Tatlong taon na ang lumipas mula nang iwan ni Amy si Zack. Sa mga taon ng kanyang pag-iisa, pinilit niyang bumangon at magpatuloy sa kabila ng sakit. Ang dating pananabik sa kinabukasan kasama si Zack ay napalitan ng matibay na pangarap para sa kanilang anak. Hindi niya inaasahan, ngunit sa mga panahong iyon, nagbago ang kanyang mundo nang malaman niyang hindi lang isa, kundi dalawang bata ang dinadala niya—isang kambal.Sa isang malamig na umaga sa isang pribadong ospital, isinalang si Amy sa pinakahihintay niyang sandali bilang ina. Matapos ang ilang oras ng pagsasakripisyo at pagtitiis, isinilang niya ang kambal: isang malusog na batang lalaki na pinangalanan niyang Josh, at isang kaibig-ibig na batang babae na pinangalanan niyang Aliah. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang kumpleto siya. Ang kanilang mga ngiti at paghawak sa kanya ay nagbigay ng bagong pag-asa at lakas upang ipaglaban ang kanilang buhay.Sa mga sumunod na linggo, abala si Amy sa pag-aalaga sa kambal. Sina Josh a
Tatlong linggo ang lumipas mula nang muling masulyapan ni Amy si Zack. Sa kabila ng kanilang muling pagtatagpo at ang kasinungalingang kanyang sinabi upang maprotektahan sina Josh at Aliah, pilit niyang bumalik sa normal na takbo ng kanyang buhay. Natanggap siya sa isang prestihiyosong kumpanya, at handa siyang magsimula muli para sa kapakanan ng kanyang mga anak.Unang araw niya sa trabaho, abot-langit ang kaba ni Amy. Habang naglalakad siya papunta sa opisina, iniisip niya ang mga magiging kasamahan at ang bagong simula na kanyang sisimulan. Subalit, natigilan siya nang makita ang pamilyar na pigura sa gitna ng silid ng pagpupulong—si Zack. Si Zack ang bagong CEO ng kumpanyang iyon.Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. Parang hindi totoo ang lahat. Sa tinagal-tagal niyang iniiwasan si Zack, tila sinundan siya nito kahit hindi sinasadya. Naramdaman niya ang mga mata ni Zack na nakatitig sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at bagaman puno ng pagnanasa ang kanyang tingin,
Ikinagulat ni Amy nang makita niyang kausap ni Zack ang anak niyang si Aliah. Bigla naman lumingon sa kanya ang bata at tinawag siya."Mommy," sabi nito sabay kaway sa kanya. Mas lalo pa siyang nagulat nang mapansin niyang nakatingin na rin si Zack sa kanya, halatang nagtataka ang binata dahil tinawag siyang "Mommy" ng bata.Hinawakan ni Aliah si Zack at sinabing ipakikilala niya ito sa ina. "Mommy, this man helped me po," sabi ni Aliah kay Amy, habang hindi makatingin nang diretso si Amy kay Zack."Nagpasalamat ka na ba?" tanong ni Amy sa anak, pilit na itinatago ang kaba dahil sa presensya ni Zack."Yes po," sagot ng anak niya. Biglang dumating si Josh, isa pa niyang anak."Mommy, what happened?" tanong ni Josh, sabay tingin kay Zack na nakatitig pa rin kay Amy. "Hey, stranger! Why are you looking at my mommy?" galit na tanong ni Josh, na anak nila ni Zack.Napatingin si Zack sa bata. "Sorry about that, kid," sabi ni Zack, sabay hagod sa buhok nito. "I'm sorry about that, sir," sabi
Gabi na, at nasa kwarto nina Josh at Aliah si Amy para basahan sila ng kwento. "Mommy, can I ask po?" tanong ng anak niyang babae."What is it, baby?" sagot niya."Who's our Daddy po?" tanong ni Aliah, na ikinagulat ni Amy."Your Daddy is a rich man. He’s working abroad, kaya hindi niyo pa siya nakikilala," malambing na sagot ni Amy."But Mommy, hanggang kailan po?" inosenteng tanong naman ng anak niyang lalaki.Ito na ang araw na pinakakinatatakutan ni Amy — ang magsimula ang mga anak niyang maghanap ng ama."I don’t know yet, baby. But if Daddy comes home, I promise Mommy will tell both of you," sabi niya, pilit na ngumingiti para pagaanin ang usapan."Mommy, we love you po," sabi ni Aliah sa kanya, kaya napangiti si Amy."Mommy loves you more," sagot niya sa mga anak sabay halik sa pisngi ng mga ito."You go to sleep na, ha? Maaga tayo bukas kasi uuwi si DaddyLo, right?" paalala niya sa kanila. Tumango naman ang mga bata at humiga sa kanilang kama."Mommy, sing a song so I can slee
Habang nasa park ang mga bata kasama ang Ama, si Amy at Zack ay nagtungo sa isang tahimik na bahagi ng lugar upang makapag-usap ng masinsinan. Sumasalubong ang malamig na hangin, pero mas malamig ang bigat ng kanilang pag-uusap na nasa hangin."Why, Amy? Bakit mo itinago sa akin na may mga anak tayo?" malumanay ngunit puno ng lungkot na tanong ni Zack, ang mga mata'y nanlilisik at nangingilid ang luha.Napalunok si Amy, pilit na hinahanap ang tamang mga salita. "Zack, I didn’t do it to hurt you. I thought… I thought it was best for everyone." Kagat niya ang kanyang labi at pilit na hindi tumingin sa mga mata ni Zack. "Noong iniwan mo ako, wala akong ibang pinanghawakan kundi ang kaligtasan ng mga bata. I couldn’t risk them getting involved in your world, in your business."“Ang ibig mong sabihin… ay itinago mo sila dahil sa tingin mo ay delikado ang mundo ko para sa kanila?” galit na tanong ni Zack.Hindi makapagsalita si Amy. Alam niyang tama ang sinabi ni Zack, pero pinilit niyang m
"Sir, narito na po ang mga papeles na kailangan ninyo," sabi ni Amy kay Zack, habang abala naman si Zack sa pagbabasa ng mga papeles. Nang makalabas si Amy sa opisina, nasalubong niya si Lily. Tumigil ito sa harapan niya, kaya napahinto rin siya. "You think magkakabalikan kayo ni Zack?" taas-kilay na sabi ni Lily. "Wala naman akong sinasabi na magkakabalikan kami, ma'am," sagot ni Amy, pilit na pinipigilan ang sarili na sumagot nang pabalang. "Yeah, right. He's mine, bitch. I'm his childhood friend and best friend. Sa simula pa lang, akin na siya," masungit na sabi ni Lily. Hindi na nakapagpigil si Amy at sinagot si Lily. "Edi sa'yo na," sabi niya rito. Dahil dito, nasampal siya ni Lily. Sakto namang lumabas si Zack at nakita ang pangyayari. "Lily!" malakas na boses na sigaw ni Zack na ikinagulat ni Amy. Nang tumingin siya, nakita niyang dali-daling lumapit si Zack sa kanya. "Are you okay, Amy?" nag-aalalang tanong ni Zack sa kanya. "Yeah," sagot ni Zack. Aabutin sana niya
"Mommy!" sigaw ng anak niya nang buksan niya ang pinto ng bahay. Dali-daling lumapit ang mga anak ni Amy, kaya napaluhod siya para mayakap ang mga ito."Hello, my babies," nakangiti niyang bati sa mga anak. "Wow, it's my savior!" sabi ni Aliah habang nakatingin kay Zack. Lumuhod din si Zack para makausap ang bata."Hi there, princess," nakangiti niyang sabi kay Aliah, at abot hanggang mata ang saya ng bata. "Are you my Mommy's boss po ba?" inosenteng tanong nito."Yes, at ikaw si Aliah, tama ba?" tanong ni Zack, at tumango naman si Aliah. "Yes po, I'm Aliah Summer Delgado," sagot nito kay Zack.Napatingin si Zack kay Amy, hindi makapaniwala na ang apelyido niya pala ang ginagamit ng mga bata. "Talaga?" halos naiiyak na tugon ni Zack, kaya nagtaka si Aliah."Are you crying po ba?" tanong ng bata kay Zack. "I'm fine," sabi ni Zack, habang ang isa pang anak, si Josh, ay nakatingin lang sa kanya. "Ikaw ang daddy namin, 'di ba?" biglang tanong ni Josh, na ikinabigla ni Amy."Anak, what are
“Mommy, wake up,” sabi ng anak niyang si Aliah habang pinipisil ang pisngi niya.“Two more minutes, baby,” sagot niya, na ikinahagikhik ng anak bago ito lumabas ng kwarto. Pumikit si Amy ulit, pero kahit anong gawin niya, hindi na siya makabalik sa pagtulog.Napabuntong-hininga si Amy bago bumangon mula sa kama. Ilang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila ni Zack, ngunit ngayon ay pinili niyang bumalik sa trabaho sa kompanya nito. Isang malaking hakbang iyon para sa kanya, lalo pa’t marami silang pinagsamahan at masakit ang kanilang nakaraan.Pagdating niya sa kusina, naroon na ang kanyang anak na si Josh, nakangiti habang kumakain ng cereal katabi si Aliah. "Good morning, Mommy!" bati nito.“Good morning, mga anak,” sagot ni Amy, hinalikan ang dalawa at saka kumuha ng kape.Habang umiinom siya ng kape, iniisip niya kung paano niya haharapin si Zack sa opisina. Kahit gaano kasakit ang mga alaala, kailangan niyang ipakita na matatag siya at hindi siya matitinag. Ang trabaho n
Habang patungo si Zack sa kanyang opisina, nagmamaneho siya nang maingat sa kabila ng pagod mula sa mga nangyari noong nakaraang araw. Tila normal ang lahat—ang traffic, ang tahimik na tunog ng radyo, at ang mahinang ugong ng makina. Ngunit biglang nabasag ang katahimikan nang may sunud-sunod na putok ng baril na dumapo sa kanyang sasakyan. "Shit!" mura ni Zack, mabilis na pumihit sa manibela upang maiwasang matamaan. Pumutok ang mga salamin ng kanyang sasakyan, at ramdam niya ang pag-aray ng katawan ng sasakyan sa mga tama ng bala. Mabuti na lang at ang sasakyan niya ay bulletproof, ngunit alam niyang hindi ito ganap na ligtas sa ganoong uri ng ambush. Binilisan niya ang pagmamaneho, sinusubukang tumakas mula sa mga humahabol sa kanya. Nakita niya ang isang itim na SUV na bumubuntot sa kanya, at tila armado ang mga sakay nito. "Who the hell sent these people?!" bulong ni Zack sa sarili habang sinusubukang alamin kung sino ang posibleng may galit sa kanya. Samantala, si Amy
Matapos ang mga nangyari, muling bumalik ang tahimik na takbo ng buhay nina Amy at Zack. Magdadalawang buwan na ang ipinagbubuntis ni Amy, ngunit hindi pa masyadong halata na mayroon siyang dinadala. Sa kabila ng lahat, hindi maipaliwanag ni Amy ang kakaibang init na nararamdaman niya sa bawat pagdaan ng araw. "Hon, alis muna ako. May meeting ako mamaya," sabi ni Zack habang papasok sa kanilang kwarto, suot ang pormal niyang damit. Nakatingin lang si Amy sa asawa, at tila nagliyab ang nararamdaman niya habang tinititigan ito. Hindi niya maiwasang isiping baka epekto ito ng pagbubuntis niya—pero iba ang dating ngayon. Mas matindi, mas buo, mas hindi niya kayang pigilan. "Hon," bulong niya sa asawa, ang tinig niya'y may halong lambing at pang-aakit. Nagbago ang ekspresyon ni Zack, ang mga mata nito'y lumambot, at mabilis siyang lumapit sa asawa. "Amy..." Mahina ang boses ni Zack, halatang apektado rin sa galaw at titig ni Amy. Ngunit bago pa siya makapagsalita ng iba, yumakap na
Ang araw ay nagsimula nang tahimik para kay Amy at Zack. Matapos ang ilang araw ng pagpapalakas ng kanilang seguridad, nagsimula nang maging normal ang buhay nila. Gayunpaman, hindi nila alam na may mga hindi nakikitang pwersa na patuloy na nagmamasid sa kanila.Habang si Zack ay abala sa mga usaping negosyo, si Amy naman ay nag-aalaga ng kanilang mga anak at nag-aayos ng mga detalye para sa pamilya na tinulungan nila. Ang buhay nila ay tila bumalik sa tamang landas, ngunit ang patuloy na banta ay nagsisimula na namang magparamdam.Isang hapon, habang naglalakad si Amy sa kanilang bakuran kasama si Aliah at Josh, napansin niya ang isang itim na kotse na dumaan sa harap ng kanilang bahay. Walang anuman sa itsura ng kotse na magpapahiwatig ng banta, ngunit ang pakiramdam ni Amy ay kakaiba. May tila nagmamasid mula sa loob ng kotse, at ang kislap ng mata ng driver ay nagbigay ng hindi komportableng pakiramdam kay Amy."Amy, ano'ng nangyari?" tanong ni Zack na lumabas mula sa bahay at nap
Kinabukasan matapos ang libing, bumalik sa normal ang mga gawain ng pamilya nina Amy. Ang tahanang puno ng kalungkutan ay unti-unting nagkakaroon ng buhay sa presensya ng mga bata. Bagama’t may bakas pa rin ng lungkot sa mga mata ni Amy, nagsusumikap siyang maging masaya para sa kanyang pamilya.Habang abala si Zack sa pag-aalaga kay Josh at Aliah, si Amy naman ay nagliligpit ng mga gamit ng kanyang ama sa kwarto nito. Nakita niya ang lumang relo ng kanyang ama na iniwan nito sa lamesita. Pinulot niya ito at idinikit sa kanyang dibdib, pilit na pinapalakas ang loob.Ilang saglit pa’y narinig niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa labas. Hindi inaasahang may mga bisitang darating, bumaba si Amy para alamin kung sino iyon. Nagulat siya nang makitang si Juan, ang half-brother ng ama ni Zack, ay nakatayo sa harap ng pintuan kasama ang ilang mga lalaking hindi pamilyar sa kanya.“Juan? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Amy, pilit na tinatago ang kaba sa kanyang boses.Ngumisi si Juan, ha
Ilang araw na ang nakalipas simula ng mamatay ang ama ni Amy, ngunit sa araw ng libing nito, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang taong sobrang mahal niya—ang unang nagparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga.“Hon, come, it’s time,” tawag ni Zack. Lumapit si Amy habang iniisip kung paano haharapin ang realidad na ito. Sa bawat hakbang papunta sa huling hantungan ng kanyang ama, pakiramdam niya’y mas lalong bumibigat ang bawat galaw niya. Mahigpit ang hawak niya kay Zack—ang tanging nagbibigay sa kanya ng lakas ngayong pinakamasakit na bahagi ng kanyang buhay.Habang papalapit sila, napapaligiran sila ng mga mahal sa buhay, kaibigan, at mga taong nagbigay respeto sa kanyang ama. Si Aliah, na karga ni Zack, ay umiiyak din, kahit hindi lubos na nauunawaan ang nangyayari. Ang inosente niyang luha ay tila salamin ng sakit na nararamdaman ni Amy.Pagdating sa tabi ng kabaong, dahan-dahang hinaplos ni Amy ang malamig nitong ibabaw. “Pa, I miss you so much... Salamat sa lahat ng gina
Maagang tumunog ang telepono ni Amy habang mahimbing pang natutulog si Zack. Kinuha niya ito mula sa bedside table, bahagyang nababahala kung sino ang tumatawag nang ganoong oras.“Hello?” mahina niyang sagot, baka magising si Zack.“Amy...” Basag ang boses sa kabilang linya. “Si Papa mo... naaksidente...”Biglang bumangon si Amy mula sa kama, ang kaba ay tila piniga ang puso niya. “Anong ibig mong sabihin, Tita Mel? Anong nangyari kay Papa?”“May nangyari sa daan pauwi siya kagabi... binaril siya, Amy...” Halos hindi makapagsalita si Tita Mel sa pagtangis. “Wala na siya...”Tumigil ang mundo ni Amy. Napahawak siya sa dibdib, pilit hinihila ang hininga ngunit parang hindi ito sapat. “Hindi... hindi totoo ‘yan, Tita. Paano nangyari ito?” nanginginig niyang tanong.Nagising si Zack sa pagkilos ni Amy. “Hon, ano’ng nangyayari?” tanong niya, halatang nag-aalala.Napatingin si Amy sa asawa, ngunit hindi na niya kayang magsalita. Ang telepono ay nahulog sa kamay niya, at bumuhos na ang kany
Umaga na nang magising si Amy na wala sa tabi niya si Zack, kaya bumangon na siya. Pero papatayo palang siya ay bigla na lang siyang nahilo, kaya napahawak siya sa ulo niya. Sakto naman at pumasok si Zack na kakalabas lang sa Cr. “Hon, are you ok?” nagaalalang tanong sa kanya ng asawa, tumingin naman siya rito at ngumiti lang kay Zack. “Yeah, I guess baka na subraan lang sa tulog,” sabi niya pa.“Sigurado ka ba?” tanong ulit ni Zack, halatang nag-aalala habang lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya para alalayan siya paupo.“Sigurado, hon. Wag kang mag-alala,” sagot ni Amy, pero sa loob-loob niya ay may kung anong kaba ang bumabalot sa kanya. Hindi naman siya madalas mahilo, kaya nagtataka rin siya.“Baka kailangan mo nang magpacheck-up. Ayoko nang balewalain natin 'to, Amy,” mariing sabi ni Zack habang pinupunasan ang pawis sa noo niya.Napangiti si Amy sa pagiging maalaga ng asawa. “Huwag kang OA, Zack. Normal lang 'to. Maybe stress or baka gutom lang ako,” sagot niya, per
Pagkalipas ng ilang araw mula sa nakakakilig nilang date night, bumalik sa normal ang buhay nina Zack at Amy. Pareho silang abala sa kanilang mga responsibilidad—si Zack sa kanyang kompanya at si Amy sa pagbabantay sa kambal. Pero sa likod ng kanilang masayang pamilya, may panganib na paparating na hindi nila inaasahan.Isang gabi, habang natutulog sina Josh at Aliah sa kanilang nursery, may narinig na kakaibang tunog si Amy mula sa ibaba ng bahay. Nagising siya mula sa mahimbing na tulog at bahagyang inalog si Zack.“Hon, narinig mo ba iyon?” tanong niya, ang boses ay puno ng kaba.Bahagyang dumilat si Zack, napakunot-noo. “Ano? Ano'ng narinig mo?”“Parang may nabasag sa kusina,” sagot ni Amy, bumaba ang boses na tila natatakot na baka may makarinig.Agad na bumangon si Zack at kinuha ang baseball bat na lagi niyang tinatago sa ilalim ng kama. “Stay here. I’ll check it out.”“Zack, huwag kang mag-isa!” pilit ni Amy, pero tumanggi si Zack.“Don’t worry, Hon. Lock the door and don’t op
Habang abala si Amy sa pagbabantay sa kambal, bigla niyang naramdaman ang malambot na halik sa kanyang pisngi. Paglingon niya, nakita niya si Zack na may hawak na bouquet ng rosas at may ngiting tila may binabalak.“Hon, ano naman ito?” tanong ni Amy, bahagyang namumula sa hiya.“Get dressed, Mrs. Delgado,” sabi ni Zack habang inilalapag ang mga bulaklak sa mesa. “We’re going out tonight.”“Out? Zack, paano ang kambal? At saka—”Tumigil si Zack sa harap niya at inilagay ang hintuturo sa labi ni Amy. “Relax, Hon. Sinigurado kong may mag-aalaga sa kambal. Si Quen ang magbabantay kasama ang yaya. Tonight, it’s just you and me.”Napatitig si Amy sa asawa. Hindi niya inaasahan ito dahil sa nakaraang linggo, masyado silang abala sa mga bata at sa trabaho ni Zack. “Sigurado ka? Hindi mo na kailangang gawin ito.”“Of course, I have to,” sagot ni Zack na tila nagtatampo. “Lately, masyado na tayong naging busy. I want to remind you that you’re still the most important woman in my life.”Napalun