Chapter: Chapter 9"Bree, anong nangyayari sa'yo? Nasaan ka?"“Adam, hindi ko hahayaan na malusutan mo ang pananakit mo sa pamangkin ko. Hindi mo malulusutan ang kasalanan mo nang gano'n na lang. Kung hindi na mahalaga sa'yo ang babaeng ito, eh 'di maghintay ka na lang para kunin ang bangkay niya rito!”Umaalingawngaw ang boses ni Ismael sa kabilang linya—galit na galit.“Wag kang magpadalos-dalos!” sabi ni Adam.Halatang natatakot si Adam dahil sa panginginig ng kanyang boses.Kahit arogante siya, kapag tungkol na kay Bree, saka lang siya kinakabahan at natataranta.“Pumunta ka rito kung ayaw mong mamatay ang babaeng ito!”Matigas na wika ni Ismael Russo bago ibinaba ang tawag. Ilang sandali pa, nakatanggap na ng address si Adam.Habang si Ismael ay galit na tumingin kay Bree, matalim ang mga mata nito nang magsalita.“Dahil sa'yo, nasira ang isang pamilya. Isa kang walang hiya at makapal ang mukha—kabit!”“Hindi 'yan totoo! Una kong nakasama si Adam!” napailing si Bree at mariing itinanggi ang pagigin
Last Updated: 2025-04-16
Chapter: Chapter 8“Bakit ganito?!”Sigaw ni Isabella kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Tila may bumara sa kanyang puso na siyang nagpahirap sa kanyang paghinga.Alam niyang bumalik na sa langit si Aaliyah.Dumating si Aaliyah sa mundong ito, nakita niya ito, ngunit hindi niya nagustuhan at nadismaya siya sa kanila. Kaya bumalik na siya, at hinding-hindi na muling babalik.“Aaliyah, patawarin mo ako. Patawarin mo ako!”Nanginginig ang boses ni Isabella habang mahigpit na yakap ang anak. Hinalikan niya ito nang paulit-ulit habang hawak ang malamig na mukha ni Aaliyah gamit ang nanginginig niyang kamay.Masyado siyang naging matigas ang ulo, ipinilit ang sarili kay Adam. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi siya karapat-dapat na maging ina ni Aaliyah. Hinding-hindi na babalik ang kanyang anak!Kalmado na si Isabella. Siya mismo ang naghugas at nagbihis kay Aaliyah ng paboritong rosas na damit nitong pang-prinsesa. Nais niyang lumisan ang anak sa mundong ito na maganda ang anyo. Ibibigay niya ang
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: Chapter 7Nagkakagulo na ang buong ospital dahil kay Aaliyah, ngunit blanko ang isipan ni Isabella. Maliban sa mga sigaw at yapak ng mga paa, wala siyang naririnig na kahit ano."Ayos ka lang ba, Miss Russo?"Iwinagayway ng doktor ang kanyang kamay sa harapan ni Isabella.Tumingin si Isabella sa doktor nang siya'y makabalik sa ulirat. Biglang nagbalik ang kanyang katinuan.“Kumusta ang anak ko?”“Sa ngayon ay ligtas na siya, pero bigla ang paglala ng kanyang kondisyon. Kailangan niyang manatili sa ICU. Seryoso na ang kanyang lagay. Saka lang natin malalaman kung posible ang operasyon kapag naging maayos ang kanyang vital signs.”“Ms. Russo, ang kailangan sa kondisyon ng bata ngayon ay operasyon…”Hindi na natuloy ng doktor ang sasabihin pa—alam na ni Isabella ang ibig niyang ipahiwatig. Wala rin itong saysay. Lalo lamang itong magiging pahirap para kay Aaliyah.Hindi niya matatanggap na ganoon na lang ang katapusan. Kahit na pinakamaliit na pag-asa, hindi niya ito susukuan. Hindi niya kayang ma
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 6“Ah, Adam… pag-usapan n'yo nang maayos 'yan ni Miss Isabella. Huwag kang gumawa ng eksena. Gusto ka lang namang kausapin ni Miss Russo,” saad nito habang hinihila ang sulok ng damit ni Adam.Nakapaloob sa mga mata ni Bree ang bahagyang hinanakit, ngunit pinilit niyang ipakita na siya'y mahinahon at makatwiran.Tila nabasa ni Adam ang tunay na damdamin ni Bree sa kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng pagkainis, ngunit tumango pa rin siya at lumayo nang bahagya.Habang si Isabella naman ay hindi alam kung paano sisimulan ang usapan. Hindi na niya maalala kung kailan ang huli nilang pribadong pag-uusap ni Adam.Samantala, halatang nawawalan na ng pasensya si Adam kay Isabella.“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Dinadala mo ang anak mo sa ganitong lugar para manggulo? Isa ka pa bang ina?” bulyaw niya kay Isabella.Matinding pagkasuklam ang naramdaman niya. Inisip niyang ginagamit ni Isabella ang kanilang anak upang muling makuha ang kanyang atensyon.“Nangako ka sa akin, Adam, na sasam
Last Updated: 2025-04-11
Chapter: Chapter 5Si Aaliyah ay inuubo nang inuubo.Halos hindi na siya makatayo dahil sa malakas niyang pag-ubo.Paluhod siyang bumagsak sa sahig at sa isang ‘puff’ lang, isang bungkos ng dugo ang lumabas sa kanyang bibig.“Aaliyah!” Dagling lumapit si Isabella sa anak habang nanginginig ang boses.Namumutla ang labi ni Aaliyah kahit na namumula ang kanyang mga pisngi.“Ayos lang po ako, Mommy…” pilit niyang pinapakalma ang ina upang hindi ito mag-alala nang husto.“Pupunta tayo sa ospital, anak.”Agad binuhat ni Isabella ang anak.Mahigpit na kumapit si Aaliyah sa kanyang ina, habang mapupula ang kanyang mga mata.Agad na dinala ni Isabella ang anak sa pinakamalapit na ospital.Sinuri agad ng doktor si Aaliyah pagkapasok nila sa klinika.Pagkatapos ng pagsusuri, naghintay muna sila sa labas para sa resulta.“Mommy, galit ba sa akin si Daddy?”Sa wakas, nailabas din ni Aaliyah ang kanyang tunay na nararamdaman tungkol sa ama.Hindi agad nakasagot si Isabella.Sinarili na lamang niya ang mga gustong sa
Last Updated: 2025-04-11
Chapter: Chapter 4Mukhang nakalimutan ni Lyra na i-block si Isabella sa kanyang social media account dahil nakita ni Isabella ang post niya.Naningkit ang mga mata ni Isabella at napawi ang emosyon sa kanyang mukha.Ang pares ng diamond earrings na ibinigay ni Adam ay ibinalik na kay Bree ngayong araw.Para kay Adam, si Bree lamang ang mahalaga. Habang nakapikit si Isabella, gumuhit sa kanyang labi ang isang mapait na ngiti.Lalakad na sana siya nang…Biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong tiningnan at binasa ang bagong mensahe."Isabella, babalik na ako sa Pilipinas."Itim ang avatar.Mga initial lang ang nakalagay: "MES."Ilang taon nang nasa contact list niya ang numerong iyon.Anim na taon na rin silang walang komunikasyon.Nanatiling tahimik si Isabella, kahit na may bigat siyang naramdaman sa paghinga.Samantala, sa loob ng kumpanya ni Adam...Alas-4:20 ng hapon nang matapos ang isang mabigat at mahabang meeting. Saka pa lamang nakalabas si Adam mula sa conference room. Saka rin ni
Last Updated: 2025-04-10