Share

Kabanata 0007

Author: febbyflame
last update Huling Na-update: 2024-10-11 23:57:29

Makalipas ang isang linggo, simula ang ma-discharge si Liliana mula sa hospital ay gumanda na rin ang pakiramdam niya kahit paano.

Ngayon ay maglilipat na siya ng bagong apartment na tutuluyan niya.

Ngunit, ipinilit ni Zico na ang kaniyang isang-kuwartong apartment ay masyadong pangkaraniwan, kaya't inasikaso nito ang paglilipat sa ibang lugar.

“Huwag kang mag-alala, Lil. Alam kong gusto mo ng simple at pribadong buhay, kaya pinili ko ang isang tahimik na lugar para sa ‘yo.” sabi ni Zico sa cellphone.

“Siguraduhin mo lang, Zico, dahil nakakapagod na ang palipat-lipat ng tinutuluyan.” tugon niya bago ibaba ang tawag.

Ngunit nang dumating siya sa isang 300-square-meter na marangyang apartment na may tanawin ng ilog, hindi siya makapaniwala.

Isang ari-arian na nagkakahalaga ng bilyon— ito ba ang tinatawag niyang low profile at simple? Gusto niyang batukan si Zico sa harapan niya ngayon.

Bago pa man siya tumawag kay Zico upang humiling ng ibang lugar, nakatanggap siya ng isa pang tawag.

“Hello, who’s this?”

“Liliana, ito po ang Diamond Hospital. Lumabas na po ang inyong mga resulta. May ilang mga nakitang pagbabago tungkol sa resulta. Maaari ba kayong pumunta agad sa ospital?”

Napabuntong hininga si Liliana. Ano na naman kaya ang resulta ng labtest result niya? Sana naman ay wala siyang malubhang sakit, dahil iisipin niyang pinaparusahan talaga siya ng Diyos.

Nagtungo siyang kaagad patungo sa hospital, upang malaman kung ano ang resulta na sinasabi ng doktor.

“Liliana, batay sa resulta ng inyong blood test, mataas po ang inyong HCG at progesterone levels. We confirmed na kayo po ay higit sa isang buwan ng buntis.”

“Ano… buntis?!”

“Yes, congratulations po. You're gonna be a mother!” nakangitinf bati sa kaniya ng nurse.

Pagkaalis ng nurse, tila hindi pa rin makapaniwala si Liliana. Tulala siya habang nakatitig sa papel na hawak niya.

Hindi ito puwedeng mangyari, tama ba? Minsan lang naman nangyari sa kanila ‘yon ni Dwayne– halos isang beses lang– tapos buntis na siya? Napakalakas ba ng fertility niya, o napakabilis lang talagang gumalaw ng mga sp3rm ng lalaki?

Bakit tila niloloko siya ng tadhana? Kung kailan sila naghiwalay ni Dwayne ay saka niya pa malalama na buntis siya.

Ngunit walang duda, this is Dwayne’s baby.

Naalala niya ang gabing iyon mahigit isang buwan na ang nakalipas, nang katatapos lang ng Silverio family sa pag-aayos ng mga labi ni Kuya Duncan. Ang buong pamilya Silverio ay nasa ilalim ng matinding kalungkutan.

Sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala sa sarili si Dwayne. Ang kaniyang mataas at malamig na anyo, ay napalitan ng umiiyak na parang bata, umiinom ng alak ng walang tigil.

Naawa siya rito, kaya't nakisama siyang umiyak at uminom ng alak kasama nito.

Pagkatapos, nauwi sila sa kama…

Sa apat na taon ng kanilang kasal, iyon ang pinakamatinding sandali ng kanilang pagiging mag-asawa.

Inakala ni Liliana na pagkatapos ng gabing iyon, maaaring gumanda ang kanilang relasyon.

Ngunit sa halip na gumanda, natapos ito– surprise divorce paper pa ang natanggap niya!

At ngayon, ang hindi inaasahang magdadalang tao siya. Tuluyan ng magugulo ang mga plano niya.

“Talagang malas ang magpakita ng awa sa isang lalaki. Hindi mo malalama ang susunod mangyayari pero palaging agrabyado ang babae.”

Napabuntong hininga siya. Halos gusto nang batukan ni Liliana ang sarili.

Nag-aalangan siya. Sasabihin ba niya kay Dwayne na buntis siya?

Sa huli, ang bata ay kaniya. Kapwa sila may karapatan magdesisyon kung itutuloy o hindi. Maybe, dapat nilang pag-usapan ng sabay, tama?

“Liliana, ang galing naman, nandito ka rin pala sa ospital?”

Isang pamilyar na boses ang bumasag sa kanyang pag-iisip.

Lumingon si Liliana at nakita si Jasmin na hawak ang kanyang baywang, nakangiti nang maligaya.

Nakatayo sa tabi nito ay walang iba kundi ang kanyang magiging ex-husband, si Dwayne.

Gaya ng dati, matangkad, guwapo, at puno ng karisma si Dwayne, kapansin-pansin sa sinumang makakakita.

Bahagyang kumirot ang puso ni Liliana, parang may mga tinik na tumusok sa kanya.

Sobrang bagay nilang tingnan, puno ng pagmamahalan at mainit na samahan.

At sa hindi niya maintindihan, tila lumaki na naman ang tiyan ni Jasmin.

Pakiramdam ni Liliana, hindi siya nararapat sa tagpong iyon, lalo na ang bata sa kanyang sinapupunan.

“Nandito lang ako para magpatingin. Ayokong istorbohin kayong dalawa, kaya mauuna na ako.” sabi niya habang nagpapanggap na nakangiti at kumakaway sa kanila.

Sa huli, hindi niya nagawang magkalakas-loob na sabihin kay Dwayne na buntis siya.

Sa totoo lang, kung sasabihin niya ito, baka masaktan lang siya. Mas mabuti nang ilihim ito at panatilihin ang kaunting dignidad.

Ngunit bago siya makaalis, hinawakan ni Dwayne ang kanyang manipis na pulso.

“You look pale, at tila wala sa ayos ang itsura mo. May nangyari ba?”

Nagkatitigan sila ni Liliana.

Noon, madali siyang mabihag ng mga mata nito na parang mga bituin.

Ngayon, nakakatawa na lang iyon sa kanya.

“Ano man ang itsura ko, wala ka nang pakialam doon, my soon to be ex-husband.”

Sa isang maikling sagot, napatigil si Dwayne at nagdilim ang mukha, halatang naiinis.

Ngunit, sa halip na umatras gaya ng dati, tila kakaiba ngayon si Dwayne at patuloy na nakialam.

“Ikaw mismo ang nagsabi— ‘my soon to be ex-husband,’ hindi pa ako ex-husband.”

Ang matalim na tingin ni Dwayne ay bumagsak sa mga medical report na hawak ni Liliana, at sa kaniyang karaniwang awtoritaryong tono, ay nagtanong ito.

“Ano ang pina-check mo? Patingin nga.”
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Flor Neneng Infante
Ang ganda sana nang estorya kaso ang haba naman. parang hindi màtatapos sa loob nang 3 buwan
goodnovel comment avatar
Daisy Alfonso Fabros
wow. awesome, hoping for more
goodnovel comment avatar
Meninfa Sapalnam Lumangtad
super Ganda ng story...️...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0008

    Napatitig si Liliana sa mga mata ni Dwayne, habang ang puso niya ay tila gusto ng lumabas sa sobrang lakas ng kabog nito. “B–Bakit mo pa titingnan?” bakas sa boses niya ang panginginig. “Wala namang kinalaman ‘to sa ‘yo.” Makikita ang seryoso at pagkunot ng noo ni Dwayne dahil sa naging reaction n

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0009

    Nang marinig ni Jasmin ang mga salitang iyon ay bigla siyang namutla. Gusto sana niyang magwala, pero dahil nandiyan si Dwayne, kinagat na lang niya ang mga labi niya nang sobrang higpit na halos masaktan na siya. Success! Kitang-kita ngayon ni Liliana kung gaano magpigil ng galit si Jasmin! Gusto

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0010

    AT SILVERIO’S EMPIRE “I'm fvcking tired!” “Sobrang hirap, I don’t think we can do this.” “Wala ng pag-asa pa ‘to.” Ilan lamang ‘yan sa mga reklamo ng mga tauhan ng Silverio’s Empire, sa Technical Department. Ang mataas na building, at pinakamalaking kompanya sa Pilipinas ay ngayon ay nagkakagulo

    Huling Na-update : 2024-10-17
  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0011

    Samantala mula sa isang sikat na tindahan o karinderya sa kanto, ay naroon si Liliana kasama si Zico at Arzen para kumain. She miss hanging out with them, dahil sa loob ng apat na taon ay nagpanggap siyang walang kakilala o kaibigan man lang. “Haitsu!” sunod-sunod na bumahing si Liliana habang abal

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0012

    It was Rodolfo, may hawak na sigarilyo sa kaniyang bibig at sinusundan ng nasa lima hanggang pitong tauhan, kasama na ang nasa kotse. Taas noo itong lumapit kay Liliana nang may pananakot na tingin, at habang nakapamulsa. “Do you remember me, Liliana?” nakangisi nitong tanong. Tumango si Liliana.

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0013

    Tuwa-tuwa si Rodolfo na parang asong baliw dahil sa narinig at ngumisi nang malaswa, “Matibay ang katawan ko, kahit sampung babae pa ang tulad mong n*******d sa harap ko ay kayang-kaya ko!” Ibinaba ni Liliana ang tasa, itinaas ang kaniyang mga mata, at tinitigan si Rodolfo, “Mataas ang damo dyan sa

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0014

    Prenteng naupo na lang ulit si Liliana, habang may sinasabi si Arzen sa kaniya. Ang isip niya kasi ngayon ay tila lumilipad na. “Na-miss mo ‘no?” nakangiting tanong ni Zico. “Sino?” kunot-noong tanong ni Liliana. Napakunot naman din ng noo si Zico. “Anong ‘sino’? I was talking about what you did

    Huling Na-update : 2024-10-23
  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0015

    Tumingin si Liliana sa Doktor nang may pagkalito. “Here, base sa HCG value, ipinapakita rito na possible na kambal ang pagbubuntis mo, at malamang na ito'y isang 'leather jacket' at isang 'little cotton jacket'...” Huminga nang malalim ang Doktor at nagsalita na may pagsisisi, “Alam mo ba na sa kaw

    Huling Na-update : 2024-10-23

Pinakabagong kabanata

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0244

    Makikita, ang nagbigay sa kanya ng artificial respiration ay hindi si Liliana na inaasahan niya, kundi isang masungit at malaking lifeguard. “Fvck Damn it!” Biglang tumayo si Dwayne at itinulak ang lifeguard ng tatlong metro palayo. Nang makita ito ni Liliana, labis ang kanyang saya, "Ang galing!

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0243

    Ngunit, gaano man kaliwanag ang mga sigaw ni Liliana, si Dwayne ay nagpatuloy na walang pag-aalinlangan, at tila wala talagang balak na lumingon. "Dwayne, kung talagang pagod ka na sa buhay, sige na at mamatay ka. Kung mamatay ka, tiyak na hindi ako iiyak para sa iyo!" Hinawakan ni Liliana ang kan

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0242

    Lahat ay napalingon sa sumisigaw na tauhan. Nakita nila ang isang lalaki, basang-basa ng pawis at hingal na hingal. “Sa Dapawan… may pares ng sapatos ni Aviona sa tabi ng bangin, at mukhang nahulog siya sa dagat!” Ang Dapawan ay isang tanyag na pasyalan sa lugar, na binubuo ng maliit na bangin na

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0241

    “Liliana, huwag ka nang magpanggap na inosente. Alam ng lahat kung gaano ka kasama. Hindi mo nga pinatawad si Jasmin na buntis pa. Aminin mo ng ayaw mong makitang maging masaya ang mga taong malalapit kay Kuya Dwayne.” Napatingin si Liliana kay Tiara. “Hindi ako gano’n ka bitter gaya ng sinasabi mo

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0240

    Nagulat ang lahat at sabay-sabay silang tumingin sa nakatayong si Erika. Kilala ito ng lahat dahil ito itong sikat na aktres at nagwagi ng Best Actress sa nakaraang FAMAS Gold Awards. Hindi naman inaasahan ni Erika na makukuha nito ang atensyon ng lahat kaya napatingin ito kila Dwayne at Liliana na

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0239

    “Nandito na ang groom, ngayon naman ay inaanyayahan namin ang bride na pumasok.” Pagkasabi nito, sumabay ang solemn na musika, ang mga bisita ay tumingin sa direksyon kung saan dapat lumabas ang nobya. Ngunit ilang sandali pa at natapos na ang musika ay hindi pa rin lumalabas ang bride. “Ano bang

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0238

    Parang natauhan naman si Liliana, dahil sa nangyari. Ayaw niyang magkaroon ng gulo kaya naisip niyang tanggapin na lang ang kuwintas. Inabot niya si Aviona na na napaupo sa semento at hinila ito pataas. “Sige, tatanggapin ko ang kuwintas, pero tulad ng sinabi mo, gagawin ko ang gusto ko. Itatapon k

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0237

    “Are you sure?” “Oo, wala akong problema. Lumabas ka na, kung magtatagal pa tayo rito, ay baka may makakita pa sa atin.” at pilit na ngumiti si Aviona. “Talaga bang okay ka na?” tanong ni Dwayne. “Oo nga, ang kulit!” sabay tawa ni Aviona na halatadong peke naman. “Eh, ang kasal...” “The wedding

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0236

    “Are you serious, Aviona?” hindi makapaniwalang tanong ni Dwayne. “Oo, Dwayne. Itanan mo na ako, please!” “No. That’s not gonna happen.” mabilis na sumagot si Dwayne, malamig at walang pakialam ang tono. “H–Ha?” tila hindi inaasahan ni Aviona ang naging sagot ni Dwayne. “A–Akala ko ba…” Hindi na

DMCA.com Protection Status