Share

5: Derek

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2024-03-21 11:43:09

Nagkatinginan kami ni Bjorn. Nakakasuka talaga ang pagmumukha ng lalakeng 'to. Birthday ng kaniyang mommy kaya nagpunta kami dito. Hindi magarbo ang birthday party nito. Isang simpleng salo-salo lang na dinaluhan ng ilang mga kamag-anak at piling mga kaibigan.

Si Lance ang hinahanap ko, pero pakalat-kalat 'tong si Bjorn.

Lumapit ako sa may grazing table. Hindi ako kakain at plano ko lang na kumain ng ilang piraso ng slice fruits, kaso nagbago na ulit ang isip ko. Nakipag-unahan si Bjorn sa pagdampot sa natitirang tatlong piraso ng malalaking green na ubas.

Masama ko siyang tiningnan, pero tila wala naman itong pakialam.

"Happy birthday, Tita!"

Agad gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko, nang marinig ko ang boses ni Lance. He's here. May dala siyang malaking kahon para sa Mommy ni Bjorn. Nakangiti ito. Nakakasilaw ang mga ngiti niya.

Matapos makipag-usap saglit sa ginang, napatingin siya sa gawi namin ni Bjorn. Kinawayan ko siya at pinakita ko sa kaniya ang ala-beauty queen kong ngiti. Nakangiti naman itong naglakad papunta sa amin.

"Salawahan," bulong ni Bjorn.

Pumalatak lang ako, dahil wala akong lakas para makipagtalo sa kaniya. Sigurado akong babanggitin na naman niya ang tungkol kay Derek. Hindi siya maka-move on doon.

"Hi, Lance! Hindi na ako nakadalaw sa clinic, na-miss ko pa man din na si Lalo."

Syempre that's a lie. Siya talaga ang na-miss ko.

Wala akong maisip na pangalan para sa aso, kaya Lalo na lang. Combination ng pangalan namin ni Lance. Weird pakinggan pero atleast unique naman, walang katulad.

Bukas ko pa sana kukunin ang aso, kaso aalis kami bukas. May ikakasal kaming kamag-anak, kaya mas okay na doon na muna siya sa clinic ni Lance. Atleast doon naaalagaan siya ng mabuti ng kaniyang mga staffs.

Kita ko ang sarkastikong ngiti ni Bjorn, pero mas okay kung hindi siya pinagtutuunan ng pansin. Papansin lang siya.

Narinig ko sa usapan nilang magkakaibigan kagabi na broken hearted daw 'to. Hindi naman halata dahil hindi naman siya mukhang malungkot. At kung hiniwalayan man siya ng kaniyang girlfriend, deserved niya iyon.

Parang nang isang araw lang may babae siyang kasama sa kuwarto ni Lance. Hindi makuntento kaya siguro hiniwalayan.

Hanggang ngayon binabangungot pa din ako ng nasaksihan ko na iyon. Nakakapanginig kapag bigla-bigla na lang pumapasok sa aking isip ang mga imaheng iyon. Damn!

Madaming mga kumakausap kay Lance, kaya hindi din kami gaano nakapag-usap.

I feel out of place din, that's why I decided to went inside the house to drink some water, dahil ubos na ang mga bottled water sa gilid.

Kumuha ako ng pitcher sa fridge. Ilang beses na din akong nagpunta dito, dahil madalas ditong magpunta si Mommy, kaya kabisado ko na ang pasikot-sikot dito.

Minsan nagpapa-home service si Tita sa reflexologist at sa nails. Iyon ang bonding nila ni Mommy.

"Hi, I miss you..."

Paalis na sana ako ng kusina nang marinig ko ang boses ni Bjorn. May kausap siya sa celphone. Ang lambing-lambing ng kaniyang boses, malayong-malayo sa nakakairita niyang tono kapag kinakausap niya ako.

Mukhang may bagong babae na naman siyang inuuto. Babaero talaga. Sabagay, sa kanilang magkakaibigan parang sina Kuya at Lance lang naman ang hindi babaero. Si Kuya pala medyo may pagka-slight babaero.

Kaya kay Lance ako, e. Bukod sa gentleman, loyal pa. Isa na lang ang kulang, ang mahalin niya ako.

Maagang natapos ang party ni Tita. Pagkauwi ko ng bahay ay nag-empake na din ako para bukas. Two days kami doon pero mag-pa-pack ako ng pang-ilang araw dahil baka maisipan ni Mommy na mag-extend ng bakasyon.

Hindi pa ako inaantok kaya naisipan ko munang tumambay sa balcony. Mula dito ay tanaw ko sina Kuya na nag-iinuman. Nagtatawanan sila. Mukhang marami ng nainom dahil ang iingay na. Nag-aasaran sila.

At bumabangka sina Kuya at Bjorn.

They're talking about girls. Kadiri sila. Tsk!

Sakto ding tumunog ang aking phone. Nag-text si Derek. T-in-ext ko siya gamit ang isa kong bagong number. Number na exclusive lang for him.

"So, kailan tayo magkikita?" tanong niya. Hindi pa kami nagkikita. Hindi niya ako kilala, wala siyang idea sa mukha ko at totoong pangalan ko, pero may idea na ako sa itsura niya. He's cute, pero I'm not sure kung cute din siya sa personal.

"Aalis kami bukas..."

"So, when?" Hindi ko alam kung bakit niya ako kinukulit. Dati inaaya ko siyang makipagkita sa akin sa mall, hindi naman siya nagpunta.

"I'll let you know when I'm available."

Makikipagkita lang naman, so that's fine. Kung ano ang ginagawa namin sa text, hindi naman namin gagawin sa personal. Friendly date lang.

Napatingin ako sa baba. Tahimik na sila. Nag-uusap-usap pa din, pero si Bjorn ay tahimik na. Busy ito sa kaniyang celphone. Mukhang busy sa panunuyo sa text, sa kaniyang ex.

Hinding-hindi na ako maro-wrong send ulit sa kaniya. I didn't saved his number and I also blocked it. I can't repeat the same mistake, dahil wala na talaga akong lusot kapag nangyari iyon.

"May boyfriend ka na ba?" tanong ni Derek.

Kumunot ang noo ko.

"Wala pa, bakit?"

"Baka may boyfriend ka na, kaya ayaw mo ng makipagkita sa akin."

May ganoon?

"Wala, ah."

Bakit naman ganito na ang topic namin? Kaya ayaw kong makipagkita at ayaw kong madalas nag-t-text sa kaniya, e. Kaya ko lang naman siya tini-text dahil sa bagay na iyon. Kaysa makipag-one night stand ako sa kung kani-kanino.

Iniba ko ang usapan. "What are you doing?"

"Wala. Nakahiga na."

Tumayo ako. Papasok na ako sa loob. I dialled Derek's number, but he cancelled it. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero ganoon ulit ang ginawa niya.

Bakit? Tsk! Bahala ka nga.

Nagsitayuan na sina Kuya. Mukhang tapos na silang uminom. Lumapit na din ang mga maid, upang ayusin ang mga kalat nila. At ang mga lalake ay umuwi na sa kanilang apartment.

After fifteen minutes, tumatawag na si Derek pero hindi ko na sinagot ang tawag niya. Tinatamad na ako. Bahala ka diyan.

"Sorry, may ginawa lang ako kanina."

Akala ko ba nakahiga na siya? Baka may asawa 'to. Lumayo muna siya sa asawa niya bago niya ako tinawagan.

Nawalan na ako ng gana. Hindi ko naman siya kilala personally at wala din naman kaming relasyon bukod sa pag-SOP namin once in a while.

Hindi din kami nagkikita, pero baka mabuking siya ng kaniyang asawa at mamaya awayin pa ako nito.

Thinking that I was a mistress makes me shiver with disgust. Kadiri ka, Loreigna. I blocked Derek's number. Itatapon ko na 'tong number na 'to bukas. Tinatamad na akong hanapin iyong pin, kaya bukas na lang.

Related chapters

  • A Night With the Wrong Man   6: Lance

    Akala ko ma-re-relax ako dito sa bakasyon slash kasalan na pinuntahan namin, pero may sumunod na demonyo. Hindi ko alam na kaibigan pala niya ang groom. Nakangisi ang lalake, habang pinipilit siya ng bride na maging substitute doon sa groomsmen na hindi makadalo, dahil may emergency daw sa family. Sa dami-dami ng groomsmen na hindi makapupunta, iyong partner ko pa talaga. Nagpapilit pa nang una ang demonyo, pero kalaunan pumayag naman siya. Papansin talaga kahit kailan. Nang itabi siya sa akin ay para bang bigla itong nandiri. Hiyang-hiya naman ako sa kaniya. SOP lang ang ginagawa ko, kung maka-judge siya wagas. Ano pa kaya ang ginagawa niya, na kung sino-sino na lang ang babae na inuuwi niya at sa hindi pa niya kuwarto gumagawa ng milagro. Hindi kami naghawak ng kamay. Sabi ko practice pa lang naman 'to. Sinubukan namin, kaso sabay kaming napabitiw sa isa't isa. Hindi ko maintindihan pero para bang na-ground kami. Siguro to the highest level ang pandidiri namin sa isa't isa. Mat

    Last Updated : 2024-03-21
  • A Night With the Wrong Man   7: Band aid

    "Cheers!" Pinagbangga namin ang aming mga wineglass. "Mabuti naman at naalala mo na kaming siputin." Taas ang kilay na tiningnan ako ng mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa bar. Masama ang loob ko ngayon, dahil sa nalaman ko. Nililigawan daw ni Lance ang kaniyang assistant sabi ng mga staffs doon sa center. Nakasasama ng loob. Lance knew that I like him so much. Bakit hindi na lang ako? Hindi ako nagsasalita. I don't want to talk. I want to shout. Ganoon ako kagalit. "Problem? Huwag mong sabihing broken hearted ka? E, wala ka namang boyfriend.""Kaya nga siya broken hearted, e, kasi wala siyang boyfriend."Nagtawanan at apir pa ang mga loka-loka. Masama ko silang tiningnan. "Hindi mo kasi ginawa iyong tinuro namin sa'yo, e.""Kumuha ka ng aso tapos araw-araw kang magpunta doon."Iyon nga ang ginawa ko! "Kumuha ako ng aso, kaso hindi naman effective. He's pursuing his assistant."May diin kong sabi. Sumakit din ang gums ko, dahil sa pagkakadiin ng aking ngipin. "Iyon lang...

    Last Updated : 2024-03-28
  • A Night With the Wrong Man   8: Evil plan

    Inaantok pa ako, pero ginising ako ni Mommy para lang sermonan. Nandito silang tatlo sa aking silid. Nalaman nila ang nangyari sa club kagabi. Hindi ito ang unang beses na nasangkot ako sa gulo. Pero sa lahat ng mga gulo, never akong nanguna. Nataon lang na mas malakas ako kaysa sa mga babaeng iyon kaya ako ang nagmumukhang masama lagi. Anak ng kilalang negosyante ay isang warfreak, ito ang lumabas noon na headline patungkol sa akin. Pero hindi pa umabot ng ilang oras, napabura na ni Daddy ang mga articles na 'to. Nakita na nila ang kuha ng cctv, kung saan nilapitan ako ng mga babae sa labas ng club, pero napagalitan pa din ako. "Tinalo mo pa ang Kuya mo!" sermon ni Mommy. Nakatayo lang naman sina Kuya at Daddy sa may gilid, habang patuloy sa pagsasalita si Mommy. "Napabura na ni Bjorn ang mga lumabas na videos," sabi ni Kuya.Bjorn? Tama ba ang nadinig ko? At bakit naman ginawa iyon ng lalakeng iyon? Tsk! Malamang, involve ang isa sa flings niya kaya gumawa siya ng paraan."Say

    Last Updated : 2024-03-28
  • A Night With the Wrong Man   9: Sixth floor

    Pinapakinggan ko ang usapan nina Kuya at ng mga kaibigan niya. Nakaupo ako dito sa malaking halaman malapit sa may pool.Nag-iinuman na naman sila. Bihira na silang mag-club ngayon. Tingin ko saka lang sila nagpupunta ng club, kapag gusto nilang mambabae. Pero kapag gusto lang nilang mag-chill after a stressful day at work, dito lang sila nag-iinuman. Sa inis ko sa mga sinasabi ni Bjorn ngayon, ay hindi ko namamalayan na nabunot ko na ang bermuda grass sa aking harapan. "Kung sigurado ka na sa kaniya, pakasalan mo na."Sinusulsulan niya si Lance na pakasalan ang assistant nito. Gosh! Kontrabida talaga ang lalakeng iyon. I hate him! Tumawa si Lance. "Iyon talaga ang gagawin ko. I'm planning to propose." What?! No! This can't be! "Ang bilis, ah." Nagtawanan sila. "Doon din naman ang punta namin. Nang makilala ko siya, sabi ko sa sarili ko siya na ang magiging ina ng mga anak ko."No, Lance! Ako ang magiging ina ng mga anak natin! Hindi ang babaeng iyon! Baka lasing lang siya kaya h

    Last Updated : 2024-03-28
  • A Night With the Wrong Man   10: Stupid mistake

    Mahal kita, Lance, pero hindi ko kaya ang sakit. Tatayo na sana ako nang yapusin niya ako at pinagpalit ang aming puwesto. Nasa ibabaw ko na siya, habang hinahalikan niya ako sa aking mga labi. Hindi ko siya magawang gantian, dahil sobrang sakit pa din, kahit na nahugot na ang kaniyang pagkalalake mula sa aking lagusan. Bumaba ang kaniyang labi sa aking panga, hanggang sa makarating ito sa aking tenga. Ang mainit na hininga at mainit na dampi ng kaniyang labi sa aking tenga, ay nakapagbigay ng kiliti. But still not enough to stop the pain I was feeling. Malikot na din ang kaniyang mga kamay. Hinaplos nito ang aking hiyas, habang ang isa naman ay nasa isa kong dibdib. Nakapikit ako. I was convincing myself to go on with the plan. Dapat matapos 'to. I need to endure the pain or this plan will be in vain. His lips move down to my neck. Napasinghap ako and slowly I began to feel that tingling sensation again. I tried to forget about the pain.Nagsimula na ulit akong makaramdam ng masa

    Last Updated : 2024-03-28
  • A Night With the Wrong Man   11: Sick

    Umakyat ako sa kuwarto ko, para magbihis. Gusto ko sanang matulog dahil sobrang sakit ng buo kong katawan, pero hindi ako puwedeng magsayang ng oras.Hindi kami puwedeng ikasal ni Bjorn. Hindi ko siya at gusto at hindi naman siya dapat ang lalakeng kasama ko sa silid na iyon.It was supposed to be Lance! At paano'ng sa 6th floor siya pumasok gayong nasa 4th floor na siya? Nagpalit na naman ba sila?! God!Inis na inis ako nang makita ko ang mga marka sa aking balat sa harapan ng salamin. That pervert! Grabe naman kung makasipsip sa aking balat! Halos mapuno ang katawan ko ng kiss marks! Urgh! Mayroon pa sa gilid ng aking boobs, mayroon din malapit sa singit! Damn! Nagsuot ako ng mahabang dress, dahil iyon ang mabilis isuot at para na rin hindi kita ang mga marks sa aking balat. Baka kapag nagprotesta ako sa mga magulang ko, isumbat pa nila na nag-enjoy ako sa ginawa ko dahil sa mga marks sa aking balat. Of course nag-enjoy lang naman ako sa nangyari thinking that it was Lance! I feel

    Last Updated : 2024-03-28
  • A Night With the Wrong Man   12: Plan

    Nakangiwi ako, habang naglalakad pabalik ng aking kama, nang magbukas ang aking pintuan at pumasok si Mommy. Agad kong inayos ang aking itsura at paglalakad dahil baka sermonan lang niya ako lalo. Masama pa din ang loob niya sa akin, dahil sa ginawa ko. Kahit naman siguro sino'ng magulang sasama ng loob. Nakakahiya ang ginawa ko.Iyong minsan ka na nga lang maging impulsive, sumablay pa. Pero minsan lang ba ako naging impulsive? Parang hindi naman yata. She sighed. Wala namang sinasabi sa akin, kaya hindi na lang din ako umimik. Pinagmamasdan lang niya ako. Nahiga naman ako, dahil masama pa din ang pakiramdam ko. Mainit pa din ako. Suminghot si Mommy. I just realize that she was crying. "M-Mommy..."Madalas kaming magtalo ni Mommy. Madalas niya akong pagalitan. And I always understand her because I was reckless at times. I did things that she wouldn't approved. Madalas siyang galit at nadi-disappoint, but this time, it was different. She's crying. It means I've really hurt her. "M

    Last Updated : 2024-03-29
  • A Night With the Wrong Man   13: Better

    "Dadating sa weekend dito sa Pinas iyong isang sikat na designer na kilala ko. Ilang sikat na personality na ang nagawan niya ng gown at lahat ng iyon ay sobrang gaganda!"Nakatulala ako habang nakatingin sa mommy ni Bjorn. Why is she so excited about the wedding? Gusto kong bumuntong hininga, kaso ayaw ko namang may masabi sila sa akin. At baka mamaya umeksena na naman si Kuya. Masama pa man din ang timpla ng mukha niya. Napatingin ako kay Bjorn na tahimik lang sa tabi ko. Nang mapansin naman niya akong nakatingin ay sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay. Wala ba siyang gagawin para hindi matuloy ang kasalang 'to, na parehas naman naming hindi gusto? "Magpa-schedule ako. Reigna," agaw ni Tita sa pansin ko. "Ah, pupunta po kami ni Daddy sa planta next week, Tita," magalang kong sabi. Tiningnan nito si Daddy. Importante ang araw na iyon kaya hindi niya puwedeng i-move. Mabuti na lang talaga at nataon sa araw na iyon. May foreign investor na pupunta this weekend, kaya hindi ako

    Last Updated : 2024-03-29

Latest chapter

  • A Night With the Wrong Man   Epilogue

    Tulog sa maghapon at gising naman mula alas-sais o alas-siete ng gabi hanggang alas-sais ng umaga. Sinasabayan ko na lang si Dior ng tulog sa araw, pero minsan hindi ako nakakatulog ng maayos dahil may negosyo akong kailangang i-monitor. Nagdagdag kami ng maid pero hands on ako pagdating sa aking anak. Minsan kapag kaya ng oras ko, pinaghahanda ko ng almusal ang asawa ko, kahit sinasabi niyang huwag ko na siyang alalahanin pa dahil pagod at puyat ako. Syempre kailangan ko namang mag-effort para sa asawa ko, dahil hindi lang ako isang Mommy. I'm also a wife. And as a wife I have a responsibility or obligation to my husband. Funny how I mature as the days passed by. But I'm loving this new version of myself. I didn't know that I'm capable to be a wife, capable to be a good wife pala, dahil lahat naman tayo puwedeng maging asawa pero hindi lahat ay kayang maging maayos o mabuting asawa sa ating partner. Kasi dati, tinanggap ko na lang na ikakasal kami ni Bjorn but I promised him that I

  • A Night With the Wrong Man   59: Push

    Kung kailan matutulog na ako, saka naman gumising si Prince. Dumede na naman siya at nag-poop pa kaya pinalitan ko siya habang nakasuot ng face mask. Tama si Kuya, training ko nga itong anak niya. Sumuka pa kaya pinalitan ko naman siya ng damit. Tinimplahan ko ulit siya dahil naghahanap na naman ng dede. Nang maubos niya ay nag-poop na naman. Namewang ako. "Buti na lang love ka ni Tita," sabi ko bago sinisimulang linisan siya. Pinalitan ko na din ang kaniyang pajama bago ko siya binalot ng blanket. Hindi pa din siya inaantok. Nakadilat siya at umuungol kaya kinarga ko siya. Kawawa naman ang baby namin. Baka nami-miss na niya ang Mommy niya. Baka umiiyak na din ang kaniyang Mommy ngayon. I sighed. Sana bumalik siya. Sana hanapin niya ang baby at bawiin. Ala-una na ng matulog ang baby kaya natulog na din ako. Puyat na puyat ako kaya hindi na ako nakapaghanda ng breakfast ng aking asawa. Maaga din kasing gumising si Prince. Dumedede na naman siya habang karga ko siya. Mamaya-maya p

  • A Night With the Wrong Man   58: Miguel Heir

    Dahil pinapagawa namin ang room ng aming baby Dior, sa penthouse na muna kami tumira. Pinagplanuhan namin ng maigi ang kaniyang magiging kuwarto. Ang banyo pati na din ang kaniyang closet. Excited na kami ng Daddy niya. Gaya ko ay sobrang hands on din nito sa preparation para sa kaniyang paglabas. Nakapag-shopping na din ang aming mga magulang namin nang magpunta sila sa Europe. Si Kuya ay bumili din ng ilang pair ng luxury clothes para sa aming baby. Ito daw ang dapat na isuot ng kaniyang pamangkin for one month. Hindi pa man lumalabas, pero ramdam ko na ang love ng family namin para sa aming baby. Nag-iisang anak si Bjorn at dalawa lang din kaming anak ni Kuya kaya siguro doble ang excitement ng aming pamilya. Pati si Lolo ay bumili na din ng doll house na malaki. May ilang mga pinabili pa siya na hindi pa dumadating. Mabuti na lang at malaki ang room na pinagawa namin ni Bjorn. Maagang aalis si Bjorn papasok sa work kaya inagahan ko ng gising. Hindi ko na siya maaasikaso kapag

  • A Night With the Wrong Man   56: Hotdog

    My late night cravings just started. I tried to ignore it but I can't, it just makes me more grumpy and moody. Tiningnan ko sa aking tabi ang asawa ko na mahimbing na ang tulog. Napagod siya, dahil hindi ko siya tinantanan hanggang sa hindi ako napapagod. Iyong isang cravings ko ay na-satisfy ko, pero sa pagod kaya siguro pagkain naman ngayon ang kine-crave ko. I want some hotdog, iyong grilled. Ayaw ko ng prito. I want also some dragon fruit. "Bjorn," mahinang tawag ko sa aking asawa ngunit hindi siya agad nagising. Niyakap ko siya at hinalik-halikan para hindi naman ma-badtrip sa paggising ko sa kaniya. "Hmmm, yes, baby." "Gusto kong kumain." Pinilit niyang idilat ang kaniyang mga mata. "Ano'ng gusto mong kainin?" Inaantok niyang tanong. "Hotdog." His eyebrows furrowed. Napaisip pa siya ng ilang segundo. Umungol siya. "Hindi ka pa ba pagod? Baka makasama na sa'yo ang sobra."Mahina kong tinapik ang kaniyang dibdib. "What are you talking about?" nayayamot kong tanong. Mukhan

  • A Night With the Wrong Man   55: Masarap

    Babalik na sa work si Bjorn at maiiwan ako dito sa bahay. Dahil galing kami sa bakasyon, kailangan ko daw magpahinga ng ilang araw pa. May kalayuan dito ang tailor at apartment ng mga live sellers, ko kaya hindi ko muna sila mabibisita. I want to visit and monitor them pa man din."Mami-miss kita, Bjorn," pagda-drama ko habang pinapanood na nagbibihis ang aking asawa. He chuckled. "Don't think too much about me, okay? Matulog ka at kumain sa tamang oras. Tatawagan ko si Manang para i-check kung kumain ka na." Sumimangot ako. "Ako hindi mo ako tatawagan?" "Of course, I'll call you from time to time when I'm not busy okay? I love you, Reigna.""I love you too, Bjorn. Hindi ako makapag-work kaya minu-minuto kitang mami-miss."Tumawa siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit."Ang sweet talaga ng asawa ko. Kaya mas lalo akong nababaliw sa'yo, e." Hinalik-halikan niya ako."Pupunta si Mommy dito mamaya. Mas okay na din iyon para hindi ka ma-bored." Bumuntong hininga ako."Hu

  • A Night With the Wrong Man   53: Bjorn 3

    She saw me! She saw me fucking another woman. Agad kong pinaalis ang babae sa aking apartment. Inis na inis ito pero nawalan na ako ng gana. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Pakiramdam ko nahuli niya akong nag-cheat sa kaniya. Paano pa niya ako magugustuhan ngayon? Habang nag-iisip ako, nag-text sa akin si Barbie. At alam ko naman kung bakit niya ako naalala. Naisip ko kung na-turn on ba siya sa kaniyang nakita, dahil pumayag siya sa SOP. Pero hindi na naman kami natapos dahil na-wrong send siya. I should have ignored it and continue but I thought that it might change our relationship, but it didnt. Mas lalo pa siyang nainis sa akin at naging sanhi pa ng kaniyang pag-iwas. Naiinis ako dahil sa atensyon na binibigay niya kay Lance. I was getting paranoid. Paano kung magkatuluyan sila? Nakikita kong seryoso siyang kunin ang atensyon ni Lance. Ano ba ang nakita niya sa lalakeng 'to? Bakit hindi na lang ako? Nagulat ako nang madatnan ko siya sa aking apartment. She's wearing

  • A Night With the Wrong Man   52: Bjorn 2

    Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi na ako nag-reply pa. Hindi na din muna ako umuwi ng apartment at sa bahay ng aking mga magulang. Sa condo ako umuuwi, galing trabaho para hindi ko makita si Reigna at para na rin makalimutan ko siya. Hanggang sa nakilala ko si Lia. She's simple, hard working at galing siya sa mahirap na pamilya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, malayo ito sa mga babaeng naging flings ko at kabaliktaran din ni Reigna. Hindi man kasing ganda ni Reigna, pero malayong-malayo sa ugali niya. Sinubukan kong manligaw, susubukang sumubok sa isang relasyon pero hindi pa din naging kami. But we remain friends. Hindi puwedeng maging kami. Kung naging kami magiging unfair lang din siguro sa part niya, dahil hindi naman nawala sa puso at isip ko si Reigna. After almost a year, nag-text ulit si Barbie. Dalawang letra lang naman pero napangiti ako nito. Barbie: HiNagpalipas muna ako ng ilang minuto bago nag-reply. Derek: Who's this?Barbie: Sorry, wrong s

  • A Night With the Wrong Man   52: Bjorn 1

    BJORN"Bakit niyo tinitingnan ang kapatid ko?" naiinis na tanong ni King sa amin. Humarang pa siya sa aming harapan.Ang bilis magdalaga ni Reigna, parang kailan lang ang liit-liit pa niya. Ngayon matangkad na siya at nagsimula nang magkaroon ng kurba ang kaniyang katawan.She look like a princess. Mukha siyang anghel, pero hindi umayon sa kaniyang ugali ang kaniyang mukha, dahil maldita siya at brat. But I can't blame her if she grew up like that. Nag-iisa siyang anak na babae ng mga Miguel. She's their princess, kaya naman nasusunod lahat ng gusto niya. Nandito kami ngayon sa garden ng mansyon ng mga Miguel. Alas-singko pa lang ng hapon pero nagsimula na kaming mag-inuman na magkakaibigan. Sina Reigna naman kasama ang kaniyang mga school mates ay nakaupo, malapit sa swimming pool. Mukhang may ni-r-rush na group project. She's wearing a barbie pink terno at pink na sandals. Nakalugay ang kaniyang natural brown and curly hair. Maganda na siya noon, pero habang nagdadalaga ay mas la

  • A Night With the Wrong Man   51: Moody

    Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay na magising si Bjorn. Kulang ako sa tulog. At iyong inis na nararamdaman ko para sa kaniya simula kagabi ay hindi pa din nawawala.Gumalaw na siya. Mukhang pagising na ito. Tumagilid siya at kinapa ang kaniyang tabi, hanggang sa mapadilat siya ng mga mata dahil wala ako sa tabi niya. Nag-panic siya at mabilis na bumangon upang hanapin ako. At nang makita niya ako sa sofa, nakahalukipkip at nakatanaw sa malaking bintana, nilapitan niya ako. "Good morning. Kumusta ang mga baby ko?" Naupo siya sa likod ko at niyakap ako mula sa likuran. Hinaplos niya ang tiyan ko at hinalikan ang aking batok. "Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? Nasusuka ka ba? Nahihilo?" Umiling ako. Still not answering him. Niyakap niya ako nang mas mahigpit. "I love you..." Ngumuso ako at sinulyapan siya saglit. Nakakainis talaga! Walang pakiramdaman. Samantalang dati, maya't maya gusto niya akong galawin, ngayon na buntis na ako, parang wala na din siyang gana sa

DMCA.com Protection Status