author-banner
cmcheez
cmcheez
Author

Novels by cmcheez

HE'S AN ENEMY

HE'S AN ENEMY

Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Satisfaction? Happiness? Nah. Imposible. Malamang, napasobra lang ang nalanghap na usok ng katol ang lalaki kaya't sya ang napagdiskitahan. Ngunit nang lumipas ang ilang araw, her enemy's action and act gets destructive, weirder and seductive. Kaya't naging mariin ang pagpapaalala nya sa sarili na kaaway nya ang binata, that he's an enemy.
Read
Chapter: CHPATER NINETEEN
CHAPTER NINETEEN "WHAT did I tell you, Elle?" Ang magkasalubong na mga kilay ni Enne ang bumungad sa akin. Ang hitsura nya ay tipong makulimlim na langit na bigla na lamang kukulog at kikidlat nang malakas. Naka-krus din ang mga braso nya sa dibdib. Isang itim na sando at boxer lang ang suot nya. Bahagya akong tumikhim. "About sa...?" Napili ko na lamang magkunwari na hindi ko alam ang pinatutukuyan nya. Gaya ng inaasahan ko ay ganito ang mangyayari kapag tumuloy ako kahit hindi nya sinasabi. Sinamaan nya ako ng tingin, tila ba sinasabi na huwag ko na syang lokohin dahil hindi ko naman sya maloloko. "What? I didn't go." Pumaywang ako at bahagyang nagtaas ng kilay. Ngumisi iyon. "Liar. I told you not to freaking go, isn't it?" "Hindi nga ako pu
Last Updated: 2021-09-19
Chapter: CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER FIFTEEN SUMAKAY kami sa elevator matapos naming makapasok sa mismong building. Masyadong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa habang magkaugnay ang mga palad. Hindi man ako sanay pero sa tingin ko'y maganda na ang ganito para mag-isip ng mga bagay-bagay. Hindi ko man sabihin ngunit mabilis ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ilang araw pa lamang nang nalaman ko ang katotohanan, nang mapagdesisyonan kong wasakin pa ang sarili ko, at ang magkaayos kaming dalawa. Oo nga't magkaayos na kami pero nananatili pa ring malabo ang ilang mga bagay. Kaasar kasi ang pusong 'to. Marupok masyado. Nakuha sa sorry. Ano ng kasunod nito ngayon? Nasaktan nya ako at hanggang doon na lamang ba 'yon? Nagpatawad ako. Hihinto na ba roon? Ewan ko. Hindi ko alam. Mainam na sigurong isa-isahin ang mga bagay. Hindi ko—namin kailangang magmadali. We have now our time to fix everything,
Last Updated: 2021-09-19
Chapter: CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FOURTEEN MALAMIG ang gabi. Kasinglamig ng pakiramdam ko. Maliwanag ngunit may puwang ang dilim. Gaya ng pakiramdam ko ngayon, maliwanag ngunit dominante ang dilim. Nangingibabaw ang sakit. Hindi mapagaan ng nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata ang nararamdamdam ko. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Isn't this enough? Natahimik iyon at nanatili sa kinatatayuan matapos kong bigkasin ang bagay na tumatakbo sa aking isipan. Rinding-rindi na ako at natutulilig dahil paulit-ulit na lamang iyong isinisigaw ng aking isipan. Laro. Pagod. "Right. Tama ka, Maxxierielle. Nakakapagod na 'yung ganito," pagsang-ayon nya sa sinabi ko. Napapitlag ako nang bahagya dahil sa ginawa nyang pagsang-ayon. Napangiti ako nang mapait. Tama. Tama na naman ako. Laro lang 'to. Finally, matatapos na rin. It would be finally game over. Mapapayapa na ako. "Pago
Last Updated: 2021-09-19
Chapter: CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER THIRTEEN TAHIMIK ako habang nasa byahe ang sinasakyan kong taxi. Walang laman ang utak ko kung hindi ang tuluyang pagkawasak ko. Wala naman ng rason para pilitin ko pang buuin ang sarili kong muling nasira. Hindi ko man nabuo nang buong-buo ang sarili ko noong iniwanan ko sya, napagtagpi-tagpi ko naman iyon dahil sa tulong ni Drea. Without her, hindi ko na siguro matatagpuan ang dating ako. Patuloy ako sa pagpapatuyo ng mukha kong hilam sa luha. Lalo akong napapaiyak dahil ayaw nilang tumigil sa pagdaloy. It frustrates
Last Updated: 2021-09-19
Chapter: CHAPTER TWELVE
CHAPTER TWELVE ANG buhay ay parang mahinang katawan. Puno ng sakit at komplikasyon na kung hindi maaagapan ay lalala, worst ay ikamamatay. Ngunit ano nga ba ang dapat gawin sa mahinang pangangatawan? Palakasin at pasiglahin para hindi pasukan ng mga sakit at upang malabanan ang mga pagsubok nang sa gayon'y hindi bumigay sa anumang hamon. Hindi ko na alam. Punong-puno na ang utak ko ng mga tanong na hindi mabigyan ng sagot. Punong-puno ng komplikasyon. Hindi ko alam kung sino'ng dapat kong sisihin. Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? Na dapat pala nagpakatanga na lang ako noon at hinayaan ang damdamin kong masaktan nang palihim. Na dapat ipinagpatuloy ko na lang ang pagmamahal ko sa kanya kahit na nasasaktan na ako. Pero bata pa ako noon at padalos-dalos. Hindi pa lubos na maalam sa masalimuot na mundong ito. Marami akong natutunan simula nang sundin ko ang desisyong i
Last Updated: 2021-09-19
Chapter: CHAPTER ELEVEN
CHAPTER ELEVEN HINDI ko alam kung paano ako nakauwi sa dorm ko. Basta ang alam ko'y nakaupo ako sa bintana kong nakabukas habang nakatitig sa kaliwanagan ng bilog na buwan, sa steady-ing ilaw ng mga gusali't establisyemento, sa gumagalaw na mga sasakyan. Ang hangin ay malayang tumatama sa aking mukha kaya't patuloy sa pagsayaw sa saliw ang aking buhok. Tanging pajama-ng puti at sando lamang ang suot ko. Ang kanang binti ko'y nakabitin sa labas habang ang kaliwa ay nakahilata sa amba ng bintana. Magulo ang isipan ko. Punong-puno iyon ng katanungan, ng galit. Ang dibdib ko'y pinupuno ng kalungkutan. Kumikirot iyon. Hindi ko na alam kung anong ginawa nya, kung umalis ba sya, kung umuwi o may pinuntahang iba, buhat noong iniwanan ko sya matapos nya akong sagipin sa kamuntikan ko ng pagkakabunggo. Ang akala ko'y matatapos na ang lahat kung makikipagk
Last Updated: 2021-09-19
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status