Ano daw?
Hindi niya ako hahayaang masaktan? Ano bang sinasabi niya?
At..
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang nararamdaman ko na naman yung feeling na kinuryente ako ng ilang boltahe?
Shit!
"Masakit ba?" hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun basta nakita ko nalang ang sarili ko na kinukuha ang braso niya at chinecheck kung nagkapasa ba 'to o ano..
Well, mabuti nalang at namula lang ang braso at hindi nagtamo ng sugat o kahit pasa.
"Bakit ka kasi sasali sa volleyball kung tutulalaan mo lang 'yung bola? Hinahampas yun, Magi.. Hindi tinitignan lang." aniya at halata ko sa boses
Nakauwi na ako sa bahay at lahat pero nanatiling nakatatak sa utak ko yung sinabi ni Eli sa akin kanina. Well, gaya nga ng nabanggit ko, kapag talaga si Eli ang bumabanat sa akin ng ganung line eh hindi ko maiwasang kiligin. Kasi sino ba namang hindi? Mukhang tama nga si Delancy; na basta suplado, romantiko! Nakakainis talaga! Alam niyo yung feeling na dapat lukot ang mukha kong uuwi ng bahay kasi magkagalit kami ni mommy? Pero ano? Eto ako ngayon, abot tenga ang ngiti. Wala eh, ginalingan masyado bumanat ni Eli! "Hindi pa din ba kayo nagkakaayos ng mommy mo?" salubong sa akin ni nay Cora nang makapasok ako ng bahay. Nakakagulat naman ang bigla niyang paglitaw, para siyang kabute! "Mukhang matatagalan pa po yata yun." sabi ko at nanlalatang naupo sa sofa. Agad naman siyang sumunod sa akin at naupo din. "Hindi naman po kasi talaga ako yung kumuha ng P50,000 kay mommy kaya nga nakakagulat na bigla niya akong sinisi sa kas
This is really it! Ito na yung araw na pinakahihintay ko and at the same time, pinakanakakatakot na araw na sana hindi nalang sumikat. Pero nandito na rin lang ako, itodo ko na! Hindi na ako nag-abala pang sabihan si mommy na magpunta kasi hanggang ngayon eh hindi pa din niya ako kinakausap dahil sa nangyari. At isa pa, ayoko ng paasahin ang sarili ko na pag-aaksayahan niya ako ng oras na panoorin kasi eka nga niya, sayang lang ang oras niya na panoorin akong matalo. Hays, gaano ba kahirap sa kaniya na maging proud man lang sa akin? "Kaya mo 'yan, Magi." pagmomotivate ko sa sarili dahil kasalukuyan akong nandito sa backstage at hinihintay ang pangalan ko na matawag. "Next in line, Margaret Serrano of Educ-Math!" At ayun na nga ang signal para lumabas ako at magpakita sa mga estudyante at mga magulang na nanonood. Kita ko pa ang mga kaklase ko sa bandang likod na todo kung magwala dun habang iwinawagayway nila yu
Bandang alas kwatro ng hapon natapos ang event and after ng awarding eh nagsiuwian na din naman ang lahat.Ngayon ay nandito na ako sa labas ng bahay at kakaparada ko lang ng kotse ko.As in binilisan ko talagang magmaneho dahil excited akong umuwi ngayon ng bahay para ibalita kay mommy na nanalo ako sa contest.Hindi kasi siya nakapunta dahil na din sa hindi ko siya sinabihan kaya ibabalita ko nalang sa kaniya. Baka malay niyo dahil dun eh maging okay na ulit kami ni mommy at mawala na yung galit niya sa akin.Saktong byernes ngayong araw at day-off ni mommy sa trabaho kaya sigurado akong nandito siya ngayon sa bahay at siguradong nagpapahinga."Si mommy po?" salubong na tanong ko k
Bandang alas sais ng gabi nang matapos kami sa pagkain ng barbecue kaya naman akala ko eh uuwi na kami ni Eli kaya lang nagkamali ako..Bumalik kami sa loob ng Creston dahil may kung anong kaganapan ang nangyayari sa loob."Every month of September ay may pa Lantern Festival talaga sila." aniya saka hinawakan ang kamay ko at dinala sa parang bilihan ng lantern. "Mahal kasi ang isa nito kaya isa nalang ang bibilhin ko ah?" nahihiyang bulong niya sa akin kaya naman tinanguan ko siya bilang sagot.Nang makuha yung lantern ay inabutan kami nung nagbebenta ng lantern ng tag-isang marker para sulatan yung lantern na hawak namin.So....Ano naman kayang isusulat ko dito?
Medyo nakaramdam naman ako ng kaunting kilig sa sinabi niya pero imbes na ipakita yun sa kaniya eh kunwaring inirapan ko na lang siya.Hmp!Baka mamaya kasi eh mas lalong lumaki ang ulo niyan! Mahirap na at baka bumagyo pa ng malakas."Ipinaglihi ka siguro sa mais noh? Napaka CORNY mo kasi! Hindi ko man lang maranasang kiligin sa mga sinasabi mo!" inis kong sabi sa kaniya habang naghihintay kami dito sa kanto ng mapaparang taxi."Nako! Kunwari ka pang nakokornihan sa akin pero deep inside, kilig na kilig ka! Wag ako ha? Wala kang maloloko dito, Margaret!""At saang kamay mo naman ng demonyo ka nakakuha ng lakas ng loob na sabihin ang maganda kong pangalan ha?!"
Nakakagulat na magkakilala pala silang dalawa? I mean hindi pa naman ako totally sure kung magkakilala talaga sila kasi magkausap lang naman sila eh. Baka mamaya eh nagtatanong lang pala 'tong si Macy kay Dylan kung pwede humiram ng ballpen diba? O pwede din namang napagtanungan lang pala ni Macy itong si Dylan para mag-excuse ng isa sa mga kaklase ko or baka ako? O pwede ding magkakilala talaga sila? I mean, baka magkaibigan sila dati? Kaya lang wala namang nababanggit sa akin si Julia na magkakilala si Dylan at ang kapatid ko. Hindi kaya alam talaga yun ni Julia pero hindi niya lang sinabi sa akin? Aysh! Bakit ko ba kailangang pag-aksayahan ng oras na isipin kung nagkakilala na ba sila o hindi? Ano namang pakialam ko diba?! Kung sakali man na magkakilala sila, tingin ko naman wala naman na dapat sa akin yun eh pero bakit parang affected ako? Bakit parang sa i
Nakakatuwa lang na lahat ng mga kaklase ko ay kinuntsaba pa nina Eli at Dylan para lang magawa itong surprise harana nila sa akin.Pati nga adviser namin na si mam Torres eh kasabwat dito!Putek! Gusto kong kiligin!"Na appreciate ko ng sobra 'to, salamat sa inyo, Eli at Dylan.. Pati sa inyong lahat!" natutuwang sabi ko.Shit.Ang hirap namang tanggalin nitong ngiti sa labi ko. Nakakainis!"Anything for you, Magi." sabi ni Eli kaya naman hindi ko na naman maiwasang kiligin ng bongga dito."Basta para sayo, Magi." sabi naman ni Dylan.
Si Dylan ay si Dion? Bakit ganon? Bakit ang hirap maniwala na si Dylan ay yung lalaking mahal na mahal pa din ng kapatid ko hanggang ngayon? "Luwagan mo nga 'yang kapit mo sa braso ng kapatid ko. Baka mamaya n'yan mapagkamalan kitang linta." inis na sabi ni Julia. Hays. Ayoko nang magtagal pa dito. I mean, gusto ko nang umuwi. "Whatever." sabi ni Macy kay Julia saka siya tumingin sa akin. "Siya si Dion na kinukwento ko sayo noon. Siya yung lalaking mahal na mahal ko at ang dahilan ko para hindi na lumipat pa ng school—" Naputol sa sasabihin si Macy nang sumingit si Delancy. "Lumipat ka kung lilipat ka! Ang dami mong satsat! Nakakairita ka, alam mo yon?!" "At saka please lang, kung lilipat ka ng school sana sa Mars na lang." sabi naman ni Julia. Hindi naman halatang pinagtatabuyan nila itong si Macy noh? "Bakit ba ang hilig niyo makisabat e
"Is this yours?" dinig kong tanong ng lalaking nasa likod ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa taong yun.. At.. "D-Dylan?" naluluha kong sabi saka siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang malaking pagbabago sa katawan niya.. Wala namang pinagbago ang lusog ng katawan niya dahil nananatili pa din siyang sexy at macho sa mga mata ko. Ang dati namang rainbow color niyang buhok ay napalitan ngayon ng matingkad na kulay itim. Rainbow color kasi kada linggo yata eh nagpapalit siya ng hair color. Minsan pink, minsan blonde tapos minsan red pa nga. At masasabi kong sa itsura niya ngayon eh okay na siya at nakikita kong maaliwalas ang mukha niya. "Kilala mo ko?" nagtataka niyang tanong dahilan upang manghina bigla ang mga binti ko. Fvck. H-Hindi niya a-ako na-nakikilala? "Wag ka namang magbiro nang ganyan. Hindi nakakatuwa." kunwaring galit na sabi ko saka bahagyang natawa
Naabutan ko na nasa labas na ng room si Eli kaya naman sinenyasan niya akong ipasok na din si Delancy sa loob..Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nakaupo na sa table si Warren habang nakablindfold din.OMG.Exciting 'to.Matapos kong mapaupo sa kaharap na upuan si Delancy ay pasimple na akong umexit sa loob."Kinikilig ako sa kanila." naeexcite na bulong ko kay Eli.Bahagya naming hinawi ang kurtina sa may bintana upang makasilip sa kung ano nang nangyayari sa loob.Nakita naming gulat na gulat yung dalawa nang makita ang isa't isa pagkatanggal ng mga blindfold nila.
Maglilimang buwan na ang nakakalipas and wala pa din akong Dylan na nakikita.Nakausap ko si Julia kamakailan lang via Skype and she told me na bumubuti naman na daw ang lagay ni Dylan don.Kaya nga lang, hindi pa daw pinapayagan ng doktor dun si Dylan na makapagtravel na kasi it should took 4-5 months daw ang recovery niya after the surgery.Nakiusap naman ako kay Julia na kahit kako sa Skype eh makausap si Dylan kaya lang she doesn't let me to talk to him kasi nga bawal siyang mapagod and the radiation he might get using gadgets will probably affect to his eyes.So anong connect nung mata sa kidney niya?Ang sabi lang sa akin ni Julia, pinag-iingat daw sila ng doktor sa pag-aalaga
Mabuti na lang at dumating din kaagad sina Eli at mayroon silang kasamang mga pulis kaya nahuli na din nila yung drug lord na kumidnap sa amin na napag-alaman naming matagal na ding pinaghahanap ng pulisya.Habang si Dylan naman ay nagmamadali naming itinakbo sa pinakamalapit na ospital sa lugar na 'to."Wag kang pipikit, Dylan. Parang awa mo na." naiiyak kong sabi sa kaniya.At nakikita ko sa mukha niya na nilalabanan niya talaga ang sarili na huwag makatulog."M-Mahal na ma-hal ki-kita." dinig kong mahina niyang bulong sa akin.Sunod-sunod naman akong napatango saka siya nginitian."I love you too."
Nagising ako na nasa isang lumang bahay habang nakahiga ako sa isang kama. Ang mga kamay at paa ko naman ay nakagapos.Napalingon ako sa gawing kanan..Si Macy..Kagaya ko, nakagapos din ang kamay at paa niya habang nakabaluktot na natutulog.Mayamaya lang din ay nagising na siya at nagsalubong ang mga tingin namin. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin saka umayos ng upo."N-nasaan si Dylan?" mahina niyang tanong nang mapansing hindi namin kasama sa kwartong 'to si Dylan.Maski ako ay hindi alam ang isasagot sa kaniya. Wala na kasi akong maalala sa nangyari maliban sa tinakpan nila ang mga bibig namin dahilan para makatulog kami.
"Dahan-dahan lang." sabi ni Eli habang inaalalayan akong sumakay ng kotse niya.Nang makasakay na ako sa passenger's seat ay agad din siyang umikot pasakay sa driver's seat at pinaandar na ang kotse."Paano mo ako nahanap dito?" hindi maiwasang tanong ko.Saglit niya naman akong pinasadahan ng tingin saka ngumiti."Yung kutsilyong ibinigay ni Delancy sayo, may tracker yun." aniya saka nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya. "Malakas ang pakiramdam ko na maaaring may mangyaring ganto kaya naisipan ko na ibigay sayo yung kutsilyong ipinamana pa sa akin ng lolo ko..Naalala ko, sinabi sa akin ni lolo nung ibinigay niya sa akin yun na ibigay ko daw yun sa taong nararamdaman kong ma
"Subukan niyong lumapit sa akin, sinasabi ko sa inyo! Hindi ako magdadalawang-isip na paputukan sa ulo si Magi!" galit na sabi ni Macy saka mas lalong idiniin ang pagkakadikit ng baril sa sintido ko.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang ang mga kamay ko ay nanginginig na nakakapit sa braso ni Macy at pilit itong hinahatak palayo sa akin kaya lang masyado siyang malakas sa akin ngayon."Wag kayo matakot. Laruan lang 'yang hawak ni Macy." sabi naman ni Julia sa mga pulis."Hindi na 'to laruan, Julia." natatawang sabi ni Macy saka itinaas ang hawak niyang baril at pinaputok yun.Shit.Totoong baril na nga ang hawak niya ngayon.
Inis akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil sa napakakulit na insektong daan nang daan sa hita ko at—Insekto nga."Ang aga mo namang mambulabog!" inis kong sabi kay Julia na ngayon ay blanko ang mukha.Luh?"Napakakapal ng mukha ng kapatid mo noh?" panimula niya saka kumuha ng unan at sumandal sa head board ng kama. "Ang lakas ng loob niyang ikwento sa akin kahapon yung nangyari at ibinida pa niya talaga na siya daw ang nagdala kay mama sa ospital.Kahit hindi na ko magpakwento sayo, alam ko na agad.Well, totoo naman yung kwento ni Macy kaya lang knowing Macy, hobby niya mambaliktad ng kwento diba kaya alam kong siya ang t
Nakita ko pa ang pagngisi sa akin ni Macy bago sumunod kay Dylan papasok sa loob ng ospital.Habang ako, eto..Hindi alintana ang mga taong nakakakita sa akin. Basta iyak lang ako ng iyak dito na para bang hindi ako marunong mapagod sa kakaiyak.Napahilamos ako sa mukha ko saka kinusot-kusot ang mata ko para pahiran yung walang katapusan kong luha.Nakakainis.Naalala ko pa na sabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko at isasantabi ko muna yung galit ko sa kapatid ko para i-comfort siya pero ito naman ang napala ko.Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Hindi ko inaasahang ipapasa niya sa akin yung kasalanan niya.