“Oh! kaya pala niyaya mo akong sumama sa iyo, may balak ka palang e hi jack ang puso ko. Haha!” kwelang sagot ni Chelsea.
“Haha! Parang ganoon na nga akala ko nga hindi ka papayag eh! nandiyan pa naman si Carlos, na nanliligaw din sa iyo.” sabi ni Carlos.
“Hala siya oh! nagseselos ka ba? Hindi ko naman type si Carlos, kaibigan lang tingin ko sa kanya. At nainis ako sa kanya, niyaya niya ako sa event nila tapos hindi ko alam na e broadcast ba sa lahat ng tao na nandoon na girlfriend niya ako at maging future wife niya. Lakas din ng trip nang taong iyon.” sagot ni Chelsea.
“Ha! talaga? So ano naging reaction mo? Tanong ni Ferdie.
“Syempre nag walk out ako, halos lahat na nakakaalam kasi naka live iyon sa news. Hindi nga si
Nabalita sa TV ang nangyari sa na disgrasya at lumubog na barko iyon ay nabalitaan ng pamilyang Lee habang sila ay nanunood ng flash report. Agad silang pumunta sa pier para e check kung ano ang pangalan ng barkong lumubog, saan galing ang barko at sino-sino ang mga sakay na nandoon. Nanlumo si Mrs. Lee dahil kasama ang pangalan ni Chelsea sa lumubog na barko. Samantalang nabalitaan naman ng mga magulang ni Ferdie, ang nangyari sa kanila. Ganoon din ang ginawa nila, nagtanong tanong sila kung nakasakay ba sila Chelsea at Ferdie sa barko. Nahimatay naman si Aling Maria dahil andoon ang pangalan ni Ferdie at Chelse. “Sabi ko na nga ba Theresa, na dapat hindi muna pinayagan na sumama si Chelsea, sa lalaking iyon. Ano na ang nangyari? Sana mahanap nila si Chelsea na buhay. Makakatikim talaga sa akin iyong lalaki na ‘yon kung ano ang mangyayari kay Chelsea.” Galit na sabi ni Mr. Lee.
Nakatulog ang isang lalaki sa malakas na hampas ni Ferdie sa likod nito. Malakas ang sigaw at iyak ni Chelsea, nagmamakaawa siya sa lalaki na tumigil na sa ginawa nito. Agad na sinungggaban ni Ferdie, ang isang lalaki na humalay kay Chelsea. Sinuntok niya ito at nakatulog sa malakas na suntok ni Ferdie. Hindi pa rin tumigil sa kakaiyak si Chelsea, na trauma siya sa ginawa ng lalaki sa kanya. Mabuti na lamang dumating si Ferdie, kung hindi ay natuluyan na siya ng lalaki na halayin at babuyin nito. “Ferdie..Huhu! naiyak si Chelsea, na yumakap sa kanya. Nanginginig ito sa takot, niyakap naman siya ng mahigpit ni Ferdie. “Okay ka lang ba? Tahan na andito na ako. Alis na tayo dito baka kung magising pa itong dalawa. Kailangan nating makahanap ng paraan para makontak natin ang mga magulang natin kasi tiyak akong nag alala na sila.” sabi ni Ferdie kay Chelsea. Patak
Patakipsilim na at tumuloy pa rin sila sa paghahanap. Hindi nawalan ng pag asa sina Ferdie at Chelsea na makabalik sila sa pamilya nila. Nag antay pa rin sila hanggang sa gumabi na ito. Hindi pa rin dumating sina Carlos at Mateo. Nakita naman nila Carlos at Mateo, ang mga tauhan na pinapunta niya dito sa Isla. Nagalit si Carlos, sa kanila dahil paanong nakatakas si Ferdie at nagkita sila ni Chelsea. Akma na sanang babarilin ni Carlos, ang isa sa mga tauhan niya ngunit pinigilan siya ni Mateo. Sinabi ni Mateo, na marami pa silang gagawin at kailangan pa nila ang mga tauhang iyon. Pumayag naman si Carlos sa sinabi ni Mateo, nag usap silang bumalik na sa tabi ng dagat kung saan naghihintay sila Ferdie at Chelsea. Bago sila umalis sinabi muna ni Carlos, na may gagawin silang eksena para mas hahanga sa kanya si Chelsea, sinabi niya sa kanyang tauhan na kunwari nahuli namin kayo. Siyempre pag nangyari iyon pupurihin ako ni Chelsea. Nagta
“Gusto mo ba si Chelsea? Puwede kung kausapin si Anthony, na magkaroon ng arrange marriage para sa inyong dalawa.” sagot ni Mr. Grande. “Magandang idea iyan Pa. Kailan mo kakausapin ang mga magulang ni Chelsea?” tanong ni Carlos. “As soon as possible hindi puwedeng bumagsak ang kompanya natin ng basta-basta nalang.” tugon ni Mr. Grande. Nagkasundo sina Mr. Grande at Carlos, sa bagay na iyon. Walang kaalam alam si Mr. Grande na ginamit lang siya ni Carlos, para sa balak niyang maghiganti rito. Hindi naman talaga nalulugi ang kompanya dahan-dahan lang niyang inilipat ang mga shares nang mga investors sa pangalan niya. Tinitira niya si Mr. Grande, ng patalikod para sa adhikain niyang pabagsakin ito. Ganoon kagahaman si Carlos, para sa mga gusto niyang mangyari sa buhay niya. “Hello Carlos, my dear! How was your day?” tanong ni Divina.
Nagtataka si Amalia sa sinabi ni Michael sa kanya, kaya naman pagkabalik niya sa opisina sinabihan kaagad niya si Chelsea, sa sinabi ni Michael sa kanya. Tinawagan naman kaagad ni Chelsea si Ferdie, nakipag usap ito sa kanya na magkita sila pagkatapos ng trabho nila. Naibsan na ang pag alala ni Ferdie, dahil nagkausap na sila ni Chelsea. Kinagabihan magkita na sana sina Chelsea at Ferdie, nang biglang nag ring ang phone niya si Divina, ang tumawag sa kanya na magkikita sila ngayon kung hindi siya papayag ipapakalat na niya ang video nilang dalawa. Natakot si Ferdie, hindi sa naging duwag siya kundi natakot siya na baka pagmakita ni Chelsea ang ginawa ni Divina, sa kanya hindi siya paniniwalaan sa maging explanasyon niya kay Chelsea. Nag message si Ferdie, kay Chelsea na hindi sila matutuloy magkita dahil busy sila at maraming gagawin sa restaurant. Nag dahilan nalang siya ngunit hindi iyon talaga ang dahilan. Nagkita sila Ferdie at Divina sa isang hotel.
“Kumusta ka na Pogi? Matagal tagal din tayong hindi nagkita ah! Nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Chelsea at Carlos? Alam mo na bang ikakasal na siya kay Carlos?” sabi ni Amalia. “Ano? Kailan daw ang kasal nila? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” gulat na tanong ni Ferdie. “Sa katapusan sa mismong kaarawan ni Chelsea. Sa May 26 gaganapin ang kasal nila kaya busy sila ngayon sa paghahanda sa kakailanganin sa kasal. Ano na! hahayaan mo nalang bang makasal siya kay Carlos? wala ka bang plano na hindi matuloy ang kasal nila?” mariing tanong ni Amalia. “Anong gusto mong gawin ko Amalia, magmakaawa ako sa kanya. Siya ang unang humiwalay sa akin. Wala akong ibang ginawa sa kanya, hindi naman tama ang hinala niya sa pagitan namin ni Divina.” pagmamataas na sagot ni Ferdie.
Hindi muna nakikipag usap si Chelsea kay Carlos dahil sa nangyari sa kanila sa restaurant. Gumawa ng paraan si Carlos, para maangkin niya si Chelsea. Tinawagan niya ang isa sa mga tauhan niya, para utusan na samahan niya makipagkita si Mateo kay Chelsea, ngunit hindi alam ni Chelsea na set up lang iyon ni Carlos. Nagkita sila sa resto bar na malapit sa lugar nila para madali lang siyang makapunta doon. Tumawag ang tauhan ni Carlos, para ipaalam na pumayag si Chelsea, na makipagkita sa kanila. Hindi na nagduda si Chelsea, dahil naging empleyado naman niya si Mateo. “Boss, within five minutes andito na si Chelsea. Maghanda ka na diyan.” sabi ng tauhan niya. “Okay! Sige, papunta na ako. Aliwin nyo lang siya, dramahan nyo lang siya. Para hindi niya mahalata na may plano tayo sa kanya.” sagot ni Carlos sa kanyang isang tauhan na kasama ni Mateo. &
Ngayon lang nakikita ni Chelsea ang tunay na ugali ni Carlos, kaya naman minsan palaging sumasagi sa isipan ni Chelsea na sana si Ferdie, nalang ang pinakasalan niya. Hindi naging madali para kay Chelsea na pakisamahan si Carlos, subra itong seloso at demanding. Hindi niya alam kung mahal ba talaga siya nito o ang yaman lang nila ang gusto niya. Pagkatapos nang kasal nila Chelsea at Carlos, wala na siyang balita kay Ferdie. Hindi na rin siya ang naging CEO, dahil binigay na niya kay Emme, ang posisyon niya. Confident siya na kaya ni Emme, na patakbuhin ang kompanya nila. Simula nang ikinasal si Chelsea kay Carlos, hindi na siya pinayagan ni Carlos na magtrabaho. Ngunit naiinip siya sa bahay kaya naman naisipan niyang magtayo ng sariling negosyo isang boutique ang perang gagamitin niya sa pagpapatayo nang negosyo ay pera sa kanyang pinagtatrabahoan bilang former CEO sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Amalia, para mamasyal sila dahil off naman ni Amalia. Pa
Nakangiti ang lahat habang wini welcome nila si Ferdie. Natuwa naman ang mga magulang ni Ferdie sa achievements na mayroon siya ngayon. Nagkaroon din ng magandang buhay ang kanyang stepfather si Mang Alvin. Pinapangako niya sa kanyang sarili na kung ano man ang tagumpay na meron siya ngayon ay kasama ang kanyang mga magulang umapon sa kanya hindi man sila kompleto pero naniniwala siyang masaya ang kanyang Inay ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. “Kumusta sa bago mong trabaho anak?” Tanong ng kanyang ama. “Naninibago po ako Pa, hindi ko po akalain na makakaupo ako sa magarang upuan at magkaroon ng sariling opisina na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas. Pakiramdam ko po nanaginip lamang ako, at sana hindi na ako magising, haha!” Nakangiting sabi ni Ferdie. “Deserve mo iyan anak, matagal din ang nakalipas na panahon na hindi ka namin nakasama ng iyong Mama, miss
“Nasaan na ba ang asawa mo Chelsea, dapat siya ang nandito kasi responsibilidad niya ang bantayan at alagaan ka, naabala pa tuloy si Ferdie. “Oh! Okay lang iyon Amalia, walang problema sa akin. Baka may importante lang ginagawa si Carlos kaya hindi siya naka attend sa engagement party mo.” Sagot ni Ferdie. “Pasensya ka na Amalia at Michael ha!, nasira ko tuloy ang engagement party nyo.” Malungkot na sabi ni Chelsea. “Asus, ano ka ba okay lang iyon kasi patapos na naman ang party, ang mahalaga ay okay ka na ngayon,” Nagpaalam naman sila Amalia at Michael na balikan muna nila ang ibang bisita. “Chelsea, okay ka lang ba?” tanong ni Ferdie. “Oo, okay na ako Ferdie. Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa hospital. Nakakahiya sa iyo dapat si Carlos ang nagdalaga sa akin dito,” mahinang sabi ni Chelsea.  
Nabalitaan ng pamilyang Lee at Grande na patay na ang tunay na ama ni Carlos na si Benito. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang bawat pamilya, tatlong araw lang binurol ang ama ni Carlos saka inilibing. Sinamahan naman ni Chelsea si Carlos sa paghatid sa kanyang ama sa libingan. Pagkatapos ng libing, nagsiuwian na ang nakilibing.. “Carlos, okay ka lang ba?” tanong ni Chelsea. Ngunit hindi sumagot si Carlos, tahimik lamang ito dinadamdam pa rin niya ang pagkamatay ng kanyang ama. “Sagutin mo naman ako Carlos, nag alala na ako sa iyo ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos. Palagi ka nalang tulala,” sabi uli ni Chelsea. “Pabayaan mo muna ako, gusto kung mapag isa. Ngayon ka pa ba, magpapakita ng concern at simpatya sa akin na kung kailan ako namatayan! Kaya huwag ka nang magpakitang tao Chelsea, ok lang ako.” Sagot niya. “Bakit ka ba nagagalit? Nagpapakita
Inutusan ni Benito si Carlos na tawagan si Ricky para papuntahin sa location na sinabi niya. “Hello! Carlos, nasaan ka ba ngayon. Hinahanap ka ng Mama mo pupunta raw kayo sa bahay ni Ferdie, hindi ka raw nagpakita kay Ferdie nakalabas na lamang siya ng hospital,” sabi ng Papa niya. “Pa, sorry! Masyado lang kasi akong busy. Inaasikaso ko din ang ipinataw na kaso ni Divina laban sa akin.” Sagot niya. “Ah! Ganoon ba, ano bang kaso na kinakaharap mo ngayon? Talagang binibigyan mo ako ng sakit ng ulo Carlos.” “Wala naman akong ginawa pa, masyado lang kasi silang paranoid at tinutulungan nila ang ex boyfriend ni Chelsea si Mateo. Siyanga pala pa, may sinend akong location sa iyo, may gustong makipagkita sa iyo,” sabi ni Carlos. “Ano ba iyan?” tanong ng kanyang Ama. Sumagot si Carlos, basta puntahan mo lang ang lugar na iyon.” Sagot ni Carlos. &
Nakita ni Carlos na hindi mapakali si Chelsea. “Chelsea, anong nangyari? Bakit hindi ko nakikita sila Mama at Papa, nag out of the country ba sila?” tanong ni Carlos. “Hindi mo ba alam na nawawala si Mama at Papa, mahigit tatlong araw na. Sa bagay masyado ka naman kasing busy sa trabaho mo o di kaya sa ibang bagay kaya hindi mo na alam kung anong nangyayari sa paligid mo,” sagot ni Chelsea. “Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” gulat na tanong ni Carlos. “Carlos, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Ni hindi na nga tayo nagkikita eh! “Sino ba ang may gusto na hindi muna tayo magkita, di ba ikaw naman! Kaya huwag mong isisi sa akin kung nagtatanong ako kasi may karapatan din naman akong malaman ang mga nangyayari sa pamilya natin dahil pamilya ko na rin sila.” “Okay na Carlos, kami nalang bahala maghanap kay Mama at
“Anthony, napapansin mo ba iyong itim na van na sumusunod sa atin?” kinakabahan na sabi na tanong ni Mrs. Lee. “Hindi naman, nasaan ba?! “Tingnan mo iyong van na itim? Itinuro ni Mrs. Lee, ang van na nakasunod sa kanila. Bigla itong nag overtake saka bumababa ang dalawang lalaki na nakamask, may dala itong baril. “Teka, anong gagawin ninyo sa amin?” takot na tanong ni Mr. Lee. “Manahimik ka huwag ka nang magtanong bumaba kayo, kung hindi pasasabugin namin ang ulo ninyo kung hindi kayo susunod sa sinasabi namin.” Sabi ng mga lalaki. Bumaba sila, pinasakay sila sa itim na van. Hindi nila alam kung saan sila dadalhin hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng warehouse. Nakablind fold sila kaya hindi pa nila nakikita ang lugar.Tinanggal na ng mga lalaki ang nakatakip sa kanilang mga mata. Pinaupo silang dala
Hindi mapakali si Divina, sa nakita niya sa video na ipinasa ng isang hindi kilalang tao na nagsend sa kanya. Naggagalaiti siya sa galit dahil nakita niya doon si Carlos. “Hayop na Carlos, siya pala ang nag utos ng tao nagpapanggap bilang waiter para sadyaing sunugin ang restaurant ni Ferdie,” bulong niya sa kanyang sarili. “Ma’am Alcantara, may problema po ba kayo? “Wala, may ibibigay pala akong ebidensiya na nareceive ko ngayon lang.” “Sige po Ma’am mas mabuti po iyan para po macheck namin at agad na namin ma aksyonan ang kasong ito,” sabi ng imbestigador. Bumalik si Divina sa hospital para dalawin si Ferdie. “Kumusta si Ferdie, Michael?” tanong niya. “Ayon hindi pa rin nagigising concious pa rin. Sana nga magising na siya.” Sagot niya. “Sana nga kasi may kailangan akong iba
Naisip niyang paano na kaya magtatagumpay ang mga plano niya gayong alam na nang mga magulang niya na si Ferdie, ang matagal na nilang hinahanap. Nagring ang phone niya, hindi niya kilala kung sino ang tumawag sa kanya. “Hello, sino to? Sagot niya. “Kumusta anak? Nakikilala mo ba ako?” tanong ng lalaking kausap niya sa kabilang linya. “Who are you? Sorry ha! Kasi hindi kita kilala.” “Ako ito anak, ang iyong tunay na ama si Benito Gomez,” pakilala ng lalaki sa kabilang linya. “Ano? Gulat na gulat si Carlos sa narinig niya. Akala kasi niya patay na ang totoo niyang ama. Kaya naman hindi siya makapaniwala na buhay pa ang kanyang ito. “Alam ko anak naguguluhan ka pa, pero puwede ba tayong magkita para masabi ko sa iyo ang lahat,” paliwanag ng kanyang ama. “Sige po, kailan po ba tayo magkita?” “Bukas ng hapon, e message ko
Napasugod din sila Chelsea, Amalia at Divina sa hospital para alamin ang kalagayan ni Ferdie. “Ma, anong nangyari kay Ferdie?” tanong ni Chelsea. “Namasyal kasi kami ng Mama Gina mo, anak. Habang naglalakad kami may nakita siyang isang lalaki na dinudukutan niya iyong babae. Sinigawan niya ito para malaman ng babae na dinudukutan siya, dali-dali naman siyang lumapit sa lalaki. Hindi namin alam na may dala palang kutsilyo ang lalaki, sasaksakin na sana siya kaso niyakap siya ni Ferdie at siya ang nasaksak,” kwento ni Mrs. Lee. “Naku! Sana naman ligtas si Ferdie.” Sabi niya sa kanyang sarili. “Alam na ba ito ng mga magulang ni Ferdie?” tanong ni Amalia. “Hindi pa, ako nalang ang magpapaliwanag sa kanila. Puntahan ko muna sila, nasa 2nd floor lang naman sila sa hospital na ito,” sabi ni Divina. Pinuntahan nga ni D