Bandang alas sais ng gabi ay nagkaayaan kami na kumain sa Kopi ave bilang hapunan na din.
As usual, kasama namin nina Delancy at Julia ang DWEIYAH.
Habang si Macy? Ewan ko dun. Nung basaan hindi ko na siya nakita eh. Baka umuwi na.
Nandito kami ngayon sa Kopi ave at iniintay ang order namin.
Nakakaasar naman at si Dylan pa ang kaharap ko ngayon. I mean, paano ko ba siya titignan? Paano ko siya kakausapin?
"Hindi ka ata binubwisit ng kapatid ko, Magi? Napagod na ba?" natatawang tanong sa akin ni Julia.
At ayun na nga, napansin na nila yung hindi pagkausap sa akin ni Dylan.
"May warla." sabi ni Yuwi.
Leche talaga 'to. Walang preno ang bibig.
"Hala? Bakit? Anyare? Dahil ba sa basaan kanina?" gulat na tanong naman ni Delancy.
"Engot ka talaga." sabi ni Julia saka pinitik sa noo si Delancy. "Hindi sila kagaya mo na umiiyak pa kasi napagtulungan." nat
Bandang 7:30 pm nang matapos kami sa paggayak at pag-aayos ng mga sarili namin. Masasabi kong ang gaganda namen sa mga suot namin; Si Delancy na napakaganda sa suot niyang Summer Denim Dress. Habang si Julia naman na maganda din naman sa suot niyang Bell Slit Cuff Denim Croptop and Skirt. Actually, ang disente niyang tignan sa suot niya.. H3h3h3 At syempre.. Papahuli ba ko? Kung maganda sila, aba! Maganda din ako sa suot kong Remy Distressed Denim Croptop Jacket. Oh diba? Ang gaganda ng mga suot namin? Malamang! Magaganda mga nagsuot eh! At ready na din kaming gumora kaya....... WINSTON? HERE WE COMEEEEE. - Saktong alas otso ng gabi ay nakarating kami dito sa campus at nakakamangha ang ganda ng ayos ng stage; pati na din ang gym ay hindi nagpatalo. Ang bongga ng ayos ng mga table tapos may naka arko pa sa gitna tapos may nakalatag na red carpet para doon makapagpictorial. Sa sta
Alas onse na nga ng hatinggabi natapos ang pageant..Imbes na matulog kami at magkani-kaniyang uwi sa mga bahay ay nagpumilit ang DWEIYAH na magpunta kina Dylan para dun daw namin i celebrate yung pagkapanalo ni Delancy.Gusto ko sana tumanggi kaya lang sa aming sampo, mukhang ako lang talaga ang ayaw magpuyat ngayon kasi si Delancy at Julia ay mukhang go na go sa gusto mangyari ng DWEIYAH.Hay nako.Bakit ba kase ngayon pa? Wala namang pasok bukas eh kaya pwede namang bukas na lang sila magparty kaya bakit ngayon ha?Mga bwiset.So dahil ako lang naman ang tutol sa idea na yun, wala na din akong nagawa kundi ang makisali sa party n
Bumalik na kami nina Julia at Delancy sa classroom pagkatapos naming gawing pananghalian yung iba't ibang street foods na binebenta sa labas.Heto na naman ang mga tinginan ng mga estudyante sa amin sa tuwing dadaan kami sa hallway..Ayoko nalang ipahalata sa kanila na napapansin ko o naaalibadbaran ako sa mga tinginan nila..Dumiretsyo muna akong library para kuhanin yung library card ko sa librarian. Naiwan ko kasi yun nung nakaraang pumunta ko dito.Palabas na ako ng library nang makasalubong ko si Macy.Tsk.Ayoko ng away."Hindi ako nandito para awayin ka." aniya saka inilahad
Starting this day, wala na kaming pasok. Inannounce kasi ng president namin na si Mariz na 1 week daw kaming mawawalan ng pasok dahil ORG WEEK na ng HRM, ENTREP, IT at CE.Wala kaming pasok kasi daw magagamit daw lahat ng rooms for their org week. Malamang binonggahan nila yung ORG WEEK nila kaya ganon.So ayun, dahil walang pasok ay tambay lang ako dito sa bahay nina Dylan at tamang nood lang ng KDRAMA sa cellphone ko.Now watching..MELTING ME SOFTLYAt ang bida dito ay sina Ji Chang Wook bilang Ma Dong Chan at si Won Jin Ah bilang Go (Ko) Mi Ran.Patapos ko na ang last episode nito at putek lang, todo iyak pa ko dito kasi akala k
"He's Dylan Villarosa." pagpapakilala ni Macy kay Dylan kina mommy at daddy. Now what? Fiancé? Talaga ba? Wow naman. Hindi man lang nila kami ininvite sa engagement party nila. HAHAHAHAHAHA Pagkatapos non ay umupo na silang dalawa sa harap ko. Nahuli ko ang mga titig sa akin ni Dylan pero umiwas din siya ng tingin nang kausapin siya ni Macy. "Hindi masungit si daddy." bulong nito kay Dylan pero dinig ko naman. Tsk. "Kwentuhan niyo naman kami. How long you've been in a relationship? Wala ka ngang pinapakilala sa amin na boyfriend tapos ngayon gugulatin mo kami na may fiancé ka na, Macy?" sabi ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Macy. Hindi pa siya naglelegal kina mommy at daddy. Hindi niya nga pinakilala sa amin si Dylan na siyang boyfriend niya pala nung high school kami eh. "Magi's right. Parang ang bilis naman yata, Macy? I mean, you're still young to be engaged. If I were you, finish your st
Agad ko siyang itinulak palayo sa akin at namumula akong tumalikod sa kaniya paalis.Shit.Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nakipagkarera sa sampong kabayo..Feeling ko aatakihin ako kung may sakit lang ako sa puso.Mabuti nalang kamo at nasa dulo kami nakapwesto nina Dylan kaya sure ako na walang nakakita sa nangyari na yun—"Kita ko yon." salubong sa akin ni Delancy.Potek.Kakasabi ko lang eh!"Wag ka maingay!" inis na bulong ko sa kaniya.Nakahinga naman ako ng
Hindi ko na din namalayan pa ang mga kasunod na nangyari basta paggising ko eh nandito na pala kami sa bahay nina Dylan.Hindi ko man lang namalayan na nakauwi na pala kami.Masyadong malaki ang naging epekto sa akin ng nangyari nang gabing yun.Ewan ko ba kung selos ba 'to o affected ako o ewan?Hay nako."Akala ko wala ka nang balak gumising eh." bungad sa akin ni Julia na kakapasok lang ng kwarto. "Hindi ko alam kung anong nangyari sayo nung gabing yun na kasama mong umuwi si Eli. Basta nakatulala ka lang at hindi ka din talaga namin makausap eh.""Masamang tumahimik?" natatawang sagot ko sa kaniya.
Bughaw na kalangitan, luntiang kapaligiran at matingkad na dilaw mula sa sikat ng araw..Napakapresko nitong tignan na para bang nasa isa kang paraiso."Halika na!" natigil sa pagmamasid ang batang babae nang biglang hatakin ng batang lalaki ang kaniyang kamay at dinala siya sa isang lilim ng malaking puno..Inis na hinatak pabalik ng batang babae ang kamay niya at masamang tinignan ang batang lalaki."Kanina ka pa hatak ng hatak sa akin ha!? Ano bang problema mo?!" galit na sabi ng batang babae.Tinawanan lang siya nito at saka may kinuha saglit ang batang lalaki sa likod ng malaking puno."Ito." sabi ng batang lalaki saka siya dah
"Is this yours?" dinig kong tanong ng lalaking nasa likod ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa taong yun.. At.. "D-Dylan?" naluluha kong sabi saka siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang malaking pagbabago sa katawan niya.. Wala namang pinagbago ang lusog ng katawan niya dahil nananatili pa din siyang sexy at macho sa mga mata ko. Ang dati namang rainbow color niyang buhok ay napalitan ngayon ng matingkad na kulay itim. Rainbow color kasi kada linggo yata eh nagpapalit siya ng hair color. Minsan pink, minsan blonde tapos minsan red pa nga. At masasabi kong sa itsura niya ngayon eh okay na siya at nakikita kong maaliwalas ang mukha niya. "Kilala mo ko?" nagtataka niyang tanong dahilan upang manghina bigla ang mga binti ko. Fvck. H-Hindi niya a-ako na-nakikilala? "Wag ka namang magbiro nang ganyan. Hindi nakakatuwa." kunwaring galit na sabi ko saka bahagyang natawa
Naabutan ko na nasa labas na ng room si Eli kaya naman sinenyasan niya akong ipasok na din si Delancy sa loob..Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nakaupo na sa table si Warren habang nakablindfold din.OMG.Exciting 'to.Matapos kong mapaupo sa kaharap na upuan si Delancy ay pasimple na akong umexit sa loob."Kinikilig ako sa kanila." naeexcite na bulong ko kay Eli.Bahagya naming hinawi ang kurtina sa may bintana upang makasilip sa kung ano nang nangyayari sa loob.Nakita naming gulat na gulat yung dalawa nang makita ang isa't isa pagkatanggal ng mga blindfold nila.
Maglilimang buwan na ang nakakalipas and wala pa din akong Dylan na nakikita.Nakausap ko si Julia kamakailan lang via Skype and she told me na bumubuti naman na daw ang lagay ni Dylan don.Kaya nga lang, hindi pa daw pinapayagan ng doktor dun si Dylan na makapagtravel na kasi it should took 4-5 months daw ang recovery niya after the surgery.Nakiusap naman ako kay Julia na kahit kako sa Skype eh makausap si Dylan kaya lang she doesn't let me to talk to him kasi nga bawal siyang mapagod and the radiation he might get using gadgets will probably affect to his eyes.So anong connect nung mata sa kidney niya?Ang sabi lang sa akin ni Julia, pinag-iingat daw sila ng doktor sa pag-aalaga
Mabuti na lang at dumating din kaagad sina Eli at mayroon silang kasamang mga pulis kaya nahuli na din nila yung drug lord na kumidnap sa amin na napag-alaman naming matagal na ding pinaghahanap ng pulisya.Habang si Dylan naman ay nagmamadali naming itinakbo sa pinakamalapit na ospital sa lugar na 'to."Wag kang pipikit, Dylan. Parang awa mo na." naiiyak kong sabi sa kaniya.At nakikita ko sa mukha niya na nilalabanan niya talaga ang sarili na huwag makatulog."M-Mahal na ma-hal ki-kita." dinig kong mahina niyang bulong sa akin.Sunod-sunod naman akong napatango saka siya nginitian."I love you too."
Nagising ako na nasa isang lumang bahay habang nakahiga ako sa isang kama. Ang mga kamay at paa ko naman ay nakagapos.Napalingon ako sa gawing kanan..Si Macy..Kagaya ko, nakagapos din ang kamay at paa niya habang nakabaluktot na natutulog.Mayamaya lang din ay nagising na siya at nagsalubong ang mga tingin namin. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin saka umayos ng upo."N-nasaan si Dylan?" mahina niyang tanong nang mapansing hindi namin kasama sa kwartong 'to si Dylan.Maski ako ay hindi alam ang isasagot sa kaniya. Wala na kasi akong maalala sa nangyari maliban sa tinakpan nila ang mga bibig namin dahilan para makatulog kami.
"Dahan-dahan lang." sabi ni Eli habang inaalalayan akong sumakay ng kotse niya.Nang makasakay na ako sa passenger's seat ay agad din siyang umikot pasakay sa driver's seat at pinaandar na ang kotse."Paano mo ako nahanap dito?" hindi maiwasang tanong ko.Saglit niya naman akong pinasadahan ng tingin saka ngumiti."Yung kutsilyong ibinigay ni Delancy sayo, may tracker yun." aniya saka nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya. "Malakas ang pakiramdam ko na maaaring may mangyaring ganto kaya naisipan ko na ibigay sayo yung kutsilyong ipinamana pa sa akin ng lolo ko..Naalala ko, sinabi sa akin ni lolo nung ibinigay niya sa akin yun na ibigay ko daw yun sa taong nararamdaman kong ma
"Subukan niyong lumapit sa akin, sinasabi ko sa inyo! Hindi ako magdadalawang-isip na paputukan sa ulo si Magi!" galit na sabi ni Macy saka mas lalong idiniin ang pagkakadikit ng baril sa sintido ko.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang ang mga kamay ko ay nanginginig na nakakapit sa braso ni Macy at pilit itong hinahatak palayo sa akin kaya lang masyado siyang malakas sa akin ngayon."Wag kayo matakot. Laruan lang 'yang hawak ni Macy." sabi naman ni Julia sa mga pulis."Hindi na 'to laruan, Julia." natatawang sabi ni Macy saka itinaas ang hawak niyang baril at pinaputok yun.Shit.Totoong baril na nga ang hawak niya ngayon.
Inis akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil sa napakakulit na insektong daan nang daan sa hita ko at—Insekto nga."Ang aga mo namang mambulabog!" inis kong sabi kay Julia na ngayon ay blanko ang mukha.Luh?"Napakakapal ng mukha ng kapatid mo noh?" panimula niya saka kumuha ng unan at sumandal sa head board ng kama. "Ang lakas ng loob niyang ikwento sa akin kahapon yung nangyari at ibinida pa niya talaga na siya daw ang nagdala kay mama sa ospital.Kahit hindi na ko magpakwento sayo, alam ko na agad.Well, totoo naman yung kwento ni Macy kaya lang knowing Macy, hobby niya mambaliktad ng kwento diba kaya alam kong siya ang t
Nakita ko pa ang pagngisi sa akin ni Macy bago sumunod kay Dylan papasok sa loob ng ospital.Habang ako, eto..Hindi alintana ang mga taong nakakakita sa akin. Basta iyak lang ako ng iyak dito na para bang hindi ako marunong mapagod sa kakaiyak.Napahilamos ako sa mukha ko saka kinusot-kusot ang mata ko para pahiran yung walang katapusan kong luha.Nakakainis.Naalala ko pa na sabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko at isasantabi ko muna yung galit ko sa kapatid ko para i-comfort siya pero ito naman ang napala ko.Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Hindi ko inaasahang ipapasa niya sa akin yung kasalanan niya.