Chapter: Chapter 12:Ilang araw pa ang lumipas at sa mga araw na nagdaan napansin ko ang pag-iiba ng pakikitungo ni Boss Rex. Noong una inisip kong kaya hindi ito gaanong nagsusungit sa akin ay dahil alam niyang may kasalanan siya sa pagkaka-sugat ng paa ko. Pero sa mga sumunod na araw madalas na itong ngumingiti sa akin kapag nagkaka-salubong kami sa loob ng bahay. Ang isa pang nakakagulat, nagpapasalamat na ito kapag may iuutos o ibibigay siya sa akin, nagtatanong na rin ito kung kumusta ang pagtatrabaho ko sa bahay niya.Kaninang umaga nga pinag-timpla niya pa ako ng kape ng magkasabay kami. Nagulat ako nang sabihin niyang siya na ang magti-timpla. Kaya nga sobra-sobra na ang pagtataka ko ngayon sa mga kinikilos niya."Hindi kaya na appreciate na niya lahat ng efforts mo sa kanya. Kaya na realized niyang mahal ka na rin niya," saad ni Linda.Nasa likod kami ngayon ng bahay at abala sa paglalagay ng lupa sa mga pasong pagtataniman namin ng mga namumulaklak na halaman. Naiwan naman sa kusina si Aling Lol
Huling Na-update: 2023-10-11
Chapter: Chapter 11:Nagising ako sa mga pagtawag ni Linda sa akin at pagtapik nito sa pisngi ko. Hindi ko sana ito papansin dahil antok na antok pa ako. Pero hindi lang ito na kuntento sa pag-tapik sa pisngi, niyugyog pa nito ang balikat ko."Linda, halos katutulog ko lang," reklamo ko sa malat na boses at nanatiling pikit ang mga mata ko. "Iyong pasyente mo. Ginagawang gamot ang alak." Nagmulat ako ng mata.Kahit mabigat ang pakiramdam ko mabilis akong bumangon at nagtungo sa kwarto ni Rex. Ni hindi na ako nag-abalang kumatok pa.Naabutan ko itong nakaupo sa sahig ng kwarto at nakaharap sa glass door patungo sa balkonahe. Nakasandal ito sa kama niya at may hawak itong bote ng alak.Nilapitan ko ito at walang imik na kinuha ng bote ng alak sa kamay nito. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at matalim ang mga mata nitong tumitig sa akin."Anong ginagawa mo?!" dahan-dahan itong tumayo pagkatapos niyang mag-salita."Anong ginagawa mo?" balik kong tanong.Magdamag akong gising sa pag-aalaga sa kanya. At h
Huling Na-update: 2023-02-04
Chapter: Chapter 10:Kababa lang namin sa Rollercoaster ni Patrick. Gusto ko pang sumakay sa ibang rides pero sa itsura nito ngayon, hindi na kakayanin ng konsensya kung pasakayin pa siya ulit sa iba pang rides.Nakayuko ito habang nakaupo kami sa isang bench dito sa amusement park. Ilang minuto na siyang nasa ganoo'g ayos kaya nakaramdam na ako ng pag-aalala."Pasensya ka na. Sinabi ko naman kasing ako nalang ang sa-sakay," sabi ko, saka marahang tinapik-tapik ang likod nito.Umayos naman ito sa pag kakaupo. Sumadal ito saka i-niling-iling ang ulo bago binaling ang tingin niya sakin. "Ako ang nag-aya sayo kaya hindi pwedeng iwanan kita," nakangiting sabi niya. "Pero kahit na. Alam kung pinilit mo lang ang sarili mong samahan ako," sabi ko."Ayos lang ako kaya huwag ka ng mag-alala. Isa pa, masaya akong kasama ka."Umiwas ako nang tingin sa kanya."Uwi na tayo," aya ko.Tumayo na ako. Sumunod naman ito.Masayang kasama si Patrick at nasisiguro kong hindi ito mahirap mahalin. Nasa kanya rin ang katangian
Huling Na-update: 2023-02-02
Chapter: Chapter 9:Linggo ngayon ibig sabihin pahinga kami sa trabaho sa bahay. Pag-ganitong linggo lumalabas ako para magpadala ng pera kay Mamang para may panggastos sila sa bahay. Pagkatapos, bibili na ako ng personal needs ko bago ako bumalik. Minsan magkasama kami ni Linda. Kaya lang napapa-gastos ako kapag kasama ko ito."Lalabas ka ngayon, Ming?" tanong ni Aling Loleng nang magkasalubong kami sa sala ng bahay."Opo, ilang araw na po kasi akong kinukulit ni Patrick na lumabas kaya pinagbigyan ko na," sagot ko. Ilang araw na rin kaming magka-tawagan ni Patrick. Tulad ng sabi niya gabi-gabi ito kung tumawag. Minsan pa'y hindi ko na sinasagot dahil sa pagod at minsan talagang ayoko lang siyang makausap. Alam kung kabastusan iyon. Pero mas mabuti na iyon kesa sagutin ko nga wala din naman akong sasabihin sa kanya. Kapag nag-uusap kasi kami tagapakinig lang ako sa mga kuwento niya."Ganon ba. Anong oras kayo magkikita?" Nakangiting tanong ni Aling Loleng."Mamaya pa pong hapon," agap kong sagot.
Huling Na-update: 2023-02-01
Chapter: Chapter 8:Akala ko aalagaan ako ni Rex matapos niya akong iwanan sa kwarto niya. Pero akala ko lang iyon dahil ilang minuto lang ang nakalipas ng umalis siya pumasok si Aling loleng at sinabi nitong lumipat ako sa guest room.Hindi man sinabi ni Aling Loleng, alam kong si Rex ang nag-utos kanyang palipatin ako doon. Iyong kaligayahan ko hindi man lang umabot ng isang oras. Paglipat ko naman sa guest room hinintay ko itong pumunta doon para kumustahin ako. Pero nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa kanya. Palagi na lang talaga akong aasa."Sigurado kabang okey na ang pakiramdam mo?" tanong ni Aling loleng nang makita niya ako sa sala at naghahanda na sa paglilinis." Opo, magaling kayong mag alaga ni Linda, e," nakangiting sagot ko."Abah! mahirap ng masi-" "Linisin mo ang barukan." utos ni Aling Loleng kay Linda na nakasimangot namang umalis."Huwag ka muna masyadong magpapagod baka mabinat ka," sabi pa ni Aling loleng bago niya ako iwanan.Kapag nakasanayan na ng katawan mo ang pagtatra
Huling Na-update: 2023-01-31
Chapter: Chapter 7:[Board meeting in Toralba Company]"Pwede tayong mag-bahay-bahay para ipakilala ang product natin.""That's a waste of time.""That is what we call effort Mr. Toralba. Kung gusto nating makabenta at kilalanin ang product natin kailangan nating gumawa ng efforts.""So you're saying Mr. Del Fino, na basta na lang tayong kakatok sa bahay ng kung sino para magbenta!""I'm suggesting a way, Mr.Toralba at sa tingin ko walang masama doon. Ginagawa na ngayon iyan ng ibang kumpanya.""Your suggesting it because your doing it. Basta-basta na lang pumapasok sa bahay ng hindi manlang humihingi ng permiso sa may-ari!""For your information, Mr. Toralba. That's my way of effort and it just so happen, na iyong pinaglalaanan ko ng effort na iyon ay nasa bahay mo.""That's trespassing you can be on jail because of that effort your talking about.""Ang hirap kasi sayo, Mr Toralba. Ibang tao ang gumagawa para sayo. Kaya ka iniwan dahil hindi ka marunong mag-effort."***"Hindi pa po bumababa ang lagnat
Huling Na-update: 2023-01-30