Nang madischarge ako sa ospital totoo ang sinabi ni Ma'am Liliane na tutulungan niya ako na magkaroon ng trabaho at sa gabi naman nag-aaral ako. Kumuha ako ng Office Secretary course, dahil ayon lang ang alam kong kakayanin kong course. Kaya natuwa ako na nakapasa ako sa entrance exam at kasalukuyang nag-aaral na ako ngayon sa isang private University dito sa Manila.
Masaya naman ang buhay ko hanggang sa isang araw may project presentation kami sa University nang biglang manlabo ang paningin ko at nahilo ako hanggang sa nagdilim ang paligid ko at wala na akong matandaan kahit isa.Nagising na lamang ako nasa ospital na ako at pinapalibutan ng mga staff ng school. Nandito ang Professor ko na nagmalasakit na dalhin ako dito sa ospital."Prof. Ano pong nangyari?" tanong ko."Hindi pa namin alam Chynna, basta kanina nagulat na lang kami ng himatayin ka." ani nito."Ganon po ba, siguro dala ng pagod at puyat lang po ito prof." sagot ko.Nang nakarinig kami ng paglangitngit ng pinto at tanda na may papasok sa loob. Napalingon kami sa pumasok ito pala ang Doctor na tumitingin sa akin."Magandang umaga, pwede po bang isa lang ang maiiwan dito." wika niya."Sige na class lumabas muna kayo at hintayin niyo na lang muna ako sa labas." utos ni Prof.At nang makalabas ang mga classmates ko biglang nagsalita ang Doctor na. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Buntis ang pasyente at nasa limang buwan na." wika nito.Nagkatinginan kami ni Prof. At walang nagsasalita isa man sa amin, pareho kaming nagulat sa nalaman. Lalo na ako na hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa oras na malaman ni ma'am Liliane ang kalagayan ko."Hindi mo ba alam na buntis ka?" tanong ng Doctor."Hindi po." sagot ko."Kong gayon, ngayong alam mo na sana mag ingat ka, dahil medyo maselan pa ang lagay mo kahit nasa second trimester ka na kailangan mo pa rin ang ibayong matinding pag-iingat. May mga irereseta akong vitamins para sa baby mo at sayo at lahat ng 'yon inumin mo ha. Para yan sa pagiging healthy ng baby mo, mag palakas ka ha." wika nito."Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon at hindi pa nag si-sink-in talaga sa isipan ko ang lahat ng narinig ko. N..Na buntis ako, kong ako nga na sarili ko ay hindi ko maalagaan paano pa ang magiging anak ko. Haixt!! Ano bang dagok pa ang daranasin ko ngayon, nang makilala ko si ma'am Liliane ay bigla akong nagkaroon ng pag-asa na baka sakaling mabago ko ang kapalaran ko. Sobrang hindi ko lubos maisip na mabubutis ako ng isang gabi lamang. Paano na ang buhay ng anak ko?? Paano na ang pag-aaral ko??? hanggang sa hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako."Okay lang 'yan, Chynna, kong kailangan mo ng karamay at masasandalan nandito ako." wika ni Prof."S...Salamat po." nauutal na saad ko.Lumipas ang 24 hours at na discharge na ako. Hindi ko alam kong saan ako pupunta ngayon. Pag labas ko ng ospital nagulat ako ng yakapin ako ni ma'am Liliane. Kaya napahagulgol ako dito ng sobra, sabay sabi na; "Sorry po, sorry po!" paulit ulit kong sambit."Okay lang, alam ko na ang lahat. Hayaan mo tutulungan kitang palakihin ang magiging anak mo." aniya. Kaya mas lalo akong napahagulgol sa labis na saya.Tinupad ng prof ko ang sinabi nito tinulungan niya ako sa pag-aaral ko at hindi niya na ako binibigyan ng mga mabibigat na activities. Going five Months na pala ang tummy ko at pati si Mommy Liliane ay naging katuwang ko sa pregnancy journey ko. Alam ko naman na hindi magiging madali ang lahat ng 'to para sa akin kong wala sila sa tabi ko. Lalo na't ang bata ko pa para sa ganitong responsibilidad.Si Mommy ang kasa kasama ko sa prenatal chek-up para masigurado daw niya na maayos at healthy ang magiging apo niya. Tinuring ko na ring parang tunay na Ina ito at anak na rin ang turing niya sa akin. Masaya ako sa buhay na meron ako ngayon at mas sasaya pa kapag dumating na ang anghel ko.Araw ng prenatal check-up ko at kasama ko si Mommy sa pag punta ng ospital ayon kasi sa ob-gyne ko pwede na raw malaman kong anong gender ng anak ko.Nasa loob kami ng clinic nito ng pinahiga ako sa hospital bed at may pinatong siya apparatus sa ibabaw ng tummy ko, isa daw itong ultrasound materials para makita kong akong lagay na nang baby ko sa loob."Relax lang anak." bulong ni Mommy sa akin."Nakikita ko maayos naman ang lagay ng mga baby mo." panimula nito. Nagkatinginan kami ni Mommy."Ibig sabihin po ba niyan Doc, twins ang apo ko?" tanong nito na 'di makapaniwala."Opo, kaya Mommy ibayong pag-iingat ang kailangan para sa twins. Kumain ng masusutansyang pagkain, gulay at prutas syempre pati na rin ang tubig, kailangan mo ito sa katawan mo para hindi ka ma dehydrated." paliwanag ng Doctor, habang ako'y nakikinig lamang dito."Narinig mo 'yon, anak twins ang apo ko." excited na wika ni Mommy sa akin."Opo, Mommy." sagot ko naman."Ang gender ng twins ay parehong lalaki. Identical twins sila kaya medyo may mga bagay na hindi sila magkapareho talaga. Pero ang sinisigurado ko lang ay iisang mukha lang nila kaya hwag jabg malito, Mommy ngayon pa lang ha." paalala nito na ikina ngiti ko."Thank you po, Doc. Tatandaan ko po lahat ng bilin niyo." wika ko."Very good kong ganon. Oh! Sige, maiiwan ko muna kayo sa ngayon at may iba pa akong pasyente. Kong may mga kakaibang nararanasan katulad ng spotting at matinding pagkahilo, pumunta kaagad sa akin para magpa konsulta." huling paalala nito.Nang makalabas ang Doctor masayang masaya si Mommy sa balitang natanggap. Ako man ay masaya, ngunit nandoon sa puso ko ang labis na pagkabahala kong kakayanin ko nga bang magluwal ng kambal."Oh! Anak may problema ba?" tanong ni Mommy ng mapansing tahimik ako."W..Wala po, Mommy mag aayos lang po ako." sagot ko."Okay, sige bilisan mo lang at uuwi na tayo." aniya.Napatingin ako sa salamin at napatanong. "Kaya ko na bang maging Ina? Handa na ba ako?" mga tanong na umuukil sa isip ko.***Mabilis na lumipas ang bawat mga araw hanggang sa dumating ang araw ng panganganak ko. Nagsilang ako ng dalawang malulusog na lalaking sanggol na pinangalanan kong Zach at Charles. Simula ng isinilang ko sila hindi ko na inalam kong sino ang naka buntis sa akin, panigurado naman ako na ang estrangherong lalaki 'yon ay wala ring paki alam sa aming mag-ina. Wala rin naman na akong balak na ipaalam sa kaniya at baka hindi niya rin tanggapin. Isa pa hindi ko siya kilala ni pangalan nga niya ay hindi ko alam. Sapat na sa akin ang pagmamahal ng Mommy Liliane kaya hindi ko na rin siya kailangan pa sa buhay ko.Nang maka graduate ako sa College ako na ang namahala ng store ni Mommy kaso nga lang dumating ang pinaka matinding dagok sa buhay namin ng na stroke ito at napilitan akong ibenta ang kaniyang store para pang tustos ng mga gastusin niya sa ospital kaso kulang pa din. Kaya sinimulan ko na din maghanap ng trabaho ng araw na 'yon. Lumalaki na rin ang gastusin ng kambal kaya mas mahihirapan ako kong wala akong trabahong makukuha.Kaya sinubukan kong maghanap sa mga adds hanggang sa makita ko ang announcement ng isa sa sikat na company dito sa Manila. Ang ZSGC mabilis kong kinuha ang numero ng landline nito at tinawagan.Natuwa ako after kong maka usap ang HR nila ay ibinalita nito sa akin na open pa ang position ng secretary sa company kaya bukas ba bukas din may interview ako sa company.Binisita ko muna si Mommy sa ospital bago ako pumunta ng interview humingi ako ng good luck dito."Mommy, alam kong hindi mo ako nakikita ngayon, pero dama kong naririnig mo ako. Mag pagaling ka kailangan ka pa namin ng kambal." wika ko sabay kiss sa noo nito.Pinahid ko ang luhang mga pumatak sa aking mga mata na 'di ko namamalayan. Nalulungkot lang ako na biglang na comatose si Mommy, hindi ito ang pangarap ko para sa amin bilang pang bawi ko sa lahat ng pag tulong at pag-aalaga niya sa akin. Kaya ngayon ang tanging magagawa ko lang ay matulungan siyang maka recover at malakas ang pananalig kong gagaling siya at magkakasama kami ulit ng masaya.Umalis na ako ng ospital at dumiretso na ako sa ZSGC kong saan tanaw ang building mula dito sa ospital kaya nilakad ko na lang ito. Pagkarating ko sa tapat ng building halos manlaki ang mga mata ko sa taas ng building, humugot muna ako ng lakas ng loob bago ako pumasok sa loob. Hinananap ko agad ang floor na sinabi ng guard sa akin sumakay ako ng elevator at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ang isang pamilyar na tao."S... Sir Luis????TEN YEARS LATER ZUIGI Ang business expansion na dapat ay two years lamang ay na extend ng na extend at nagkaroon ng iba't-ibang branch sa New York. Nang marinig ko ang announcement ng crew."Ladies and gentleman, welcome to the Philippines. We are at Manila Airport. The local time is 5:00 p.m, and the temperature is 30°c." "I'd like to thank you for joining us on this trip, and we are looking forward to seeing you onboard again. Have a great day ahead." pagtatapos nito.Dahil surprise ang pag uwi ko ngayon, hindi na ako nag abalang tumawag kay Luis para sunduin niya ako. Alam ko namang busy siya sa pamamalakad ng company ko, kaya ito rin ang dahilan na kahit natagalan ako sa New York ay tiwala akong maayos ang estado ng company ko. Kaya naman pagkalapag pa lang ng eroplano ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko at excited na akong makita silang lahat. Matagal tagal rin akong nawala at heto nga naninibago ako ngayon sa pamamalakad nila, siguro nasanay lang ako sa New York kaya g
ZUIKINAUMAGAHANMaaga akong umalis ng bahay para mag asikaso ng mga kailangan sa office. Absent si Luis ngayon at ako na rin naman ang uupo ulit bilang C.E.O, tama na ang nagawa niya sa company ko at lubos kong ipinagpapa salamat na may kaibigan akong katulad niya. Kahit na naghiwalay kami ng lil-sister niya hindi nabawasan ang samahan namin bagkus mas tumibay pa kami. Imbes na kapatid niya ang kampihan nito, ngunit ako ang pinanigan niya. Alam niyang mali ang ginawa nito sa akin. Anyway tapos na 'yon, kinalimutan ko na ang lahat at ibinaon sa limot. I'm looking forward of my new life and career. I have no time to fall in-love again. Tanggap ko ng tatanda akong binata, maybe mag-a- adopt na lang ako ng mga bata sa shelter na sinusuportahan ko. Paalis na ako ng bahay ng makalimutan ko ang cellphone ko kaya bumalik ako sa kwarto nang makita ko 'to kaagad kong kinuha at sinuksok sa bulsa ko. Lumabas ako ng bahay at sumakay ng kotse at pina andar papalayo ng bahay. Solo lang naman akong
At the board meeting..Kanina pa ako naiinis sa secretary ni Luis at naiwan nito ang presentation para sa mga investors. "Luis, wala pa ba?" tanong ko at malapit nang umalis ang mga investors sa board meeting, dahil kanina pa kami pinag hihintay ng un-professional na babaeng 'yon. "Wait, hindi ko ma-contact si Chynna. Just relax bro, she can do it." pagpaparelax sa akin ni Luis, dahil kanina pa ako naiinis talaga. "How can I relax bro? Our investors waited for almost half an hour. Wala pa ba? Tawagan mo nga ulit." utos ko dito at kanina ko pa nakikita ang pag-iling iling ni Mr. George. Isa siya sa pinaka malaking shares sa company kaya ayaw kong ma dissapoint ito. Ilang minuto pa kaming nag hintay bago pumasok ang hini hintay namin. Tumayo na ako at nagsalita."Everyone, let's proceed to our next project." panimula ko habang ina ayos pa ng secretary ang presentation. Ayoko naman mabored sila at layasan ako sa board meeting. Panay sulyap ko sa babae na nag-aayos ng projector. Hindi
CHYNNAMabigat ang loob ko sa pag pasok ng kumpanya pati ang mga paa ko ayaw makisama sa pag hakbang marahil hindi ako mapalagay ngayon lalo na ng malaman kong hindi na si sir Luis ang boss ko. Nagbabalik na raw ang totoong may-ari ng kumpanya at walang iba kundi ang Monster na Zuigi na 'yon na ang sarap i-tsugi na. Kahapon lang hindi ako maka get-over sa pamamahiya niya sa akin, mabuti na nga lang to the rescue si sir Luis kahapon at napigilan niya ang Monster na 'yon. Parang gusto ko na tuloy mag resign, effective today. Hindi ko yata kayang tagalan ang ugali ng Zuigi na 'yon, kong araw-araw at oras-oras ko siyang makakasama. Haixt!!! Pagpasok ko pa lang ng office nanginginig na ang tuhod ko sa takot. Sinilip ko ang table nito at nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pang tao roon. Naglakad ako patungo sa desk ko nang makarinig ako ng baritonong boses mula sa likuran ko. "Why are you late? Hindi mo ba alam anong oras ang pasok mo?" tanong ko at seryosong nakatingin sa kaniya at
Halos mamula ako sa kahihiyan. Nang huling naka hawak ako ng ganon, sampung taon pa at 'yon ang Daddy ng kambal. Hindi ko alam kong anong mukhang ihaharap ko kay sir Zui kaya bigla na lang akong nagtatakbo palabas ng office, hindi ko kayang harapin siya ngayon. Kaloka ka! Chynna! Ano ba kasing pinag gagawa mo sa sarili mo. Nandito ako ngayon sa rooftop ng kumpanya para magpahangin. Nagpakawala ako ng hangin para mawala ang tense na nararamdaman ko ng oras na 'yon. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nagkaharap kami ulit, paano ko siya kakausapin kong nahawakan ko ang pagkalalak* niya!!" Dyahe talaga!! Nagpapatay oras muna ako bago ako bumalik doon para kunin ang gamit ko sa pag-aakalang naka alis na ang boss ko hindi na ako kumatok pa kaya laking gulat ko na nakarinig ako ng baritonong boses nito."I thought you were leaving?" patanong na wika nito. "H..Hindi po sir, naiwan ko po kasi ang gamit ko." nakayukong wika ko. "Excuse me lang po sir nakaharang po kasi kayo sa daraanan
Nang makabalik ako ng bahay napaupo ako sa sofa at napatingala sa kawalan, bigla kong naisip ang sinabi ng kambal. Nakakatuwa lang na pagkamalan nila akong Daddy nila, sana nga kong totoo, pero paano mangyayari 'yon kong iba naman ang Daddy nila. Siguro instead na maki alam ako sa buhay nila, bakit hindi ko na lang hanapin si Shiela at ang Nerwey Bar na pagmamay-ari raw ng matandang sumakabilang buhay na at ang nagmana ay ang anak nito. Baka naman may mga nakaka kilala pa kay Shiela sa bar na 'yon at mahanap ko siya. Malakas ang kutob ko na nabuntis ko siya ng araw na 'yon, lalo na't wala kaming ginamit na kahit anong proteksyon. Actually, first time kong gawin 'yon kaya kabado pa ako kaya sure akong nabuntis ko siya at kong susumahin nasa sampung taon na rin sila. Bakit sobrang coincedence ng lahat? 'Yong anak ni Chynna, sabi ni Luis 10 years old 'yon at pinanganak sila year 2010 at 2009 ko nakatalik ang babaeng nag ngangalang Shiela, pero paano kong nickname niya lang ang ginamit ni
Dahil sa pangungulit ng kambal especially Charles napilitan ang kanilang Mommy na isama sila, pero binilinan niya ang mga ito lalo na si Charles na hwag na hwag magpapasaway at hwag na hwag pupunta ng office ng kaniyang boss. Puro tango naman ang ginawa ng kaniyang anak kaya pumayag na rin siya na isama ito sa kumpanya, dahil ayon naman ang naging usapan nila. Nang papasok na sila sa loob ng lobby ng kumpanya at pasakay na sana ng elevator ang mag-iina ng biglang bumitaw si Charles sa kaniyang kambal at nagtatakbo, hinabol naman ito ni Chynna, gayon na lang ang gulat niya at ng iba pang staff na tinawag ni Charles ang boss nila na; "Daddy! I thought you were leaving me. I'm gonna miss you." wika ng kaniyang anak na hindi nakaligtas sa mga pandinig ng mga gossiper ng kumpanya. At maging siya ay nagulat sa sinabi ng kaniyang anak kaya gusto man sana niya itong hilahin para matigil na ang pakiki usyoso ng iba pang staff sa eksenang ginawa ng kaniyang anak at natatakot siya sa sasabihin
After namin magkahiwalay ni Chynna sa Mall at sa mga sinabi niya mas lumakas ang kutob ko na siya at ang babaeng naka one night stand ko at siya ay iisa. Buong magdamag akong hindi nakatulog sa kakaisip kong paano ko ba malalaman ang totoo hanggang sa pumasok sa isipan ko ang private investigator na nasabi sa akin ni Luis. "If you want to find her, just hire an investigator. Siya lang ang tanging makakatulong sayo. Malay mo tama ang hinala mong nagka anak kayo. Sorry, bro. Sobrang lasing na kasi ako that night kaya hindi ko ma remember ang mukha niya. Kaya ang tanging matutulong ko lang sayo, just go to Nerwey Bar, yan na ang alam kong pangalan niya na dating Angel's Bar!" aniya. Yan ang huling usapan namin ni Luis bago siya lumipad ng Canada. Nalulungkot ako sa kaniya kasi kinailangan pa niyang lumayo para makalimot sa pang babasted ng babaeng nagugustuhan niya. Sana lang hindi magsisi 'yong babae sa pinakawalan niya. Luis is a good catch, baka hindi niya alam. Anyway kong sino man
Maaga kaming umalis ng Isla, sapagkat baka magtampo ang kambal kong magtatagal kami dito. Hindi kasi kami nakapag paalam sa kanila ng maayos at biglaan lang ang pag punta namin dito. Ewan ko ba kasi sa asawa ko ang daming alam at kong ano-ano ang naiisip. Parang hindi ako buntis kong makapag aya ng biglaan. Alam naman niyang napaka mahiluhin ko at ang selan ko sa dinadala ko. Three Months pa lang 'to at marami pa akong pagdadaanan. After naming makabalik ng Mansyon. Inasikaso naman namin ang pag lipad patungong ibang bansa.. Ang pangako niya para sa mga bata medyo maliit pa naman ang tummy ko kaya pwede pa akong mag gala-gala. Hindi rin naman kami sasakay ng plane basta basta at gagamitin namin ang private plane ng kumpanya para iwas sa dami ng tao. Sa Japan ang vacation naming mag-anak Masayang masaya ang mga anak namin nang malaman ito at excited silang lahat makita ang tinatawag na happy place nang mga taong nakakapunta roon lalo na ang sikat na dinarayo sa bansang Japan ang Disne
Habang kumakain kami may mga musikero na lumapit sa kinauupuan namin, sabay nagtipa ito ng gitara at ang isa naman ay violin ang gamit sa pagtugtog. Napasenyas tuloy ako sa asawa ko."Darling, bakit may pa ganto?" nahihiwagaang tanong ko."Ha! Ayan ba, pina request ko. Bakit ayaw mo ba?" tanong naman nito."Ah! Hindi naman, nagulat ako. Pero, sige lang maganda naman at hindi masakit sa tainga." ani ko habang sinusubo ang naudlot kung pagkain na nasa kutsara ko na. Ang lamig nang tugtugin dama ko ang bawat tunog na humihimay sa pagkatao ko. Talagang, pinapakilig ako ng asawa kung 'to. Kakaiba rin si tanda, walang ka-kupas kupas sa mga paandar na ganito. Hindi ko tuloy maiwasang pag masdan siya habang kumakain. Ang seryoso ng mukha niya palagi, mukha rin siyang suplado at ubod ng sungit, pero 'yun lang ang akala nila. Alex is a perfect husband and a father to his children. "Darling, bakit nakatingin ka na naman sa'akin?" biglang tanong nito ng mahuli niyang tinitingnan ko siya."Ah!
KINABUKASAN... Nauna akong gumising sa asawa ko at nag-ayos ng aking sarili para hindi naman ako mukhang bruha kapag nakita niya ako. Medyo, nako concious kasi ako lately sa katawan at sarili ko ngayong buntis ako, feeling ko ang pangit ko na. Nagseself pitty na ako kong minsan. Pagbalik ko sa kama galing comfort room gising na ang asawa ko at hinila ang kamay ko pagiga sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabi na; "Ang bango naman ng asawa ko." wika niya. "Sus! Nang bola ka pa. Bilisan muna dyan at bumangon ka na. May check-up pa ako mamaya." utos ko rito. Kaya no choice siya kundi bumangon na. Kong ayaw niyang magalit na naman ako sa kaniya.Maya maya lang bumangon na ito at nag bihis. At niyaya na ako lumabas. Naglakad na kami patungong hagdan. Nang bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya'y napakapit muna ako sa grills ng hagdan at napatigil. Mabuti na nga lang nandya ang aking asawa kaya't ako'y kaniyang naalalayan. "Ayos ka lang ba? Bakit ka napatigil sa pag-
Nang silipin namin kung saan nang gagaling ang ingay mula sa ibaba. Napa ismid na lang ako bigla. Akala ko kung ano na nangyayari e'.Ang may pakana pala ng kaguluhan sa ibaba ay ang pabida bida ko pa lang asawa at hindi man lang nahiya at sinama pa niya talaga sa kalokohan niya ang mga tao sa Mansyon. Nababaliw na ba talaga siya.. Haixt!!!Patalikod na sana ako, nang nag simulang mag salita ito. Napa tigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya, kaya napa pihit ako paharap at pabalik na naglakad patungo sa veranda.."Hi! Darling ko, ipagpaumanhin mo ang pag istorbo ko sa masarap mong tulog at sana pagkatapos ng kantang ito na alay ko para sayo ay patawarin muna ako. I love you, Darling ko. Miss na miss na kita" wika niya sabay flying kiss pa. Napa taas ang kilay ko sa sinambit niya.. "Music maestro.. utos niya sa isang tao sa Mansyon na si Mang Caloy. Nagmamadali naman itong sumunod sa pinag uutos niya..Mga ilang sandali lang..Nag simula nang tumugtog ang music at magin
Halos hindi siya makatulog sa sofa kaya pabaling baling siya ng kilos at naibato na lang ang unan kung saan.."Bweset talaga! Hindi man lang ako pinagpaliwanag nito. Bumangon na lang ako at nag stretching.. Hindi rin naman ako makakatulog, dahil alam kung galit ang asawa ko. Anyway, nangyari na lahat wala na akong magagawa pa. Ang kailangan ko ay kung paano kami magkaka ayos ng asawa kong leon na tigre pa.Lakad at balik ang gawa ko hanggang sa mapagod ako.. At naupo sa sofa hanggang sa nakatulog na rin ako nang hindi ko namamalayan.. KINABUKASAN Umaga pa lang naka simangot na si Chynna at hindi maipinta ang mukha lalo nang wala siya sa mood, dahil sa inis niyang nararamdaman mula pa kagabi sa'kanyang asawa. Bumangon ako kahit wala ako sa mood, dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom at ayoko namang tiisin ito at kawawa ang baby sa sinapupunan ko.Hindi na ako nag abalang magpalit ng nighties, bagkus nag suot lang ako ng robe para pantakip sa katawan ko, dahil sa nipis ng nighti
Nang matapos mag bangayan ang dalawa sa harapan ko at sa wakas nanawa rin sila. Pinasamahan ko muna sa maid si Shaira. At para maiwasan ang bangayan nilang nakakarindi na. Habang naka upo kami at binubuksan ko ang beer in can ni Luis. Pinagmasdan ko ito at mukhang parang nalugi ang negosyo nito sa itsura niya. "Bro.." tawag ko sa pansin nito at mukhang ang layo ng ini-isip niya. Inabot ko naman ang binuksang kong beer in can ng humarap ito sa akin. "Thank you." ani niya. "Hmmm! Mukhang may dapat kang ipaliwanag sa akin bro." saad ko habang naghihintay ng sagot nito. "Wala bro. Believe mo baliw yong babae na 'yon. Mantakin mo bang pumasok ng kotse ko yan at ayaw na kong lubayan. Sabi ba naman sa akin panagutan ko siya. Dam* ni hindi ko nga nababa ang panty niya. Alam mo bang siya nga ang nang halik sa akin." reklamo ni Luis habang nagku kwento ng mga pangyayari. "Parang hindi naman ako convince sa sinabi mo bro. Kong walang nangyari sainyo bakit siya ganyan umasta. Alam mo bro. pa
Lumabas kami ng airlines at hinihintay ang sundo namin. Naupo muna ako sa waiting area at medyo nahihilo ulit ako. Ilang saglit lang dumating na rin naman ang sundo namin. Nagulat pa ako ng lumabas ang kambal sa kotse. "Mom, Dad." nakangiting wika nito sabay yakap sa akin. "We miss you, Mom." "Na miss ko rin kayo mga anak." sagot ko sabay ngiti ko sa kanila. "Mom, its that true?" tanong ni Charles. "Yah! Mom, it is real we're going to be kuya na?" segunda naman ni Zach. "Yes mga anak." nakangiting wika ko."Wow! Awesome Mom." sabay pang sagot ng kambal sabay baling sa Daddy nila na. "You do good, Dad." lokong wika ng mga ito sa kanilang Daddy. "Enough na nga yang biruan niyo." saway ko sa kanila. At medyo pagod na rin ako. "Tara na?" yakag ko sa kanila. At nauna na akong pumasok sa kanila kuntodo naman agapay sa akin ang asawa ko kasunod namang sumakay ang kambal. Pinaharurot naman na ng driver ang sasakyan ng makarinig ng go signal dito.Two hours ang tinakbo ng byahe namin bag
Buntis ako, natutop ko ang bibig ko. 'Di ako makapaniwala sa aking nakikita. Two- lines! Excited akong lumabas ng maalala kong wala pala ang asawa ko. Kaya't itinabi ko na lang ulit ang pregnancy sa bulsa ng shorts ko at hinintay na makabalik ito.Two-hours Later...Narinig ko ang pag bukas ng pintuan. Patay malisya lamang ako at kunwari hindi ko narinig ang pagtawag niya."Darling. I'm back." malakas na sigaw nito. Nang naka lapit siya sa akin humalik ito at nanatiling hindi ako umimik. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito kaya kinuha ko ang palad niya at nilagay ko ang pregnancy test, sabay ngiti ko rito."Darling, what is it?" sambit nito at tila nagtataka pa kong ano bang inilipag ko sa palad niya."Open it," sabay ngiti ko. Alam kong magugustuhan niya ito. Nakita kong dahan dahan nitong binuksan ang kamay nito at kitang kita ko ang pag silay ng ngiti sa kaniyang labi. Kitang kita ang galak sa kaniya."It is real darling? Your pregnant again ? We are pregnant?" wika nito at bakas
KINABUKASAN Dahil nabitin ako sa paglilibot at nangako rin naman siya sa akin. Pumunta kami sa women sections. Pinapili niya ako ng mga gusto ko, paikot- ikot naman ako kaka kuha dahil ang dami talagang magaganda. Naisipan kong bilhan ang kaibigan ko nang matuwa naman ito pag nagkita kami. Napansin ko namang naiinip na ang asawa ko kaya sinabihan ko muna siyang maupo, dahil matagal tagal pa ako sa pag-lilibot. Hinalikan naman niya ako at lumayo na rin sa'kin.. Nang mga ilang oras rin nang pag lilibot hinanap na ng mga mata ko ang asawa ko at nakita kong prenteng nakaupo ito lalapit na sana ako ng biglang may babaeng lumapit rito. Nakita ko naman na umupo ito sa tabi niya at ang damuho kong asawa ay patawa tawa pa, nakalimutan niya yatang may-asawa siyang kasama. Dahan dahan akong lumapit at tumikhim. Napansin naman nito ang presensya ko at biglang tumayonat lumapit sa'kin. Hahalikan sana niya ako ngunit umiwas ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Napangiti lang ang loko loko, hinawakan