Billionaire's Reluctant Girl

Billionaire's Reluctant Girl

last updateLast Updated : 2025-01-29
By:  AneerimaOngoing
Language: English
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
34Chapters
866views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

ALICE RILEY “I like you; you’re a wonderful girl. But your stubbornness? I can’t deal with that. Unless you change—” Before he could finish, I said goodbye and walked out. Just a week into dating, and all he could see was my so-called obstinance. Honestly, dating wasn’t my thing. Men admired my looks, sure, but my mind? That was a different story. A few dates were all it took for them to brand me as headstrong or argumentative. I was okay with that. I had no intention of changing myself to fit someone else’s expectations. Then came Vivian Scott, the enigmatic CEO of Scott Group. He was unlike anyone I’d met before. Why wasn’t he running for the hills like the rest? Did he actually think he could tame me, bend me to his will? VIVIAN SCOTT I had everything a man needed to make women swoon—looks, power, status, and wealth. Becoming the CEO of Scott Group at a young age had made me responsible, but it hadn’t dulled my appetite for fun. Whenever I encountered a beautiful woman, I knew exactly how she’d react. I never missed an opportunity to tease and charm my way into her good graces. It was all harmless fun—short-lived and never serious. That was until I met Alice Riley. Alice was gorgeous, no doubt, but it wasn’t just her beauty that intrigued me. Her sharp wit and unyielding attitude set her apart. She wasn’t like the women I’d known before. Unfortunately for her, she thought that throwing up walls and flaunting her defiance would keep me at bay. What’s more thrilling than conquering the impossible? I was determined to bring her to my track! __________ Cover Image Credit: Image by Freepik

View More

Chapter 1

1. Alice in a Wrong Place?

Hindi kailanman naisip ni Beatrice na ang kanyang fiancé na si Albert ay aalis para sa isang business trip, at ang kanyang magiging biyenan na si Minda ay  ipapahamak sya at ipagkakanulo upang magamit ng ibang lalaki Hindi! Hinding-hindi nya hahayaan na magtagumpay ang kasamaan ng babaeng iyon!  Nagpupuyos ang mga kamao at nanggigil habang itinatayo  ang kanyang mahina at pagod na katawan sa malambot at hindi pamilyar na kama na kanyang kinalalagyan, pilit na pinipigilan ang kanyang galit na kanina pa gusto kumawala. Ngunit bago pa man siya makatayo, narinig niya ang galit na boses ng isang lalaki sa madilim na silid.

"Sino ang nagsabi sa'yo na pumunta rito?"

Bahagyang umawang ang kanyang mga labi, hindi maisip kung ano ang nais nitong sabihin, ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag, mahigpit na hinawakan ng galit na lalaki ang kanyang pulso at marahas siyang hinila pababa mula sa kama. Sa isang malakas nitong hila ay agad na bumagsak si Beatrice sa carpet. Isang malamig at malakas na boses ng lalake ang umalingawngaw sa kwarto “Lumayas ka dito” pagalit na sigaw ng lalaki.

"H-Hindi ko... hindi ako makatayo..." Pilit na paliwanag ni Beatrice, ngunit nang sya ay magsalita, tila huni ng isang kuting ang lumabas sa kanyang bibig, may kaunting lambing at tila ba nang aakit. Napahiya siya sa tunog ng kanyang boses. Ngunit sa hindi inaasahan, sa mga sumunod na sandali, may malamig na hangin ang dumapo sa kanyang katawan  at agad sya hinawakan nag lalaki sa braso na may labis na kasabikan.

"Ikaw pala!" Ang boses ng lalaki ay tila nasorpresa at punong puno ng kagalakan.

"H-Hindi... nagkakamali ka... um..." Bago pa man matapos ni Beatrice ang kanyang sinasabi, nahagilap ng labi ng lalaki ang kanyang mga labi. Nangibabaw ang labis na kasabikan ng lalaki. Naamoy nya ang malakas na amoy ng sigarilyo at pilit na iginagalaw ng lalaki ang kanyang dila habang marahas sya nitong hinahalikan. Marahas, may pwersa at tila ba gusto nitong ubusin ang kanyang hininga. , ngunit lalo siyang kinontrol ng lalaki. Walang nagawa si Beatrice kundi ang sumunod na lamang. 

Sa mahabang gabi, napaisip sya kung hanggang kelan kaya matatapos ang kalbaryong ito na kanyang kinasasadlakan. Kahit na nakaligtas sya sa panggigipit ng magulang ng kanyang estudyante nitong hapon, naisip nya ano naman kaya ang kapalarang naghihintay sa kanya.

Napasinghap siya nang biglang may naramdamang kirot sa kanyang balikat.Madiin ang pagkakakagat sa kanya ng lalaki at tila ba nagreklamo pa na may halong pagdaramdam, "Mag-focus ka." utos nito

Matapos nuon ay mas matindi pa ang pag aangkin na ginawa sa kanya ng lalaki upang hindi sya makapag isip ng tama at ang tangi nya na lang nagwa ay ang sumunod na lamang sa kung ano ang nais nito. Kinabukasan, pagmulat ng mga mata ni Beatrice, kanyang napagtanto na maayos naman ang kanyang pananamit agad na guminhawa ang kanyang pakiramdam at nabawasan din ang kahihiyan na kanyang nararamdaman. Ngunit ng kanyang muling maalala ang nangyari noong nakaraang gabi, ay agad syang napabalikwas sa pagkakahiga at agad na napaupo sa kama. Gulat at tila ba hindi makapaniwala sa lalaking nakapwesto sa kanyang harapan. Ang naturang lalake ay nakaharap sa may bintana kung saan nasisinagan ng araw. Ito ay may suot na salamin na may gintong frame. Ang tikas nito ay parang kagalang galang at edukado. 

Matikas ito. Bagamat nakaupo ito sa kanyang wheelchair, maaninag na may sinasabi ito sa buhay. Nang maaninag nya ito ng malinaw, nagulat sya at napasigaw, “Ti………..Titooooooo?tito Marcus”

Halos tumalon ang puso ni Beatrice sa labis na kahihiyaan at kaba na kanyang nadarama.  

Halos nalapastangan sya kahapon ng isa sa magulang ng kanyang estudyante. Upang maipagtanggol ang kanyang sarili, pinukpok nya ito at tumakbong umiiyak habang hinahanap ang kanyang fiance. Noong mga oras na iyon ay sobrang busy nito na nag iimpake ng kanyang mga gamit na dadalhin para sya kanyang business trip sa Estados Unidos.

Malungkot syang naiwan sa pangangalaga ni Minda, ang kanyang magiging biyenan. Sino nga ba ang mag iisip na matapos nyang inumin ang gatas na inihanda ni Minda pra sa kanya ay magigising sya sa kama ni Marcus, ang tiyuhin ni Albert na naging embalido matapos nitong masangkot sa isang aksidente.

“Bakit? Bakit dito pa, bakit sa kanya pa? Kay Marcus na tiyuhin pa ng aking mapapangasawa?” tanong ni Beatrice sa sarili na may halong kahihiyan at pandidiri sa sarili.Sa sobrang kahihiyan na kanyang nararamdaman, parang gusto nya ng maghukay ng malalim at duon ay magtago na lamang.

“ Panangutan ko kung anoman ang nangyari kagabi” narinig nya ang malambing at malumanay na boses ni Marcus. Pinaikot at inilapit ni Marcus ang kanyang wheelchair patungo sa dalaga. Ang mga mata ni Marcus ay nangungusap at tila may nais ipahiwatig. Ang malamlam, mapupungay at napang akit na mga mata ni Marcus ay labis na nakapagpabighani kay Beatrice. Muli itong nagsalita, “Syempre, dapat hindi mo ako ikakahiya at hahamakin dahil sa isa akong walang silbing tao. Kung handa ka na. magpakasal tayo. Pakakasalan kita at pananagutan kung anoman ang nangyari” ani ng lalaki

“Magpakasal?” nabiglang tanong ni Beatrice.

Napuno ng kasiyahan ang mga mata ni Beatrice. Bago ang nangyari kahapon, gaano niya ba gusto at hinangad na maayos agad ang kanilang kasal upang hindi na magamit ng kanyang pamilya ang maduduming paraan upang makontrol siya. Kaya't nagmadali siyang hanapin si Albert, umaasang makumbinsi ito na kumuha na sila ng marriage certificate at makapagpakasal na kaagad. Ngunit inakala naman ni Albert  na  labis lang na nag dadrama si Beatrice kaya tinanggihan nya ito..

Hindi nya talaga inasahan na ang mga salitang ito at ang pagyayaya ng kasal ay maririnig nya ng ganong kadali kay Marcus,ang tiyuhin ng kanyang nobyo.

"Ako..."  Sa isang saglit, nais ni Beatrice na sumang-ayon na lang, anuman ang magiging kahinatnan, at tuluyang makatakas sa kontrol ng kanyang pamilya! Ngunit nang bumalik ang kanyang diwa, natakot siya nang husto at patuloy na umiling.

Hindi, hindi maaari! Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang  tiyuhin ng kanyang fiancé! At kilala ito sa pagiging walang awang tao. Kaya nitong gamitin ang kanyang kapangyarihan at kayamanan sa kahit anong gusto nyang gawin sa buong Pilipinas. Ayaw nyang masangkot o madikit man lamang sa ganitong uri ng tao.

Nang makita sya ni Marcus, agad itong natawa sa kanyang sarili. Napailing din ito naging seryoso ang gwapo nitong mukha  "Ayos lang," sabi niya nang may mapait na ngiti. "Naiintindihan ko. Sino ba namang normal na tao ang gugustuhing makasama ang isang walang silbing tao na tulad ko habang buhay?"

Napaawa si Beatrice kay Marcus, ngunit ano nga bang magagawa nya. Noong mga panahong yun ang nais nya lang naman ay makatakas sa sitwasyon na meron sya. Kaya nasambit nya na lang, “ Marcus, kung wala ka ng kailangan, mauna na po ako?”

Papatayo na sana si Beatrice ng biglang manghina ang kanyang mga tuhod. Agad syang natumba papalapit sa nakawheelchair na si Marcus. Agad syang sinalo ni Marcus. Ang kanilang mga katawan ay naglapat. Muling naalala ni Marcus ang nangyari nuong gabi napalunok sya at pinagpawisan ng malamig. Samantalang si Beatrice naman ay namula,lalo na ng mapasandal ang kanyang katawan sa matigas na dibdib ng lalaki. Nahihiya sya sa pangyayari. Nais nyang tumayo ngunit ang kanyang mga tuhod ay sobrang nanlalambot. Wala itong lakas. Nang mapansin ito ni Marcus, napatanong sya sa dalaga “ nasobrahan ba ko kagabi upang manghina ka ng ganyan?”

Agad na namula ang mukha ni Beatrice, parang nilutong alimango. Pinipigilan ang kilig, itinulak niya ang dibdib ni Marcus at pinilit na tumayo na may kaunting inis. Kanina, nakaramdam siya ng hindi pa naranasang pakiramdam ng seguridad. Ang pakiramdam na iyon ay nagbigay sa kanya ng kaluwagan, ngunit sa susunod na sandali, gusto niyang pagalitan ang sarili. Anong iniisip ko! Ang lalaking ito ay tiyuhin ni Albert! Labis na nahihiya si Beatrice at gusto na niyang magtago sa isang butas. Ngunit si Marcus, na parang hindi alintana ang kanyang kahihiyan, inabot at dahan-dahang hinawakan ang kanyang pulso at nagtanong, "Masyado ba akong agresibo?"

Gulat na gulat si Beatrice at mabilis na inalis ang kamay ni Marcus. Ang pag-iling ay mali, at ang pag-nga-nga naman ay mali rin. "Pasensya na..." humingi ng tawad si Marcus ng seryoso. Tumango naman si Beatrice dahil sa nakikita nyang pagiging sinsero ni Marcus sa kanyang mga sinasabi. Ang taong ito... parang medyo iba siya kumpara sa mga narinig niyang kwento. Ngunit hindi inaasahan, sa susunod na sandali, seryosong inamin ni Marcus sa kanya. "Pasensya na, hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa kagabi..." Ang mukha ni Beatrice ay biglang namula, na kanina lamang ay kalmado na. Ano ba ang nangyayari sa kanya! Bakit siya nakikipag-usap tungkol sa kung bakit iyong nagawa kagabi ng tiyuhin ng kanyang fiancé? Tumingin si Marcus sa nakakandong na babae at bahagyang napaawang ang kanyang labi. Sa oras na iyon, narinig nila ang malakas na katok sa pintuan sa labas, at halos masira na ito sa sobrang lakas ng katok sa pinto. "Marcus,  buksan mo ang pinto!"

"Marcus, hayop ka, palabasin mo ang aking manugang!"

Ang lakas ng sigaw sa labas ay labis na nagpabigla kay Beatrice. Ang kaninang namumulang mukha ay biglang namutla na para bang naibabad ito sa suka. Si Minda yun. Ang ina ni Albert na kanyang mapapangasawa. “ Hoy Marcus, kung hindi mo bubuksan ang pinto, sisirain ko ito”

Kinatok ng malakas ni Minda ang puntuan. Sa sobrang lakas, nagpanic si Beatrice at nakalimutan nyang ang matandang babae nga pla ang dahilan kung bakit naroon sya sa loob ng kwarto ni Marcus. Hinawakan ni Marcus ang kanyang kamay. “ Huwag kang mag alaala, ako ang bahala” pagbibigay nito ng seguridad sa babae.

Pagkalipas ng ilang sandali, binitiwan ni Marcus ang kamay ni Beatrice. Madahang itinulak ang kanyang wheelchair papalapit sa kama. Inayos nya ang nooy magulong mga kumot. Napanmsin nyang may bahid ng pulang mantsa sa kama. Agad nya itong tinakpang ng kumot. Samantalang si Beatrice naman ay tinititigan ang lalaki. Hindi sya makapaniwala na ang lalaking ito, ang tiyuhin ng kanyang nobyo ang syang makakakuha ng kanyang dangal. Sa isang click, agad na bumukas ang pinto. Si Minda nooy nasa labas ng kwarto ay nagmamadaling pumasok sa loob.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

user avatar
Rekha K S
Interesting plot. I like how the characters seem different and engaging.
2024-01-12 22:46:17
1
34 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status