———
Matapos ang insidenteng pagkikita namin ni zin ay naulit pa iyon ng ilang beses, pakiramdam ko nga ay sinasadya na nilang mag pakita sa akin para saktan ako ng paulit ulit.
Ilang araw na rin Akong kain ng kain ng inihaw na mais kada umaga, naging close na nga kami ni lola at masaya siya dahil marami daw ang benta niya kapag bumibili ako, kung minsan kapag pumupunta sila grey dito sa akin ay nasanay na rin silang makita ako na kumakain ng mais kaya ayun naging paborito na rin nila hindi nga lang tulad ko mas grabe talaga ang nakakain.
Dito kami ngayon naka tambay sa condo ni penelope, himala nga at nag aya siya dito ngayon madalas kasi reklamo niya ay ayaw niya ng makalat kaya hindi daw kami pwede pumunta.
“Ang cute cute mo talaga dos!”
———Kanina pa ako gising pero walang nag sasalita, hindi ko din alam bakit dinala pa nila ako dito sa hospital, actually sila grey na lang ang nandito at si excel lang ang naiwang lalaki."Mag titigan ba tayo dito?" Kanina pa ako naiinis dahil ayaw talaga nilang mag salita."Ano ba, bakit ganyan kayo! May sakit ba ako? Mag salita naman kayo oh!" Paki usap ko sakanila, si excel ang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko."You're 2 months pregnant rylle."'deretsahang sabi ni excel sa akin, tama ba ang narinig ko? Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malungkot dahil sa nalaman ko."Sinong nakaka alam nito?" Nag taka sila sa tanong ko.
———Gising na ako pero tinatamad talaga akong bumuhat sa higaan ko, naka uwi na kaya si excel? Baka oo na, kasi maaga daw siya uuwi sabi niya kahapon.Grabe ang gutom na ako pero tinatamad pa rin akong bumuhat dito, pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko."Bubuhat ka ba diyan o bubuhatin pa kita?" Halos mahulog ako sa kama ng marinig ko ang boses ni excel, Pumasok na siya ng tuluyan at nag lakad papunta sa tapat ko."Akala ko ba ma-aga kang uuwi, bakit nandito ka pa rin?" Sabi ko"Nag handa na ako ng almusal mo kaya bumangon kana diyan at huwag ng marami pang tanong psh." Umalis na siya at hindi man lang ako hinayaang makapag salita, tsh... ang sarap batuhin sa mukha, kung hindi lang ako gutom ay hindi talaga ako tatayo dito.
———BRENT’S POVNapaka tagal naman nang babaeng yun, nilunok na ata ng inidoro sa sobrang tagal.Kanina pa ako nakatayo dito at nanakit na ang leeg ko sa kakalingon, halos konti na lang ang tao nq lumalabas galing sa loob ng sinehan.“Kukurutin ko talaga ‘tong dos na ito pag labas e.”Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong lumabas si excel sa kabilang sinema, hindi na ako nag atubili pa at nilapitan ko na ito agad, tignan mo nga naman oh! Napaka gwapo talaga nitong si excel kahit sa malayuan ay nag susumigaw ang kagwapuhan at kakisigan, dahil sa maganda naman ako ay nilapitan ko na! Feeling ko bagay kami, maganda ako at gwapo siya! Aysus kinilig ako bigla.
———Nandito kami ngayong lahat sa kwarto ko, si brent ay sa baba ng kama ko sa may sahig natulog, si penelope at grey ay nandito sa katabi ko samantalang si excel naman ay doo sa sala sa baba natulog.Siguro kung wala ang mga kaibigan ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko, ilang beses ng napahamak ang buhay ko at wala parin akong alam kung sino ba talaga ang nasa likod ng mga nangyayaring ito. May idea na ako pero ayokong pangunahan ang pulis at batas lalo na at wala pa rin naman akong pruweba kaya mahihrapan lang din ako.Muli ko pang pinag masdan ang mga kaibigan kong mahimbing na natutulog, tahimik akong tumayo at kinuha ang aking cellphone para tawagan ang tita ko na nasa L.A, huminga na muna ako atsaka pinakalma ang sarili ko. Nang marinig kong ilang beses ng nag ring at walang sumagot ay kinabahan ako, kailangan ko
——— AFTER 4 YEARS “Mommy… I want to paint too.” I fix her hair right away nang makita ko na nakatahob na naman sa kanyang mukha at naka kain niya na ang ilang hibla ng kanyang buhok. “Alright, sit here beside me.” She smile at me sweetly, Inabot ko sa kanya ang paint brush na bago kong bili atsaka ko siya hinayaang pumili ng gusto niyang kulay, kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata, at bago siya mag umpisa mag pinta ay hinalikan niya pa muna ako sa aking magka bilang pisnge, she’s always the sweetest, my baby zannah… Habang lumalaki si zannah ay mas nagiging kamukha niya na si zin, lahat ng parten ng mukha ni zin ay nakuha ni zannah mula sa makakapal na kilay, mahahabang pilikmata,matangos na ilong, manipis at mapupulang labi at lalong lalo na ang kanyang kulay hazel brown na mata na
———“Are we going to daddy’s house mommy.?” Hinarap ko siya at umupo para mapantayan siya, hinawakan ko ang dalawang maliit na kamay niya at hinalikan ito. Nakikita kong masaya siya na aalis kami dahil ito ang unang beses na makaka sakay siya sa eroplano.Gusto ko mang sabihin sa kanya na doon din nakatira ang daddy ni sa pilipinas pero hindi ko kaya…“No baby, we will go to our house in the Philippines and we will attend to your ninang grey’s wedding.” I kiss her cheeks and look at her, she looks so sad and i know what that is…And now she’s start to crying…“I thought I would see daddy, hm… mom can we go to daddy too? I know he’s sad b
——— Nasa hagdan pa lamang ako ay rinig na rinig ko na ang ingay ng tawanan nila, shempre nangu-nguna na ang boses ni brent. Nakita ko silang nag aagawan sa cellphone ni friox, at itong si brent todo sigaw na sa kanya daw yun, ano naman kaya ang meron dun? Palagay ko lalaki na naman yun. Sinililp ko sila isa-isa at halos umawag ang bibig ko ng makita koong nandito rin sila dee, shaw at si zin?… teka, sabi nila mga boyfriend lang nila kasama nila e bakit nandito yang isang yan. “A-anong ginagawa niya dito sa bahay ko…” i whispered… Halos mangunot ang aking noo sa nakikita ko, prenteng naka upo si zin sa sofa habang naka sandal ang likod psh. Akala mo talaga welcome
———Ilang araw ang lumipas matapos ang naganap dito sa bahay, hindi ako maka paniwala na sa araw mismo ng pag dating namin ay ang siya rin ang araw na kitatakutan ko…Pinaliwanaga ko si zin na si zannah lang ang kailangan niyang panagutan at hindi ako.Ilang beses din siyang humingi ng pagkaka taon para mag paliwanag pero hindi ko siya pinakinggan, hindi ko alam kung para saan pa ang hinihingi niyang paliwanag… wala naman akong balak makipag balikan sa kanya kaya hindi ko kailangan ang paliwanag niya…Para saan pa ang paliwanag niya kunh hindi niya naman na mababago ang nangyari sa akin, nasaktan na ako at siguro nasaktan din siya at maraming nawala sa akin…Sinabi ko rin sa kanya na hindi