Chapter: Chapter 8Chapter 8“Sino ka ba para sagutin ko ang tanong mo? Pwede ba tama na yung kanina na paninira mo ng araw ko. Balik na sa trabaho,” masungit na sabi ni Yara kay Zircon kaya naman napangisi doon si Zircon.“Ang sungit mo naman po,” tila nang-aasar pang sabi ni Zircon sa kanya ngunit hindi na siya pinansin pa ni Yara. Kaya naman wala ng nagawa si Zircon kundi ang gawin ang kanyang trabaho.Inuna muna ni Zircon na ipa-xerox iyon katulad ng utos sa kanya ni Yara, hindi naman naging mahirap sa kanya dahil marunong naman siyang gumamit ng xeroxan dahil sa OJT niya dati sa isang kumpanya nila noong hindi pa siya umaalis sa poder ng kanyang ama. Habang nagxexerox nga siya ay marami ang nagpapansin sa kanya kaya naman bahagyang naging maingay banda sa kanya. At dahil malapit lang ang xeroxan sa pwesto nilang magkakateam ay naririnig iyon ni Yara. Nakakaramdam ng inis si Yara dahil doon ay hindi siya makapag-concentrate sa kanyang ginagawa. Kaya naman tumayo si Yara at naglakad papunta kay Zirco
Last Updated: 2024-04-22
Chapter: Chapter 7"Parang nagulat ka Yara? Oo, kanina pa siya nandito. Si Ma'am Rochelle ang nagsabi na siya yung bago nating ka-team," sagot naman sa kanya ni Cassy na siyang naging hudyat para tumayo si Zircon sa kanyang kinauupuan."Hello," nakangiting sabi ni Zircon at itinaas pa niya ng bahagya ang kanyang kamay tanda na binabati niya si Yara. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang pag-irap ni Yara. "Alam ko na hindi maganda ang first and second encounter natin. Humihingi talaga ako ng sorry para doon. Pero sana kalimutan na natin 'yun dahil baka makaapekto yun sa trabaho natin.""Wala naman ako pakialam doon pero huwag mo ipakita sa akin ang pagmumukha mo," masungit na sabi ni Yara saka siya umalis para pumunta sa locker niya para magpalit ng damit."Anong nangyari doon?" tanong ng mga katrabaho nila at nagkibit-balikat na lang si Zircon."Nagkita na pala kayong dalawa ni Yara?" usisa ni Cassy kay Zircon."Long story eh, okay lang ba na huwag na natin pagkwentuhan? Baka mas lalong sumama ang araw ni
Last Updated: 2024-03-04
Chapter: Chapter 6"Bakit mo ginawa yun? Pinagtitinginan nila tayong dalawa kanina," nag-aalalang tanong ni Yara kay Jack dahil sa panghihila nito sa kanya papunta sa opisina nito."Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala kanina dahil hindi mo naman ugali na malate ng gano'n. Tapos hindi pa kita ma-contact!" dahil sa nangyari kay Yara kanina ay nalate na nga siyaa at hindi na niya nagawa pang buksan ang kanyang telepono."Pero kahit na, akala ko ba nag-iingat tayo? Baka mamaya dahil sa ginawa mo ay paghinalaan tayo," hindi pa rin maalis sa isipan ni Yara ang naging usapan nilang dalawa ni Cassy na siyang naging dahilan kung bakit parang naging lutang ang kanyang isip."Saka na natin alalahanin yun," napatingin si Jack sa bandang dibdib ni Yara at nakita niya ang naging mantsa ng kape sa damit nito. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Samahan na kita sa clinic.""Hindi na baka mahalata pa nila tayo. Isa pa Jack, alam mo naman na kapag nahuli nila tayo tapos na ang maliligayang araw natin. Diba ikaw lagi ang na
Last Updated: 2024-03-01
Chapter: Chapter 5"Huwag mo na ipakwento sa akin Cassy at mas lalong tumataas ang dugo ko. Kapag nakita ko ulit ang lalakeng iyon dila niya lang ang walang latay!" nanggigigil na sabi ni Yara habang itinaas pa niya ang hawak niyang ballpen na tila isang kutsilyo."Ay naku 'te, tumigil ka na nga muna dyan. Mabuti pa puntahan mo na si Sir Jack," napakunot naman ang noo ni Yara dahil sa narinig niya."Ha, bakit daw?""Diba may meeting kayo? Baka nakakalimutan mo ikaw ang temporary secretary niya. Naku, kulang na lang may lumabas na usok sa ilong niya nong malaman niyang wala ka pa," kwento sa kanya ni Cassy saka niya lang naalala na may sinabi nga pala sa kanya kanina si Jack tungkol sa meeting nila."Oo nga pala, maiwanan na kita Cassy," nagmamadaling sabi ni Yara saka niya pinagkukuha yung mga dokumento na gagamitin nila sa meeting."Alam mo Yara kung wala lang asawa si Sir Jack aakalain ko na may relasyon kayo," nakatalikod na si Yara noong sinabi iyon ni Cassy kaya naman hindi niya nakita kung paano m
Last Updated: 2024-02-22
Chapter: Chapter 4“I-Imposible yata ang sinasabi mo, Beatrice,” napailing-iling naman si Zircon sa sinabi sa kanya ng kanyang kapatid.Sa kanyang hinagap ay hindi niya iisipin na magagawa niyang mang-akit ng isang babae lalo na kung ito ay may karelasyon. Oo, nagkaroon siya ng mga ilang nobya noon ngunit niligawan niya ito dahil may nararamdaman siya sa mga ito. Isa pa ay marami siyang dapat na asikasuhin ngayon.“Kuya, nakikiusap ako sa ‘yo. Hindi malabong hindi ka magustuhan ng kabit ni Jack dahil magandang lalake ka at malandi siyang babae!” inis na wika ni Beatrice at gano’n na lang ang galit nito sa kabit ng kanyang asawa. Sino nga ba ang hindi magagalit sa babaeng sumisira sa kanyang masayang pamilya.“Beatrice, ang bunganga mo,” paalala ni Zircon sa kanyang kapatid dahil sa sinabi nito patungkol sa kabit ni Jack.“Bakit kuya? Totoo naman ang aking sinabi. Isa siyang higad kaya naman nararapat siyang bigyan ng leksyon. Pagkatapos mo siyang paibigin at nasigurado na natin na wala na sila ng aking
Last Updated: 2024-02-21
Chapter: Chapter 3"Bakit kuya? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Beatrice sa kanya dahil sa naging reaksyon niya noong makita niya kung sino ang nasa picture."Wala naman, actually nakita ko siya kanina at dinala ko pa nga siya sa hospital. Kaya nalate rin ako ngayon," hindi alam ni Zircon pero tila nasisiyahan siya dahil magkikita pa pala sila muli ng babaeng sinabihan niya kanina na parang machine gun ang bibig. "Small world naman.""Hindi ko nagugustuhan ang ngiti sa labi mo kuya ha. Isa pa ay dapat tinuluyan mo na siya kanina," pagalit na sabi ni Beatrice at hindi iyon nagustuhan ni Zircon."Pumayag ako sa hiling mo dahil nagmamakaawa ka non tapos ngayon gagawin mo akong mamamatay tao? Hindi ako ganon Beatrice!" may inis sa tono ni Zircon at kinabahan naman doon si Beatrice. Ayaw niya kasing nagagalit sa kanya ang kuya Zircon niya kaya naman hinawakan nito ang braso ng kapatid upang pakalmahin."Sorry na kuya, alam ko naman na hindi mo magagawa iyon. Pero alam mo naman kung saan ako humuhugot
Last Updated: 2024-02-21