Share

Chapter 74 - Bad News

Kasalukuyang naglalakad-lakad si Dominica sa kanilang hardin. Nasa likuran lang nito at nakabuntot ang dalawang katulong. Sa kabila ng edad nitong eighty one ay malinaw pa rin ang paningin nito. Kaya naman ay tuwang-tuwa siya sa pagmamasid sa naggagandahang bulaklak sa kanyang paligid na paminsan-minsang inaamoy pa.

Nawala lang ang kasiyahang iyon sa mukha nito nang matanaw ang mag-asawang naglalakad papasok ng mansyon. Mga magulang iyon ni Kina.

"What are they doing here?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sa sarili. Mas lalo pang sumama ang itsura nito nang makita ang mga dala-dalang bagahe ni Ferdinand.

"Talaga nga namang mga bwisit na 'to. Pinagsabihan ko na silang 'wag nang babalik pa sa pamamahay na ito." pagalit na wika nito.

Mabilis na sinundan niya sina Ferdinand at nadatnan sila sa may main hall. Kahit na matanda na ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Dominica, kaya saglit lang nitong nahabol ang mag-asawa. Idagdag pang mabagal lang maglakad sina Ferdinand at Caroline
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status