagpaalam kay Greyson?" tanong niya noong makasakay na"Stupid! Bakit ako magpapaalam e magkaaway nga kami. Wala talaga 'tong alam sa lovelife." Napairap pa ako rito.Natawa naman siya sa sinabi ko. "Atleast di katulad ni Shantel na naghahabol sa lalaking di siya gusto." depensa nito"Sabagay. Poor,girl–""Hoy mga bwisit, naririnig ko kayo!"Nagkatinginan pa kami ni Blaise, nakalimutan kong naka-on call nga pala kami nito."Ibang Shantel iyon. " tugon koNapahalakhak pa kami ni Blaise noong marinig ang pagmumura sa kabilang linya. Sorry Shant
"Sia, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mong 'to?" tanong ni Mr. Nam "Oo naman. Ayoko kaya ng hindi ako nananalo. Wag kang papapalpak ah." Nilakihan ko pa ito ng mata. Napailing pa ito. "Sus, sisiw na sa akin ito." aniya sabay pakita ng syringe, "Ito pala, magagamit mo 'to." "Luh? Ano iyan? Gusto mo ba talaga akong maging murderer?" Natawa ito at siya na ang naglagay ng baril sa kamay mo. "It was just a replica." Napahinga naman ako ng maluwag. Kala ko, gusto niya na akong maging murderer. "Tatawagan na lang kita kapag handa na ang lahat." sabi niya "Salamat." tugon ko saka ngumiti Noong tuluyang mapag isa ay doon ko muling ginunita ang nangyari noong gabing iyon. I was so terrified. Hindi ko inakalang magagawa sa akin ni Blaise ang ganoon. Hinigitan niya ang ekspektasyon ko
Sia Five. Four. Three. Two. One. "You're awake my dear, Meree Blaise." Nakangiting bungad ko. Pupungas pungas pa ito sabay kusot sa mata noong masilayan ako. "S-Sia?" "Why? Hindi mo ba inexpect na sasalubungin ka sa kabilang buhay ng taong pinatay mo?" Napahawak pa siya sa ulo niya saka, iginala ang mga mata sa paligid. Noong magbalik ang tingin niya sa akin ay bakas ang pagkalito nito. "K-Kabilang buhay? Patay na ba–" Napahalakhak ko sa kaniyang tanong. "Oh Blaise, I didn't expect you're that stupid. Sa tingin mo ba, pwedeng magsama ang killer at biktima niya sa kabilang buhay?"
BlaiseSabi nila pag ang kasinungalingan pauli ulit mong sinabi sa sarili mo, ito na ang paniniwalaan mong katotohanan.Noong gabing iyon, nasa restaurant ako para tumulong sa business namin.Hindi ako nagtungo kay Sia.Hindi ko pinatay si Sia.". . .Blaise, it was you who killed ,Sia."Sinampal ako ng katotohanan at gumuho ang katotohanang binuo ko sa isip ko. Hindi, hindi puwede 'to.Noong mabawi ang katinuan ay agad kong sinundan si Shantel, hinila ko ito patungo sa lugar na walang makakarinig sa amin."Anong kalokohan ang sinasabi mo?!"Sumilay ang mga ngisi niya. "Kung kalokohan ang sinabi ko, bakit ka nag atubiling hilain ako patungo rito? C'mon wag na tayong maglokohan. . . tayong
ShantelNight of Sia's death . .How dare she try to ruined us, matapos niya kaming isumbong noong midterm exam ay ito namang paninira sa social media ang next step niya.That freak, ano bang mapapala niya sa paninira sa amin?Bakit niya kami kailangan isumbong sa ginagawa naming pandadaya, kung isa naman siyang genius? For fairness? Fvck! Sia, doesn't care about that shit.Why would she complicate things? Matapos namin siyang tanggapin sa squad, ito ang isusukli niya? Ugh! She's freak.I tried to clear my mind. Anastasia Dawson, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang bawat araw ng pagpasok mo sa University.Inihanda ko na ang sarili ko sa pagtulog, lalo at na-eexcite na akong pagdiskitahan si Sia bukas. Humand
BlaiseUnti-unti ng nagkakalinaw ang lahat, kahit papaano ay alam na namin ang dapat naming tunguhin para mahanap ang katotohanan sa pagkamatay ni Sia. Kaunti na lang. . ."Guys, listen. ." Pagkuha ni Tori sa atensiyon ng lahat sa room namin. "We will no longer give you, blessings." That is how they called the answers of exams.Agad namang namuo ang bulong-bulongan."Why? C'mon we're doing it for so long. Why would we stop it now?" protesta ni Cheska"Yeah. May problema ba? Did someone betrayed us?" dagdag pa ni Bea"Wala. Let's just be better, lawfam. Please." kalmadong sabi nito na may halong pakikiusapWalang nakapag salita sa amin. Well, ibang bagay siguro talaga pag gumamit na ng word na please, ang isang Victoria Zamora. It sound
Tori What is he doing here? I am still so mad at him. "Tsk! Look who's here. Kapal din ng mukhang magpakita sa 'min." salubong ni Lucas dito "As far as I know, this study room is made for me." Nag smirk pa ito kay Lucas. "At isa pa, hindi ako nandito para makipagtalo sa inyo. Blaise, I know my presence makes you feel uncomfortable, pero kailangan kong maupo dito kasama ninyo." baling niya rito sa kalmadong tono May nangyari ba sa kanila ni Blaise? Bakit tila ang dami ko ng hindi nalalaman. Bumaling muna sa akin si Grey bago ito tuluyang naupo. Simula noong nangyari kay Sia, hindi ko pa siya kinakausap ng maayos. "Oh! Since we are all here, why don't we talked about our alibis that night." ani Shantel Wala naman sa amin an
ToriI smiled bitterly while scanning the whole University from the rooftop of our department building.It was all my fault.Kahit saan ko tingnan, ang pagiging spoiled brat ko ang ugat ng lahat ng nangyayari na 'to.Because of me. . . someone died because of me. It was me who killed Sia.Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at muling binasa ang huling text message na natanggap ko mula sa kaniya."You said you will only believe me when I'm dead. Now, I will jump off to my end. And right at this moment, Victoria Zamora, you're the one who's responsible for my death."Napa-pikit ako. Ni isang segundo ay hindi ko maiwaksi sa isip ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Kahit anong pagpapanggap ko na matatag ako at mas
LucasNapabaling ako sa mukha ni Blaise na malayo parin ang tanaw. Unti unting bumalik sa gunita ko ang kwento namin noong first year.~ Isang linggo pa lang akong pumapasok dito noong maging parte ako ng squad nina Greyson. They are the most powerful group not just in polsci department, but also in our school.Paano nga namang hindi?Si Greyson, ang panganay na anak ng Governor ng lalawigan namin.Si Tori, anak ng sikat at magaling na abugado, her late dad is commanding general of National Police, habang ang lolo niya ay isang kagalang-galang na judge sa lugar namin.Si Shantel, anak ng isang business tycoon na kilalang supporter sa tuwing darating ang campaign period ng tatay ni Greyson.