EnoughDynee’s heart stopped from beating for a second. Malalim siyang napalunok. Nanatili ang titig niya kay Oliver.“See. Oliver is choosing me. His full support is still mine, eventhough he’s the one who helped and pushed his assistant to present these layouts,” masayang pahayag ni Sasha sa lahat.Agad siyang nagbaba ng tingin. Hindi niya mapunto kung ano ang eksaktong mararamdaman. All she could feel was disappointment. Kahit pa alam naman niyang doon talaga ito kay Sasha papanig.Nagtaas siya ng tingin kay Sasha at pilit na ngumiti nang matamis dito. “Congratulations, Miss Elago,” sabi niya.“Thank you,” sagot naman nito na may ngiting mapang-uyam.“Walang nanalo,” singit ni Mrs. Arsaide. “Sasha and Ms. Andrada will work together in this project. Ayos ba ’yon sa lahat?” dagdag nito.Hindi siya sang-ayun nang una. Si Sasha ay ganoon din. Ngunit mapilit ang mag-asawa kaya nagkasundo rin sila tungkol sa project na iyon. Ilang sandali ay natapos na rin ang meeting. Naiwan silang apa
TrashPABALING-baling pa rin si Dynee sa kaniyang higaan. Nakapikit ang mga mata niya at pinipilit makatulog ngunit ang diwa naman niya ay gising na gising pa rin. Nang sumagi sa kaniyang gunita ang paghalik sa kaniya ni Oliver ay tuluyan na siyang napaupo sa kaniyang kinahihigaan. She tried to drink a glass of milk upang dalawin na siya ng antok, ngunit wala pa ring epekto.“Hindi maaari ito!” Napatayo siya at nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng kaniyang silid. “Paano ako haharap sa kaniya bukas? Kanina ay naiwasan ko siya dahil sa busy siya sa magkasunod niyang meeting. . . pero. . . Ugh, bakit kasi niya ginawa ’yon? Ang tigas naman kasi ng ulo ko. Sabi niya tumahimik na ako. Ako naman na tanga hindi sumunod sa kaniya,” pagkausap niya sa sarili. “Ano Dynee? Mahaharap mo ba siya bukas na parang walang nangyari kahapon? As if hindi ka niya pinagkalooban ng isang halik?”Napailing na nagpabalik-balik siya ng lakad. “Kung kahapon ay nalusutan ko siya. Pero bukas, paano kaya?” Bumuntong
Deal “WHAT are you doing here, Dimet?” Iyon kaagad ang tanong ni Oliver sa pinsang si Dimitri.“Well, I just came here to visit my cousin, and at the same time. . .” wika nito, “para maghanap ng puwedeng model sa bagong ilalabas ng Kouzuglo Shoes this December,” sagot naman ni Dimitri.“An intentional visit, huh.”Ngumisi si Dimitri dito. “Hindi naman masyado. Kapag lang naman may natipuhan ako sa mga girls dito.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Oliver. “Suit yourself as long as you are not disturbing my employees.”“Okay. I’ll go to Sasha’s team first. Thank you for letting me cousin. See you later.” Kinindatan nito si Oliver.Agad na tumaas ang kilay ni Dynee at bahagyang sumimangot nang marinig ang pangalan ni Sasha.“Dynee!” Napalingon siya sa kaniyang boss. “In my office.”“Dynee.” Nilingon niya din si Dimitri. “ I will also visit your office later,” sabi nito at kinindatan siya.“Go now, Dimitri. Dynee, come on.”Napalingon si Dynee sa kaniyang boss. “ I will follow you immedia
Ride “CAN I talk to her?” tanong ni Oliver. Kay Dimitri ito nakatingin.“Of course.” Tumayo si Dimitri at tumingin sa kaniya. “I’ll be outside, Dynee. But I will be back to help you. Okay?”“Huwag na. Kaya ko naman ito,” sabi niya dito.Umiling ito. “We have a deal, right? So expect me here later. Anyway, wala nang bawian, huh? You already said YES to me.” He smirked and finally got out.Tumayo kaagad siya nang matuwid nang makalabas nang tuluyan si Dimitri. Humarap siya sa kaniyang boss at tumingin dito nang deretso.“I already talked to Mr. Acosta, and I already settled down about the fault documents. Pumayag naman siya na—”“I called him a while ago.”Tumango siya. Huminga nang malalim. “P-Pasensiya na ho pala kanina sa pagsagot at pagtaas ng boses ko sa inyo, Sir. I lost my control.” Kahit may inis pa rin ay nagpakumbaba siya dito.“I’m glad that you have already calmed down,” sabi nito na seryosong nakatitig sa kaniya. “Are you sure that you can make it in just a few hours?
QuitNAPABUNTONG hininga na lang si Dynee habang nagpipigil ng inis kay Sasha. Kailangan niyang habaan ang pasensya sa babae dahil kung hindi, tiyak, gulo ang aabutin niya. “Dynee! Are you listening to me?”Huminga siya nang malalim. She rolled her eyes and faced Sasha. “Of course, I am listening Ms. Sasha. Heto na po. Ginagawa ko na ang inuutos mo. What else?”“What else? My God, hindi mo alam kung ano ang susunod mong gagawin? Bakit ba kasi ikaw ang pinasama sa akin ni Oliver? I need him here, not you. God!” Himutok nito sa kaniya.She raised her eyebrow. “Then why don’t you call Mr. Oliver, Ms. Sasha? Puwede namang tanungin mo siya kung bakit hindi siya nakasama sa ’yo dito at samahan mo na rin ng reklamo. Hindi `yung sa akin mo binubuntong ang mga reklamo mo.”“Aba. . .”“And look, I am doing my best to help you here, as Mr. Acemzade asked me.”“Ah, I get it. Kaya hindi mo inaayos ang trabaho mo ay napipilitan ka lang, ganoon?”Napa-head palm siya sa sinabi nito. “Wala po akong s
Stubborn“No! Hindi ako susunod at uupo riyan!” Iwinakli niya ang kamay nito at lumayo nang kaunti rito.Nakita niyang isinara nito ang nakaawang na pinto at lumapit muli sa kaniya. “For the last time, sit down, Dynee.” Pilit pa rin siya nitong pinapaupo at pinapakalma.“Hindi mo ako mapapasunod! Huh, `di ba sabi ko sa ’yo na papatunayan ko na wala akong mali kahapon? `Di ba ’yon ang sabi ko sa ’yo?”Huminga ito nang malalim. “Dynee, calm down, please. . .”“Hindi! Kahapon sinigaw-sigawan mo ako sa mali na hindi ko ginawa. Hindi mo lang alam na pinapakalma ko pa ang sarili ko kahapon dahil sa letcheng Sasha na ’yon! Kahapon, nagtitimpi lang ako sa kaniya. Pero ngayon, hindi! Hindi ko na kayang magtimpi pa!”“Calm down and lower down your voice. Hindi mareresolba ang problema kung nakataas ang boses mo. Come on—”“Huh, talaga? Bakit ikaw? Ikaw lang ba ang may karapatang magtaas ng boses sa ating dalawa?! Hmm, dahil ba ikaw at si Sasha ang nakakataas sa kompanya na ito ay aapakan ninyo
Newcomer “APO? May sakit kaba?” Nagtaka si Dynee nang pagpasok sa kusina ay sinalat agad siya ng kaniyang lola sa noo.“Lola, okay lang ho ako.” Inilayo niya ang noo rito at nagtimpla ng kape.“Wala nga. Eh, wala ka bang pasok apo? Kahapon ay absent ka, absent ka pa rin ba ngayon?” tanong ng kaniyang abuela habang nakasunod sa kaniya sa may lababo.“Magre-resign na ho ako sa trabaho ko,” tugon niya at umupo sa hapag. Binuksan niya ang nakatakip na pagkain sa lamesa.“Ano?” Sumunod pa rin ito sa kaniya at naupo. “Naku, apo, hindi ka ba nasasayangan sa trabahong maiiwan mo? Ang ganda ng trabaho mo, office. Tapos boss mo isang CEO. Tapos maayos din ang pasahod sa ’yo. Mas hamak na mas maganda ang trabaho mo ngayon apo ko."“Ayoko na roon, lola. Tapos na ako sa paninilbihan sa boss ko.” Ngumunguya ng siya ng pandesal habang kausap ito.“Eh. . . apo—”“Lola, aalis ho ako ngayon. Maghahanap ho ako ng trabaho.”“Ah, sige ikaw ang bahala. Hiling ko na maliwanagan ang utak mo.”“Lola. . .”
Goodnight Kiss MATAPOS magpaalam muli ni Dynee sa mga kasama sa parke ay hinarap niya ang hindi inaasahang panauhin. Tahimik silang pareho habang naglalakad. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya alam ang sasabihin. She felt awkward.Huminto sila sa isang medyo madilim na parte kung saan may basketball court. Nakaramdam siya ng malamig na simoy ng hangin sa buong kapaligiran.“Uhm, S-Sir, bakit—”“Just Oliver, Dynee,” sabi nito habang nakatitig nang mariin sa kaniyang mga mata. “We’re not in the office, so call me by my first name.”Tumango siya nang bahagya. “So, ano nga pala ang ipinunta mo rito?”“You have no idea why I am here right now?”Huminga siya nang malalim. “Kung about sa pagre-resign ko—”“Don’t be ridiculous, Dynee. I told you, I won’t allow it. You are not allowed to resign and leave me, understand?”Napalunok siya. “W-Why? Wala ka bang ibang ipapalit sa akin sa posisyon ko?”“There’s a lot. But. . .”“B-But?”Napasinghap siyang bigla nang hinawakan nito ang magkabi
Finale “WE WISH you a Merry Christmas and a Happy New Year...”Masayang nagkakantahan at nagpapalakpakan ang lahat ng tao sa buong sala ng kanilang bahay. Lahat sila ay nakaupo sa carpeted floor. Ang kanilang anak na isang taon ang edad ang siyang nagbigay kulay, sigla at saya sa pagdiriwang nila ng Noche Buena. Hindi lang sila ng kaniyang sariling pamilya ang naroon kundi ang buong pamilya ng kaniyang asawa at ang pamilya din niya.She was so happy that their whole family agreed na sa kanila pa rin magdiwang ng Christmas Eve. Naging bida tuloy ang anak nila sa pagpapasaya ng mga naroon. Their son, Owen, was one and a half years old. Matalino kahit sa murang idad pa lang nito. He could also speak basic words.Hindi lubos akalain ni Dynee na mas titibay pa ang pamilyang binuo nila ng kaniyang asawang si Oliver. Way back when he was asking her hands on the family, hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Mahal niya ito at ramdam naman niyang seryoso ito lalo at magkakaanak na rin silang dala
Yes Napalingon ang lahat nang sumigaw si Dynee. Nag-panic ito at tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang kuya nang makita nitong susugurin muli si Oliver.“Kuya, huwag!” Pumagitna siya sa dalawa.Pumagitna rin si Fina at hinarangan si Dillan.Pinagmasdan niya si Oliver. Nakita niyang namula agad ang sinuntok ng Kuya niya. “A-Are you okay?” her heart felt pity for him. Masuyo niyang hinaplos ang pumutok na gilid ng labi nito.“Yes, I am okay. I deserve it,” wika nito habang mariing nakatingin sa kaniya. Wari'y hindi nito iniinda ang pumutok na labi.“Pare, pasalamat ka at may umawat. Kung hindi, hindi lang ’yan ang aabutin mo sa akin.”“Kuya, stop.” Hinarap niya ang kaniyang kuya.“Kahit nasaktan ka nang dahil sa kaniya, nandiyan ka at ipagtatanggol ang lalaking ’yan na walang isang salita, Dynee?”“Kuya, I said stop!”Galit itong tumingin sa kaniya. “Gusto lang kitang protektahan sa lalaking ’yan, Dynee.”“Kuya, wala siyang kasalanan. Ako, 'di ba alam mo namang ako ang may kasalanan ng
Visit “YES TITA, I will wait for you here in my house with Tito Jayme and Tito Carlo. Okay, that’s all.”Nang matapos kausapin ni Oliver ang kaniyang tiyahin sa telepono ay bumaba na agad siya sa kaniyang kotse at pumasok sa loob ng kaniyang bahay.Ngayon na lang ulit sila nag-usap ng tiyahin after a month, nang magpursigi itong humingi ng tawad sa kaniya at kausapin siya nang masinsinan. That time, ayaw niyang makarinig nang kahit ano tungkol sa panlilinlang at paglalaro ng mga ito sa damdamin niya. Her Tita and Tito Carlo confessed everything from the start. Yes, galit siya dahil bakit kailangan pa ng mga itong gumamit ng tao kung puwede naman siyang kausapin nang maayos upang mapagtulungan nilang baguhin at ayusin ang mga testamentong naiwan ng kaniyang abuelo para sa kanilang lahat?He was not after their wealth. Kaya kusang ibibigay niya sa kaniyang tiyahin, tiyuhin at pinsan ang para sa kanila. Ang pagkakamali lang na ikinagagalit niya ay ang pinaglaruan siya ng mga ito at gina
Pregnancy Nanginginig ang kamay na inabot ni Dynee ang maliit na puting aparato. Nakailang minuto rin niya iyong tinitigan bago napagpasyahan na gamitin sa umagang iyon. Kabado pa rin siya at hindi mapakali sa magiging resulta.Unti-unti at tuluyan na niyang iniharap sa kaniya ang resulta ng aparatong hawak. Upon seeing the result, biglang bumilis ang pagtahip ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala. Nasapo niya ang noo at biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod.Diyos ko, a-ano’ng gagawin ko? Paano ko sasabihin ito sa kanila? Diyos ko. A-Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot siya sa kaniyang nalaman sa umagang iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat na maramdaman.“Dynee…”“H-Huh?” Napalingon siya sa kaniyang dalawang kaibigan na halos sabay na tinawag ang kaniyang pangalan.“Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong ni Cupcake.“Apo, hindi ba masarap ang luto ko at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo?” tanong ng kaniyang lola.
Pale ISANG araw hanggang dalawang araw pilit iniwasan ni Dynee si Oliver. She never did leave her office when she knew that Oliver was still around. Mabuti naman at hindi ito masyadong naglalagi sa company dahil may outside meetings din itong pinupuntahan sa company nito.Alam niyang ramdam nito na umiiwas siya. She went home early, iyon ay dahil masama pa rin ang pakiramdam niya at panay rin ang nararamdaman niyang pagkahilo.Katok sa labas ng kaniyang opisina ang gumising ng kaniyang inaantok na diwa. Napaupo siya nang maayos at napatingin sa pinto.“Yes, Yeye?”“Excuse me, ma’am. Puwede ka bang maabala saglit?” Tumango siya. “Tapos na kasi naming gawin ang recommend new design ninyo sa team natin para sa bagong square brackets, will you please check it out, ma’am. For final judgment na ho sana.“Sure. Let me see your work.”“Tara sa hallway, ma’am” Tumayo siya at sumunod kay Yeye.Malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang magandang project na inilunsad niya for their new revised
Morning Coffee AS DYNEE walked inside the company, ang una niyang napansin ay ang pagkukumpulan ng mga empleyado. Nagtaka siya kung anong mayroon at kung bakit nagkakagulo ang lahat.May tumawag sa kaniya. Napalingon siya doon.“B1, B2, anong mayroon at busy ang lahat? May meeting bang magaganap?” nagtatakang tanong niya sa dalawa.“Hayaan mo, mga mosang ang mga ’yan,” nakangiting sagot sa kaniya ni B1.“Pero sa tingin ko, nakibalita na kayo,” sabi niya sa mga ito.“Ay, kami pa ba? Pahuhuli ba kami sa balita?” ani ni B2.“Oh, anong mayroon at sa inyo na lang ako makikibalita?” tanong niya nang sumabay ang mga ito sa kaniyang paglalakad patungo sa team office.“Baka mabigla ka.” Si B1.“Ay, for sure bakla. Yay, this is excited. Time for reconciliation.” Si B2.“Good morning, Ma’am Dynee,” bati sa kaniya ng lahat nang mapadaan siya.“Morning, girls,” bati ni B1 at B2 sa lahat.Nagtaka si Dynee nang biglang nabuwag sa pakikipag-tsikahan ang kaniyang team nang dumating siya. “Good mornin
Invitation SIYA ang unang umiwas dito ng tingin. She continued walking in his direction. Ramdam niyang hindi ito gumalaw sa pagkakatayo nito sa daraanan niya.She heard him cleared his throat. “Hi.” Mismong padaan na siya nang magsalita ito. “Good evening.”Kumurap siya at lumingon dito. “Good evening too, Mr. Acemzade,” tugon niya dito na halos iniiwasan ang matiim na mga mata nito. She cleared her throat. “Uhm, if you excuse me, I’ll go ahead—”“How are you?”Bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa tanong nito. “K-Kung hinahanap n’yo ho si Sir Dimitri, nandoon siya sa event kasama ni Ms. Lia at mga—”“I’m not looking for him, Dynee.” Umawang ang bibig niya at sumulyap dito. “But it’s you—”“Ah, okay. So, if you really excuse me, kailangan ko pang sundan ang boss ko sa event.” Saka niya ito tinalikuran.“Dynee!”Her heart stopped from beating for a while. Napalunok siya saka tiningnan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Kumunot ang noo niyang kumawala rito.“Mr. Acemzade—”“It’
Palpitated “ANO? bakit ngayon pa? Hindi ba talaga puwede? My God, but Marga—” Naputol ang sasabihin ni Dynee nang magpaliwanag ang kausap niya sa kabilang linya. “Okay, okay. Wala na tayong magagawa kung masama talaga ang pakiramdam mo ngayon. Tsk! Okay bye.”Napakamot siya sa kaniyang noo pagkababa niya ng tawag.“What’s going on here, Barbie?”Napalingon siya sa taong nagsalita sa kaniyang likuran. “Oh, finally you’re already here, Dim.”“Oh, bakit gan’yan ang mukha mo? Something bad happened here?”“Dimitri, kasi 'yung model mo na nakuha natin ay hindi makakarating. Look, kulang 'yung model natin para sa gabing ito—” napahinto siya sa pagsasalita nang may napansin siyang babae na katabi nitong nakatayo. Huli na nang namataan iyon ng kaniyang mga mata. “Ay, pardon.” Napatampal siya sa kaniyang noo habang nakatingin sa dalawa.“It’s okay. Anyway, this is Breezelle. And Breeze, this is Dynee, my very efficient fashion organizer.”“Hi, Dynee.” Nakangiti itong naglahad ng kamay.“Hell
Resignation Letter DYNEE was still going to work for two days, ngunit walang Oliver ang pumapasok sa opisina nito. He never informed her where he was. Nauunawaan naman niya iyon. He distanced himself, and she gave him space.Tanging si Shasha lang ang sinasabihan nito at binibigyan ng instructions about the company. Which was wrong dahil nandoon naman siya para ayusin ang buong schedule nito habang wala ito sa opisina.Shasha has no idea what was going on with their relationship. Pero alam niyang nakakapansin din ito na hindi sila nagkakaunawaan ni Oliver. Ramdam nitong may nangyari kaya gusto nitong tanungin siya. But she didn’t even ask her. Ipinaalam naman niya dito na may konting problema lang silang dalawa. She didn’t ask for more information, but Sasha gave her some advice, na nagpagaan ng kaniyang mabigat na problema.Dumating sa punto na kailangan niyang magpakatatag at magdesisyon. And that night she finally decided to talk to him, naisip niyang tama na ang space na bini