Bukas ng gabi na ang aming engagement party ni Bjorn. And today naman namin imi-meet ang ilang mga supplier para sa gaganaping kasal.Hindi ko alam na may lakad kami, sinundo na lang ako ni Tita sa bahay kanina. Kami lang ang lumakad, dahil busy din si Mommy sa kaniyang business. Inabot din ng tatlong oras ang meeting, dahil nakailang palit kami ng details. Sabi ko hindi ako gaanong interesado sa ilang mga details, pero hindi ko mapigilang mamili at mag-request. "Tama na muna 'to for today at baka pagod ka na," sabi ni Tita. "Pero bago tayo umuwi, daanan na muna natin si Bjorn sa kaniyang opisina." Hindi na ako nakapalag pa, dahil nahihiya akong humindi kay Tita. Baka mamaya isipin ni Bjorn na gusto ko siyang makita, kahit hindi naman. Wala ang kaniyang sekretarya sa desk nito, at nadatnan namin ito na nakayukod sa gilid ni Bjorn. She's wearing a mini skirt at ang blouse na suot ay ilang butones ang nakakalas. What a sight! Sumama ang timpla ng mukha ni Tita. Tumikhim din ito upan
Urgh! I can't sleep. Sayang ang patong-patong na skin care ko sa aking balat, kung mapupuyat lang naman ako. Bukas na ang engagement party namin ni Bjorn. It's just an engagement party and it's nothing special, pero ito na lang ang nasa isip ko mula pa kanina. Nakailang baliktad na ako ng aking pillow. Nilakasan ko pa ng husto ang aking aircon, para mas maging komportable ang aking pakiramdam. Tanghali na ako gumising kinaumagahan. And my day was ruined when I saw my pimple on my forehead. What the hell?! Hindi ako nagkaka-pimples at sa dinami-dami ng araw na may tutubo ngayong araw na 'to pa. I took a bath and applied some cream on it before going down to eat my brunch. Kakainin ko iyong yogurt at chia na pinagawa ko kagabi sa maid. "Morning, Mommy..." Nasa kusina si Mommy, mag-isang kumakain. Hindi gaya ng ibang araw, hindi siya gaanong nakaayos ngayon. Para bang napuyat siya. "Morning, hija." "You okay, Mommy?" "Yes." Humigop siya ng kape at bumuntong hininga. Ako naman ay k
May sariling lakad ang mga kaibigan ko. Kaya wala akong choice kung hindi sumabay kay Bjorn na nakabuntot sa akin sa labas ng hotel. Lahat ng pinapara kong taxi ay hinaharangan niya. Gusto ko na lang umuwi dahil kung mag-inom ako, baka makagawa na naman ako ng bagay na ikakagalit nina Mommy. Masama ko siyang tiningnan nang umalis na naman ang taxi na dapat sasakyan ko. "Stop it!" singhal ko. "Hindi ko alam kung ano na naman ang problema, pero ihatid na kita."Pinara ko ang parating na taxi kaso may pasahero palang sakay. Gusto ko na talagang umuwi. "Ihatid na kita. Tara na." Hinawakan niya ang aking wrist. Nagpumiglas ako ng kaunti, pero sasama naman ako, hindi niya ako kailangang hilain pa. Magkatabi kami sa likod, dahil kasama niya ang kaniyang bodyguard at driver. Nakahalukipkip ako at nakaharap sa may bintana, samantalang nakatutok naman ang kaniyang atensyon sa kaniyang celphone. Ka-text siguro niya ang baby niya. Napairap ako. "Ano ba kasi ang problema mo? Hindi ako mangh
Alas-siete ng umaga ay nakaabang na ako sa labas ng bahay. Dadaanan ako nina Bjorn. Ngayon ang alis namin papuntang probinsya. Ayaw ko sana, kaso pinayagan ako ng mga parents kom At isa pa alam na ng mommy ni Bjorn na sasama ako. "Okay iyan, para makapag-bonding kayo ng inlaws mo at ni Bjorn na rin," sabi ni Mommy.Kasama ko sila ni Daddy na naghihintay dito sa labas. Tahimik si Daddy. Siguro nalulungkot siya na ang kaniyang unica hija ay may sarili ng buhay. Akala mo naman matagal akong mawawala. And I'm not moving out yet. Dumating na ang sasakyan nina Bjorn. Bumaba siya sa sasakyan upang tulungan ako sa aking maleta. Nagulat siya nang makita niya ang malaking maleta ko at isang weekend bag. Tahimik niya itong kinuha upang ilagay sa likod ng sasakyan. Nagbukas din ng pintuan si Tita. "Huwag kayong mag-alala, aalagaan namin ang unica hija natin," sabi nito kina Mommy at Daddy. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga magulang ko. Ang dali lang namang sabihin na no, hindi na magpapa
Nginitian ko ang babae, iyong ngiti na hindi aakalaing peke. Siya naman ay hindi malaman kung paano ako ngingitian pabalik. Hmmm, I think this vacation will be interesting. "Maupo ka na, Lianne. Sabayan mo na kaming kumain," aya ni Bjorn. Tumango ang babae saka naupo sa tabi ko, that's the only vacant sit. Lumapit ang isa sa mga maid upang pagsilbihan ang babae. Patagilid ko naman itong pinagmasdan. Walang kahit anong expensive na suot. She's wearing a dress but it's pangit. Ang slippers na suot ay halatang mumurahin lang. She didn't came from a well-off family. Wala din siyang suot na gold. Ang suot lang niya na alahas ay ang kuwintas na may pendant na letter B. Silver? Ah, wait...B as in Bjorn? Oh, yeah. I remember that necklace. It's white gold. Bakit suot ito ng babae? Binigay niya ba ito dito? Hindi naman B ang name niya ba't niya 'to sinusuot? "Reigna, gusto mong i-try 'tong biko na may icecream?" "Ah, yes po, Tita." Mag-de-dessert na kami ni Tita. Ang mga boys ay paubos
Kaya pala ang himbing ng tulog ko, dahil nakatapat sa akin ang electricfan. Dito ako sa may balcony natulog at kahit mataas na mataas na ang araw, hindi ako naarawan. Sino kaya ang naglagay ng electric fan dito? Baka si Manang Biring. Siya lang naman ang umaakyat dito. Pumasok na ako sa loob ng room, only to be startled by Bjorn who is sleeping in my bed. What is he doing here? He's supposed to be with Lianne and not here. "Bjorn..." tawag ko sa kaniya. Nagising naman ito agad. Bumangon siya at nag-inat-inat. "Nagugutom na ako, kumain na tayo," aya niya. "Ikaw ang naglagay ng electric fan doon?" Tumango siya. "So, kanina ka pa tulog sa bed ko?" nakapamewang kong tanong. "Yes? Why? May problema ka na naman ba doon?" So, siya ang naglagay ng electric fan sa tapat ko kung gano'n. "Wala naman. Hindi ka ba namasyal sa manggahan?" "What are you trying to do?" kunot noong tanong niya kaya nag-iwas ako ng tingin. "Nothing. I'm hungry na kaya kumain na tayo. By the way where's Lian
Nagmamadaling lumapit ang babae sa amin. She's wearing worn out clothes; long sleeve and pajama pants? Tapos may bota pa siyang suot kahit hindi naman maputik ang daan. I grinned when I saw her stop for a few second just to fix her hair. Nagpunas din siya ng pawis bago lumapit sa amin. Hindi naman siya amoy pawisan, but she's not that mabango para sa isang babae na nagpapa-impress sa isang lalake. Ngiting-ngiti ito na lumapit sa amin. "What's in the bucket?" I asked her. "Ah, pameryenda sa mga trabahador." Pasimple siyang sumulyap kay Bjorn na busy naman sa pagbalat ng mangga. "Mamaya na ulit. I think I'm full," pigil ko sa kaniya, so that he can have time for Lianne. "Sige, mag-uwi na lang tayo mamaya." "Gusto niyo?" alok naman ni Lianne sa hawak niya. Binuksan niya ang bucket na may lamang I don't know what you call it. "What's that?" "Kamote que. Kamote na may asukal," pagpapaliwanag niya, dahil nahalata niya na hindi ako aware sa pagkain na hawak niya. Ah, that's gulay?
Late na kami nagising ni Bjorn. Mabuti na lang at hindi siya malikot matulog. Nanatili siya sa puwesto niya, habang ako naman ay nakarating sa gitna, siguro dahil na din sa takot. "Morning..." bati niya sa akin. Nakipag-unahan pa siyang gumamit ng banyo sa akin. Naghilamos siya at ginamit ang extra na toothbrush. Bumaba kaming dalawa na suot pa ang aming mga pajama. Nagsisimula nang kumain ang mga kasama namin. At nandito din si Lianne! Akala ko hindi siya makakapunta ngayon?"Goodmorning everyone," bati ko bago ako naupo sa pangatlong chair, para sa gitna ulit namin maupo si Bjorn."Happy birthday, Lianne," I greeted her. Nahihiya siyang ngumiti. "Salamat, Reigna. Ah, dinalhan pala kita nito. Niluto kagabi ng lola ko. Kaunti lang kasi 'to, pangkain lang, hindi kasama sa handa mamaya.""Thank you so much. Ang layo pa ng nilakad mo para lang makapunta dito. I really appreciate it." Kung kaibigan ko at sina Mommy ang nakarinig ng sinasabi ko, sasabihin nila na I'm a hypocrite. Si T
Tulog sa maghapon at gising naman mula alas-sais o alas-siete ng gabi hanggang alas-sais ng umaga. Sinasabayan ko na lang si Dior ng tulog sa araw, pero minsan hindi ako nakakatulog ng maayos dahil may negosyo akong kailangang i-monitor. Nagdagdag kami ng maid pero hands on ako pagdating sa aking anak. Minsan kapag kaya ng oras ko, pinaghahanda ko ng almusal ang asawa ko, kahit sinasabi niyang huwag ko na siyang alalahanin pa dahil pagod at puyat ako. Syempre kailangan ko namang mag-effort para sa asawa ko, dahil hindi lang ako isang Mommy. I'm also a wife. And as a wife I have a responsibility or obligation to my husband. Funny how I mature as the days passed by. But I'm loving this new version of myself. I didn't know that I'm capable to be a wife, capable to be a good wife pala, dahil lahat naman tayo puwedeng maging asawa pero hindi lahat ay kayang maging maayos o mabuting asawa sa ating partner. Kasi dati, tinanggap ko na lang na ikakasal kami ni Bjorn but I promised him that I
Kung kailan matutulog na ako, saka naman gumising si Prince. Dumede na naman siya at nag-poop pa kaya pinalitan ko siya habang nakasuot ng face mask. Tama si Kuya, training ko nga itong anak niya. Sumuka pa kaya pinalitan ko naman siya ng damit. Tinimplahan ko ulit siya dahil naghahanap na naman ng dede. Nang maubos niya ay nag-poop na naman. Namewang ako. "Buti na lang love ka ni Tita," sabi ko bago sinisimulang linisan siya. Pinalitan ko na din ang kaniyang pajama bago ko siya binalot ng blanket. Hindi pa din siya inaantok. Nakadilat siya at umuungol kaya kinarga ko siya. Kawawa naman ang baby namin. Baka nami-miss na niya ang Mommy niya. Baka umiiyak na din ang kaniyang Mommy ngayon. I sighed. Sana bumalik siya. Sana hanapin niya ang baby at bawiin. Ala-una na ng matulog ang baby kaya natulog na din ako. Puyat na puyat ako kaya hindi na ako nakapaghanda ng breakfast ng aking asawa. Maaga din kasing gumising si Prince. Dumedede na naman siya habang karga ko siya. Mamaya-maya p
Dahil pinapagawa namin ang room ng aming baby Dior, sa penthouse na muna kami tumira. Pinagplanuhan namin ng maigi ang kaniyang magiging kuwarto. Ang banyo pati na din ang kaniyang closet. Excited na kami ng Daddy niya. Gaya ko ay sobrang hands on din nito sa preparation para sa kaniyang paglabas. Nakapag-shopping na din ang aming mga magulang namin nang magpunta sila sa Europe. Si Kuya ay bumili din ng ilang pair ng luxury clothes para sa aming baby. Ito daw ang dapat na isuot ng kaniyang pamangkin for one month. Hindi pa man lumalabas, pero ramdam ko na ang love ng family namin para sa aming baby. Nag-iisang anak si Bjorn at dalawa lang din kaming anak ni Kuya kaya siguro doble ang excitement ng aming pamilya. Pati si Lolo ay bumili na din ng doll house na malaki. May ilang mga pinabili pa siya na hindi pa dumadating. Mabuti na lang at malaki ang room na pinagawa namin ni Bjorn. Maagang aalis si Bjorn papasok sa work kaya inagahan ko ng gising. Hindi ko na siya maaasikaso kapag
My late night cravings just started. I tried to ignore it but I can't, it just makes me more grumpy and moody. Tiningnan ko sa aking tabi ang asawa ko na mahimbing na ang tulog. Napagod siya, dahil hindi ko siya tinantanan hanggang sa hindi ako napapagod. Iyong isang cravings ko ay na-satisfy ko, pero sa pagod kaya siguro pagkain naman ngayon ang kine-crave ko. I want some hotdog, iyong grilled. Ayaw ko ng prito. I want also some dragon fruit. "Bjorn," mahinang tawag ko sa aking asawa ngunit hindi siya agad nagising. Niyakap ko siya at hinalik-halikan para hindi naman ma-badtrip sa paggising ko sa kaniya. "Hmmm, yes, baby." "Gusto kong kumain." Pinilit niyang idilat ang kaniyang mga mata. "Ano'ng gusto mong kainin?" Inaantok niyang tanong. "Hotdog." His eyebrows furrowed. Napaisip pa siya ng ilang segundo. Umungol siya. "Hindi ka pa ba pagod? Baka makasama na sa'yo ang sobra."Mahina kong tinapik ang kaniyang dibdib. "What are you talking about?" nayayamot kong tanong. Mukhan
Babalik na sa work si Bjorn at maiiwan ako dito sa bahay. Dahil galing kami sa bakasyon, kailangan ko daw magpahinga ng ilang araw pa. May kalayuan dito ang tailor at apartment ng mga live sellers, ko kaya hindi ko muna sila mabibisita. I want to visit and monitor them pa man din."Mami-miss kita, Bjorn," pagda-drama ko habang pinapanood na nagbibihis ang aking asawa. He chuckled. "Don't think too much about me, okay? Matulog ka at kumain sa tamang oras. Tatawagan ko si Manang para i-check kung kumain ka na." Sumimangot ako. "Ako hindi mo ako tatawagan?" "Of course, I'll call you from time to time when I'm not busy okay? I love you, Reigna.""I love you too, Bjorn. Hindi ako makapag-work kaya minu-minuto kitang mami-miss."Tumawa siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit."Ang sweet talaga ng asawa ko. Kaya mas lalo akong nababaliw sa'yo, e." Hinalik-halikan niya ako."Pupunta si Mommy dito mamaya. Mas okay na din iyon para hindi ka ma-bored." Bumuntong hininga ako."Hu
She saw me! She saw me fucking another woman. Agad kong pinaalis ang babae sa aking apartment. Inis na inis ito pero nawalan na ako ng gana. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Pakiramdam ko nahuli niya akong nag-cheat sa kaniya. Paano pa niya ako magugustuhan ngayon? Habang nag-iisip ako, nag-text sa akin si Barbie. At alam ko naman kung bakit niya ako naalala. Naisip ko kung na-turn on ba siya sa kaniyang nakita, dahil pumayag siya sa SOP. Pero hindi na naman kami natapos dahil na-wrong send siya. I should have ignored it and continue but I thought that it might change our relationship, but it didnt. Mas lalo pa siyang nainis sa akin at naging sanhi pa ng kaniyang pag-iwas. Naiinis ako dahil sa atensyon na binibigay niya kay Lance. I was getting paranoid. Paano kung magkatuluyan sila? Nakikita kong seryoso siyang kunin ang atensyon ni Lance. Ano ba ang nakita niya sa lalakeng 'to? Bakit hindi na lang ako? Nagulat ako nang madatnan ko siya sa aking apartment. She's wearing
Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi na ako nag-reply pa. Hindi na din muna ako umuwi ng apartment at sa bahay ng aking mga magulang. Sa condo ako umuuwi, galing trabaho para hindi ko makita si Reigna at para na rin makalimutan ko siya. Hanggang sa nakilala ko si Lia. She's simple, hard working at galing siya sa mahirap na pamilya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, malayo ito sa mga babaeng naging flings ko at kabaliktaran din ni Reigna. Hindi man kasing ganda ni Reigna, pero malayong-malayo sa ugali niya. Sinubukan kong manligaw, susubukang sumubok sa isang relasyon pero hindi pa din naging kami. But we remain friends. Hindi puwedeng maging kami. Kung naging kami magiging unfair lang din siguro sa part niya, dahil hindi naman nawala sa puso at isip ko si Reigna. After almost a year, nag-text ulit si Barbie. Dalawang letra lang naman pero napangiti ako nito. Barbie: HiNagpalipas muna ako ng ilang minuto bago nag-reply. Derek: Who's this?Barbie: Sorry, wrong s
BJORN"Bakit niyo tinitingnan ang kapatid ko?" naiinis na tanong ni King sa amin. Humarang pa siya sa aming harapan.Ang bilis magdalaga ni Reigna, parang kailan lang ang liit-liit pa niya. Ngayon matangkad na siya at nagsimula nang magkaroon ng kurba ang kaniyang katawan.She look like a princess. Mukha siyang anghel, pero hindi umayon sa kaniyang ugali ang kaniyang mukha, dahil maldita siya at brat. But I can't blame her if she grew up like that. Nag-iisa siyang anak na babae ng mga Miguel. She's their princess, kaya naman nasusunod lahat ng gusto niya. Nandito kami ngayon sa garden ng mansyon ng mga Miguel. Alas-singko pa lang ng hapon pero nagsimula na kaming mag-inuman na magkakaibigan. Sina Reigna naman kasama ang kaniyang mga school mates ay nakaupo, malapit sa swimming pool. Mukhang may ni-r-rush na group project. She's wearing a barbie pink terno at pink na sandals. Nakalugay ang kaniyang natural brown and curly hair. Maganda na siya noon, pero habang nagdadalaga ay mas la
Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay na magising si Bjorn. Kulang ako sa tulog. At iyong inis na nararamdaman ko para sa kaniya simula kagabi ay hindi pa din nawawala.Gumalaw na siya. Mukhang pagising na ito. Tumagilid siya at kinapa ang kaniyang tabi, hanggang sa mapadilat siya ng mga mata dahil wala ako sa tabi niya. Nag-panic siya at mabilis na bumangon upang hanapin ako. At nang makita niya ako sa sofa, nakahalukipkip at nakatanaw sa malaking bintana, nilapitan niya ako. "Good morning. Kumusta ang mga baby ko?" Naupo siya sa likod ko at niyakap ako mula sa likuran. Hinaplos niya ang tiyan ko at hinalikan ang aking batok. "Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? Nasusuka ka ba? Nahihilo?" Umiling ako. Still not answering him. Niyakap niya ako nang mas mahigpit. "I love you..." Ngumuso ako at sinulyapan siya saglit. Nakakainis talaga! Walang pakiramdaman. Samantalang dati, maya't maya gusto niya akong galawin, ngayon na buntis na ako, parang wala na din siyang gana sa