ATHENA: Angel With A Shotgun
FIRST BOOK OF MAFIA GODDESS SERIES
Athena dela Croix Veilleux, the youngest daughter of Veilleux mafia clan, known for being a loner, calm-tempered woman with a strong personality that can make everyone intimidated by her.
She was the most outstanding student in her class, and she has a reputation to protect as a class representative that's why she wasn't interested to have friends to hangout with.
Studying hard, practice gun shooting, and to enter the military -- all of these just to please her dad who was actually a French mafia boss.
All too well until she met Zachariel Morrison, popularly known as Zach, the transfer student in their class and the idol superstar.
Read
Chapter: 2: CaughtTahimik ang paligid at tanging putok ng baril ko lang ang maririnig. Nagpa-practice ako ng gun shooting sa likod ng bahay namin. At sa tingin ko mahigit isang oras na rin akong nandito.Wala namang makakarinig o makakakita sa'kin dito dahil wala kaming kapitbahay. Malayo kami mula sa mga kabahayan dahil kami rin ang may pinakamalaking bahay sa subdivision na 'to.Gamit ang 9mm Nickel Magnum Black Firing Revolver gun ko, inaasinta ko isa-isa ang mga shooting target na ilang metro ang mga layo mula sa'kin. Sa limang shooting target, lahat tinamaan ko ng bull's eye."Mademoiselle"Napalingon ako sa tumawag sa'kin, "Oh, Cedrick."Si Cedrick ay isa sa mga butler ng pamilya namin. Matagal na siya sa'min at mas matanda lang siya ng isang taon kay Ate Artemis."Pinatatawag na po kayo ng mga kapatid niyo, Ms. Athena. Handa na ang almusal," sambit niya."Sige. Susunod na ako," sagot ko.Ala siyete pa lang ng umaga at ito ang pinaka-exercise na ginagawa ko bago pumasok sa school.Niligpit ko mun
Last Updated: 2022-08-06
Chapter: 1: Her Student Life"So may suggestions pa ba kayo para sa darating na campus festival?"Iyon ang tanong ng student council president namin. Nandito ako ngayon sa SSG Office para sa meeting ng Supreme Student Government ng school namin para sa nalalapit na campus festival.Um-attend ako sa meeting na 'to bilang Grade 12 representative. Kanina pa ako nababagot dito sa upuan ko habang nakikinig sa kanila kung ano bang gagawin namin.Nakapalumbaba lang ako sa desk ko habang pinaiikot-ikot ang ballpen sa mga daliri ko. Hindi ako nakikisali sa meeting, nakikinig lang ako. Hindi naman kasi ako interesado sa mga ganitong klaseng event. Hindi ako mahilig sa matatao at maiingay na lugar.Ako 'yong tipo ng tao na mas pipiliin pang magkulong sa kuwarto habang nanonood ng movies sa laptop at kumain kaysa gumala at mag-party."I have a suggestion."Natuon ang atensyon namin sa babaeng nagsalita habang nakataas ang kamay."Yes, Ms. Lapiz."Tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan, "Bakit hindi tayo magkaroon ng concert s
Last Updated: 2022-08-06
Chapter: ATHENA: PrologueNakikipagtutukan ako ngayon ng baril sa lalaking kaharap ko ngayon. Naka-hoodie jacket siya na asul, maong jeans, at puting rubber shoes.Nakatutok sa kanya ang hawak kong Smith & Wesson M&P Bodyguard revolver gun na lagi kong dala-dala sa hita ko na nakatago sa ilalim ng paldang suot ko. Habang siya naman ay tinututukan ako ng hawak niyang pocket pistol."Sino ka ba at bakit ka nakikialam?" galit niyang tanong sa'kin.Sa totoo lang, gusto ko sanang baliwalain na lang ang nakita ko pero binabagabag ako ng konsensya ko.Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa lupa habang titig na titig sa aming dalawa ng lalaking ito na katutukan ko ng baril. Tapos ay binalik ko ulit ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko."Hindi na mahalaga kung sino ako," sagot ko.Papunta kasi ako sa bookstore ngayon pero nakita kong ginugulpi ng lalaking ito ang lalaking 'yan na nakaupo sa lupa na nanonood lang sa'min ngayon na para bang naghihintay kung anong susunod na mangyayari. Kaya narito ako ngayon sa isang e
Last Updated: 2022-08-06
Chaotic Switch
Si Rain Mikhail Aragones ay isang eighteen-year-old high school student at halos nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang ideal guy dahil bukod sa kaguwapuhan nitong taglay, gentleman din siya, matalino, at mayaman.
Sa katunayan, siya rin ang Vice President ng kanilang Student Council. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit kaliwa't kanan ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, si Mikhail ay itinatago ang tunay niyang katangian sa kabila ng 'almost perfect' image na pinapakita niya sa school.
Siya talaga ay isang playboy na mahilig sa "sexcapade". Mahilig siyang mag-explore sa sex at ginagawa niya ito sa iba't ibang babae, kaya't marami siyang "FUBU" na tinatawag.
Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat matapos siyang malunod sa pool at paggising niya mula sa isang comatose, nasa katawan na siya ng isang babae!
Alamin kung paano kakayanin ni Mikhail na mabuhay bilang isang ganap na babae habang tinutuklas niya ang paraan para makabalik siya sa orihinal niyang katawan.
Read
Chapter: 13: Two in OnePinapasok kami ni Domeng sa isang kuwarto na walang ilaw ngunit mga kandila ang nagsisilbing ilaw dito sa loob. Wala ring bintana sa silid na ‘to at puno ito ng mga weird na bagay na mukhang ginagamit niya sa faith healing.Nakaupo lang kami rito ni Giovanni sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy at may kaharap kaming mesa na gawa rin sa kahoy.Pagkatapos ay naglagay si Domeng ng isang palanggana ng tubig sa mesa, at kumuha naman siya ng incense burner pot na may kadenang hawakan.Bigla niya itong iniugoy sa harap namin ni Giovanni kaya naman napaubo kami dahil sa sobrang usok na inilalabas nito. Napapapikit din kami dahil masakit ang usok nito sa mata.Pero patuloy pa rin itong ginagawa ni Domeng habang bumubulong ng orasyon.Mayamaya lang ay ibinaba niya ang incense at kumuha siya ng kandila. Ipinatak niya ito sa palangganang may tubig na nasa mesa. Pinapanood lang namin ni Giovanni ang kanyang ginagawa.Nang matapos si Domeng ay hinipan niya ang apoy sa kandila upang mamatay. Pag
Last Updated: 2023-01-16
Chapter: 12: AlmostMadilim ang paligid at halo-halo ang boses na naririnig ko. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Nasaan ba ako? Sino ba ‘tong mga naririnig ko.Ilang sandali pa ay parang may naaaninag ako na taong nakatingin sa’kin. Bigla naman akong kinabahan nang mapagtanto kong pamilyar siya sa’kin.Tama, naalala ko na. Siya ‘yong walangyang humampas sa ulo ko ng bote ng alak kaya nalaglag ako sa pool at nalunod. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano bang atraso ko sa taong ‘to at ginawa niya ‘to sa’kin.Hindi ko man masyadong maaninag ang mukha niya pero pamilyar ang hilatsa ng buhok niya at hugis ng katawan.Mayamaya lang ay may naririnig akong beeping sound na parang galing sa isang machine.Naramdaman ko na ang talukap ng mga mata ko at dahan-dahan ko itong idinilat.“How’s my grandson, Doc?”Pamilyar ang boses na ‘yon. Naaaninag ko na rin kung sino ang taong ‘yon na nakatayo sa tabi ko.“Apo? Mikhail? Gising ka na ba?”Nandilat ang mga mata ko nang makita ko si Lolo Jorge. Na
Last Updated: 2022-12-29
Chapter: 11: TrialPaano ko kaya pabubuksan ‘yong kaso ni Ate Madeline nang hindi nalalaman ng pamilya Aguirre? Siguro naman matutulungan ako ni Azriel tungkol sa bagay na ‘to.Papatunayan lang niya sa’kin na wala siyang kuwenta kung sakaling hindi.Nasa bathroom ako ngayon ng kuwarto ko at nakababad sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig.Nakita ko naman ang repleksyon ko sa malinaw na tubig. Napaisip naman ako kung paanong nangyari na napunta ako sa katawan ng babaeng ‘to matapos kong malunod sa swimming pool?Natigilan ako sandali para mag-isip. Paano kung lunurin ko ulit ang sarili ko para makabalik ako sa dati kong katawan?Nakatingin ako sa tubig habang pinag-iisipan itong mabuti. Subukan ko kaya?Pero paano kung matuluyan na ako at paggising ko nasa kabilang buhay na ‘ko?Ngunit hindi pa rin ako nagpatalo sa pangamba kaya’t sinubukan ko pa rin. Sinubsob at inilubog ko sa tubig ang mukha ko.Ilang sandali lang ay nahirapan na akong huminga. Hindi ako aahon kahit pa mawalan na ako ng malay.Unti
Last Updated: 2022-12-25
Chapter: 10: DoubtsIlang linggo na akong nandito sa pamilya Aguirre pero wala pa rin akong lead kung aksidente nga ba ang nangyari sa magkapatid na ‘to o isang foul play.Dumadagdag pa sa problema ko ngayon ang Azriel na ‘yon. Naiinis ako sa palaging pagbuntot niya sa’kin. Akala ko ba ayaw niya kay Mikha? Palagi na lang niyang dahilan ‘yong attempted kidnapping sa’kin noong nakaraan.Tapos problema ko pa ang pagiging malapit sa kanya ng mga naging babae ko. I hate to see them adoring that jerk like the way they did to me. At ang pinakanakakainis sa parteng ‘to?Nagmumukha akong obsessed girlfriend! Dahil lang pinagbabawalan kong makipag-usap si Azriel sa ibang babae, akala nila nagseselos ako sa kanila.Sinuntok ko ang study table ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Pinagsusuntok ko ang mattress ko habang mangiyak-ngiyak.I feel so frustrated. Paano na ako makakabalik sa tunay kong katawan nito?“Lady Mikha?”
Last Updated: 2022-10-08
Chapter: 9: Assumptions“The police said na another kidnap for ransom case na naman ito.” Narito kami ngayon sa sala at pinag-usapan namin ‘yong nangyaring attempted kidnapping sa’kin noong nakaraang araw. “Sure ka ba, anak? Ayaw mo ng bodyguard? We can hire kahit ilan ang gusto mo,” pagkumbinsi sa’kin ni Mom. “’Wag na nga po, Mommy. I’ll be fine,” sagot ko. Hassle kaya magkaroon ng mga taong nabuntot sa’yo. Kaya nga ayaw ko ng mga clingy na babae, eh. “Hayaan mo na, love. Ipapasundo ko na lang siya on time sa driver. Besides, Azriel was here,” ani Dad sabay turo kay Azriel na nakaupo sa tabi ko. Tiningnan ko siya, “Bakit ka nga pala nandito, ha?” inis kong tanong. Agang-aga mukha niya nakikita ko. Nakakasira ng araw. “I was the one who saved you from them. So, they told me to accompany you.” “Hindi kita kailangan, okay? At ayaw kitang makita rito sa bahay, ‘di ba?” “Mikhaella.” Napatingin ako kay Mom nang sawayin niya ako. “Since when you treat Azriel like that? You always like him back then.” “
Last Updated: 2022-10-07
Chapter: 8: AttemptNaglalakad ako ngayon sa hallway ng classrooms habang kasunod lang ako ng magiging homeroom teacher ko.At habang naglalakad ako sa hallway, napapansin kong tinitingnan ako ng mga lalaking nakakasalubong ko. Lahat sila ay binibigyan ko ng masamang tingin. Naba-bad trip ako sa mga tingin nila sa’kin.Hindi ko akalaing babalik ako sa school na ‘to na nakapambabaeng uniform. Hanggang tuhod na kulay dark grey ang pleated skirt ng school namin. Komportable magpalda pero pinagsuot ako ni Naomi ng cycling sa ilalim. Pero hindi na rin masama. Baka naman sabihin ni Mikhaella pinababayaan ko ang katawan niya.May hinintuang classroom na ang teacher ko at nang pumasok siya ro’n ay sumunod ako. Pagpasok namin ay natuon ang atensyon ng lahat sa amin.“Good morning, class. Siya nga pala ang bago niyong kaklase,” sambit ng teacher.“I am Mikhaella Eloise Aguirre. Nice to meet you.”“Sige, Ms. Aguirre. Puwede
Last Updated: 2022-10-06