Share

3- Interview

Author: Switspy
last update Last Updated: 2023-06-02 07:30:16

Pagkalabas nito ay muli niyang ibinalik ang tingin sa harapan na mukhang maling move dahil matiim na nakatitig ngayon sa kanya si Mr.Villaflor.

'Di ba ito ang gusto mo ang humarap siya.

Diretso rin siya tumingin sa mga mata nito.

'Hindi ako papatalo 'no!'

Pero mabilis din nito iniwas ang tingin at ibinalik sa binabasa nito.

Nakaramdam siya ng ilang dahil bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Never pa naman siya kinabahan ng ganito pero itong lalaki nasa harapan niya ay tila gusto yata siyang bigyan ng heart attack.

'Wala naman siyang ginagawa sayo, ah pwera na lang kung attracted ka.' Usal ng isang bahagi ng isip niya.

'Noooooo, I am not and never'. Kontra niya sa kabilang isip.

"Are you just going to stand there the whole day, Ms.Santiago?" Basag nito sa katahimikan.

F*ck that voice.

"Goodmorning Mr.Villaflor," bati niya rito.

'Good self, stand straight and show what you got.'

Napangiti siya sa naiisip.

"Why are you smiling, Ms.Santiago?" balik-tanong nito.

Pati ba naman pag-smile bawal. Grabe, ah 'di ba marunong ngumiti ito. Mukhang kakailanganin niya nga nang mahabang pasensya.

"Nothing Mr.Villaflor. I am just happy to be given a chance for this interview and looking forward to be your new secretary, " sagot niya dito at ngumiti siya nang napakatamis dahilan para lumitaw ang magkabilang dimples niya, isa ito sa mga asset niya pwera sa kanyang chinita eyes.

Tumingin lang ito sa kanya bago isinandal ang likod sa swivel chair at nilaro-laro ang hawak na ballpen.

Pansin niya iniiwasan nitong tumingin sa kanyang mga mata. Diretso lamang ito nakatingin sa kanya at wala siyang makitang ekspresyon sa mukha nito.

"So, tell me Ms.Santiago, why should I hire you? I already read your resume and I will tell you frankly that I am a little bit impressed but I still want to hear more from you. You don't need to introduce yourself, just answer my question " mahabang lintanya nito.

'Hindi ko alam kung puri ba ito o insulto ang pagkakasabi niya kasi may ibang dating o sadyang napraning lang ako.'

Ngumiti muna siya dito bago siya sumagot, "Thank you for the compliment Mr.Villaflor as what you already read except that I am qualified for the position. I can also assure you that we will have only a work relationship and nothing more of it," matapang niyang sagot dito.

'Kanina ko pa gusto itaas ang kilay ko pero kailangan ko magtimpi boss ito.'

Nakita niyang ngumisi ito pero bigla din bumalik sa pagseryoso ng mukha.

"It's like Ms.Dizon already orient you, that's good to hear. Dahil ang pinaka ayoko sa lahat ay hinahaluan ang trabaho. One last question, why did you resign from your previous job? You've been working there for almost three years. Why did you suddenly leave them?" muli nitong tanong.

"For practical reason, you offer bigger salary than my previous job," pagsisinungaling niyang sagot dito kahit may konting katotohanan ito pero hindi 'yun talaga ang rason. "And ofcourse for a change of environment, minsan kasi, we need to explore to learn more and I'm hoping that I will learn a lot here," dugtong niya pang sagot.

'Hindi ko alam kung talagang walang pakiramdam ito o ano. Dahil wala man lang ako makitang reaksyon sa mukha niya, napakaseryoso.'

Tumayo ito at nagsimula maglakad. Bigla na naman bilis ang tibok ng puso niya.

'Oh! Please don't come near me.'

Huminto ito sa harap ng mesa nito at sumandal dito bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

Pinanatili niyang diretso pa din ang tingin dito pero sadya talagang iniiwas nito magkasalubong ang mga tingin nila.

"The way you answer its like your not worth to be trusted and loyalty is not in your character. Talaga ba na pera na lang ang importante, Ms.Santiago?" nanghahamon nitong tanong.

'Oh shit! I did not expect this, napasubo yata ako.'

Napabutung-hininga muna siya bago muli tumingin dito.

"Trust and loyalty is to be gain.You cannot get it by meeting the person for the first time. Look, Mr.Villaflor aminin mo man o hindi pera ang isang bagay na kailangan natin para mabuhay. And sometimes even how much we love and loyal to something...time will come that we need to give up for other opportunities. Thats call being practical," mahaba niyang sagot dito.

"At sa pagkakaalam ko, I have a good records from my past job. And about loyalty and trust, I can assure you that you can count on me. Tulad nga nang sinabi ko kanina trabaho lang ang ipinunta ko dito nothing more, nothing less," dugtong niya pang sagot.

Nakita niyang tumatango-tango ito.

'Naiintindihan kaya niya mga pinagsasabi ko dahil maski ako hindi ko na alam mga pinagsasagot ko. Mukhang sasablay pa yata ako, my gosh.'

"You may go out Ms.Santiago and call Ms.Dizon to come here," seryosong wika nito at bumalik na ito sa kanyang trono.

'Hindi man lang marunong magpasalamat at pinaglaanan ko siya ng oras ko. Ako na lang magpapasalamat kakahiya naman sa kanya.'

"Ok Mr.Villaflor, thank you for your time." Pinagdiinan niya talaga ang pagkakasabi, wala siyang pake kahit mapansin nito.

Mabilis niyang nilisan ang lugar na 'yun. Pagkalabas niya ay tila guminhawa ang pakiramdam niya mukhang kanina pa siya hindi makahinga ng maayos. Nakaka pang lambot ng tuhod ang mga titig nito feeling niya unti-unti siya nitong pinapatay sa isip nito.

Nakita niya si Clara sa may table nito, nakaharap sa laptop, mukhang hindi nito napansin ang paglabas niya. Dahan-dahan siya lumapit dito, balak niya sanang gulatin kaso nagbago-isip niya. Juntis pala ito baka mapanganak nang dis-oras.

"Ehem, so serious Ms.Dizon," pukaw niya dito dahilan para malipat ang tingin nito sa kanya.

"Tapos na? Mukhang hindi ka naman binugahan ng apoy ni dragon, nakuha ba sa charm mo," nang-aasar nitong wika.

"Palagay ko ikaw mabubugahan niya kapag 'di ka pa nagpunta sa office niya. Hala lakad na at pinapatawag ka niya, pagkatapos niya ako palayasin ni wala man lang thank you," reklamo niya dito.

Ngumisi lamang ito sa kanya bago may kinuha folder at nilayasan din siya.

'Anong gagawin ko dito?'

'Uuwi na ba ako?'

'T*ngna naman,eh, ang aga ko ma-stress bakit kasi hindi pa niya sinabi kung tanggap o hindi.'

Napagdesisyunan niya mag-stay na lang muna, hihintayin niya na lang si Clara na makalabas ito nang makapagpaalam.

Maya-maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at iniluwa ang kanyang beshie na ang lapad ng ngiti.

Pagkalapit nito ay biglang tumili. "Congratulation beshie, pasok ka na!" masayang balita nito at niyakap siya nang mahigpit.

Hindi pa rin siya makapaniwala, akala niya hindi na siya tatanggapin dahil sa mga pinagsasabi niya kanina mukhang malakas nga si beshie niya dito.

"Hoy, 'wag ka na nga tumili baka mapanganak ka nang dis-oras dito," awat niya dito dahil bakas talaga ang kasiyahan sa mukha nito.

'Natural makakalaya na siya sa impyerno. At ako ang papalit.'

"Beshie, mag-stay ka na today para maituro ko na mga importanteng bagay na dapat mo malaman at mamaya samahan kita sa HR para maasikaso ang id at makakuha ka na din ng uniform," nakangiti pa rin nitong wika sa kanya.

"Ok beshie."

Related chapters

  • A Promise Necklace   4- Attracted

    Pagkarinig ni Aj nang pagsara ng pintuan tanda na nakalabas na si Ms.Santiago ay napatingin siya sa pintuang nakasara. He can't believe her. How could that woman be so brave to face and answer him like that? Samantala halos mga na-encounter niya dati ay 'di man lang makatingin sa kanya, but this woman even tried to have an eye to eye contact with him. Pansin niya pilit nito hinuhuli ang mga mata niya, but he won't allow it. Pinaka ayaw niya sa lahat ay ang makipagtitigan sa babae, ewan niya ba para kasi may mali sa tuwing nakikipagtitigan siya.Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang pagkatok."Come in." Tinatamad niyang wika at ibinalik ang tingin sa kanyang laptop kung saan nakabukas ang resume ni Ms.Santiago."Mr.Villaflor, pinapatawag n'yo raw po ako?" tanong ni Ms.Dizon—ang kanyang secretary na nag-resign dahil buntis at ayaw na raw pagtrabahuhin ng boyfriend na walang iba kundi ang magaling niyang pinsan. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang mahinhin niyang secretary ay n

    Last Updated : 2023-06-02
  • A Promise Necklace   5-New Friends

    "What?!" Nanlalaki ang mata ni Clara na nakatingin kay Sandra.Nandito sila ngayon sa may canteen dahil lunch break. Naikwento niya kasi rito ang nangyari sa kanyang dating trabaho."Hinaan mo nga 'yung boses mo, agaw pansin lang," bulong niya rito habang ginagala ang tingin."Kaya naman pala nagtataka ako at ang bilis mong pumayag. Tapos ok lang na mag-start ka na, 'yun pala wala ka ng work. Kung hindi pa kita tinawagan wala kang balak ipaalam sa akin. Anong klase kang beshie." Pinalungkot pa nito ang boses na tilang aping-api. Nabaling tuloy ang tingin niya rito at pinagmasdan ito. Umakto pa itong maiiyak. Ito ba talaga nagagawa ng pagbubuntis? Nasisiraan nang bait; kung ganun, 'ayoko na mabuntis... joke lang.' "Matino pa ako beshie kaya tigilan mo 'yang iniisip mo. Nakakapagtampo ka naman talaga, eh." Muli nitong hirit.Napailing na lang siya. She knows her well. Uminom muna siya ng tubig bago ito hinarap. "Sorry na beshie, masyado kasi mabilis mga pangyayari. Magulo pa 'yung utak

    Last Updated : 2023-06-07
  • A Promise Necklace   6-Meet Beshie Bf

    Mabilis lumipas ang oras ng hindi namamalayan ni Sandra. Ang dami kasi itinuro ni Clara sa kanya, isang araw pa lang siya pero feeling niya punong-puno na ang utak niya.Buti na lang at maghapon din wala 'yung dragon sabi ni Clara may meeting ito outside at mukhang hindi na babalik. Mas pabor sa kanya iyon dahil hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa tuwing malapit ito. Tulad na lang kanina nang magbilin ito kay Clara, pansin niya pa ang pagtitig nito sa kanya pero nanatili siyang nakatuon sa monitor.Hindi naman siya ang kinakausap kaya 'di niya kailangan tingnan ito at baka lalong magwala ang puso niya."Good day, Hon," tinig ng isang lalaki ang pumukaw sa kanyang nawawalang sarili.Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang humalik ito sa labi ni Clara, nanlaki ang kanyang mga mata sa nasaksihan.'Oh, my beshie!'Napalingon sa kanya ang lalaki kaya nahuli siya nitong nakatingin. Akala niya ay sisitahin siya nito pero ngumiti ito sa kanya. Narinig niya si Clara na humagikhik

    Last Updated : 2023-06-08
  • A Promise Necklace   7-Dream

    Napapailing na lang si Sandra pagkakita sa gate nila na nakabukas na. Diretso niyang ipinasok ang kanyang motor sa garahe at ipinark ito nang maayos. Inalis niya ang kanyang helmet at bumaba na kay Sky."Ako na, pumasok ka na sa loob." Awat sa kanya ni Samuel nang tangkain niyang kunin ang cover ni Sky.Napalingon siya rito, nakita niya ang seryosong mukha nito. Napakunot noo siya pero nilagpasan lamang siya ng kapatid, nabaling ang tingin niya sa may pintuan at nakita si Sammy na nakatayo habang nakasandal sa hamba ng pinto.Napapangiti na lang siya at nagsimula na maglakad papasok. Siya ang matanda pero daig niya pa ang isang teenager sa inaasta ng kambal.Nagtuloy-tuloy lang siya sa loob. Napatingin siya sa kanyang wrist watch, alas-dyes na, kaya pala ganun ang inaasta ng kambal. Baliw kasi si Clara imbes sa restaurant ay sa bahay ng mga ito sila nag-dinner. Nalaman kasi ng parents nito na magkasama sila. Malapit rin kasi ang loob niya sa mga ito. Kungbaga second parents na ang tur

    Last Updated : 2023-06-08
  • A Promise Necklace   8-Uniform

    Tahimik na nag-a-almusal si Sandra kasama ang kambal. Tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig. Hindi siya sanay sa pananahimik ng kambal at alam niyang may kinalaman pa rin ang naging desisyon niya."Who washed my uniform," pagbasag niya sa katahimikang namamayani. Nakita niya kanina na nakasabit ang uniform sa may handle ng aparador niya. Clean and already iron, hindi talaga siya matitiis ng mga ito.Wala siyang nakuhang sagot. Kaya inangat niya ang tingin sa mga ito, parehong nakayuko at patuloy na kumakain na parang hindi man siya narinig na nagtanong.Isinubo niya ang huling piraso ng hotdog at inilapag ang kubyertos na nagsanhi ng ingay.Humigop muna siya ng kape bago muling nagsalita, "Nagtatanong ako." Pinaseryoso niya ang boses at ekspresyon ng mukha upang ipabatid na hindi siya nagbibiro.Sabay na nag-angat ng tingin ang kambal at nagtinginan bago bumaling sa kanya."I did the washing and Sammy ironed it," sagot ni Samuel.Tumayo na siya, she needs to go. Ayaw niy

    Last Updated : 2023-06-09
  • A Promise Necklace   9-Coffee

    Mabilis na nakarating si Sandra sa VCM. May nakasabayan siya sa pag-park ng motor, sa tabi mismo niya. Napatingin siya sa wrist watch its 7:05 am, napaaga ang dating niya. Bumaba na siya kay Sky.Pareho pa silang nagulantang ng katabi niya nang sabay nilang inalis ang kanilang helmet."Jayson?""Sandra!" sabay pa nilang naibulalas. Nagtawanan tuloy sila. Nakita niyang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napakunot noo pa ito."You're wearing pants? Hindi ko alam na may ganyang available na uniform pero bilang secretary ng ceo. I think you better wear skirt," pahayag nito."It's fine with me at least magagamit ko si Sky as service kung naka-pants ako." Inayos na niya ang pagkakalock ng helmet at ni Sky."You got a nice motor and you even name it. I want to believe to Clara about you being..." Napalingon siya dito dahil sa pangbitin nitong pahayag. "A lesbian?" tuloy nito."What's wrong about driving a motor and wearing pants as a uniform? Wala naman sa rules and regu

    Last Updated : 2023-06-09
  • A Promise Necklace   10-Dragon World

    Sandra gritted her teeth while going back to the pantry."How he could be so rude like that? Nag-offer lang naman ako baka hindi pa siya nag-breakfast. Kung sabagay ano ba pakialam ko," kausap niya sa sarili bago kinuha ang sariling tasa ng kape at nagtungo na sa kanyang table."Ayokong ma-stress, but no one shout at me like that. kahit ang dati kong boss. Kung makasigaw akala mo naka-loud speaker ang bunganga. Gwapo sana kaso mala-dragon talaga." Natigilan siya sa huling nabanggit."So, you admit. Kanina yummy ngayon gwapo, oh my dear," usal ng isang bahagi ng kanyang isip."Shut up!" bulyaw niya sa traydor na isip. Napailing na lang siya. Hihigop na sana siya ng kape nang biglang tumunog ang intercom na nakakonek sa office ni Dragon. Padabog niya itong sinagot, "He—""Come to my office, now!" pasigaw nitong putol sa kanya bago pa siya nakasagot ay busy tone na ang narinig niya."Wala ka talagang manners, Dragon!" mahina pero madiin niyang ganti sa kawawang intercom. Padabog niyang ki

    Last Updated : 2023-06-10
  • A Promise Necklace   11- Punishment

    NAGPAKABUSY na lamang si Sandra sa trabaho kaysa isipin pa ang dragon niyang boss. Hindi ito nagtanong ng schedule kaya bahala ito. Nagulat siya nang tumunog muli ang intercom, napahawak pa siya sa kanyang dibdib."My gosh! Bakit naman ako naging magugulatin ng ganito. Kasalanan talaga ng hinayupak na Raymond na iyon dahil ginulat kami kanina." 'Ano naman koneksyon nun?'Wala lang, gusto ko lang may masisi.'Nababaliw na talaga siya pati sarili ay kinakausap na niya. Nagpatuloy ang pag-ring ng intercom kaya naman mabilis niya ng pinindot ang answer button. Pero hindi siya nagsalita."Why took you so long to answer?" Napangiwi siya nang marinig na naman ang napakalakas na boses ni Dragon. "Come inside, now!" As always busy tone na ang kanyang narinig, ni hindi pa man siya nakakasagot dito."Ahhh!!" impit niyang hiyaw. "Inhale, exhale, inhale, exhale." Pagpapakalma niya sa sarili. "Malapit na ako masagad dragon," bulong niya bago pinuntahan sa opisina ang boss niya."What is my schedule

    Last Updated : 2023-06-12

Latest chapter

  • A Promise Necklace   70-Special Chapter (Last)

    MABILIS ang paglipas ng mga araw, buwan at taon. Sampung taon na nga ang lumipas mula nang magsama sila bilang mag-asawa. At sa loob nang mahigit sampung taon na 'yon ay walang pagsidlan ng saya ang naramdaman ni Sandra. Having three kids was enough to be grateful. At sa mga taon pang darating ay mas sisiguraduhin niya na patuloy niyang papahalagahan ang pamilyang binuo kasama ng pinakamamahal niyang asawa. "Are you ready, baby girl?" Napalingon siya sa asawa na kakapasok lang sa silid nila. At kahit sampung taon na ang lumipas. Her husband remains as one of the handsome men in her eyes. "Baby girl, stop staring at me like that. May lakad tayo at alam ko na ayaw mo na ma-late." Natawa na lang siya sa sinabi ng asawa."Why? It is bad to admire how handsome my husband is?" Pinalandi niya pa ang boses para asarin ang asawa. Alam niya naman kasi kung ano ang kahinaan nito. Aj groaned. At bago pa niya ito tuluyan matukso ay nagmamadali na siyang tumayo. "Baby girl! You really know how to

  • A Promise Necklace   69-Special Chapter

    HINDI maipinta ang mukha ni Sandra. Kanina pa siya wala sa mood at hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil sa kanyang pagbubuntis. Mga tatlong buwan na ang tiyan niya. Hindi naman siya pinabayaan ng asawa dahil todo asikaso ito sa kanya. Pero itong mga nakaraang araw ay ayaw niya itong nakikita. Mas gusto niya makita ang kuya ni Clara—si Jacob. "Baby girl, I'm home!" Ang malakas na boses ng asawa ang kanyang narinig. Nanatili siyang nakahiga at nagtalukbong ng kumot. "Baby girl, are you okay? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo? I will bring you to the ho—" "Nothing! And please, stop asking. Ayoko marinig ang boses mo!" naiinis niyang sagot at mas hinigpitan ang hawak sa comforter nang maramdaman niya na inaalis 'yon ng asawa."Baby girl naman, stop doing it. Nasasaktan na ako," bakas ang sakit sa boses nito pero ewan niya ba kung bakit wala siyang maramdaman na awa. Imbes ay mas lalo siyang naiinis. Bakit naman kasi ganito ang epekto ng pagbubuntis niya?Hindi siya nag

  • A Promise Necklace   68-Special Chapter

    TALAGANG sinulit ni Aj ang kanilang travel honeymoon. Napapailing na lang si Sandra habang pinagmamasdan ang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan at sa kambal niyang kapatid. Sigurado siya na puro kalokohan at kayabangan lang ang ipinagsasabi nito. Wala naman maganda do'n."Pretty Beshie!" Napalingon siya sa tawag ni Clara. Napangiti siya saka sinalubong ito ng yakap. "Blooming, ah. Mukhang maraming vitamins ang naitarak sayo." Natawa siya sa sinabi nito. Wala na talagang bahid ng kainosentehan ang kanyang beshie. "Isang linggo ba naman sinulit…ewan ko lang kung hindi pa mabuo ang bunso namin," ganting biro niya rito sabay himas sa kanyang maliit pa na tiyan. One week vacation in Hawaii is really great. Lalo na kung libre. Dahil nga nanalo ang asawa sa pustahan nito at nina Kevin at Anthony. Na-enjoy niya ang lugar. Siyempre hindi naman pwedeng magkulong lang sila sa kwarto at puro jugjugan lang. Kumusta naman ang beauty niya."Hello there, pretty ladies," bati naman ni

  • A Promise Necklace   67-Special Chapter

    "SANDREW, bumaba ka d'yan!" sigaw ni Aj sa anak na lalaki. Paano ba naman kasi ay umakyat sa may railings ng hagdan at naglambitin. Mabuti at sa may mababang parte lang."Daddy, look I feed snoopy." Nanlaki ang mga mata niya nang makitang punong-puno ang bunganga ng pinabili nitong aso na ang breed ay Chihuahua kahit na ayaw niya. Wala siyang nagawa dahil nagwala ito at sinang-ayunan naman ni Sandra. Kaya ayon, talo ang kinalabasan niya."Lyna! Snoopy will die if you continue to feed him," sabi niya habang itinatabi ang nakahanda pang pagkain nito."Daddy!! help! help! I'm gonna die!" Mabilis naman niyang dinaluhan si Sandrew na nakakapit sa pangatlong baitang ng railings ng hagdan.Dinala niya ito sa tabi ni Lyna at namaywang siya sa harapan ng dalawa. "Can you please behave, tatlong taon pa lang kayo pero sobrang likot n'yo na! Isusumbong ko kayo sa mommy n'yo!" sermon niya sa kambal. Tatlong taon na ang kambal nila ni Sandra. Sobrang saya niya dahil talaga namang nagbigay kulay an

  • A Promise Necklace   66-Special Chapter

    NASA LIVING room si Sandra habang nanonood ng TV. Hindi na kasi siya pinapakilos pa. Dahil kabuwanan na niya kaya naman medyo nahihirapan na talaga siyang gumalaw.Maswerte nga si Aj dahil hindi niya ito pinahirapan sa paglilihi. Mukhang kakampi nito ang mga anak. Yes, they are going to have a twins, a boy and a girl. She can't wait to see them. Everyone was excited to see their twins, especially Aj's grandparents.Dito na sila pinatira ng magulang ni Aj sa mansion. Ang rason ng mga ito ay wala naman daw magmamana nito kung hindi si Aj. Kaya pumayag na rin sila para mapagbigyan ang magulang nito.Maging ang kambal ay rito na rin nakatira. Ayaw niya kasi malayo sa mga ito. Saka gusto rin naman ng mga magulang ni Aj, mas sumaya nga raw dahil nagkaroon ng buhay ang mansion.Masaya siya sobra dahil naka-graduate na sa wakas si Samuel habang si Sammy ay ipinagpatuloy ang pagiging doctor nito.Bumalik siya sa kasalukuyan nang maramdaman na sumakit ang kanyang tiyan."Ahhhh!!!" sigaw niya ha

  • A Promise Necklace   65- Blessing (FINALE)

    DAHAN-DAHAN iminulat ni Sandra ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang puting kisame."Baby girl, you're awake! Thanks God," masyang tinig ni Aj ang kanyang narinig. At naramdaman niya ang paghawak sa kanyang kamay.Inilipat niya ang tingin dito dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang hawak-hawak ang kanyang kamay at hinahalikan iyon.Lumibot ang tingin niya sa paligid ng silid at napaawang ang kanyang bibig sa nakita. Lahat ng pamilya ni Aj ay narito maging ang kambal. Naalala niya ang huling nangyari. Oo nga pala, bigla na lang siya nawalan ng malay."Iha, maayos na ba ang pakiramdam mo? Ano ba nangyari at hinimatay ka?" tanong ng lola ni Aj.Akmang uupo siya nang mabilis siyang inalalayan ni Aj. Napangiti tuloy siya. Napa-sweet talaga ng mahal niya. Nang sa wakas ay nakaupo na siya ay biglang tumuon ang tingin niya kay Kevin. Napasimangot tuloy siya."Oh! Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Parang ang laki ng kasalanan ko. The last

  • A Promise Necklace   64-She's back

    "WHAT?!" malakas na sigaw ni Sandra kay Clara na nasa kabilang linya. Palagay niya ay nabasag ang eardrums nito."Beshie, balak mo ba sirain ang eardrums ko. Makasigaw lang wagas! Kainis ah!" reklamo nito.May ibinalita kasi ito na dahilan para tawagan niya ito. Lagpas dalawang linggo na simula nang umalis siya sa Manila. Pinatay niya ang kanyang cellphone dahil sigurado na uulanin siya ng tawag at message. Ngayon niya lang naisipan buksan at ang unang bumungad sa kanya ay ang mensahe ng kanyang kaibigan."Still there beshie?" Nabalik siya sa sarili nang marinig ang boses ni Clara. Oo nga pala, kausap niya pa ito."Ye-yeah.""So, ano na? Okay lang sayo? Hahayaan mo na lang na maikasal si Andrew sa Nicole na 'yon? Angkinin ang anak na 'di naman kanya," dire-diretsong wika nito."Pero ikakasal na kami.""Ikakasal? Hindi ba nag-run away bride ka? Paano kayo ikakasal? Ano ba kasi nangyari at nag-alsa balutan ka?" bakas na ang iritasyon sa boses nito. "I don't like that Nicole. Mabait siya

  • A Promise Necklace   63-Memory

    "NANAY, sandali lang po magpapaalam lang po ako kay panget," paalam niya sa kanyang nanay."Aj, hindi na pwede nandito na 'yong tricycle na maghahatid sa atin. Balikan mo na lang siya." Wala na siyang nagawa nang hilahin na siya ng kanyang ina pasakay sa naghihintay na tricycle."I'm sorry panget, pero pangako babalikan kita. Hintayin mo ako!" piping usal niya sa sarili habang unti-unting lumiliit ang lugar na espesyal sa kanya.…"Andrew, anak wake up. Kevin, call a doctor or call Dominic now!"Dahan-dahan ni Aj iminulat ang mga mata."Oh my God! Thank God you're awake," tinig ng kanyang mommy ang kanyang naririnig."Apo, how are you?" sunod niya narinig ang tinig ng lola niya.Gising na siya at gusto niya ibuka ang bibig pero tila hindi niya kontrolado ang kanyang katawan."What happened to him? Where is the doctor?" tinig ng kanyang daddy.Narinig niyang bumukas ang pintuan at may lumapit sa kanya.Ramdam niya ang ginawang pag-eksamin sa kanya habang nananatili siyang nakahiga."A

  • A Promise Necklace   62-Leave

    NAPAGDESISYON ni Aj na bumalik na sa kanyang condo. Pagkalabas niya kanina ay sa rooftop siya dumiretso kung saan may isang restobar. Puwesto siya sa pinakatagong lugar. Gusto niya mapag-isa. Gusto niya ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Gusto niya itanong nang paulit-ulit kung ano ba ang mali at kulang para hindi siya maging sapat? Pero alam niya na hindi niya ito masasagot.Nang halos tatlong oras na siya nakatambay sa rooftop ay nagdesisyon na siyang bumalik sa kanyang condo. Umaasa na naroon pa rin si Sandra. Baka nahimasmasan na ito at pwede na silang mag-usap nang maayos.Kung kinakailangan niya humingi ng tawad sa mga nasabi ay gagawin niya. Manatili lamang ito sa kanyang tabi. Being alone for a while made him realize that he can't afford to lose her. He will fight until she says that she doesn't need him anymore.Pagkarating sa may pintuan ay bumuga muna siya ng hangin bago pinindot ang kanyang password at binuksan ang pinto.Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kan

DMCA.com Protection Status