Matapos sumagot si Kyle kay Franz, hindi agad nakapagsalita ang nasa kabilang linya.
“Nasa office ka ba ni Kiarah?” takang tanong ni Franz.
“Yeah, why?” Nilapag ko nalang ang cellphone ko sa gitna ng mesa ko para mas rinig si Franz.
“What are you doing there? Kanina pa ako tumatawag sayo, I thought nasa Cebu ka na naman.” sagot ng nasa kabilang linya.
“Well, may binigay lang akong documents kay Miss Maurer. And I didn’t bring my cellphone with me. Ano meron?” tanong niya.
“Well, I just miss you bro.” natawa naman ako sa tinuran ng nasa kabilang linya.
Napatingin sa akin si Kyle nang nakakunot ang noo. Agad naman akong tumigil nang makita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.
“Can you stop that nonsense?” iritadong sambit ng kaharap ko.
“Why? I’m just being sweet, you hurting my feelings.” pagdadrama ng nasa kabilang linya.
&
Dalawang linggo ang nakalipas na puro trabaho lang ang ginawa ni Kiarah. At tulad nga ng sabi ni Kyle, hindi rin siya nakapasok sa mga araw na iyon sa opisina dahil abala ito sa pag-aasikaso ng kaniyang kliyente sa Cebu. Ilang araw ding hindi nakita ni Kiarah ang mga kaibigan niya dahil halos wala na siyang pahinga sa trabaho. Bago umalis si Kyle papuntang Cebu ay kinausap niya sa Kiarah. Maraming binilin si Kyle sa kanya.Ngayon ay lunes at sinabi ni Kyle na babalik siya ngayon dito sa Maynila. Si Kiarah naman ay medyo late nang nagising. Nang makabangon siya ay agad itong nagtungo sa kanyang banyo para maligo. Hindi na din niya napansin na hindi nakaayos ang pangatlong butones ng kanyang long sleeve. Agad niyang kinuha ang kaniyang mga gamit pati na din ang susi. Lumabas agad siya sa kanyang condo at nagtungo sa elevator. Nang makarating siya sa kanyang kotse ay mabilis siyang sumakay tsaka pinaandar ito. Kailangan niyang magmadali dahil babalik ngayon si Kyle. Kapag
Kinaumagahan ay maghapon akong nagtrabaho, pinauwi din ako ni Kyle ng maaga dahil kailangan ko pang mag-impake ng mga damit. Natawagan ko na din ang mga kaibigan ko at sinabing kagabi pa sila nakapag-ayos ng mga gamit nila. Bilib din naman ako sa dalawang iyon, laging active kapag trip usapan.Dumaan muna ako sa condo ko para kunin ang isang bag ko sabay uwi sa bahay. Nang makarating na ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng isang kasambahay namin at tinulungan niya akong dalhin ang ibang gamit na inuwi ko sa kwarto.“Thank you, manang.”Tumango at ngumiti naman ito bago nagpaalam na bababa na siya. Ako naman ay agad pumunta sa banyo para maligo. Hindi na ako nagtagal pa sa banyo dahil mag-iimpake pa ako. Pagkatapos ko namang magbihis ay bumaba na muna ako sa kusina para kumuha ng makakain.“Yaya hindi pa din po ba umuwi sina Daddy?” tanong ko sa isang kasambahay nang makita kong naghuhugas ito ng mga gulay na lulutuin para sa ha
Nagising ako mga bandang 2pm na, pero wala pa din ang dalawa. Bumangon na ako para magbihis. Nalipasan na din ako ng gutom, hindi man lang ako ginising nung dalawa. Ilang minuto muna akong nagbabad sa banyo hanggang sa matapos ako. Nagsuot lamang ako ng denim short at white crop-top. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto naming at saktong nakasabay kong lumabas si Kyle. Nagkatinginan pa kami bago nag-iwasan ng tingin.“Wala ka daw kaninang lunch, bumaba ka na dun at kumain,” pagbabasag niya ng katahimikan. Napalunok naman ako dahil bigla-bigla siyang bumabait.Napatingin ako sa kanya at tumango. Nauna na itong naglakad papuntang elevator kaya naman sumunod ako sa kanya. Ako na naman ang nasa harap niya kaya medyo naiilang akong nakatayo doon. Nilagay ko sa isang balikat ko ang buhok ko dahil medyo nakaramdam ako ng init. Narinig ko naman siyang napatikhim kaya napangiti ako ng palihim.Nang makababa naman na kami sa lobby ay agad ka
Nagising akong may hang-over kinaumagahan. Nauna akong nagising sa mga kaibigan ko. Bale tatlo ang kama ng room naming kaya tig-iisa kami ng higaan. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang sentido ko sabay lakad papuntang banyo. Nag-mouthwash muna ako at naghilamos. Nang matapos ako sa banyo ay nagtungo naman ako sa may balkonahe. Good thing may balkonahe ang room naming. Pagtingin ko sa baba ay medyo may iilan nang nagre-ready para magswimming. Hindi pa ganun katirik ang araw kaya medyo ramdam ko pa ang lamig sa umaga na nanggagaling sa dagat. Parang gusto ko tuloy manirahan malapit lang sa dagat para araw-araw akong nakakaranas ng ganito.Nang magsawa ako kakatayo sa balkonahe ay bumalik na ako sa loob ng kwarto. Sakto naman pabangon na si Shona.“Good morning,” bati ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin sabay ngiti. Pero napangiwi ito nang maramdaman niya ang sakit ng ulo niya. Natawa naman ako sa naging itsura niya.“Argghh! Ang sakit
Naghugas muna ako ng kamay sabay tingin ulit sa dalawang babae.“Hi,” bati ko sa kanilang dalawa. Napaiwas naman sila ng tingin.“Ano pala yung pinag-uusapan niyo kanina? Pasensya na kung nakinig ako sa usapan niyo, medyo malakas kasi yung boses niyong dalawa,” sarkastiko kong sabi.“Sorry po,” paghingi ng paumanhin sa akin nung isa. Nakatingin lamang ito sa paanan niya.“Hmm, pwede ko bang malaman kung anong mga pangalan niyo at kung saan kayo nagtatrabaho?” tanong ko sa na ikinalaki ng mga mata nila.“Sino ka ba?” pagtataray sa akin nung isa. Inawat naman siya ng kaibigan niya.“Sino ka din ba?” balik tanong ko sa babae.“Anak ako ng isang kapitan dito, ikaw sino ka?” pagyayabang niya. Bigla naman akong natawa sa kanya.“Kapitan ng alin?” tanong ko ulit. Gusto ata nitong mapahiya. Nakakagigil ang mga ganitong babae eh.&ldqu
Nang matapos na ang tawag ay agad din akong lumabas ng kwarto at nagtungo na sa elevator. Pagkarating ko sa baba ay nakaayos na ang mga pagkain. Tanging ako na lamang ang hinihintay nila.“There she is,” agad na sambit ni Sofia nang malingunan niya ako.“Sorry, I’m late,” saad ko at umupo na sa harapan ni Kyle. Tahimik lang itong nakamasid. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagsimula na kaming magsandukan ng mga kakainin namin.“Bar ulit tayo ngayon,” yaya ni Sky.“Game ako,” agad na anunsiyo ni Shona at Sofia. Tumingin pa sila sa akin. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.Nang umoo na ang lahat ay napabaling naman sila kay Kyle na tahimik lang na kumakain. Nang mapansin niyang nakatingin kaming lahat sa kanya ay tumaas naman ang kilay nito at nagtatanong ang mga tingin niya.“Bar?” yaya ni Philip sa kanya.&nbs
Pagkaalis ni Kyle, napaupo na lamang ako sa kama. Mabuti na lamang ako lang mag-isa ngayn dito sa kwarto. Bigla ata akong nahimasmasan sa nangyari. Nasaktan ako sa pagtulak niya sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan niya bakit niya ako tinulak kung gayun na tumugon naman ito sa akin.Napasinghap ako ng hangin nang maramdaman kong nagbabadya na ang mga luha sa mata ko. Dali-dali akong nagtungo sa banyo para maghilamos. Ano ba kasing pumasok sa utak mo Kiarah? Bakit mo ginawa siya hinalikan? Napasapo na lamang ako sa noo nang marealized ko ang ginawa ko. Siguro galit na iyon sa akin. Naghalf bath na lamang ako at nang matapos ay agad akong nagbihis. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame hanggang sa nakatulog na lang ako.Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga. Medyo masakit na naman ang ulo ko dahil sa kalasingan ko kagabi. Dahan-dahan akong nagtungo sa banyo para maghilamos. Napatitig pa muna ako sa salamin.“Ano bang ginawa mo?” pagkausap ko sa s
Nagising ako ng mga madaling araw nang marinig kong bumukas ang pinto. Siguro nakabalik na sila Shona at Sofia. Hindi na ako nag-abalang tignan pa iyon. Pinakiramdaman ko nalang silang naglakad. Naghahagikgikan pa silang dalawa hanggang sa mahiga silang pareho. Ako naman ay nagtuloy na ulit sa pagtulog. Ngayon lang ulit ata ako hindi sumama sa kanila sa inuman, hindi tulaad noon na laging present kapag may nag-aya.Kinaumagahan ay ako na naman ulit ang naunang nagising sa aming tatlo. Sina Sofia ay mahimbing pang natutulog. Naligo na muna ako at nag-ayos ng mga gamit bago lumabas ng room. Gusto ko munang maglakad-lakad ngayon bago kami umuwi. Ngayon ang alis namin at hindi man lang ako masyadong nakapaglibot dito. Tinawagan ko na muna sina Mommy para sabihing uuwi na kami mamaya.“Hi Mommy,” bati ko sa kabilang linya.“Hello sweetie, how’s your vacation?” tanong niya sa akin. Hindi pa ako agad nakasagot dahil naalala ko ang nangyari
Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong maconfirmed namin na buntis nga ako. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala na may baby sa sinapupunan ko. We even decided na magsama na ni Kyle sa iisang bubong.Matapos niyang malaman na buntis ako ay nagproposed din siya sa akin.Bukas na ang kasal namin. Pinadali na ang kasal para hindi pa visible ang tiyan ko pagnagsuot ako ng gown. I am also excited to my wedding. Sa tatlong linggong nakalipas, mabuti na lamang at naayos din ang kasal. Kahit konti lang yung time ng preparation, nakaya din na maayos dahil marami naman ang tumulong sa amin. Lahat ng family ko na nasa ibang bansa ay umuwi din ng Pilipinas para sa kasal ko.I am happy now dahil makakabuo na ako ng sarili kong family. Si Kyle ay inaasikaso na din yung bahay naming dalawa. Hindi niya sinabi sa akin na may pinatayo na pala siyang bahay matagal na at plano niyang gamitin daw iyon kapag kasal na siya. At ganun na nga ang mangyayari. Everything is perfect f
Nagising ako ng madaling araw dahil parang kinakalkal ang sikmura ko. Kaya naman napatakbo ako sa banyo para sumuka doon. Nagtaka naman ako ng tubig lang ang sinuka ko. Naghilamos ako at lalabas na sana nang masuka na naman ako kaya naman napaluhod ako sa harap ng inidoro at doon ako sumuka. Ayaw ko naman na gisingin sila mommy dahil tulog na ang mga ito at panigurado tulog na din ang mga kasambahay namin.Nang hindi na ako nagsuka, tumayo na ako at naghilamos na ulit. Nang makalabas ako ng banyo ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Kyle. Alam kong tulog pa ito pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Ilang beses na nagring yung cellphone niya kaya inis ako nang hindi niya ito masagot. Tinawagan ko siya ulit at sa panlimang ring ay tumugon na ito sa akin.“Mmm,” rinig ko sa kabilang linya.“Bakit antagal mong sagutin ang tawag ko?” galit kong tanong sa kanya. Ilang segundo naman siyang natahimik bago nakatugon sa akin.
Nagising ako dahil sa ingay na dinudulot ng cellphone ko. Kunot noo akong napatingin dito at nakitang tumatawag si Kyle.“Yes?” tanong ko sa kanya.“Nagising ba kita?” tanong naman nito sa akin.“What is it? Ang aga-aga Kyle,” sabi ko sa kanya.“Bakit mo pinatay yung tawag kagabi? Sabi ko huwag mo papatayin,” nagtatampong parang batang saad nito.“Yun lang ba? Pinatay ko yung tawag dahil kailangan ko magcharge at tulog ka na nun,” pagdadahilan ko naman sa kanya.“Naiinis ako,” sabi pa nito. Nagiging childish na naman siya.“Bahala ka, babalik na lang ako sa pagtulog, bye.” sabi ko naman sa kanya at pinatay ang tawag. Wala pang dalawang segundo nang tumawag ulit ito pero hindi ko sinagot. Inaantok pa ako.Hindi kalaunan ay napabalikwas ako ng higa nang maalala ko yung meeting namin ngayon. Agad akong napatingin sa orasan ko at may isa’t kal
Kakapasok lang namin sa bahay nila Kyle at bumungad naman sa amin ang nakangiting Mommy nito. Agad din akong napangiti sa kanya. Niyakap niya ako at humalik sa pisngi ko. She’s so lovely.“I miss you, dear.” bati niya sa akin sabay humiwalay sa yakap.“I miss you po tita. How are you po?” tanong ko sa kanya.“I’m doing good, I’ve been waiting for you to come here again,” sabi niya sa akin.“Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I’m so amused.“Yeah, pero laging sinasabi ni Kyle sa akin na busy ka.” tugon niya kaya napatingin naman ako kay Kyle.“Wala naman po siyang nababanggit sa akin,” sabi ko habang nakangiti.“Tignan mong lalaki ka, ayaw mo lang ipakita sa akin si Kiarah,” reklamo ng Mommy niya.“Hey, she’s just busy kaya hindi ko siya maaya.” depensa naman niya.“Hindi po
Nang makarating ako sa bahay ay agad bumukas yung pintuan. Nakita kong lumabas si Kyle at hindi maipinta ang mukha nito. Medyo nahihilo naman akong nagpark ng kotse ko at lumabas. Sinalubong naman ako ni Kyle. Siya na din ang nagsara ng pintuan ng kotse ko. Humarap siya sa akin nang maisara na niya ito.“Saan ka galing?” seryosong tanong nito sa akin.“Pake mo,” pagtataray ko naman sa kanya.“Nakainom ka?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi naman ako tumugon sa kanya.“Kiarah, sagutin mo nga ako,” sabi na naman niya kaya naman napatingin ako sa mata niya.“Oh, nandito ka pala,” sabi ko habang nahihilo yung paningin ko.“Ano bang nangyayari sayo? Saan ka ba galing? Bakit lasing ka?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.“Pwede ba, layuan mo ako,” sambit ko naman at napatigil siya sa sinabi ko.“Pumasok na tayo sa loob,&rdqu
“I love you,” tugon ko din sa kanya. Kinuha niya yung bulaklak at binigay sa akin.“I’m sorry for what I did,” hingi na naman niya ng tawad sa akin.“You’re so sweet,” puna ko.“I know right,” yabang naman niya kaya pinalo ko siya sa braso niya.“Yabang mo,” sabi ko sa kanya. Bumitaw siya sa akin at kinuha yung wine tsaka ito binuksan. Kinuha naman niya yung dalawang baso doon at nilagyan ng wine ang mga ito. Inabot niya sa akin yung isa.“Cheers,” sambit namin nang sabay at nilagok iyon ng diretso.“You don’t know how much you make me happy today,” sabi ko sa kanya.“Me also,” sabi naman niya.Hinalikan na naman niya ako pero smack lang iyon. Kinuha niya yung blanket sa loob ng sasakyan at nilapag sa harap ng sasakyan niya. Mabuti na lamang at maliwanag doon. Kinuha na namin isa-isa yung mga pagkain at alak sa kots
Chapter 54Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa halik na nararamdaman ko sa leeg ko. Agad akong nagmulat at napatingin kay Kyle sa pinaggagawa niya.“Good morning,” malapad ang ngiting bati nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Ngayon nakahinga na ako ng maluwang dahil okay na kaming dalawa.“Ang aga-aga,” suway ko sa kanya at nag-unan sa braso nito. Nakabalot lamang ako ng kumot. I didn’t expect na gagawin namin iyon nang kakabati lang namin. At hindi ko rin inaasahan na may nangyari sa amin kagabi.“Ready na ang breakfast in bed mo,” sabi nito nang may pilyong ngiti kaya iba naman ang naisip kong kahulugan nito. Pinalo ko siya sa braso dahilan para tawanan niya ako.“Loko ka talaga,” sabi ko pa sa kanya.“Ano bang iniisip mo? Pwede naman kung yun ang gusto mo,” sabi nito habang nang-aakit ang tingin nito.“Tumigil ka nga,” suway ko
Nagising ako nang may kumakalabit sa akin. Nang magmulat naman ako ay madilim na ang paligid. Napatingin ako sa kumakalabit sa akin at nagulat ako nang makita ko si Kyle. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya kanina?“Kain ka na, malilipasan ka ng gutom. Gabi na,” sambit nito pero nakatitig lang ako sa kanya. Mugto na naman ang mata ko kakaiyak.“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya.“Binabantayan ka,” sagot naman niya.“Akala ko ba umalis ka na kanina?” sambit ko.“Ngayong nakita na kita, hindi ko hahayaang takbuhan mo ako ulit at mawala na lang bigla. You don’t know how much it driving me crazy.”“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya.“Hindi, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa mapatawad mo ako,” pagmamatigas niya kaya wala na akong nagawa kundi manahimik na lamang. Alam kong hindi rin siya aalis
Dalawang araw ang nakalipas mula noong nagtungo ako dito sa Baguio. Mukhang hindi nga sinabi ni Mommy sa mga kaibigan ko kung nasaan ako dahil wala ni isa sa kanila ang sumunod dito. Hindi rin nila ako nagambala sa tawag dahil ibang number na ang gamit ko. Gabi-gabi naman tumatawag sa akin sina Mommy at Daddy para icheck kung okay lang ako. Alam na din ni Daddy ang sitwasyon namin ni Kyle. Kapag nagkakausap kami ay hindi naman niya ako tinatanong tungkol sa nangyari. But I don’t have any idea kung nakausap na niya si Kyle at kung ano ang sinabi niya dito.“Aling Tessy, aalis na po muna ako,” paalam ko bago lumabas ng bahay.Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar ito. May nakita kasi ako sa social media about sa isang coffee shop na sikat dito. Dinadayo pa ito ng mga foreigner. And alam kong medyo bago lang ito kasi wala naman ito noong last na punta ko dito sa Baguio. Namiss ko na din magcoffee sa labas kaya nagdesisyon akong itry iyon.Hindi