“Sis, kain ka naman kahit kaunti lang.” ani Karren sa kanya. Himalang wala sa cellphone ang atensiyon nito ngayon. Mataman itong nakatingin sa kanya.
Pilit syang ngumiti sa kaibigan. Marahan niyang kinuha ang kutsara at tinidor bago nagsimulang sumubo. Pinilit niyang kumain upang hindi mag – alala ang mga kaibigan. Halos lunukin na lamang niya ang pagkain sa pagpilit na ipakita sa mga kasama na kumakain siya. Tumigil lang siya nang halos mangalahati na ang nakain niya.
“I’m so sorry.” Apologetic na sabi ni Mhelrose. “Narinig ko lang naman kasi na sabi ni Mama kanina.”
Ibinalita kasi nito
"So you already officially broke up with him. Don't you worry Best, you'll get by. There's a lot of things na puwede mong pagkaabalahan." Umiling - iling siya sa kaibigan. "I don't know Best. Alam kong iba na ang sitwasyon namin ni Enzo. Hindi ko pa rin lubos maisip na mauuwi kami sa ganito. Aside from you, alam mo namang sa kanya ako pinakamalapit. He's my boy best friend before we've got into a relationship. Matagal kong pinangarap iyon. We built sandcastles together and promised to stay with each other forever. Our forever seems to have an ending." "Wala na tayong magagawa Best. Andyan na iyan. All you have to do right now is accept the fact na may mga bagay na hindi umaayon sa ating sariling kagustuhan." "You're right." aniyang pinalis ang mga luha sa kanyang pisngi. "Cheer up. It's not the end of the wor
Gulat na gulat si Athena nang pagbuksan nito ng gate si Martin. Araw noon ng Sabado at alas otso pa lamang ng umaga. "Mart.. what brought you here? Ang aga mo." nababaghang sabi niya sa nabungarang bisita. "Dumaan lang ako." kaswal na sabi sa kanya ni Martin. Noon naman dumating ang kanyang ina, ama at kapatid. "Good morning po Tita, Tito, Kuya Achilles." Isang malaking pumpon ng bulaklak ang iniabot nito sa kanyang ina. Gayundin sa kanya na sinamahan nito ng isang box ng black forest cake. Prutas naman para sa kanyang ama at kay Kuya Achilles. "Hijo, ang aga mo naman. Nag - almusal ka na ba?" ang tanong ng kanyang ina. "Opo, Tita. Pasensya na po kayo kung napaaga ako ng pagpunta dito. May pinuntahan lang po ako sa malapit dito kaya dumaan na
Wala na siyang nagawa nang magpilit pa si Martin na ihatid siya sa kanilang tahanan. Pabor na pabor naman si Miles na agad itinulak si Martin sa loob ng tricycle at siya namang sumakay sa likod ng tricycle driver. Pagkarating sa kanilang tahanan ay mabilis silang umibis ng tricycle. Nilikom at pinagpag nila ang dalang payong bago inilagay sa isang tabi. "Oh Athena, Martin.. pasok, pasok. Bilis at ang lakas ng ulan. May bagyo pa yatang darating eh." anang kanyang ina. "Bakit naman kayo sumuong na sa ulan. Sana'y nagpatila na muna kayo bago umuwi." sabi ng kanyang ama na sinalubong din sila. "Sorry po. Naisip po kasi namin na aabutin na po kami ng gabi kung hindi pa kami uuwi." Mabilis silang pumasok sa loob ng kabahayan sa sobrang lamig n
Maaliwalas na ang kalangitan tanda na lumipas na ang bagyo. Pupunta sana siya kina Miles ngunit napansin niya ang nagsitumbahang mga puno sa parke. Agad niyang pinuntahan ang puno ng rambutan na itinanim nila ni Enzo na anila ay tanda ng kanilang pagmamahalan. Nanlumo siya nang makita nabunot ang ibang ugat nito. Kakaunti na lang ugat ang nag - uugnay dito at sa lupa. Nanghihinang napaupo siya swing doon. Ilang taon. Ilang taon niyang hinintay at minahal si Enzo. Si Enzo lang, walang iba. Nang maging maayos naman lahat sa kanila, saka sila magkakaroon ng matinding problema. Parang itong puno lang. Noong panahong bata pa ay hindi man lang nagupo ng bagyo. Ngayong kung ilang panahon nang nakatanim, Bagyong Andoy lang pala ang magpapasuko dito. Sa kaso nila ni Enzo, isang Natalie na kailan lang nito nakilala ang magpapabago sa la
Maaga pa lang ay nasa kanila na si Martin para sunduin siya. Ngayon sila nakatakdang mag ocular visit sa Tierra Verde Nature Resort sa bayan ng Cuenca, Batangas. "Ingatan mo ang anak namin Martin ha." bilin pa ng kanyang ama bago sila umalis. "Opo, Tito." nakangiting tugon ng binata. "Mabuti naman." Matapos ang ilan pang katakot takot na habilin ay nakaalis rin sila. Sakay siya sa kotse ni Martin habang convoy naman sa kanila sina Miles at Jim na isinama na rin sina Mhelrose at Jerson. Halos kalahating oras lang ay narating na nila ang nasabing resort. Magalang naman silang agad na sinalubong ng staff doon. Iginiya sila ng mga ito buong lugar upang ipakita na ang accommo
Hindi maiwasang mapangiti ni Athena habang tinitignan si Martin na kasalukuyang nag - aabot ng pagkain sa mga batang kumatok sa sasakyan nito kani - kanina lang pagkalabas nila ng convenience store. Aarangkada na sana ito nang biglang katukin ng dalawang bata ang windshield ng sasakyan. Namamalimos ang mga ito at sa halip na pera ang ibigay ng binata ay ang binili nitong pagkain para sa sarili ang iniabot nito sa dalawa. Sinabihan pa nito ang mga bata na hangga't maari ay sa kani - kanilang tahanan na lang sila at delikado ang kanilang ginagawa. Nakita niya ang sarili niya sa mga batang ito noong panahong helpless din siya. Si Martin, bukod sa kanyang mga kaibigan ang umalalay sa kanya at nagpangiti sa kanya. Hindi siya nito iniwan sa panahong kailangan niya ng karamay. Alam niya na busy din ito ngunit kahit gaano ito ka busy ay naglalaan ito ng oras sa kanya. Nang makapagp
Nagising si Athena na parang may pumupukpok sa kanyang ulo. Pakiramdam niya'y hilong hilo siya. Masakit din maging ang kanyang lalamunan. Maging ang buong katawan niya ay sumasakit. Pinilit niyang imulat ang mata. Napasinghap siya nang magisnan ang katabing si Martin. Paano silang nakarating doon? Agad niyang sinilip ang sarili sa ilalim ng kumot. Naitakip niya ang mga palad sa kanyang mukha. Sa hitsura pa lamang nila at nararamdaman ng katawan niya parang alam na niya kung ano ang nangyari. 'Oh no.. Oh no.. ' paulit ulit na sigaw ng isip niya. 'Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga magulang at kuya ko?' Tinignan nya sa wall clock kung anong oras na. Alas diyes trenta na ng gabi. Kumilos siya upang umalis sa kama na kipkip ng comforter sa dibdib. Dali - dali niyang pinulot ang mga damit at agad na nagbihis. Walan
Walang kibo at tahimik lang na nakatanaw sa bintana ng sasakyan si Athena. Ganundin si Martin na diretso lang ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Kasalukuyan silang bumibiyahe pauwi sa kani-kanilang mga tahanan. "Ehem.. ehem..Ang init!" patay malisyang sabi ni Miles na nararamdaman ang tensiyon sa pagitan nila ni Martin. Si Jerson naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror. Habang daan ay ramdam nila ang tensiyon sa isa't isa. Maraming bagay ang pumapasok sa isip niya. Matagal niyang iningatan ang sarili niya ngunit sa isang iglap lang ay naibigay niya kay Martin ang pinakakaingatan gayung ni hindi naman sila. Magkaibigan lang sila. Pero gawain ba ng magkaibigan yun? Hayss.. sumasakit ang ulong hinilot niya ang sentido. "Masakit bang ulo mo Best?" tanong ni Miles sa kanya n
Napakunot ang noo ni Martin at madahang ibinaba ang kanyang eyeglass nang makita ang suot ng anak na si Martheena. Isa itong Darna costume. There goes his overprotective side again. “Why is she wearing those things?” madiing sabi nito at lumingon sa asawa. Natatawa naman na sumagot ito sa kanya. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” “Nandoon na ako pero hindi ba parang kitang kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” Balik tanong niya kay Athena. “What do you want her to wear, Bananas in pajamas?” kantiyaw nito sa kanya. &nb
So as long as I live I'll love youWill have and hold youYou look so beautiful in whiteAnd from now to my very last breathThis day I'll cherishYou look so beautiful in whiteTonight You look so beautiful in white tonight. Kaagad niyang nahigit ang hininga ng bumungad sa pinto ng simbahan ang kanyang pinakahihintay na bride. She looks stunning and breathtakingly beautiful in her white gown. Her innocence, her smile, her eyes reflecting love and admiration for him. Well, the feeling is mutual. As she walks in the aisle, he remembers the day when he first saw her. She was just seventeen then claiming the wallet she lost. He barely had sleep then. He find ways para mapalapit dito and lucky him, nagkasama pa sila bilang SSG Officers. Masakit knowing she’s eyeing someone. Matagal din siyang na friend zone pero okay lang naman sa kanya since masaya na rin siya just to be with
"Love, okay ka na ba. Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us." ani Martin sa kanya na kanina pa tahimik na nakaalalay sa kanya. Marahan siyang tumango nang maalala ang anak na naghihintay sa kanilang pag - uwi. Bago sila tuluyang umalis ay mahinang nagsalita si Martin. Ginagap nito ang kanyang mga palad habang nakatingin sa puntod ng kaibigan. "Enzo, words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the love of my life, mother of my child. For that, isa kang bayani para sa akin. We never had this chance to meet each other. Pero I know you're a good person. Thanks for loving our dear Jewel so much. Hinihingi ko sa iyo ang iyong basbas at paggabay sa aming pagsasama. Rest assured na mamahalin ko nang buong - buo hindi ko man ma
I guess I'm down,I guess I'm down,I guess I'm down...To my last cry... You cannot put a good man down even after his death. Memories of him stay in the minds and hearts of people who have known him even only for quite a while. All his journey in life, he showed nothing but goodness towards other people. Kahit ang naging kapalit ay sariling kaligayahan. He's been a victim of fate. A victim of selfish love. "Mac, ang anak mo! Bakit?" ang atungal ng ina ni Enzo. Hilam din sa luhang hinahaplos ni Tito Mac ang likod ni Tita Lyn. Enzo's parents Lyn and Mac cried a river for they lost their only child at his very young age while hugging Sabina. A promising businessman at napakabuting anak. Anuman ang sabihin nila ay sinusunod nito maging ang pagpapaka
"Aj!" Sindak ang unang rumehistro sa isip ni Athena nang makita si Natalie sa kanyang harapan habang nakaumang ang hawak nitong baril sa kanya. Naghihintay na sana siya ng masasakyan papunta ng San Diego nang bigla itong sumulpot mula sa kung saan. "N-natalie.. a-anong ibig sabihin nito?" matindi ang takot na tanong niya sa kaibigan. Naging malapit sila sa isa't isa matapos itong ikasal at hawakan pa niya sa binyag ang anak ng mga itong si Sabina. Anong nangyari? Bakit nakaumang ang baril nito sa kanya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Nakainom ba ito? Nakadrugs ba ito? Ano? "Inagaw mo siya! Inagaw mo siya! Homewrecker! Ano bang meron ka at hindi ka mawala sa puso't isip niya? Kung hindi dahil sa'yo.. masaya na sana kami." hilam sa luhang sigaw ni Natalie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kany
All her life, she's craving for love and attention.Sa murang edad ay napansin ng mga magulang ang kakaibang ikinikilos niya. They went on consultations and medications. Ayon sa diagnoses ng mga doctors na tumingin sa kanya, she had this bipolar/mental disorder. She came from a broken family.Mula nang maghiwalay ang mga magulang ay nagkanya - kanya na ang mga ito ng buhay at kanya - kanyang pamilya. Mula pa pagkabata niya, hindi niya naranasang magkaroon ng masayang pamilya at experiences. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Nang sumakabilang - buhay ang kanyang lola, tanging ang taga - pag alaga lang ang naging kasa - kasama niya. She then started to fabricate lies just to get the attention of her parents, either of her dad or her mom. Maging ng ibang mga tao sa paligid niya. From simple lies na hanggang maglaon ay lumala na nang lumalala. Fishing for
"Ma.. Pa" tawag pansin ni Martin sa kanyang mga magulang na bahagyang tumungo upang magmano. Bagong dating ito mula sa Residencia De Villa. May dala dala itong mga pasalubong mula sa paborito niyang fastfood chain at mga prutas. 'Lakas maki - mama at papa lang.' "Kaawaan ka ng Diyos.' anang kanyang ina. Tumango namang ang kanyang ama. "Mamayang gabi po ay kasama ko na sina Lolo dito." pagbibigay - alam nito sa kanyang mga magulang. "Kasama po ang buong pamilya ko. Puwede na po kaya mga around 6 pm po?" "Walang problema sa amin hijo." anang kanyang ina na maaliwalas ang bukas ng mukha. "Ang inaalala ko lang ay tanggap kaya nila ang aming si Athena.? Alam mo naman na hindi kami mayamang pamilya. Nakakaraos pero hindi naman kasing yaman ninyo." &n
Foundation Week ng BISU. Isang imbitasyon ang natanggap niya mula sa Guidance Counselor nilang si Mrs. Sheena Gomez Hernandez na maybahay na ngayon ng kanilang PE Prof na si Sir Aniano na maging isa sa mga judges ng Mr. and Ms. Batangas Institute and State University. Nagulat pa siya nang sunduin siya ng mga kaibigan sa kaniyang tahanan sa Rizal gayung puwede naman siyang magpaservice sa kanya Kuya Achilles. "Ano ba 'to.. Foundation ba talaga ng BISU o Grand Alumni Homecoming? Perfect attendance ah. Isa pa, itong si Karren, aba ay himala na sumama ka. Wala ka namang hilig sa ganitong mga event. Mas gusto mo pang magmongha sa inyo at maglaro sa cellphone mo." natatawang sabi niya. 'Ang weird weird lang.' Mahigit kalahating oras bago sila nakarating sa unibersidad. Just like the old days, ma
Hindi mapalis ang ngiti habang tinitignan ni Athena ang mga larawan sa DSLR Camera na hawak niya. Magaganda naman ang kuha ni Rosie sa kanila. 'Yung totoo Athena.. sino ba talaga ang tinitignan mo sa larawan?' Fine! Hindi talaga siya nagsasawang titigan ang guwapong mukha ni Martin. Her MR. BISU, her superior Mr. President, and her savior every time she's in despair. Matagal na panahon na niyang inamin sa sarili ang nararamdaman para kay Martin. Her one True Love. It was far different from First Love or Puppy Love. Hinding hindi siya makakamove on sa feelings niya for Martin. She will stay in love with him for the rest of her life. Napaigtad naman siya nang biglang pumasok sa silid si Miles. Nakataas ang kilay na tinignan nito ang hawak niyang cam. Mabilis nitong hinagip iyon sa kaniya saka pinasadahan ang mga larawan sa