“Mommy, is he playing basketball? What is his hobby? Does he have many jerseys?” Walang katapusang tanong ni Alie sa akin habang nilalagay ko sa taas ang mga maleta namin.Kanina pa siya tanong ng tanong nang nasa bahay pa kami. I can also see how curious she is. Maya't maya ang pagtatanong na para bang si Zacky na lang ang laman ng isip niya ngayon.She’s already sitting on her assigned chair, but she kept asking about Zacky. May ningning ang mga mata niya habang nagtatanong tungkol kay Zacky at sa mga gusto nito.“Mommy!” Tawag pa niya nang wala siyang marinig na sagot galing sa akin. I looked at her nang maayos ko ng mabuti ang maleta.“Alie,” mahinahon kong tawag sa pangalan niya.“Do you think he will agree if I ask him to play basketball with me?” Tanong pa niya.I sighed and sat beside her.“If I'm going to answer all your questions, you wouldn't get time to rest on this flight,” I said and then she pouted.“Well, fine. If you don't want to talk about my dad, then fine, mommy.
"So you are going to handle your family’s company?" he asked curiously while driving. I looked at Alie, who is now sleeping in the backseat. Siguro ay nakaramdam na siya ng pagod."Habang nandito lang ako sa Pilipinas. Na-guguilty na rin ako dahil hindi ko sila matulungan sa company gayong ako lang naman ang maaasahan nila," sagot ko.Napatango siya. "Good luck. I know you can handle it well.""Sana nga," sambit ko at tumingin sa labas ng kotse. Sobrang lala ng traffic lalo na't rush hour na. Sa sobrang traffic, talagang mapapatunayan ko na nasa Pilipinas na talaga ako.Sa kabila ng mga panahong ayaw kong bumalik dito, may mga panahon ding gusto kong bumalik, lalo na sa probinsya. Si Kuya. I already don't have any nightmares, even my scares on the balcony, lahat ng iyon wala na, but it doesn't mean that I already forgot him.Hinatid kami ni Luigi sa bahay, and dad and mom were waiting for us. Nakahanda na rin ang hapag. When they saw Alie in Luigi's arms, they immediately came closer.
Sa sinabi niyang iyon ay napabalik ako sa huwisyon. Kumunot ang noo ko at parang biglang kumulo ang dugo ko, hindi, mali dahil talagang kumulo ang dugo ko sa narinig ko mula sa kanya.“What?” Hindi ko maiwasang matawa habang naitanong iyon sa kanya. Kumulo na ang dugo ko, pero natigilan ako at napasulyap sa pinto kung saan pumasok si Alie, gumalaw iyon ng walang tunog at nakita ko ang buhok niya. Sumilip siya. Shit! Sumilip siya!Hindi siya nakikita ni Zacky dahil medyo nakatalikod siya sa parteng iyon, but damn!Pinagpawisan ako at hindi alam ang gagawin.“By the way, ikaw talaga ang sadya ko because I heard that you're back. Nice. After 7 years, you came back,” natawa ito ng walang ka amor amor.What the hell? Ano bang sadya talaga niya? Napahawak ako ng nariin sa lamesa nang makita na ng tuluyan ang mata ni Alie.“I just want to inform you that my life without you was perfect. It's damn perfect. I am happy with the woman I'm with right now.”Napunta ang atensyon ko sa kanya. Nagpin
Hindi ko alam kung paano natapos ang meeting na iyon. Daddy told everyone na ako ang maghahandle ng kompanya, pero sa tulong at gabay niya pa rin. Marami pa siyang sinabi, but my attention is on my daughter, Alie. Hindi niya inalis ang titig kay Zacky kahit wala naman nang ibang sinabing iba si Zacky. He just remained silent after Alie spoke. Ilang beses niyang tinignan si Alie, siguro ay naramdaman ang mariing titig sa kanya. I sighed because I never imagined or even thought that this was going to happen today. After the meeting, he immediately left the conference room, siguro ay talagang gustong gusto na niyang makita ang pinakamamahal niyang babae na kanina lang ay pinagmamalaki niya. Is it Keisha? Well, wala naman dapat akong pakialam doon, pero hindi ko maiwasang makuryuso at mapaisip kung siya ba. Napaisip ako at naging kuryoso, hindi dahil I am still bitter about what happened, but because pumasok sa isip ko na maaari siyang makilala ni Alie. Si Alie. I never thought tha
Kinabukasan ay nagpaiwan si Alie. Mommy will stay at home at gusto ngang magpaiwan na talaga ni Alie. Matamlay pa rin ito pagkagising niya. Mom prepared her favorite food, pero pati pagkain ay parang wala siyang gana. “Don't worry. Ako na ang bahala sa kanya,” she said when she saw me hesitate to go to work. “Thanks, Mom. If she wants to go to the office, please pakihatid na lang,” sambit ko na agad naman niyang ikinatango. “Sige na. Nakahanda na iyong sasakyan. Iyong susi, kunin mo na lang kay Manong. Please, drive safe,” she said and kissed my cheeks. After that, nilapitan ko ulit si Alie na matamlay na nanonood ng anime sa TV kahit na nagpaalam na ako kanina. “Alie, please tell lola if you need something, okay? If you want to go to the office, tell lola,” sambit ko sa kanya. She smiled at me, but she still looked so sad. “I will, Mom. You can go, you have many works to do, right?” she said. “Okay,” I said and kissed her forehead. Mabigat man ang loob kong umalis ng
Halos hindi ko magawang i-focus ang attention sa mga sunod na ginawa ko. Tinignan ko ang oras. It's already 11 a.m at ala una ang meeting ko kasama sila.Luigi called me to ask how's my day, just his usual question to me tuwing tumatawag siya sa akin. Sinabi ko na ayos naman at talagang iniwasan ko nang banggitin sa kanya ang totoong nangyari. After that, the call ended because, like me, he is also busy.“Miss Callie, magpapadeliver po ba ako ng lunch niyo o kakain po kayo sa labas?” Dad's secretary asked.“Magpadeliver na lang po ako,” sambit ko at agad naman siyang nagtanong kung anong gusto kong lunch. After I said that, agad na siyang lumabas para tumawag at umorder.Nang dumating ang pagkain, agad na akong kumain. It's already 10 minutes before 1 p.m. at talagang hindi ko maiwasang kabahan dahil napag-alaman kong istrikto raw pagdating sa negosyo si Mr. Sanchez, isa sa makakasama namin sa project. “Pinapasabi po raw ni Mr. Villanueva na sa restaurant na lang daw po kayo mag-meet
Pagod akong tumabi kay Alie sa kama niya. She is sitting and busy on her iPad pagkarating ko, pero nalipat ang attention niya sa akin. She looks at me innocently.Imbes na sa kwarto ko ay dito ako dinala ng paa ko. I think I need strength, at alam ko na iyong lakas na iyon ay kay Alie ko lang makukuha.“Mommy, are you okay?” she asked in her worried voice.Masungit siya pagdating sa mga lalaki, lalo kung nilalapitan ako ng mga lalaki, pero tuwing kaming dalawa lang, she is always so sweet. Minsan napapagalitan ko siya, but even when I do that, she still makes me feel that she is here. Being here with her talagang nagbibigay lakas sa akin sa nakalipas na ilang taon.“I just miss you,” I said and hugged her while she was still sitting.“Did something happen, Mommy?” she asked. Umiling ako.“Mommy's just tired,” I said and tightened my hug on her. Wala na akong narinig mula sa kanya pagkatapos noon.Ang plano ko lang ay mahiga ng ilang saglit pero hindi ko namalayan na nakatulog ako sa k
May anak siya? I never ask anyone about Zacky's life so I also don't know if that child is his son. Hindi naman nagbabanggit si mom and dad tungkol sa kanya dahil talagang ayoko rin noong makarinig ng tungkol sa kanya. Hindi ko maiwasang mag-alala sa nararamdaman ni Alie sa nakita niya. I know that she is in pain and it also makes me in pain. Nakagat ko ang labi at napatitig sa harap ko. May pagkakahawig sila nong bata, so anak niya talaga? “We—” Without even knocking, Zacky entered dad’s office, but immediately stopped talking when he saw Alie sitting on the sofa.Isang oras na mula noong dumating kami at isang oras na rin mula noong nakita namin siya na may kasamang bata. Lihim kong tinignan ang likod niya dahil baka kasama niya iyong bata, but I sigh nang siya lang ang pumasok.Alie looked at Zacky, and Zacky looked at Alie, but she immediately looked away and just focused on her iPad.The meeting was rescheduled for today, but it’s still an hour before the meeting starts kaya hi
Kinabukasan ay hindi ko siya matignan. Hindi ko alam kung anong iisipin ko at gagawin pagkatapos ng naging usapan namin.Dahil wala kaming gagawin sa umaga, naisip kong umalis para dalawin si Kuya. Sinama mo si Alie habang si Zacky ay naiwan. We almost spent our time there for 3 hours bago umuwi.“A-Ako na ang mag-aayos nito at ako na rin maghuhugas,” utal na sambit ko sa kanya nang matapos kaming kumain ng tanghalian. Alie went back to her room after she ate, kaya dalawa lang kami ang natira rito.“Ako na rito,” he just said and also didn't look at me.“Pero ikaw na naman ang nagluto—”“Hello, everyone!” Napapikit ako nang marinig ang boses ni Boduy. Bago pa makapagsabi o gumawa ulit ng kung anong maisip niya, hinarap ko na siya at hinila paalis doon, leaving Zacky at the dining table.“Wala ka bang trabaho? Pakiramdam ko sayang lang sinasahod mo kasi puro pang-aasar lang ang ginagawa mo,” sarkastikong ani ko.“Grabe ka naman sa akin. May pinuntahan ako malapit rito na parte ng traba
Gusto kong lumayo, pero hindi ko mautusan ang katawan ko. I suddenly felt safe in his arms. Amoy ko rin ang alak sa kanya, pero hindi iyon naging masama sa ilong ko.I let him hug me. I could also hear his breathing. Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagluluwag ng yakap niya. Akala ko ay lalayo siya, but I felt him holding me para iharap sa kanya.Nagtama ang tingin namin. Mapungay ang mata niya siguro ay dahil sa alak na nainom niya.“Lasing ka na. You should go upstairs,” mahinahong sambit ko at sinubukang dumaan sa gilid, pero hindi niya ako hinayaan.Halos manlambot ako nang hawakan niya ako sa bewang at haplusin iyon.“Maliban sa kaya mo ng mag-drive, what else has changed about you?” Mahinahong tanong niya sa akin habang nanatili sa harap ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.Naisandal ko ang katawan ko sa sink dahil sa panghihina nang mas lumapit siya sa akin. I can smell the beer in his breath sa sobrang lapit namin.“Gusto kong malaman ang mga bagay na nag-iba sa'yo. Lahat-
“I don't know why he needs to say that. Para saan? Liligawan niya si Alie bago ako? What the hell does that mean?” Si Boduy ang una kong tinawagan dahil parang nababaliw na ata ako kakaisip sa naging huling usapan namin.Nasa site na kami. We had done checking the site and all, at kasalukuyan na silang nagmemeryenda. I just excused myself because I really can't take this anymore! Kanina todo asikaso rin siya kay Alie na talaga namang nagpapamangha kay Alie.“Seryoso? Ang bilis naman ata niyang bumigay. Nalaman niya lang single ka, binabakuran ka na agad,” I heard that from Boduy na nagpanguso sa akin.“I really just can't get everything—”“Obvious na nga hindi mo pa makuha? Teka. Hindi naman pwedeng madali lang para sa kanya! Aabsent ako ngayon at pupunta ako diyan. Patayin natin sa selos ang lalaking iyan,” he suddenly said and before I could say something, namatay na ang tawag.Napakurap-kurap ako at parang mas lalo akong naguluhan pagkatapos naming mag-usap. At ano raw? Pupunta siy
Kinabukasan ay halos hindi ko alam ang gagawin sa nadatnan sa dining table.“No! I don't want any of that! I want bacon!” Si Alie habang masungit na nakatingin sa ama niya.“We don't have bacon here—”“Then I'm not going to eat. I'll just wait for Tito Boduy so that we can eat outside with Mommy. We'll just go on a date outside like a whole family,” she said at nakapamaywang pa habang nakikipagtalo sa ama niya. Habang si Zacky ay mukhang natataranta at namumutla.“Alie, what are you doing?” Hindi ko naitago ang pagkagalit sa boses ko at lumapit sa kanila.“Mommy, don't eat anything! I am going to call Tito Boduy and tell him we are going to eat outside. You know, a date with him because soon, he will be part of our family!” Deklara niya na talaga namang nagpasakit sa ulo ko.“Natalie,” mariing tawag ko ulit. “Your Da—Tito Zacky cooked breakfast for us. You should—”“It's fine. Aalis na lang ako saglit para bumili ng bacon,” Zacky suddenly said na ikinaawang ng labi ko. Bago ko pa siya
“Sabing ayos lang ako,” sambit ko at buong lakas na hinila ang kamay ko sa kanya nang tuluyang mahugasan ang kamay ko.I heard his sigh.“Pupunta na ako sa taas, mamaya ko na lang tapusin yan,” sambit ko na lang, pero inisang hila niya ang kamay ko at isinandal sa lababo.Hindi ko alam kung bakit siyang naging ganito. Hindi naman siya nanghihila o lumalapit ng sobra kanina kaya hindi ko maiwasang magtaka. Is this because of what Budoy and Alie said?“Let's talk,” he seriously said at ibinaba pa niya ang sarili para tignan ako mismo sa mata.“About business? Pwede mamaya na? Aayusin ko pa iyong damit at—”“Oh, come on, don't act like you fvcking don't know what I want to talk about.”Pansin ko ang paghinga nito ng malalim.“You don't have a fiancé? How fvcking come? Kung ganoon, ano mo si Luigi? Hindi ba bumalik ka para magpakasal sa kanya? What the hell is Luigi's problem and not even fvcking marrying the mother of his daughter?” Tuloy-tuloy at halos rinig ko ang nangangalaitang boses
"A big basketball court!” Binitawan ni Alie at masayang tumakbo papunta sa gitna ng court.“Careful, Alie!” tanging sambit niya lang dahil sa pagtakbo nito. Napangiti na lang ako nang makita ko kung gaano siya kasaya.Pinapanood ko lang si Alie na ngayon ay pinulot ang isang bola sa gilid.“Parehong pareho talaga kayo.” Napatingin naman ako kay Budoy nang sabihin niya iyon.Pinanliitan ko siya ng tingin. “Bakit ka nga pala nandito? Hindi ba may trabaho ka?”Hindi na nagtatrabaho si Budoy dito dahil isa na siyang pulis. Sa ngayon nga ay suot-suot niya ang uniform niya. Seven years and everything has really changed. Hindi ko naman maiwasang maging masaya sa narating niya.Hinarap niya ako at tinignan ng masama, pero dahil alam ko naman ang ibig sabihin ng tingin na iyon ay natawa na lang ako.“Siyempre dahil darating kayo. Seven years, Callie. Seven years akong walang balita sa'yo gayong best friend mo ako,” biglang sambit niya at dahil sa pagsimangot niya ay nagmukha siyang batang nagm
I don't know how this became like this. Mom, Dad, and I felt awkward. Nakaupo na kaming lahat maliban kay Zacky at Luigi na wala pa hanggang ngayon. Alie is now busy talking to everyone like they know each other for too long, dahilan kaya mas lalong awkward para sa amin nila Dad.Ilang sandali ay bumalik na sila. When Alie saw Zacky, she became silent. Nandoon na naman iyon excitement na nagpapakaba sa kanya. Zacky just silently started eating and didn't say anything even when Danica tried to talk to him.“I never thought that this would come after what happened. I'm also happy that you are already settled down, Iha,” Tita Gillian said while looking at me.Hindi ko naman sinasadyang pansinin, but I saw how Danica and Bea looked at Zacky na para bang may ibig sabihin ang salitang iyon. Busy si Danica sa anak niya, pero nakapatingin ito kay Zacky. Habang si bea ay umiinom ng tubig, pero nakatutok ang tingkn kay Zacky.They were asking me about my life in Canada, na sinubukan ko namang s
“Oh, you are going somewhere?” I glanced at the door when I heard that. Dad and Mom looked at Luigi when they also heard him.They were the first to greet Luigi, and Luigi greeted them back. After that, Luigi looked at me again and smiled at Alie, who was already ready to leave the house.“Wala po akong trabaho ngayon, Tita. I just want to spend time here today, pero mukhang may pupuntahan kayo. I think next time na lang,” he said, kitang kita ko na parang hiyang hiya siya sa pagpunta ngayon dito gayong may pupuntahan naman kami.I glanced at Alie beside me when I heard her deep sigh. I couldn't help but laugh when I saw the expression on her face. She was frowning deeply while looking at Luigi, so I playfully pinched her cheek. When she looked at me, she sighed again.“Kakain lang kami sa labas. Tamang-tama lang that you are here. Sumama ka na rin. Pupunta na kasi sila bukas sa probinsya kaya sinamantala na naming kumain sa labas,” Mom said to Luigi.Napakamot na lang sa ulo si Luigi
Ilang malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nagtitipa sa laptop ko. Wala akong nagawa kundi sundin ang lahat ng utos niya. He is seriously working on his laptop, and I was also busy working on my own laptop. Sinabi niya kung ano ang babaguhin at mukhang matatapos ito ng lagpas alas 5 dahil halos lahat ay ipapabago niya.I even called Dad's secretary at sinabing i-cancel na nga ang lahat ng meeting ko ngayong araw.I look at the room where Alie is. Sigurado akong pumasok siya roon para umiyak, but it's already been 2 hours since she entered there. Umiiyak pa ba siya? I sigh again dahil hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya."I'll send something via email. Check it and follow the instructions there," I heard him say, which made me glance at him. He was just looking at his laptop. He was on the long sofa while I was on the single sofa. In front of us were the papers we needed to finish.“Okay,” tipid na sambit ko at tinignan ang sinend niya. Ginawa ko ang mga nakalagay r